Chapter 14: Decision
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
CHAPTER 14
DECISION
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
NAGISING si Crystal sa mga huni ng ibon mula sa labas. Umikot s'ya sa malaking kama at wala s'yang nakapa na katabi. The usual warmth and hugs of her beloved fiancé was not present.
She grinned at herself full of mockery. Totoo nga. Umalis s'ya ng Amerika. Wala s'ya sa bahay nila ni Ymannuel. Pinaninindigan n'ya ang kanyang desisyon.
Bumangon s'ya at hinaplos ang kobre kama. Ito ang paborito ni Ymannuel na gamitin tuwing nagbabakasyon sila sa Pilipinas.
Napangiti si Crystal. Umuwi s'ya ng Pilipinas sa unang pagkakataon na hindi kasama si Ymannuel. Nakakapanibago.
Bumalik sa huwisyo si Crystal nang marinig ang pagkatok mula sa pintuan. Mabilis na sinuklay ni Crystal ang buhok gamit ang mga kamay bago sumagot, "bukas po 'yan."
Nagbukas ang pintuan at dumungaw si Ysabelle dito. Kahit nagkaka-edad na ito ay ubod pa rin ng ganda ang ginang. "Good morning, anak. Did I wake you up?"
"Hindi po, ma. Kani-kanina pa po akong nagising," she smiled at her.
"How was your sleep?" Umupo si Belle sa tabi ng dalaga at hinawakan ang kamay nito.
"Okay naman po. Medyo jet-lagged pa rin pero okay lang po."
"Natawagan mo na ba si Eman?"
Umiling si Crystal. "Hindi pa po. Tinext ko lang po kahapon pagdating dito. I'm making sure kasi po na nasa oras ang magiging message or tawag ko dahil mabubuking agad kung nasaan ako."
"Are you really sure you don't want my son to know?"
Napalunok si Crystal. She could feel the lump on her throat. "I will tell him po, ma. Hindi pa lang sa ngayon."
Lalong lumapit si Belle at niyakap ang dalaga. Sinagot rin ito ni Crystal ng isang yakap. Gustong-gusto n'ya ang yakap ni Belle dahil nararamdaman n'ya ang pagmamahal ng isang ina... Isang bagay na hindi n'ya naramdaman sa kanyang tunay na mga magulang o kaya naman ay sa ibang kapamilya niya. Maaga s'yang naulila pero sa ibang tao pa n'ya mas naramdaman ang totoong pagmamahal.
"Alam kong kakaunti na lamang ang oras natin at gusto kong sabihin sa'yo na masayang-masaya ako na ikaw ang minahal ng anak ko. Hindi ako titigil sa pagdadasal na sana gumaling ka. Na sana makakita tayo ng lunas para sa iyong karamdaman. Alam kong nahihirapan ka na pero h'wag susuko, anak. Hindi para sa amin o kay Ymannuel, pero para sa 'yong sarili. I want and dream to see you grow and build the family that you have dreamt of."
"Thank you, ma. Sobra." Napakagat ng labi si Crystal. Her future mother-in-law can really stir up her emotions. She was the mother that she always dreamt of.
"Hay naku! Nag-drama na naman itong dalawa!" Napatawa sila nang makitang nakadungaw si Samara sa may pintuan.
"O, anak, nand'yan ka na pala."
"Yes, mom. Kumusta naman, Crys?" Malambing na tanong ni Samara. Crystal has always admired how beautiful and sophisticated her future sister-in-law is. Dating modelo ito at nag-iisang babae sa magkakapatid na Fuentes. Marahil kahit basahan lamang ang ipasuot sa kanya ay maiibenta ng mahal. Kagaya ni Belle, Samara was a reflection of beauty and grace.
"Okay lang, ate."
Mapakla ang ngiti ni Samara sa dalaga. Alam rin kasi nito ang sikreto ng dalaga. "That's good. Anyway, tara na sa baba. Ready na daw ang breakfast."
"Sige, anak. Masasamahan mo ba mamaya si Crystal?" Tanong ni Belle kay Samara.
"Yes, mom. Kasama si Blake. He'll drive us there tapos kayo na muna ni daddy ang bahala sa mga apo n'yo," she giggled.
"Itong batang ito talaga. Gusto mo talagang patakbuhin ang daddy mo," biro ni Belle. Mahilig kasi sa takbuhan ang tatlong mga anak nina Samara at Blake at talagang pinapagod ang kanilang lolo Kyle na tuwang-tuwa naman. Tuwang-tuwa at close rin naman ang mga bata sa kabilang lolo at lola. Madalas nilang binibisita ang mga ito.
"Sus, okay lang 'yun, mom. Exercise na rin ni daddy. Buti nga tatlo lang. E kung kasama pa ang mga anak nina kuya, for sure kagulo!" Kasaluyang nagbabakasyon ang mag-anak ni Ysiquel sa Japan dahil sa kaarawan ng bunsong anak nila.
Natawa ang ginang at tumayo na. "O s'ya, magbihis ka na Crystal at sumunod ka na sa baba, ha? Ang ate Sammy at kuya Blake mo ang bahala sa'yo mamaya."
"Opo, ma. Salamat, ate." Nakangiting pasasalamat ni Crystal.
"Wala 'yun. Ikaw naman."
Hindi nagtagal ay nilisan na ng dalawa ang silid at nabalot na muli ng katahimikan ang buong kwarto. Crystal was back in the silent room by herself.
Huminga s'ya ng malalim at saka bumangon na. Inisip na nakakahiya na paghintayin n'ya ang iba ng matagal sa baba at inabala pa n'ya ang mag-asawang Perez sa kanyang mga plano.
SAMANTALA, inaabala ni Ymannuel ang kanyang sarili sa mga aklat. Nag-text lamang si Crystal sa kanya na nakarating na ito sa kung saan ngunit hanggang ngayon ay hindi n'ya pa rin alam kung saan ito nagtungo.
Nagpatulong pa ito sa kay Blake, and asawa ng ate Sammy n'ya upang subukang tuntunin ang kinaroroonan ng kasintahan. Ngunit wala pa itong sagot na ibinibigay. Mas may koneksyon kasi ang mga Perez pagdating sa flights. Naiinip man s'ya ay wala s'yang magawa.
Lingid sa kaalaman n'ya ay hindi lamang sinasabi ni Blake ang totoo dahil sa hiling iyon ng kanyang asawa. Kung lalaki sa lalaki ay sinabi na n'ya ito dahil alam ni Blake ang nararamdaman ng binata na mawalay sa kanyang minamahal. Ngunit gusto nilang suportahan ang mga plano ni Crystal kaya't humantong sa ganito
Everyone knew she was dying.
Everyone... except for Ymannuel.
"Hi, Mr. Fuentes." Napa-angat ng tingin si Ymannuel sa tumawag sa kanya. Si Dr. Patricia McDonald. "Alone?"
"Yes. What brings you here?"
Ipinakita nito ang papel sa harap ni Ymmanuel. "Just picking up some research papers."
Napa-upo ng maayos si Ymmanuel nang makita ang titulo ng papel na hawak ng babae. "Blood and Cells? Is that the new edition?"
Ngumiti si Patricia at umupo sa kaharap na upuan ng binata. "Yes. It's not out in the market yet. I just get early access on these resources. Did you want to have a read?"
"Oh, yes please!"
"Well, I can lend it to you. Although I do need it for my research as well." Napa-isip ito bago muling nagsalita. "Why don't you go to the lab at my place and have a read there? I have other books and materials that you might be interested in? I received some British papers last week as well."
"When would that be?"
"If you're already free, we can head there already."
Tiningnan ni Ymannuel ang kanyang relos. Mag-isa s'ya sa bahay pero susubukan pa rin n'yang tawagan si Crystal mamaya kaya ayaw n'yang magpagabi. Alam naman n'ya na hindi rin magandang tingnan na manggagaling s'ya sa bahay ng isang babae ng ganoong oras. Wala man sa tabi n'ya si Crystal, alam n'yang ang tama sa mali.
"Okay. Let's go."
Mabilis na inayos ni Ymannuel ang kanyang gamit. Wala naman s'yang klase na at nagpapalipas lamang ng oras doon.
May mga estudyanteng napansin ang paglisan ng dalawa na magkasama. May mga bulungan na umalingasaw sa library at may ilan na nagmamadaling nagtungo sa may bintana ng aklatan upang makuhanan sila ng ng litrato.
Hindi maiikaila na magkakilala talaga ang dalawa. Their shoulders were brushing against each other. Panay rin ang tawanan ng dalawa.
Hindi rin nakatakas ang pagbubukas ni Ymannuel ng pintuan ng sasakyan n'ya at pagpasok ni Patricia dito. Mabilis ring nakasakay si Ymannuel sa driver's seat.
Amidst the stranger's eyes, another pair of known eyes were staring at the departing vehicle. Kunot na kunot ang noo ni Janica habang nakatitig sa sasakyan.
Agad n'yang kinuha ang cellphone para tawagan si Crystal. Hindi pa rin umaalis ang tingin ng dalaga sa sasakyan. At nang nasa gate na ay kumaliwa ito sa halip na kumanan. Hindi iyon ang daan pauwi sa bahay nito.
Something was wrong. Very wrong.
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
Please support the story by commenting and voting!
PrincessThirteen00 © 04 02 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro