Chapter 2: Condition
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
CHAPTER 2
CONDITION
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
"ARE you ready, Crys, baby?" Tanong ni Ymannuel sa dalaga habang nagsusuot ng puting sneakers nito sa kwarto nila.
"Malapit na! Wait lang!" Sagot ni Crystal na inaayos naman ang pagkaka-ipit sa wavy n'yang ombré na buhok mula sa banyo.
"Alright, babe. I'll pack your things now. Lumabas ka na lang, ha?" Anunsyo ng binata.
"Sure thing! Thank you, babe."
Kinuha ni Ymannuel ang handbag ni Crystal na nasa study room nila at inilagay na ang mga gamit nito mula sa handbag na ginagamit n'ya sa unibersidad. Kasama na sa mga nilipat na gamit ang wallet, make-up kit, suklay, shades, mga I.D.'s, panyo, bolpen at isang journal ng kasintahan.
Living under the same roof means you get used to the other person's hobbies, daily routines and know how they would think and act... well, that's how Ymannuel thinks and acts at least.
Nang matapos na si Crystal ay lumabas na ito ng kwarto at tinungo si Ymannuel na naka-upo sa couch at naglalaro sa kanyang cellphone. Mukhang kanina pa itong natapos sa pag-aayos rin ng gamit n'ya. Kandong ni Ymannuel ang pink handbag n'ya. Tumayo s'ya sa harap ni Ymannuel. "Babe, let's go na."
Nagtaas ng tingin si Ymannuel sa kanya at ngumiti. "Hi, beautiful. Saan ang lakad?"
Napangiti si Crystal sa kasintahan. "Walang lakad, sasakay ako ng sasakyan. Sama ka?"
"Of course. Ako pa ba ang tatanggi sa alok ng isang napakagandang binibini?" Kindat nito sa dalaga. Napatawa si Crystal.
Ganito sila araw-araw, laging s'yang sinasabihan ni Ymannuel sa mga nakakakilig na mga salita na akala mo'y manliligaw pa rin. But that's what Ymannuel told her before, kahit na engaged na sila noon pa man, he would be courting her every single day of their lives. And for her, kahit na wala pa silang ginagawa, just being with him is full contentment.
Sumakay na sila sa sasakyan ni Ymannuel at nagtungo na sa ospital para sa check-up. Pagdating nila doon ay derederetso na lamang sila sa department ng doktor ng dalaga sa halip na sa reception area.
Ang amoy ng ospital ay pamilyar na pamilyar na sa kanilang dalawa. Una, dahil isang medical student si Ymannuel. Accelerated din ito dahil sa angking talino at kakayahan kahit na may pagka-tamad itong pumasok sa klase. May mga guro pa itong nanghinayang sa talino at abilidad ni Ymannuel dahil sa pagkatamad nitong pumasok.
At ikalawa, dahil madalas ang check up ni Crystal doon. Basta ikalawang buwan o kung kinakailangan ay naroroon sila sa ospital. Kaya sa ayaw at gusto n'ya, malapit na talaga s'ya sa mga ospital.
Bago makarating sa opisina ay madadaanan muna ang reception area ng department kung saan kilalang-kilala na ang mukha nilang dalawa.
"Good morning, Annie," bati ni Crystal sa Amerikanang nars na busy sa pagtitingin ng listahan, marahil ng mga pasyente.
"Oh, good morning Ms Rodriguez and Mr Fuentes. You can go straight in. The doctor is expecting you," ngiti ng nurse sa kanila.
"Thank you!" Tumuloy na sila sa loob at ng hallway. Isang mapang-asar na ideya ang pumasok sa isipan ni Crystal. "Gumaganda lalo si nurse Annie, ah," aniya.
"Talaga?"
"Oo kaya. Mas nag-go-glow ang skin n'ya. Maganda ang kutis. 'Di mo nakita?"
"I never notice." Kinuha ni Ymannuel ang handbag mula sa kamay ni Crystal at inilingkis ang kamay ng dalaga sa kanyang braso. Nag-init ang pisngi ni Crystal dahil wala talagang pinipiling lugar si Ymannuel kung saan magiging sweet.
"Why?"
Itinaas ni Ymannuel ang kamay ng kasintahan at hinalikan ang likod ng palad nito. "Ikaw lang kasi ang nakikita kong maganda."
"Sus, bolero ka talaga, babe." Pinisil ni Crystal ang kamay ni Ymannuel. "So hindi maganda sina mommy Belle at ate Sammy?" Pagtukoy nito sa nanay at kapatid ni Ymannuel. Mommy na rin ang tawag n'ya mula noong hiniling iyon ni Belle sapagkat pamilya na rin naman sila kahit hindi pa kasal ang dalawa.
"Maganda sila pero wala naman sila dito sa States, 'di ba? Kaya ikaw lang nakikita kong maganda." Kumindat si Ymannuel kay Crystal.
Namula ang pisngi ni Crystal. "Sus. Palusot ka pa."
"Hindi ah. Ikaw nga kinikilig na naman d'yan. Tsaka pambobola? Kelan naman ako nambola sa'yo? Halikan kita d'yan eh."
"Sungit mo today, babe. Meron ka?" Pang-aasar ni Crystal.
Sa halip na patulan ay iniba na lamang ni Ymannuel ang usapan. Sanay na naman kasi ito sa trip ng kasintahan. "Naisip mo na kung saan tayo mamamasyal?"
"Yup! Mamaya ko na lang sasabihin."
"O sige."
Kumatok sila bago tumuloy sa opisina ni Dr Servio Servious, isang cardiologist. Mukhang busy sa pagperma ng iba't ibang dokumento. "Good morning doc."
"Oh, lovely to see you both Mr Fuentes and Ms Rodriguez. Come. Come and have a sit," bati ng doktor na nasa early 50's nito.
Umupo silang dalawa sa couch na nakaharap sa mesa ng doktor. Kinuha ni Dr Servious ang isang makapal na folder na nakalagay ang pangalan ni Crystal sa harap. Naglalaman iyon ng mga detalye ng bawat eksaminasyon ng dalaga mula pa noong umpisa. "Ms Rodriguez, how are you feeling?"
Napalunok muna si Crystal bago sumagot. "Well, I fainted twice and my heartbeat went too fast so I was brought in to the hospital close to our place."
"The ZY Hospital, correct?"
"Yes, doc."
"Were you with her that time, Mr Fuentes?"
"On the first one, yes. In the second time, I just got home and saw her unconscious in bed. I thought she was sleeping until I reached for her pulse."
"Alright. Let me check the records from ZY hospital." Humarap ang doktor sa laptop at nagsimulang kutingtingin ito. Forms after forms, and results after more diagnosis, humigpit ang hawak ni Crystal kay Ymannuel.
"Don't worry, babe. Everything will be alright."
Ngumiti ng mapakla ang dalaga at tumango. She hated the fact that she has a heart disease and her parents never told her about it when they were alive. Sa halip, pinabayaan s'ya ng mga ito kesa alagaan kaya ngayon ay lumala ang kanyang kondisyon. Ayon sa mga doktor, kung naagapan ito noong bata pa lamang s'ya, wala na sana itong sakit ngayon. She would be living like a normal girl in her normal years.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit noong 12 years old pa lamang s'ya ay lumipat na sila ni Ymannuel sa States upang maipagamot s'ya. Kapisan nila noon ang tito Clyde at tita Jade nila na malapit sa pamilya Fuentes. Gusto man ng magulang ni Ymannuel, na sina Belle at Kyle, na samahan sila ay hindi nila magawa dahil international ang kumpanya na hinahawakan nila. Hindi rin naman masamahan ng mga kapatid dahil may sari-sarili silang mga tungkulin.
Noon ay kapisan sina Ymannuel at Crystal sa mansyon ni Donya Lorraine, ang lola ni Ymannuel na ina ni Ysabelle, na kapisan naman ang tita Samantha n'ya at ang pamilya nito. Naisipan nilang bumukod na para maging independent at manirahan na mas malapit sa unibersidad na kapwa nila pinapasukan.
Kaya sa nakalipas na walong taon ay pilit nagpapagaling si Crystal at medisina rin ang kinuhang kurso ni Ymannuel doon. Ngunit hanggang ngayon, mabigat sa kanya na kung ipinagamot s'ya agad ng mga magulang noong musmos pa lamang s'ya, baka iba ang buhay na nararanasan n'ya. Marahil ay hindi s'ya matatakot na baka isang araw, hindi na s'ya magigising pang muli.
"Have you been drinking your medications on time, Ms Rodriguez?"
"Yes, doc." Magalang na sagot ni Crystal.
"Continue with it."
Tumikhim si Ymannuel at naramdaman ni Crystal ang pagpisil ng kamay n'ya. "Is there still no found cure, doc? Perhaps, a heart transplant?"
Umupo nang maayos ang doktor at isinara ang medical records ni Crystal. "Mr. Fuentes, you want to be a cardiologist as well, correct?"
"Yes."
"And does your fiancée have?"
"She has cardiomyopathy."
"And based from our previous diagnosis, what is her success rate of the operation?"
"About 85% which is a pretty good rate."
"I agree. A heart transplant is her best bet. But like you know, the world has more patients needing a heart than we have donors. I can assure you that she's already on the waiting list but we can't make it any faster than how it is already. We have a line of people hanging on for dear life as well," kalmadong paliwanag ng doktor. "But like we've said, as soon as we get a donor, we'll let you know."
Napansin ni Crystal ang pagyukom ng kabilang kamay ni Ymannuel. Alam n'yang nahihirapan ang nobyo na pag-usapan ang kanyang kalagayan.
Kahit dapat malumbay si Crystal sa mga naririnig patungkol sa sakit n'ya ay hindi n'ya mapigilan ang humanga kay Ymannuel. He has been studying everything diligently for her sake.
"And what triggered it in Ms Rodriguez's case?"
"Her cardiomyopathy and a previous heart attack."
Tanda pa ni Crystal noong unang beses s'yang inatake sa puso. Sa harap pa mismo ni Ymannuel at ng mommy Belle nila. Ang isang masayang araw ay naging malagim na pagkakadiskubre ng sakit n'ya kaya kinailangan s'yang dalhin kaagad sa States kung nasaan ang mga doktor, gamot, at mga equipment na kailangan at kakailanganin n'ya.
"And it is from?"
"Probably inherited from her parents because it does not satisfy the other factors of being diabetic, or consuming drugs."
"And can it be cured?"
Naramdaman ni Crystal ang paghigpit pa lalo ng kamay ni Ymannuel. Alam nila pareho ang sagot pero ayaw nilang harapin na wala ngang kasagutan.
"I don't want to say that there is no cure because I know that there will be one."
"And that's why we are studying and examining any possibilities that there may be to find a cure not only to ventricular fibrillation but to any disease known and unknown to man. For now, continue monitoring the condition and do not skip your medication. If anything arises, go straight here, is that clear, Ms Rodriguez?"
"Yes, doc. Thank you."
May ilang pang mga tanong bago sila nagpunta sa examination room. Kinuhanan rin ng dugo at urine sample si Crystal para masuri pa ang kalagayan ng dalaga at saka bumalik sa opisina kung saan pinaalalahan muli patungkol sa pag-inom n'ya ng gamot at sunod na check-up.
Umalis na sila sa opisina at ramdam ni Crystal ang pagbigat ng mga balikat ng kasintahan. He has always been looking forward to hearing a miracle that she could be cured. Kahit pa yata trial medicine at papayag s'yang inumin kung magiging paraan para mawala ang sakit n'ya at mabuhay ng matagal.
"Babe, are you okay?" Hindi n'ya mapigilang itanong.
Lumingon si Ymannuel sa kanya at ngumiti. Lumapit ang mukha nito at ginawaran ng halik ang noo ng dalaga. "I am, babe. I love you."
Pinagmulahan ng pisngi si Crystal. "I love you too babe." Niyakap ni Crystal ang matipunong braso ni Ymannuel na natawa sa biglang ginawa nito.
"Where do you want to go now?"
Tumingin si Crystal na kumikinang ang mga mata sa sabik at antisipasyon. Hindi man sila nakakuha ng isang himalang sagot mula sa ospital, nagpapasalamat pa rin s'ya na patuloy s'yang humihinga kasama ang taong rason ng bawat hinga at agtibok ng puso n'ya.
"Sa Luna Park," nakangiting sagot ni Crystal. Muling hinalikan ni Ymannuel ang noo ni Crystal bago nila tinahak ang sasakyan ng binata.
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
Please support the story by commenting and voting!!
PrincessThirteen00 © 28 02 2018
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro