Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12: Beg

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

CHAPTER 12

BEG

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

NAGISING si Ymannuel at mahimbing pa ang tulog ni Crystal sa kanyang tabi. S'ya ang nakatokang magluto ngayon ng almusal.

Sinilip n'ya ang cellphone at wala pang ala sais. Makakapag-jogging s'ya kapag naihanda na ang almusal. Hindi kasi n'ya naiisama si Crystal sa pag-jojogging dahil sa kundisyon nito.

Pumunta si Ymannuel sa kusina at nagluto muna ng almusal -- omelette and pancakes.

Nagtungo si Ymannuel sa walk-in closet at upang magpalit ng damit pang-jogging. Sa kanyang pagpapalit ay napansin n'ya ang isang bungkos ng mga papeles sa ilalim ng damitan ni Crystal.

Unang pagkakataon pa lamang niya na nakita iyon. Inisip na lamang ni Ymannuel ay para ito sa research papers ng dalaga. Kasagsagan ng mga proyekto ang mga estudyante ngayon. Maging siya ay may mga tinatapos rin sa medsschool.

Bukod pa dito, dahil kakagaling lamang nila sa isang mainit na argumento ay marahil hindi na napansin ni Crystal kung saan n'ya ipinatong ang kanyang mga gamit.

Kinuha n'ya ito upang ilagay sana sa bed side table nila ngunit ilang piraso ng papel ang nalaglag mula sa loob.

'Negative,' iyon ang una niyang napansin. Of all the black letters on that piece of paper, that dashing red line stood out the most.

Hindi napigilan ni Ymannuel na suriin ang buong dokumento. Binuklat n'ya ang unang pahina upang makita ang paksa ng papeles. Kaagad s'yang binalot ng kaba sa nabasa: 'We regret to inform you that your third fertility test that was done on April xx, xxxx at St. Joseph's Medical Center has come back negative."

Matindi ang naging pagtataka ni Ymannuel dahil wala pa namang nangyayari sa pagitan nila para magpa-chek up si Cyrstal. Walang rason para magpatingin ang dalaga para sa isang fertility test. Maliban na lang kung iba ang dahilan kung bakit gusto nitong magpatingin.

Pinagpatuloy ni Ymannuel ang pagbabasa sa dokumento. Hindi na s'ya nagdalawang isip pa na buksan ang folder. Hindi nga s'ya nagkamali. Malinaw ang dahilan ng kanyang kasintahan. Bawat detalye ay naroroon.

Ang masaklap nito, parang tinataga at dinudurog ang puso ni Ymannuel sa mga nababasa.

Nagpapatingin si Crystal upang malaman kung may tsansa ba s'yang magbuntis o wala. Maraming referral letters at appointments na palihim n'yang ginawa. Pansin n'ya kaagad na ang mga araw na iyon ay nasa medschool s'ya.

Dahil sa iniindang sakit ni Crystal, hindi pa sigurado kung may posibilidad ba itong mangyari.

Nalungkot si Ymannuel. It crushed him.

Nakakalungkot na hindi pala sila posibleng magka-anak kahit na iyon ang naging bukam-bibig n'ya sa mga nakaraang buwan. Hindi n'ya itatanggi na nadismaya s'ya ngunit mas masakit ito panigurado sa partido ni Crystal.

Babae s'ya at ilang beses na nagpatingin. Ibig sabihin, umaasa talaga ang dalaga kahit sa katiting na posibilidad. Nangagarap si Crystal na matupad ang kanilang mga pangarap na makabuo ng isang pamilya. Building their own family would mean defying all the odds.

Narinig n'ya ang pag-ibo ng kama nila. Kaagad n'yang inayos ang mga papeles at inilapag sa kinuhanan upang hindi mahalata na kinuha n'ya iyon doon. Sinilip n'ya ang silid tulugan at kumportable pa rin ang higa ni Crystal. Mukhang umikot lamang ito sa kama.

Lumapit si Ymannuel sa natutulog na dalaga. Napakapayapa ng hitsura nito. Walang kahit katiting na bahid na may sakit itong iniinda. Walang pruweba na may mabigat itong nililihim sa kanya.

Binalot ng kaba ang kanyang isipan. Ano ang ang dapat n'yang gawin ngayon? Ano ang kanyang dapat isipin?

Sa halip na magpatuloy na sa pagjo-jogging, mas pinili ni Ymannuel na tumabi kay Crystal at niyakap n'ya ito ng mahigpit.

Napakislot si Crystal at siniksik ang sarili upang maging kumportable sa puwesto nila.

Binuksan n'ya ang kanyang inaantok na mga mata at sinilip si Ymannuel na nakatitig sa kanya. "Why are you so up early?"

"Crys, baby," bulong nito habang hinahaplos ang likod ni Crystal.

"Hmm?" Pumikit muli si Crystal upang bumalik sa pagtulog.

"Let's get married."

"Five more minutes," wala sa sariling sagot ni Crystal.

Napatawa si Ymannuel. Marahil ay iniisip ng nobya na ginigising na n'ya ito. Inilapit ni Ymannuel ang bibig sa may tainga ni Crystal. "I said, I want to marry you already,"

Naramdaman n'ya ang paghigpit ng isang kamay ni Crystal sa kanyang dibdib. Napamulat ito muli ng mata at kaagad bumangon. Tinitigan ni Crystal ang mga mata ni Ymannuel na puno ng pagkagulat at pagtataka.

"Anong sabi mo?"

"Makakailang ulit ba ako?"

"Ano ba kasi ang sinabi mo?"

"Sabi ko, let's get married. Gusto na kitang pakasalan."

May ilang segundo ng katahimikan bago napa-iling si Crystal. "Inaantok ka pa yata, babe. After graduation pa natin pagpaplanuhan ang kasal natin."

Iyon ang kanilang plano mula pa noon. Hindi naman itatanggi ni Crystal ang pagkapanabik na maging kabiyak ni Ymannuel. Pangarap n'ya iyon na sana magaling na s'ya bago ang kasal nila.

Crystal wants to be hands-on to their wedding planning. Pangarap n'ya na naisuot ang kanyang dream wedding at makasama ang mga importanteng nga tao sa buhay nila.

"Hindi ako inaantok. Tsaka seryoso talaga ako." Inihiga n'ya si Crystal at pumaibabaw dito. "Gusto na talaga kitang pakasalan. Hindi ba pwede?"

"P-pero... 'Di ba after graduation ang napag-usapan natin about that? May nangyari ba?"

"W-wala. Naisip ko lang na mahal na mahal talaga kita at gusto na kitang gawing isang ganap na Mrs. Ymannuel Fuentes."

"Hindi naman tayo nagmamadali, babe. Kahit ano man ang mangyari, I'm yours and you're mine na, 'di ba?"

"Alam ko. Pero iba pa rin kapag kasal na tayo."

Hinaplos ni Crystal ang pisngi ni Ymannuel at ikinawit ang magkabilang mga braso sa leeg ng nobyo. "Babe, come on. You know na hindi mo ako nadadaan sa ganyan. Don't tell me gusto mong gayahin si ate Sammy at kuya Blake?" May pagbibiro sa boses ni Crystal.

"What?"

"They got married in secret muna, 'di ba?" Crystal lazily replied. 

"I'm not trying to copy them. They had their reasons. And ours doesn't need to be a secret. Everyone knows we're engaged several times."

"Babe, ilang taon na tayo magkasama? Alam kong hindi mo naman ibo-brought up ng topic na 'yan if you weren't thinking about something."

Bumaba ang mukha ni Ymannuel at nilakipan ng halik ang noo ng kasintahan. Natatakot s'ya. Takot na takot na malaman ni Crystal ang nilalaman ng puso at isipan n'ya ng mga panahon na iyon. "Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Hindi pa ba sapat na dahilan 'yun?"

Hindi n'ya kayang sabihin pa kay Crystal na alam na n'ya ang totoo. Ikakalungkot iyon ni Crystal at hindi n'ya alam kung paano n'ya mapapasaya ang kasintahan.

Pinagmasdan ni Ymannuel ng maigi ang mukha ni Crystal. Inilandas ang hintuturo sa mamula-mula nitong pisngi. Umakyat ang kanyang tingin mula sa labi, sa ilong, at paakyat sa mga kayumanggi nitong mga mata. Ito ang mukha ng babaeng pinakamamahal n'ya. Ito ang mukha ng babaeng itinatago sa kanya ang mabigat na nararamdaman.

"Babe?"

Her heart was fluttering. Pilit n'yan gv iniintindi kung bakit gusto kaagad ni Ymannuel na magpakasal na gayong may plano silang pagkatapos ni Ymannuel sa medschool.

Kinikilig ba s'ya? Oo. Kahit ano naman gawin ni Ymannuel para sa kanya ay kinikilig s'ya. Pero hindi n'ya pwedeng pairalin ang puso lang sa sitwasyong iyon. May gusto.s'yang gawin matapos ang pag-uusap nila ni Connor.

Napabuntong-hinga si Crystal. "Sige. Pumapayag ako pero sa isang kundisyon," agad nawala ang ngiti sa mukha ni Ymannuel.

"Ano naman?"

"Pwede mo ba akong hayaan na mag-travel."

"Oo naman. Where do you want us to go?"

"Teka lang. Patapusin mo muna kaya ako," natatawang ani Crystal. "Gusto kong masubukang mag-isang magbyahe sa ibang bansa."

Kumunot ang noo ni Ymannuel. "What? Why?"

"Gusto kong maranasan na mag-travel na ako lang."

"Crys, baby, to travel to another country poses a big risk to you already. To travel by yourself is a far greater risk! I can't let you go by yourself."

"Well then, expect to marry yourself soon then," sarastikong sagot ni Crystal.

"Crystal! Oh, come on! Makinig ka muna sa 'kin!"

"No, Eman. I listened to you. Sana ikaw rin."

"Are you making me say 'yes' to let you travel somewhere else by yourself if I want us to get married now?"

"Yes," tumatango na sagot ni Crystal.

"Where are you planning to go?"

"I won't tell you."

"What?"

"Alam kong susunod ka kapag sinabi ko kung saan ako pupunta. That defeats the purpose as to why I want to travel by myself."

"I know you won't dare but are you cheating on me? Kaya ba gusto mong umalis na ikaw lang?"

"Of course not! Wala akong iba, okay? I heard from someone kasi na may malalaman ka rin sa sarili mo kapag may ginawa ka na out-of-the-ordinary. And to travel just by myself is something that I have not done. So babe, please... Pagbigyan mo na ako dito?"

"So you're saying, we can get married now if I let you on your little trip?"

"Yes."

"Paano ako nakakasigurado na hindi mo ako tatakasan?" Mapanuring tanong ni Ymannuel.

"Really?" Crystal rolled her eyes. "We've been together for years and my heart and soul belongs to you already. Nagdududa ka pa?"

Napabuntong hininga na lamang si Ymannuel. Batid n'ya na buo na ang desisyon ng kasintahan. At kung gusto n'yang mapakasalan ito kaagad, wala s'yang pagpipilian.

"Fine. Payag na ako."

Ngumiti si Crystal at pinugpog ng halik ang binata.

Lingid sa kaalaman nito ay may nag-iisip na ng plano ang binata upang malaman kung saan pupunta ang kasintahan.

"Thank you, babe."

Pinagdikit ni Ymannuel ang kanilang mga noo at binigyan ng isang mababaw ngunit mahabang halik ang labi ng kasintahan.

"Oo na. Basta pagbalik mo, gagawin agad kitang Mrs Fuentes."


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Please support the story by commenting and voting!

PrincessThirteen00 © 09 11 2019

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro