Chapter 16: Dreams
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
CHAPTER 16
DREAMS
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
"OKAY ka lang ba, Cyrs, anak?" Tanong ni Ysabelle sa dalaga matapos ibaba ang tasa ng iniinom nitong kape.
"Okay lang po."
"Sigurado ka, anak?" Napansin ni Ysabelle ang pagkamatamlay ng dalaga. Halos hindi pa nito ginagalaw ang vegetable salad at avocado toast sa kanyang harapan.
Ngumiting tumango si Crystal. "Yes po,"pagsisinungaling n'ya sa ginang.
Hindi s'ya okay. Paano s'ya magiging maayos kung hindi n'ya matawagan si Ymannuel. Kahapon pa n'yang sinusubukan ngunit walang nangyayari. Kahit sina Kaleb at Janica ay hindi alam kung nasaan ang binata. Hindi daw ito pumasok kahapon. Maging si Carla ay dumaan sa medical school at walang Ymannuel na pumasok.
It wasn't like him at all. Dedicated si Ymannuel sa pagpasok upang masimulan na ang kanyang residency. Pero bakit ganoon ang nangyayari? Nasaan si Ymannuel?
'Nagtaka ka pa. Kasalanan mo kaya ito,' bulong ng kanyang isipan.
Nag-aalala s'ya sa kanyang kasintahan. Ilang beses na iyong nangyari na may gagawin s'ya na hindi sinasabi. Lalo lamang s'yang natatakot lalo't alam na daw ni Ymannuel kung nasaan s'ya. Pero paano? Ang pamilya lamang ng binata ang nakakaalam ng totoo at nangako sila na itatago iyon sa binata sa ngayon.
Pero paano kung bigla na lamang itong sumulpot sa kanyang harapan? Anong gagawin ni Ymannuel? Babalika ba sila kaagad sa Amerika dahil sa kanyang lumalalang kundisyon? O hahayan at sasamahan s'ya ng binata dito?
Umakyat na si Crystal sa kwarto nila ni Ymannuel. Pagod na s'ya at gusto na lamang ipikit ang mga mata upang makapagpahinga. It has been a crazy day at mabuti na lamang ay marami na s'yang nagawa sa kanyang plano.
Akala n'ya ay hindi s'ya makakatulog dahil sa dami ng kanyang iniisip. She was wrong.
She found herself dozing to sleep after all the day's work.
Inaantok na napamulat si Crystal dahil sa naramdamang paghaplos sa kanyang ulo. Umikot s'ya at kaagad nasilayan ang mukha ng taong kanyang pinaka-gustong makita. Parang narinig nito ang kanyang dalangin kahit sa pagtulog lamang.
"E-Eman..."
Humiga ito sa kanyang tabi at binalot s'ya sa isang mahigpit na yakap. The heat immediately enveloped her. It was soothing and relaxing. Naramdaman n'ya ang mabining haplos ng nobyo sa kanyang pisngi at sa ilalim ng kanyang mga mata. He wiped her tears away.
"Sleep some more, baby. The sun hasn't risen up yet," bulong ng binata. His mouth brushed on her nose and she could smell the mint from him.
Tumango si Crystal at isiniksik ang sarili sa binata. Humigpit rin ang yakap nito sa kanya. He smells like his manly scent and something else... He smells like the airport. Or it could just be her imagination.
It may just be a dream but it was what Crystal needed. Knowing that he was just there beside her... kahit sa isang panaginip lamang.
Soon, she was back in dreamland with a smile plastered on her sleepy face.
"You have less than a year left."
"You have less than a year left."
"You have less than a year left."
Biglang napabangon si Crystal. Basang-basa s'ya ng pawis at hinihingal. Napayakap s'ya sa sarili. She suddenly felt cold and empty. Wala ang init na bumabalot sa kanya habang s'ya at natutulog.
Umiling s'ya at agad tinanggal ang bangungot sa kanyang isipan. Wala s'yang panahon para doon.
"Are you okay, baby?"
Napalingon s'ya sa pinagmulan ng boses bago nagsalubong ang mga kilay. Isang gwapong lalaki ang lumabas mula sa banyo.
"Eman? Anong ginagawa mo rito?" Hindi n'ya magkaintindihang tanong sa kasintahan habang kinakalma pa rin ang sarili. "P-paano mo nalaman na nandito ako?" Kaagad lumapit si Ymannuel sa bedside table kung saan nakapatong ang isang stethoscope at mga gamot niya. He took the equipment and listened on her chest.
"Before that, please drink your medications. Your heart is racing." Inabot ni Ymannuel ang baso na may tubig at dalawang tableta mula sa lalagyan nito.
Tinanggap iyon ni Crystal at agad ininom. Tama si Ymannuel. Kailangan n'ya munang kumalma. Hindi dapat naghaharumentado ang kanyang puso ng ganoon.
Ipinikit n'ya ang mata at huminga ng malalim. Ramdam ni Cyrstal ang paghaplos ni Ymannuel sa kanyang likod. He started humming sweet nothings while his lips were damped on her forehead.
Niyakap ni Crystal si Ymannuel ng mahigpit. His familiar scent flowed on her nostrils. It was the same manly scent earlier, but not of the airport smell. Amoy bagong ligo ang binata. Marahil ay maaga itong nagising at kaagad naligo upang makapagpalit ng damit.
"Are you okay now?" Bulong na tanong ni Ymannuel habang hinahaplos ang kasintahan.
"I missed you," tipid n'yang sagot matapos tumango.
"I missed you more, baby."
Humiwalay si Crystal at pinagmasdan si Ymannuel. Kumpirmadong bagong ligo nga ito dahil sa medyo basa nitong buhok. "Anong ginagawa mo rito?"
"I told you the other night na pupuntahan kita."
"P-paano mo nalaman na nandito ako? Sinabi ba nina mom sa'yo?"
Umiling si Ymannuel. "No. No one told me anything and that pissed me off. Everyone was on your side pala. I just had the feeling."
"Seryoso?"
Ngumisi si Ymannuel. "Not really. I just saw the bedsheet sa video kaya alam kong nandito ka sa mansyon."
"Sa bedsheet?"Bumaba ang tingin ni Crystal sa kanilang kinauupuang kama. "Anyone can own the same bedsheet, you know."
"I know but our bedsheet is custom-made, remember?"
Pinatahi iyon ni Ysabelle sa kanila noong pinayagan na silang matulog na magkatabi. They knew what they should and should not do at malaki ang tiwala ng pamilya Fuentes sa kanilang bunso lalo pa at ito ang nakamana ng pagiging ubod ng seryoso ng ama at kuya Ysiquel niya.
Their bedsheet was a mixture of white and royal blue with distinct patterns. Sa kanilang unan naman ay nakaburad ang mga pangalan nila na parang sa headrest lamang ng sasakyan ni Ymannuel.
Napatawa si Crystal. Tama si Ymannuel. Sumandal s'ya sa dibdib ng binata na niyakap s'yang muli. "I'm sorry."
"About what?"
"I'm sorry I hid the truth from you."
"Am I the last one to know?"
Nagdadalawang-isip na tumango si Crystal. Alam n'yang magagalit si Ymannuel sa kanyang ginawa.
"Bakit? Wala ka bang tiwala sa akin?"
Muling humiwalay si Crystal at hinaplos ang pisngi ni Ymannuel. "I trust you, baby. More than my life."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?" Naka-igting ang panga na tanong ng binata.
Alam ni Crystal na hindi na iyon tungkol sa pagtatago n'ya sa kanyang piniling lugar ngunit tungkol sa kanyang sakit.
"Naduwag ako. Natatakot ako ng hanggang dito na lang pala ako." Bumaba ang kanyang mga mata. "I'm sorry."
Pinaglapat ni Ymannuel ang kanilang mga noo. "Shhh... Don't be stressed, baby. I'm here. I will always be here for you, okay? Kahit anong mangyari. Kaya please, don't push or set me aside. I should be the first one to know these things, please?"
Tumango si Crystal bago naramdaman ang malambot na kama sa kanyang likuran.
"I won't stop looking for a cure for you. We'll get as much opinions as we can around the globe to know the real score, okay?" Tumango si Crystal.
Just those words were enough to make her chest flutter. She should trust him unconditionally kahit na pumapatak ang kanyang oras.
"Look at me, baby." She stared at his alluring eyes. "I love you so much."
Ngumiti si Crystal at sinagot s'ya, "I love you most," bago naramdaman ang labi ng binata sa kanyang labi. The kiss was deep and sensual. It was a kiss of complete neediness.
She felt one of his hands travelling on her waist then back to her chest. "Em..."
"Shit! I missed you too much" He resumed kissing her lips before travelling down her jaw then her neck.
"'By, I haven't washed up yet."
"It's okay, baby." Hinagkan n'ya ang ilong ng dalaga. "I love you."
Pinahid ni Ymannuel ang luhang tumuo mula sa mata ng dalaga. "I love you, baby. Thank you."
Lalakipan sana muli ni Ymannuel ang labi ng dalaga ngunit nagulat silang dalawa sa pagkatakot mula sa labas. "'Inong! 'Nong 'Man!"
Napangiti silang dalawa sa narinig na boses sa labas. Iyon ang bunsong anak nina Samara at Blake, si Rance Clark na tatlong taong gulang pa laman.
"Andyan na ang batang makulit," bulong ni Crystal na malawak ang ngiti habang pinapakiramdaman ang nakakakiliting pagngiti ni Ymannuel sa kanyang leeg.
"Sinabi ni ate na dumating ako e," ani Ymannuel bago bumangon at inalalayan ang kasintahan. "Di pala kita masosolo ngayon."
Crystal rolled her eyes. "Baka magselos si baby Rance kung hindi mo pa s'ya pagbuksan,'Inong," panggagaya ni Crystal sa bulol na pagtawag ng bata sa kanyang ninon. "Magbibihis muna ako."
Bago pa buksan ni Ymannuel ang pintuan ng kwarto ay marahang pinisil ni Cyrstal ang pang-upo ng binata na kaagad lumingon sa kanya. Tatawa-tawang tinungon ni Crystal ang banyo bago pa may marinig kay Ymannuel.
Binuksan ni Crystal ang faucet at saka tinitigan ang sarili sa salamin.
Hanggang kailan ka magsisinungaling sa kanya?" Wala sa sarili n'yang tanong.
Samantala, pagbukas ni Ymannuel ng pintuan ng kanyang silid ay kaagad namang pumasok si Rance at niyakap ang binti ng kanyang ninong.
"Hey there, kiddo."
"'Inong! 'Inong! Play!" Aniya ng batang makulit.
"Nasaan ang mommy mo?"
"'Ammy with dada," nakangiti nitong sagot nang buhatin ng binata. Close si Rance kay Ymannuel dahil sa mas madalas na tumatambay ang mga anak nito sa mansyon ng mga Fuentes. At kapag umuuwi si Ymannuel, kalaro s'ya ni Rance at Quel Rivaille, ang anak naman nina Ysiquel at Rainne.
"Tara sa kanila. They might be eating breakfast with lala," pagtukoy nito sa ina.
Pagbaba n'ya sa hapag kainan ay naroroon nga mag-anak na Perez at ang kanyang mga magulang. "Good morning," bati n'ya sa mga ito.
"Good morning, anak. Nakatulog ka ba naman?" Tanong ni Ysabelle sa bunso habang tinitimpla ang kape ng mister na nagbabasa ng dyaryo.
"Yes, mom. Ginising lang ako ng makulit kong inaanak," biro nito.
"Hay naku, Rance. Kinulit mo na naman ang ninong mo. Tinakasan mo pa si daddy na papakainin ka," ani Samara sabay kuha sa anak mula sa kapatid. Tuwing Biyernes ay doon nalalagi ang pamilya Perez upang makabonding ng mga bata ang kanilang lolo at lola.
"Nong-nong and me play!" Magiliw nitong sambit.
"Later, kiddo. Magagalit si mommy mo, sige ka."
"Babe," salubong ang kilay na pagtawag ni Samara sa asawa na kakatapos lamang ayusin si Hemilia sa upuan nito.
"Okay lang, babe. Pinapababa ko rin naman ang energy ni Rance. Pinakain ni Sky ng tsokolate kanina," nakangiting sambit ni Blake na ngayon naman ay inayos ang upuan ng asawa.
"Sky!" Nilingon ni Samara ang kanyang panganay na anak na busy sa pagkain ng kanyang cereal.
"Gusto kasi n'ya, mommy. I said no to him and Hemilia kaya. But they still want it."
"Oh, sweetie. Don't feed your siblings chocolates early in the morning. Rance needs to drink his milk and Millie needs to finish her cereal, too, okay?"
"Yes, mommy. I'm sorry." Lumapit si Samara at binigyan ng isang matunog na halik ang ulo ng magandang anak. Ito ang talagang itinuro nila sa mga anak nila, na kapag may mali, malaki man o maliit, ay dapat humingi ng paumanhin.
"It's okay, sweetie."
"Makulit talagang bata," parinig ni Ymannuel sa pamangking babae.
Bumusangkot ang mukha ng bata. "Tito!" Sa kanyang mga pamangkin, si Sky ang pinakamadaling mapikon.
Naramdaman ni Ymannuel na may bumalot na mga braso sa kanyang leeg mula sa likod. "Ikaw talaga, baby. Pati bata aawayin mo," bulong ni Cyrstal sa kanya.
Her voice was like a sweet spell making him fall in love with her more.
"Kain ka na," nakangiting saad ni Ymannuel sabay ang marahang paghila sa kanya upang maupo sa kanyang tabi.
"Sabay ka na sa pagkain, anak," ani Ysabelle kay Crystal.
"Opo, ma."
Napangiti si Ymannuel sa simpleng sagot na iyon ng kasintahan. Naaalala n'ya kasi kung gaano katagal ang lumipas bago simulang tawagin ni Crystal na mama si Ysabelle. Sa tagal nilang magkasintahan, noong pumatak lamamg s'ya ng labing-walong taon s'ya nagsimula pedo bago noon, 'tita' ang tawag n'ya kahit na anong sabi ng ina dati.
But as he reminisced the past, he can't help but feel the pain from the reality they were in.
Ayaw n'yang maniwala na totoo ang inamin sa kanya ng dalaga... na bilang na ang oras n'ya.
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
Please support the story by commenting and voting!
PrincessThirteen00 © 26.03.2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro