Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21: Fragile

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

CHAPTER 21

FRAGILE

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

NAGISING si Crystal sa pagtuloy na pag-vibrate ng kanyang cellphone sa bedside table. Lumingon s'ya sa tabi at wala roon si Ymannuel. Marahil nasa baba na ito at nakikiososyo sa pagluluto.

Nang maka-uwi sila mula sa ospital ay kaagad s'yang pinagpahinga ni Ymannuel. Kahit na igigil nito na puro pahinga na s'ya ay iyon pa rin ang hiling ni Ymannuel sa kanya.

Makikipagtalo na sana s'ya dahil nauubos ang kanyang oras sa puro pagpapahinga ngunit nakita n'ya ang lungkot at pagod sa mukha ng kasintahan. It just kept on breaking her from the inside.

Ymannuel is doing everything to save her... to keep her breathing amd lookimg forward to another day. But for how long?

Bumalik ang kanyang atensyon sa nagri-ring na cellphone. Nakita ni Crystal ang pangalan sa caller ID— si Connor. Agad n'ya itong sinagot.

"Hey, Crys," malambing nitong bati.

"Connor?" Parang hindi makapaniwala si Crystal sa lambing ng boses ng binata. Alam n'yang malambing na ito ngunit iba ang tunog nito sa telepono. Mas malambing pa ito sa normal.

"The one and only."

"Kumusta? Something wrong?"

Narinig n'ya ang mahinang pagtawa ni Connor sa kabilang linya. "Kailangan bang may problema bago kita tawagan?"

Napatawa rin si Crystal. Marahil ay hindi na s'ya sanay na basta ito tatawag gaya ng dati. Matagal na rin naman kasing naputol ang komunikasyon nilamg dalawa noong basta umalis ang binata.

"Hindi naman. Nanibago lang. I mean... We did see each other a week ago. Nasaan ka?"

"Nandito pa rin sa Pinas, naglilibot."

"Daming free time. I'm jealous," hindi n'ya napigilan ang boses na lumungkot.

Gusto n'yang maglibot rin, mag-isa man o kasama si Ymannuel. Ngunit ngayong inatake s'ya, imposible pa iyong mangyari.

"Hey, Crystal..."

"Hm?"

"Tanda mo noong may umaway sa 'kin dahil sa pagiging payatot ko?"

This time, si Crystal naman ang natawa. "Of course. Paano ko makakalimutan 'yun? That's how we met."

"And that was the only day I thought you were a badass," biro nito. Memorya iyon noong hayskul sila. Kahit mula sa ibang level ay tinulungan pa rin s'ya ni Crystal mula sa mga bully. He was an introvert and she was the sunshine for him.

"Hoy, grabe ka! Mabait kaya ako." Umupo ng maayos ang dalaga at sumandal sa headrest.

"But you won't let anyone mess up with my head or beat me up. You've always been my protector."

"Syempre naman. Ano pa't naging magkaibigan tayo?" Crystal twists her hair strands on her forefinger.

"And that's what I love about you." Biglang napahinto si Crystal.

"Connor..."

Love. It was such a heavy word that Connor is not afraid to use on her.

"H'wag kang mag-alala. Alam kong wala akong binatbat kay Ymannuel. Alam kong s'ya ang mahal mo. Kaya nga ilang beses mo na akong binasted, 'di ba?"

"Connor naman."

She heard him chuckle. "It's okay, Crystal. I understand it naman. I was just really pushing my luck if I had the chance to make you turn to my direction. Seems like I already lost before the battle even began."

"Sabi ko naman sa 'yo dati pa, naniniwala ako na makikita mo ang babae na para sa 'yo talaga. Just trust in perfect timing. Ramdam ko na malapit na 'yan... Ang alam ko lang ay hindi ako ang babaeng iyon dahil na kay Ymannuel ang puso ko. Si Eman ang nagpatibok nito at dahilan ng patuloy kong paglaban."

Biglang natahimik ang kabilang linya. "Connor—?"

"He's a fucking lucky bastard."

"Connor!" Hindi napigilan ni Crystal ang mapailing sa pagtawag ni Connor ng ganoon sa kanyang nobyo.

"I'm being serious here, Crys. Naisip ko, kung ako pala ang una mong nakilala bago s'ya, nagkaroon kaya ako ng tsansa sa 'yo? Papayagan mo kaya akong manligaw sa'yo? Sasagutin mo tapos magtatagal tayo?"

Napalunok si Crystal.

"I wish I could tell you what you want to here, Connor, but you know I can't. I can't lie... I don't want to lie to you. Alam kong alam mo na si Ymannuel ang mahal ko. Kahit ikaw ang una kong makilala, alam ko mng gagawa ang tadhana ng paraan upang magkakilala kami dahil sa puso ko, s'ya ang destiny at fate ko."

"See? I told you he's a fucking lucky bastard. I'm fucking jealous kahit wala akong karapatan. For once in my life, I want to be greedy even though I don't have the right... Even though there's no chance."

"Ano ka ba, Connor? Dadating din ang para sa 'yo talaga. H'wag ka g mawalan ng pag-asa. I promise you, the right girl will swoon you from your feet and make you the happiest man alive. Tapos kapag nag-look back ka sa past, matatawa ka na lang sa mga conversations natin." She tried making the conversation as ligh as she can possibly do.

"I wish it were that easy."

"Wala namang madali, Con," mapait s'yang ngumiti. "Pero sa totoo lang, tayo lang din naman ang nagpapakumplikado ng lahat. Iniisip natin na mahirap, iniisip natin na 'di natin kaya... pero kaya pala natin. Kaya ikaw, kahit anong mangyari, don't lose faith. Tiwala lang."

Another chuckle rang on her ears. "God... How can you do that?"

"Do what?" Nangunot lalo ang noo ni Crystal.

"You make it sound so easy. I feel like I will believe whatever comes out from your mouth."

"So if I say that pigs can fly, maniniwala ka?" Natatawa n'yang tanong.

"God, yes!"

"Don't be silly." Napatawa na lamang si Connor. "Anyway, I have to go now. Mag-aayos na ako ng gamit. Babalik na kami ng New York mamaya."

"Already?"

"Oo. Tuloy pa rin ang mga klase e. May mga deadline na kami ni Eman..." at lumalala na ang sitwasyon ko, dagdag n'ya sa isipan.

"I see. Thanks for the time, Crys."

"Okay lang! Ikaw naman." She smiled. "Let me know kapag nakabalik ka na rin sa Ney York, ha?"

She heard a defeaning silence before he spoke. "Okay. I..."

"Hmm?"

"I love you," aniya sabay patay ng tawag.

Napatigil si Crystal ng sandaling iyon ngunit piniling isantabi. Naipalinag na niya iyon kay Connor ngunit amg binata ang mapilit sa pagpapahayag ng kanyang damdamin.

Sakto naman na pumasok si Ymannuel na naka-jogging pants at puting sando.

Iwinaksi n'ya kaagad amg pinag-usapan nila ni Connor. Hindi na kailangan pang malaman iyon ng kasintahan upang hindi magselos. At wala rin naman s'yang gagawin na ipagkakaselos nito.

"Gising ka na pala."

Tumango si Crystal. "Yep."

"How was your rest?" Tanong nito sa may paanan ng kama.

"Okay lang naman."

"That's good. Tara na sa baba para makakain ka na. We'll need to get ready in a couple of hours," aniya.

"Okay, 'by."

Lumapit ito sa isang maleta at itinabi sa iba nilang maleta. Kaunti lamang naman ang dala nila pabalik sa States dahil naroroon naman na ang mga gamit nila. Pulos mga pagkain ang laman ng bagahe na hindi nabibili agad sa States.

Crystal could feel how hard iy must have been for Ymannuel right now. She has taken most of his time for herself. S'ya ang nag-aalaga dito sa halip na gawin ang gusto nito. Even his future, pakiwari niya ay pinangungunahan n'ya rin dahil sa nais niyong maging doktor para makahanap ng gamot para sa kanya.

It made her appreciate his efforts more but at the same time, she could feel that's she's already a burden to him and to his future.

"'By," pagtawag atensyon nito kay Ymannuel na kakatapos lamang kumuha ng damit na isusuot mamaya.

"Hmm?" Lumapit ito kaagad sa kasintahan.

"Can I you give me a kiss? Please?" Namumula n'yang tanong sa nobyo.

Batid nito ang gulat sa mga mata ni Ymannuel. Bigla itong lumayo at mukhang lalabas na ng silid.

"Huy!" Ngunit hindi s'ya nilingon ng binata.

Sa halip na lumabas ay ini-lock nito ang pintuan bago bumalik sa kanyang tabi. Napangiti s'ya. Ayaw lang pala nito na may makakita sa kanilang pribadong sandali. Hinaplos nito ang pisngi ng kasintahan.

"Baby, you don't need to ask or say please for it. You know I'm happy to oblige," hinaplos ni Ymannuel ang kanyang labi. "And if you ask it as a favor, I'm happy to return the favor ten times."

"Baliw ka talaga," natatawa n'yang bulong.

Marahang napakagat ng ibabang labi si Crystal habang nakatitig sa matingkad na kulay almond nitong mga mata.

"I love you, baby," she whispered softly.

"I love you most, 'by," he replied before his lips landed on to hers.

God, she was so in love with him that it hurts.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Please support the story by commenting and voting!

PrincessThirteen00 © 17 05 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro