Chapter 13: Poignant
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
CHAPTER 13
POIGNANT
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
"IS it true that you've decided to take a break from university?" Puno ng pagtatakang tanong ni Janna sa kaibigan.
"Yes. Ymannuel gave me the thumbs-up to do it," paliwanag ni Crystal.
"Really? That guy actually said 'yes'?" May halong pagbibiro sa tono ni Caleb habang nagbubuklat ng pahina ng kanyang aklat.
"Why wouldn't he?"
Pero sa totoo lamang, totoo ang sinasabi nila. Tama ang lahat ng iniisip ng kanyang mga kaibigan. Mahirap amuin si Ymannuel. Hindi madali ang mapapayag ito.
Pero dahil kasunduan iyon na payagan s'ya at sa kanyang pagbabalik ay magpapakasal na silang dalawa, wala na s'yang magagawa pa. Masaya rin naman s'ya na tutuparin ni Ymannuel ang kanyang pangakong pag-iisang dibdib nila.
May posibilidad na sa kanyang pagbabalik ay naihanda na ni Ymannuel ang lahat para sa kanilang kasal. Mataas din ang posibilidad na gumawa si Ymannuel ng paraan upang sundan s'ya.
Ngunit kung gagawin iyon ng kasintahan, alam nito na magkakatampuhan sila ng sobra dahil sa napapayag na n'ya ito na magbiyahe ng s'ya lamang.
"Wow. Just wow."
"And when do you plan to leave?"
"Tonight," naka-ngiting saad ni Crystal.
"Seriously, girl?" Nanlaki ang mga mata ng magkasintahan. Hindi sila makapaniwala na ganoong kabilis naisakatuparan ang desisyon. Nagmukha tuloy na hindi pinag-isipan ng maayos ang biglaang plano.
Tatawa-tawang tumango ang dalaga. "Yes. Serious as I can ever be."
Nagkatinginan ang kanyang mga kausap at talagang hindi makapaniwala. Kun g sa iba ay marahil matutuwa sila na malamang magbabakasyon ang kanilang kaibigan. Ngunit si Crystal ang pinag-uusapan dito. Hindi lang basta kaibigan nila pero may sakit s'ya. Paano n'ya napapayag si Ymannuel ay lubhang nakakapagtaka at isang malaking palaisipan sa kanilang dalawa.
"Well, looks like you have already made up your mind. Take care, alright?" Ani Caleb.
"Of course. Thank you," isang ngiti ang kanyang ibinigay sa dalawa. Sana magkita-kita pa sila sa kanyang pagbabalik.
Sana.
Matapos ang klase at pag-papaalam ni Crystal sa kanyang mga propesor ay tinagpo na nito si Ymannuel sa library upang sabay na silang umuwi.
At gaya ng nakasanayan ay naroroon na si Ymannuel na naghihintay sa kanya.
He was silently watching podcasts while wearing his headphones. Patuloy rin ito sa pagtipa sa kanyang laptop at nakakunot ang noo. Ganoong kaseryoso ang kanyang boyfriend sa pag-aaral at nakikita n'ya ito na magiging isang matagumpay na doktor sa hinaharap. Sana nga lamang ay magkasama pa sila sa mga panahong iyon. Sana makita n'ya ito na naaabot ang kanyang mga pangarap.
Pansin ni Crystal ang halo-halong mga tingin ng ibang tao kay Ymannuel. She can't stop them. He was an eye-catcher. May iba na animo'y pinagnanasaan ang kanyang nobyo, mapa-babae man o kapederasyon. May iba na may tingin ng inggit. Hindi n'ya masisisi ang mga ito. It was the Ymannuel Dominique Fuentes that's sitting casually in the library. Masyadong malakas ang kanyang appeal sa pampublikong lugar na kahit ang mga librarian ay sinasadyang dumaan sa palibot ng mesa upang masilayan si Ymannuel.
Sa kanyang paglapit ay s'ya namang pagtingin ng mga tao sa kanyang direksyon.
'Here we go again,' she thought. Alam naman n'yang magiging paksa na naman s'ya dahil kilala s'ya na fiancé ni Ymannuel. Some even labeling her as a gold-digger. She can't blame them. Kahit naman hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya nasasanay.
Ymannuel's world revolves around her. She is his world and so was he.
Ilang hakbang pa ang layo niya sa mesa ngunit awtomatikong tumingala si Ymannuel at ngumiti. Animo'y alam na malapit na ito sa kanyang direksyon.
Tinanggal ni Ymannuel ang suot na headphones at tumayo. "Hey, gorgeous," kindat nito.
Kinikilig na yumakap si Crystal. "Hey, babe."
Naramdaman n'ya ang paghalik ni Ymannuel sa kanyang ulo. Nahihiya ngunit kinikilig si Crystal sa ginawa ng binata. Wala talaga itong pinipiling oras at lugar sa pagiging sweet. Basta para sa kanya, gagawin n'ya ang lahat para mapasaya ito.
"Kumusta ang araw mo?" Tanong ni Crystal.
"It was lonely without you, babe."
"Sus, bulero. I know you had an assessment kanina. That would've kept you occupied the whole morning." Tinulungan na n'ya sa pag-aayos ng gamit si Ymannuel para maka-uwi na silang dalawa.
"Are you belittling me, Mrs Fuentes? Alam mo naman na madali kong natatapos ang mga ganyang bagay."
"Sus, ang yabang talaga," she rolled her eyes.
Pero nagulat s'ya na sa kanyang paglingon muli kay Ymannuel ay sobrang lapit na ng kanilang mukha.
"Mahal mo naman."
Umakyat ang hiya sa mukha ni Crystal. They were so closed that they look like they were about to kiss!
"Heh! Ilayo mo nga sa 'kin 'yang gwapo mong mukha! Baka hindi ako makapagpigil."
"At ano? Ano naman ang gagawin mo?" Nanatili sa kanyang harap si Ymannuel at inilagay ang magkabilang kamay sa lamesa, naikulong tuloy s'ya sa pwesto.
"Baka halikan kita?" May paghahamon sa boses ni Crystal. Her eyes were challenging him head-on. Her orbs staring at his.
Kinagat ni Ymannuel ang kanyang ibabang labi at palipat-lipat ang mata sa kanyang mata at labi. "I would love for you to do that, babe."
Alam ni Crystal na ganoon ang isasagot ni Ymannuel. Alam naman n'yang wala s'yang panalo pagdating sa pakikipagbiruan sa nobyo.
"Tse! Ang harot mo!" Aniya sabay kurot sa tagiliran ni Ymannuel na natawa ng mahina. "Tara na sa bahay!"
"Okay, babe. Let's go."
Heat crept more on Crystal's face when she saw everyone's eyes were locked on the two of them. Gusto na lamang n'yang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Nahayawaan na s'ya ng kabaliwan ng kanyang nobyo.
Magkahawak-kamay silang lumabas ng library at nagderetso sa parking. Pala-kwento si Crystal patungkol sa kanyang naging araw samantalang tahimik lamang na nakikinig si Ymannuel sa kanya. He likes listening to her voice.
Pagdating nila sa bahay ay ibinaba agad ni Ymannuel ang mga gamit nila at hinila si Crystal. Nagulat si Crystal dahil sa biglaang pagyakap ni Ymannuel sa kanya. It was so tight she could feel his tensed muscles.
"Babe?" May pag-aalala sa kanyang tanong habang hinahagod ang likuran ng lalaki. Gustong-gusto n'ya ang kanilang puwesto dahil kahit kapwa galing sila sa unibersidad maghapon ay ubod pa rin ng bango si Ymannuel. Kung gaano s'ya kabango sa umaga, hanggang sa pagtulog ay nakaka-adik pa rin itong amuyin. Ito ang amoy na paborito n'ya talaga.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" Bumalik si Crystal sa huwisyo dahil sa tanong nito.
"Oo naman, why?"
Humiwalay si Ymannuel at batid kaagad ng dalaga ang matinding pag-aalala sa mata nito. His bloodshot eyes were telling, no, they were begging her not to go. "Nag-aalala lang ako."
Hinawakan ni Crystal ang kamay ng kanyang nobyo. Gusto n'yang bigyan ng assurance si Ymannuel. "Babe, napag-usapan na natin 'to."
"I know. Pero hindi mo pa rin maaalis sa akin ang mag-alala. Ayaw mong ihatid kita, ayaw mong sabihin kung saan ka pupunta. Kahit sina mama ayaw mong sabihan para masamahan ka. I don't even know how long you'll be away," pag-amin ni Ymannuel. Fear and genuine worry was drawn all over his face.
"Babe, kalma."
"Babe..."
"Babalik naman ako. Ibalato mo na sa 'kin 'tong byahe na 'to. First and last."
Biglang kinilabutan si Ymannuel sa sinabi ni Crystal pero pinili n'yang isantabi. Masyadong marami na s'yang iniisip para dagdagan pa ito. Puno na nga s'ya ng pag-aalala sa kasintahan tapos papatungan pa n'ya? Baka sa halip na maagang pag alik ay piliin pa nito na magtagal sa "bakasyon" na ito.
"Ano pa nga ba? Wala na naman akong magagawa." He wraps her into another tight hug.
"Thanks, babe." Niyakap n'ya rin ng mahigpit ang kasintahan. hinaplos rin n'ya ang buhok nito. Ipinikit pa n'ya ang mga mata at ninamnam ang yakap at haplos ni Ymannuel sa kanya. It was warm and comforting. alam n'yang ma-mimiss n'ya ito.
"At least let me see you off?"
Ngumiti si Crystal. "Nice try, babe, but no. Kapag sumama ka, makikita mo ang flight ko..." at baka sumama ka pa. Pinilit n'ya ang sarili na huwag banggitin iyon pero iyon ang totoo. Kung sakali na makita ito ni Ymannuel ay hindi ito magdadalawang-isip na sumama sa kanya kahit saan man s'ya pumunta at kahit wala man s'yang nakahandang gamit. He is a Fuentes after all.
At sa totoo lang, pakiramdam n'ya ay gagawa pa rin si Ymannuel ng paraan upang malaman ang kanyang pupuntahan kaya't inunahan na rin n'ya ito. Kinausap n'ya si Ysabelle upang i-block and kahit anong bagay na gagawin ni Ymannuel na patungkol sa kanyang gagawin. Nagtaka si Ysabelle dahil alam n'yang hindi mapaghiwalay ang dalawa ngunit ipinaliwanag ni Crystal ang lahat at naintindihan ito ng ginang. Alam ng pamilya Fuentes maliban kay Ymannuel.
"What if may mangyari sa'yo?"
"Kung may mangyari sa 'kin, may tatawag sa'yo, okay?"
"That's not very reassuring," kunot noo nitong sagot.
"Hay naku, Ymannuel Dominique Fuentes. H'wag kang praning d'yan. Don't even jinx it." Hindi n'ya aaminin na may alam ang nanay n'ya sa kanyang plano.
"Okay. At least let me see you off sa labas ng bahay?"
Ngumiti si Crystal sa kasintahan. "That I am happy to do."
Hindi nagpatulong si Crystal sa pag-iimpake ng iilang gamit. Alam n'yang malulungkot si Ymannuel at patuloy na bubuksan ang topic na h'wag na s'yang umalis. Mauulit lamang ang kanilang diskusyon na hindi pabor kay Ymannuel.
Ngunit gusto n'ya itong ituloy.
Tama si Connor, maaari s'yang magsisi kung hindi n'ya ito gagawin habang malakas pa s'ya. With her time ticking, gusto n'yang maranasan ang mga bagayna hindi pa n'ya nagagawa. She was a ticking time bomb that could explode anytime, anywhere.
Marahil magagalit si Ymannuel kapag nalaman nito ang dahilan n'yang iyon. Baka nga pag nalaman ni Ymannuel na kay Connor pa nagmula ang ideya ay magalit rin ito sa kanilang dalawa.
Maaari.
Posible.
Pero masisisi ba s'ya nito?
All her life, they've been together. They were Jack and Jill. Even the yin and the yang. She's the sun of his world.
They complete each other.
At ngayong bilang na ang kanyang oras, pakiwari niya'y walang masama sa kanyang paghahangad ng mga bagay para sa sarili.
Si Crystal ang tumawag ng taxi na hindi naman katagalan. Magkasama silang nakatayo sa labas ng bahay at bitbit ni Ymannuel ang back-pack at maliit na maleta ng kasintahan samantalang nakatayo sa tabi n'ya si Crystal.
"Are you sure na hindi ka aatras?" Hindi maiwasang itanong ni Ymannuel habang nakatingin sa paparating na taxi.
"Sigurado ako." Tipid na sagot ni Crystal.
He heaved a sigh of defeat. He tried to stop her but he sounds so pushy and needy right now.
Tumigil ang taxi at binuksan na ni Ymannuel ang pintuan at isinakay na ang gamit dito. Nang mailagay na ni Ymannuel ay kaagad itong lumingon kay Crystal at binalot sa isang mahigpit na yakap. "I'm going to miss you. Hell, I miss you already."
Napangiti si Crystal. "I will miss you, too, babe. Make sure na kumain ka on time, ha?"
"I should be the one saying that," he chuckled. "Please call me when you arrive to wherever you are. Kahit anong oras, tawagan mo ako. At kung kailangan mo ako, tawagan mo ako at pupuntahan kita agad. Okay?"
Lalong lumawak ang ngiti ni Crystal. Ramdam n'ya ang walang kundisyon at umaapaw na pagmamahal ni Ymannuel sa kanya. "I love you so much, Eman. Sobra."
"And I love you most, my queen. Please don't take too long away from my side." Pinag-dikit ni Crystal ang kanilang mga noo.
Sa halip na sumagot ay ginawaran ni Crystal ng isang halik si Ymannuel habang mahigpit ang kanilang yakap sa isa't isa. Lalo s'yang inilapit ni Ymannuel at pinalalim ang kanilang halikan. He was so in love with her and she can feel every bit of it already. Ni karayom ay hindi sila mapaghihiwalay na dalawa.
Natapos lamang sila nang tumikhim ang taxi driver na namumula ang tainga. Napatawa silang dalawa.
"Mag-iingat ka, please."He kissed her forehead.
"ikaw rin." She kissed his lips one more time. "Alis muna ako, ha? I love you," aniya bago sumakay na ng taxi.
Ibinaba n'ya ang bintana at sumilip si Ymannuel dito. "Please drive well. Your passenger is my fiancé," paalala ni Ymannuel.
Napatawa ang matanda. "Don't worry, young man. I have been driving for 30 years. I will take her to the airport in one piece."
"You better," sagot ng binata.
"Stop it," namumulang sambit ni Crystal kay Ymannuel. "I'm all set now. We can go," aniya sa driver.
"Please take good care of yourself."
Tumango si Crystal at nakatingin lang sa paghalik ng nobyo sa kanyang kamay na may suot na singsing. Mabilis s'ya nitong nilakipan ng halik sa noo bago muli sa labi. Tumayo na ng ayos si Ymannuel sa labas at umandar na ang sasakyan.
Kumaway si Crystal at kita n'ya ang nanghihinang hitsura ng kanyang minamahal . He was on the verge of crying. Cross that. He had a tear drop from his left eye. Napakapit si Crystal sa kanyang dibdib at napapikit.
Baka umatras s'ya sa lahat ng plano n'ya at tumakbo pabalik sa mga bisig ni Ymannuel. Kaya nga ba n'ya?
'Kaya mo 'yan, Crystal. Gawin mo 'to para sa sarili mo. Just this once.'
With one last look, she gave him a smile of reassurance. Babalik sýa.
Crystal has decided how her last few chapters would be. Hindi n'ya hahayan ang kanyang destiny sa gusto nitong malungkot na konklusyon ng kanyang buhay. S'ya ang magdidikta kung paano ito tatakbo.
Crystal will control how her life runs.
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
Please support the story by commenting and voting!
PrincessThirteen00 © 17 12 2019
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro