Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22: Just You

Heya! I posted some photos about FNGT on my Instagram, Twitter, and Facebook pages! Nakita n'yo na ba? ;)

Share n'yo ha! Love you, royalties!

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

CHAPTER 22

JUST YOU

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

"THE BITCH is finally back." Nakangising sambit ni Janica habang nakaupo sa cafeteria katabi ng kasintahang si Kaleb. Kasalukuyang nakatitig sa paparating na magkasintahan na ilang linggo nilang hindi nakita matapos ang mga klase.

"Since when did I become a bitch?" Nagtatakang tanong ni Crystal sa kaibigan sabay baba ng bag sa mesa. Ipinaghila naman ni Ymannuel ito ng upuan bago umupo sa kanyang tabi.

"Not you, Crys. I was referring to your fiancé here," natatawang sambit ng kaibigan. Maging si Kaleb ay natawa rin.

Lumukot ang noo ni Crystal at napatingin rin kay Ymannuel na magkatagpo na rin ang mga kilay. "What the hell, Janica?" Tanong ni Ymannuel sa kaivigan ng nobya. Hindo makapaniwala sa salubong nito sa kanya.

"You might be with Crys right now but the whole university knows you went home before with that professor!" Nagrolyo pa ito ng mga mata.

Naparolyo ang mga mata ni Ymannuel saka lumingon pabalik sa kasintahan. "Alam ko na ngayon kung kanino mo nalaman." Napasapo ng noo si Crystal at napakagat sa iba ang labi. Nahuli na s'ya ni Ymannuel sa kanyang lihim.

Dalawang araw na magmula nang bumalik sila sa States. Hindi sila kaagad pumasok dahil kinailangang makapagpahinga mula sa jet lag sanhi ng mahabang byahe pati na rin mga pag-eksamin kay Crystal sa ospital. Naka-urgent lahat ng kanyang mga tests pero pinayagan naman s'yang pumasok basta hindi magpapagod.

"Sorry na kasi," ngumuso si Crystal sa kasintahan.

Isang ngisi naman ang ibinigay ni Ymannuel sa dalaga. "Don't worry about it, baby. Okay na 'yun. Basta malinaw na sa 'yo. Hmm?"

Tumango si Crystal ngunit biglang lumapit ang nobyo sa kanyang mukha. "Yes, 'By."

"On a second thought, should I punish you?" Mapaglarong tanong niya sa kasintahan.

Naningkit ang mga mata ni Crystal. "I wonder what you'll do?" Mabusisi at mapaglaro niyang tanong.

"I'm thinking of tying you up on our bed and making out with you until your lips becomes swollen," saad nito.

Napakagat s'yang muli sa labi. "How come I like the sound of that?" Patuloy na naglalapit ang nukha ng dalawa at nakalimutan na ni Crystal kung nasa'n sila ni Ymannuel.

Biglang tumayo si Janica at lumikha ito ng ingay sa cafetieria. "Oh my, God! Get a room, you two!"

"Sweety, just let them be," ani Kaleb. "You know we're much worse in PDA than these two," dagdag niya bago sakupin ang labi ng nobya. Hindi na napigilan nina Crystal sa matawa sa kanyang baliw na mga kaibigan.

LOOKING AT the breathtaking scenery, Connor felt relieved and satisfied. Naakyat niya ang Mt. Pulag ng halos dalawang araw at sulit na sulit ang kanyang biglaang pagsama sa ekspidisyon.

Ubod ng ganda at payapa ang lugar. Animo'y nasa ibabaw s'ya ng langit dahil sa makapal na kumot ng ulap na bumabalot sa ibaba. Maraming malalaking tipak ng bato sa paligid at mukhang ginagawa na talagang tambayan ng mga nabisita roon.

"Sir, gusto mong magpalitrato? Kukuhanan kita d'yan." Tanong ng hiker at guide nila.

Napangiti si Connor. "Oo sana, boss. Ngayon lang ako nakarating dito. Ang ganda." Inabot ni Connor ang kanyang cellphone sa lalaki at kinuhanan nga ito ng mga litrato.

"Ito, sir."

"Salamat," aniya sabay tanggap ng kanyang cellphone. Sinilip n'ya ang larawan at maganda ang kuha niya. "Photographer ka, boss?"

Napatawa ang lalaki. "Hindi naman. Nasanay lang sa pagkuha ng litrato ng mga dumadayo. Bakit naitango n'yo sir?"

Umiling si Connor. "Wala naman ho. May kilala lang akong photographer. Paniguradong matutuwa s'ya kung s'ya ang narito."

"Bakit ka nga pala naparito mag-isa? 'Di ka ba nababagot na ikaw lang ang walang kapareha dito?"

Lumingon si Connor sa mga kasama nila sa pag-akyat ng bundok. May dalawang magkasintahan na kapawa mga baguhan sa pagakyat at may bagong kasal na mahilig maghiking. Ang guide nila ay kasama rin ang partner nito na tinutulungan ang iba sa pagkuha ng kanilang mga litrato.

Tama ang lalaki. He was out of place. He was alone.

"Ayos lang, boss. Sanay na naman ako."

"Anong kwento n'yo, sir? Heartbroken?"

Tuluyang natawa si Connor sa narinig. "Mukha ho bang heartbroken ako?"

"Aba, sa panahon ngayon, marami ang magagaling magpanggap. Alam mo ba, hindi na materyal na bagay ang itinatago ngayon. Feelings na!" May pagmamalaki nitong saad. "Marami-rami na rin ang sumama sa hiking namin na heartbroken."

Napailing at pigil na ang ngisi ni Connor sa narinig. Natamaan s'ya— iyon ang totoo.

"Siya ba?" Bumalik ang atensyon ni Connor sa kausap.

"Ho?"

"'Yang nasa phone mo. S'ya ba ang girlfriend mo?"

Bumaba ang kanyang tingin sa cellphone at wala na pala ito sa camera kundi sa homepage kung nasaan ang litrato nila ni Crystal ilang taon na ang nakakalipas. Nakaakbay si Crystal sa kanya at naka-peace sign ang kabilang kamay. Kaarawan n'ya at iyon lang ang hiningi n'yang regalo.

Ito ang litrato na naghamon pa si Ymannuel para sirain ang kanyang cellphone dahil sa selos pero napapayag rin ni Crystal sa huli na hayaan si Connor na may litrato nila dahil nga sa kaarawan nito.

Para kay Connor, hindi pansin ni Crystal na may abilidad itong diktahan ang dapat maramdaman ng ibang tao. She swooped Ymannuel's world and made it hers. Now, she was his world. Para kay Connor, she took his heart unconsciously. Now, he's paying the price— heartache.

"Naah, hindi ko s'ya girlfriend. May fiancé s'yang iba," may kirot sa dibdib n'yang pag-amin.

"Pero mahal mo," dagdag ng lalaki. Hindi man lamang iyon isang tanong. Isa iyong siguradong pahayag. "Napakapersonal ng mga cellphone at dahil ginawa mo ang litrato n'yo na wallpaper, nasisigurado akong mahal mo s'ya."

Napangisi si Connor. "Gaano ka naman kasigurado, boss? Puwede namang crush ko lang kaya ko wallpaper."

"Matanda na ako at naka-ilang jowa na. Pero sa nakikita ko sa 'yo... sa mga mata mo... hindi lang basta simpleng gusto 'yan. Halos kuminang 'yang mga mata mo habang nakatingin sa picture n'yo."

Lalong napatawa si Connor. "We're not meant to be for each other in this world."

"Bakit naman? Ligawan mo kasi."

"Naah. Tanggap ko na naman na sa buhay naming ito, hindi ko talaga kayang pumantay sa kanya," pagtukoy nito kay Ymannuel.

'Di n'ya malilimutan ang masamang tingin at pagbabanta nito sa kanya noong kaswal n'yang inanunsyo na manliligaw s'ya kay Crystal.  He wasn't just mad. He was furious. Ymannuel would do anything to take him down. Anything.

In the end, si Crystal pa rin ang tumanggi sa kanya. Aniya, hindi iyon dahil sa pagseselos n nikkii Ymannuel pero dahil sa kakaunti n'yang oras, hindi n'ya planong aksayahin. nakalaan lang ito para kay Ymannuel.

"Malay mo naman," dagdag ng lalaki.

Umiling si Connor. "Not in this lifetime, but maybe in the after life."

"Iba ka rin, sir," ang guide naman ang natatawang umiiling. Parang hindi sigurado kung s'ya ba ay paniniwalaan nito. "Pa'no, puntahan ko muna ang iba. Tatawagin na lang kita kapag mag-aayos na."

"Sige, boss. Salamat."

Naiwan na s'ya sa kinaroroonan habang nagkukuhanan ang mga kasama ng litrato. Tumalikod s'ya sa mga kasama upang pagmasdan ang kapaligiran.

Gusto n'ya doon. Payapa, malinis, presko, at parang mas malapit sa kalangitan.

For the past years, mas madalas ay puro puti ang nakapaligid sa kanya— puting kisame, puting pader, puting mga muwebles— he started disliking the color since it reminded him of reality.

Connor could relate to Crystal's thoughts about hospitals. Alam niyang ayaw ng dalaga doon pero hindi nito sinasabi dahil una, kailangan ni Crystal ang parating bumalik doon, at ikalawa, gusto ni Ymannuel na maging isang doktor.

Napatawa sa sarili si Connor. Hanggang sa mga oras na iyon, si Crystal pa rin talaga ang nasa isip niya. Ahh... It's just you, Crystal. No one else, he thought.

Kinuhanan ni Connor ang mga ulap bago ipinost sa kanyang Instagram account. A painful smile drew on his Chinito face as he typed the caption: Time is precious. Make use of it properly.

Ibinalik na muna nito ang cellphone sa bulsa nang walang anu-ano ay nakaramdam ito ng pagsakit ng kanyang ulo at kaliwang mata. Isang matinis at nakakarinding tunog din ang bumabagab sa kanyang tainga. Napahawak s'ya sa mga ulo at tainga ngunit wala itong nagawa.

"Fuck!" Mura nito sa sarili sabay upo.

Inabot ni Connor ang kanyang bag at kaagad kinuha ang niresetang gamot. Dali-dali n'ya itong ininom.

Mas dumadalas...

Napasandal s'ya sa tipak ng bato habang nakapikit ang mga mata at nakasabunot sa sariling buhok. Umaasa namang binata na tatalab kaagad ang gamot.

Please work... please.

"Sir, ayos ka lang?" Dinig n'ya sa 'di kalayuan ngunit wala s'yang lakas na makatingala dito. He could only hope for the pain the leave him.

And slowly, everything faded to black.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Please support the story by commenting and voting!

PrincessThirteen00 © 24 05 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro