Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15: Peril

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

CHAPTER 15

PERIL

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


"HOW ARE you?" Masiglang tanong ni Crystal sa kaibigang tinawagan ganit ang kanyang cellphone. Kasalukuyang nasa kwarto na s'ya nila ni Ymannuel at kakatapos lamang mag-almusal samantalang kakatapos lamang ni Janica sa panggabi nitong mga klase.

"I'm fine..."

Nagtagpo ang kilay ni Crystal sa sagot ni Janica. Hindi iyon ang normal na tono ng madaldal n'yang kaibigan. "What's wrong?"

"Nothing," tipid muling sagot ni Janica.

"Jan, I know you. Did you have a fight with Kaleb?"

"No, no. We're okay." Agad nitong depensa.

"So, what seems to be the problem?" Sumandal si Crystal sa couch, at niyakap ng isang kamay ang unan.

Dinig nito ang pagpapakawala ng kakbigan ng isang napakalalim na buntonghininga.

"I saw your boyfie letting someone into his car and driving the opposite direction from your house."

"Huh? Are you sure it's him?"

"Girl, Ymannuel's the only one who can afford that car with your initials in the rego. I can't be wrong."

Tama si Janica. Nag-iisa lamang ang sasakyan ni Ymannuel sa kampus na customized ang plaka—CARF143, stands for Crystal Amethyst Rodriguez-Fuentes. Ayon kay Ymannuel, isang Fuentes na siya. Bukod pa dito, matingkad ang pagkapula ng sasakyan na s'yang paborito nilang kulay dalawa. Itim naman ang leather seats at may pangalan ang car seat headrest ng driver at passenger seat—Ymannuel at Crystal.

Napailing si Crystal sa dumalaw sa kanyang isipan. Agad n'yang iwinaksi dahil kailangan n'yang malaman. Biglang naisip na may babae ang kanyang kasintahan.

"D-did you see who it was?"

"Well, yeah! It was the youngest medical professor. The girl has some locks and I can see her being very flirtatious with your guy."

"Name?"

"It's... I think it was Patricia McDaven?"

"Patricia McDonald, you mean?"

"Yeah, that's the one. The tall professor," aniya. "There were photos of them on the campus network that he kissed her. I don't know though but they were facing the other way. A lot of people were spreading rumours that you guys are already over."

"Can you send it to me?"

"What?"

"Send me the photos. Please."

"But—" dinig n'ya ang pagbuntong hininga ng dalaga. "Fine. I'll send it."

"Thanks, Janica."

"Look, I don't want you and Eman to fight on this but it's just been weighing on my mind. You deserve to know."

"It's okay. Thank you."

Bakit? Hindi alam ni Crystal kung sa aling 'bakit' magsisimula. Bakit magkasama si Eman at 'yung propesor? Bakit may kumakalat na litrato ng dalawa na mukhang naghahalikan nga? Bakit pinasakay n'ya sa sasakyan? Bakit?

There goes her heart beating furiously. She held her hands tightly against her chest.

Natapos ang tawagan nila at natanggap n'ya ang mga litratong tinutukoy ni Janica. Tama nga ang mga caption. Hinalikan nga ni Ymannuel ang guro sa publiko. Nakatalikod si Patricia sa kumuha ng larawan at magkadikit ang kanilang mga mukha.

May luhang hindi n'ya napigilang tumulo. Kumirot ang kanyang puso.

Pinahid n'ya ang pisngi at saktong tumatawag naman si Ymannuel sa kanya. Lumipat s'ya sa kanilang kama at niyakap ang unan na naroon. Nang masigurado na hindi s'ya mukhang glaing sa pagluha ay saka n'ya sinagot ang video call ng fiance.

"Hey, beautiful. I miss you," bungad ni Ymannuel sa kasintahan. Hindi n'ya mapigilang titigan ang maganda n'yang girlfriend na kahit naka-suot lang ng pantulog ay umaapaw ang ganda.

Kung magkalapit lamang sila ay paniguradong pinuntahan na n'ya si Crystal at hinagkan. Iyon nga lamang ay hindi n'ya alam kung nasaan ang dalaga.

This was something he adored on his girl. Simple lang si Crystal at hindi nakikita ang sariling ganda. She would be insecure at times and he would be the one to boost her confidence up.

"Hey," walang ganang sagot ni Crystal.

Nagtagpo agad ang kilay ng binata. Pansin agad ang matamlay nitong boses. "May problema ba? Wala man lang 'I miss you too' d'yan?"

Nagpakawala si Crystal ng isang malalim na paghinga. "Umamin ka nga sa 'kin, Eman."

"About what?" Naguguluhang tanong ni Ymannuel. Her voice was definitely serious. Hindi na ito tunog nanghihina ngunit may butil ng pagkainis na hindi maiikaila.

"May nangyari ba sa inyo ng babaeng pugita na 'yon?"

"What and who the heck are you talking about?"

"Ah, ganoon? Hindi mo maintindihan? Hindi mo kilala?" Sarkastikong tanong ni Crystal. "Did you sleep with her? Did you have sex with her? Did you fuck her?!" Sigaw nito.

Nanlaki ang mga mata ni Ymannuel sa mga naririnig kay Crystal.

"God, no!" Pasigaw na sagot ni Ymannuel. "I would never do that to anyone!"

"Never? So why would you kiss her in public?"

"What?"

"Kitang-kita ng lahat kung paano kayo naghalikan, Eman. Kaya h'wag mong sasabihin na hindi dahil kita ng lahat ang pagiging sweet n'yo! Talagang inihatid mo pa s'ya? Your pictures are all over the campus website!" The speakers could not hide her annoyance and the screen could not hide his attempt to fully understand the situation.

"Wala akong hinalikan at wala akong ibang hinahalikan bukod sa'yo. Wala akong alam sa mga sinasabi mo."

"Talaga? Hindi mo ba kasama 'yung Dr. Patricia McDonald?"

"Her? S'ya ba ang tinutukoy mo? Fine, I did go to place—"

"See? You did go!"

"Yes, but it was to borrow medical resources na hindi pa nire-release sa public. She got new editions of some research works that I needed."

"Then why were you sweet to her? Alam mo bang tinatanong na ako ng marami kung naghiwalay na tayo kasi ipinagpalit mo na ako sa mas matanda... na 'yon pala ang gusto mo kasi mamamatay na rin naman ako!"

"Stop it, Crystal!"

But she did not listen to him. Lalo pa n'yang ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"—na bakit ka nga ba magtitiis sa isang kagaya ko kung marami ka namang options, 'di ba?"

"I said stop it, Crystal!"

"No! I won't!" Litanya ni Crystal. "I know we can't sleep together at marami tayong hindi pwedeng gawin dalawa... But if you're just going to cheat on me..."

"Let's get one thing straight, Crystal," si Ymannuel naman ang pumutol sa dalaga. "Walang nangyari sa amin, okay? And if I'm going to cheat on you, sana noon ko pa ginawa. Pero hindi. Sa'yo ko lang ibinuhos lahat ng atensyon ko simula pa noon dahil ganoon kita kamahal! Hindi pa ba malinaw 'yan sa'yo sa tagal ng naging relasyon natin?"

"But everyone saw you..."

"I don't care what everyone saw because that is not the truth. And I can't believe that you trust other people's words first before asking me." Napahilamos sa sariling mga palad si Ymannuel. "I never cheated on you and never will. Oo, seloso ako, pero hindi ko kailanman naisip na lokohin ka."

"Ang sakit kasi..."

"Babe, you know you can tell me everything." Kung nandoon lamang si Crystal ay nayakap na n'ya ito ng mahigpit. Ngunit wala ang kasintahan sa kanyang tabi. "I'm not here to be a decor for you. I'm here as your partner. Thick or thin, highs or lows, I've always promised you that I will always be here for you kahit na anong mangyari. But why does it pain me to see and hear you doubting my love for you?"

"I trust you, Ymannuel. I do. Pero sa sarili ko wala akong tiwala."

"Bakit? Sabihin mo sa 'kin para maintindihan ko. Ipaintindi mo sa 'kin."

"Wala akong tiwala sa sarili ko dahil ako ang nagsisinungaling. Ako ang nagtatago ng totoo sa'yo!" Hindi n'ya napigilan ang sarili na sabihin ang kanyang lihim. Lihim na umookupa at bumabagabag sa kanyang kalooban.

"What do you mean?"

"I'm sorry..." Napatakip si Crystal at halos mapaluhod. "I'm sorry..."

"Please don't cry, love. Talk to me. Please. Nagmamakaawa ako sa'yo."

If he could just teleport beside her, that would have been easier. But he couldn't. He was just a guy who wasn't beside his girl at the much needed time.

Nangangatal ang mga kamay ni Crystal at nakapako doon ang kanyang mga mata. Nakatingin lamang din si Ymannuel sa kanya, naghihintay na sabihin ang dinadala nito.

"Crys—"

"Binigyan na nila ako ng countdown, Eman," agad n'yang putol sa kasintahan.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ymannuel. Lahat ng kulay sa kanyang mukha ay napawi at kitang-kita ito sa monitor. "Ano 'yang sinasabi mo?" Hinawakan ni Ymannuel and magkabilang bahagi ng monitor.

Ramdam ni Crystal ang pamumuo ng kanyang mga luha. Napatakip s'ya ng mukha. Hindi sa ganoong paraan n'ya gustong malaman ni Ymannuel ang kanyang kalagayan. Kung maaari ay hanggang sa hukay n'ya dadalhin ang sikreto ngunit huli na... Kailangang malaman ni Ymannuel ang totoo.

"I have less than a year left. Mamamatay na 'ko," hagulgol ni Crystal.

"Hindi. Hindi totoo 'yan."

"Totoo 'yan! Kaya hindi ko magawang sabihin sa'yo dahil sa tuwing nagkakalakas loob na ako na sabihin sa'yo ang totoo, nakikita kitang masaya kasama ang iba. And I chose to hid those painful feelings dahil I want you to be happy. Pero sa bawat araw na sinasabi kong 'okay lang ako', mas dumodoble ang sakit dito sa puso ko," aniya na sumisinghot. "At dahil nakita ko sa pictures na hinahalikan na s'ya, umapaw na ang sakit at hindi ko na mapigilang ilabas. It made me feel more useless and unworthy. It made me feel replaceable despite all your promises of forever."

"Kailan mo pa itinago sa 'kin 'to?"

"It's been a month when they told me. Right before you introduce that incredible woman to me."

Malungkot s'yang tinitigan ni Ymannuel sa screen na nakatitig lang sa ibang direksyon.

"Babe..." She whispered.

"Crystal," he didn't call her back with their endearment.

"Hm?"

"Tell me where you are this instant."

Nanlaki ang mga mata ni Crystal. "N-no!"

"Cyrstal, hindi ako nagbibiro. Ilang araw na kitang pinagbigyan pero hanggang doon lamang iyon." Lalong tumigas ang boses ni  Ymannuel. "Tell me where the fuck you are. Hindi mo ako madadaan sa pagrerequest mo."

"Pero, Eman, babe, you agreed. Pinayagaan mo ako."

"That was before. Eh ngayon nga na ilang araw ka pa lamang wala sa tabi ko ay naghihinala ka na kaagad na may nilalandi akong iba. At ngayon sasabihin mo sa akin na binigyan ka na ng ultimatum? Sa palagay mo, anong nararamdaman ko ngayon?"

"Eman..."

"So tell me where you are right this instant."

"I..."

"I'm waiting, Crystal." Matalim nitong ani.

Napapikit si Crystal. Tama naman kasi si Ymannuel. Ilang araw pa lamang pero nilalamon na s'ya ng selos. 

"It's okay. Don't tell me where you are."

"Eman..."

"Please drink your meds on time and rest. I have to go."

"Em—"

Bigla nitong pinatay ang video chat nila. Agad na disconnected ang binata. Kinuha ni Crystal ang kanyang cellphone para matawagan ang kasintahan pero unreachable na ito.

Walang nagawa si Crystal kundi ang umiyak.

She may have just done the biggest mistake in her life.

She may have just lost Ymannuel.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Please support the story by commenting and voting!

PrincessThirteen00 © 12.03.2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro