Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: On His Island

*****

CHAPTER 4: ON HIS ISLAND

*****

A FOREIGN SCENT invaded Samara's nose and something felt heavy on her belly. Imposibleng pamango niya iyon o maging sa mga kuya niya. Mabusisi sila at hindi ito ang taste ng mga kapatid niya. But she actually likes this scent. It smelled manly and dominating. Pero isang bagay ang masisigurado niya, nakatulog siya nang maayos at payapa.

Unti-unting napamulat ng mga mata si Samara. Nakita niya ang isang kamay na nakapatong sa tiyan niya. Nabalot ng pangamba ang dibdib niya. Sinapo niya ang ulo.

'Try and remember what happened, Samara Clarrise!'

And it hit her all simultaneously—her best friend and now ex-boyfriend's affair, the hotel, the rain, the call, the promise and the kiss!

Dahan-dahan siyang bumangon at tinanggal ang kamay ng binatang mahimbing pa rin sa pagtulog. Nakita niya ito kagabi pero mas malinaw ngayon ang hitsura ng binata. Gwapo ito kahit tulog. Mahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong, namumula ang mga labi, matipuno at matikas. Halatang may dugong banyaga.

Then a memory flashed before her eyes.

Iba ang suot niyang damit. Paano? Sinong nagpalit sa kanya? At kung may nangyari ba? Kinapa niya ang sarili para makasigurado at wala naman siyang naramdamang kakaiba. Kaya pala balot na balot siya ng amoy ng lalaki ay dahil suot suot niya ang damit nito!

Narinig niya ang pag-ungol ng binata kasabay ng pagmulat nito ng mata. She thought it was sexy how he groaned for a second before she shook the thoughts off.

"Hey. Good morning," bati ni Blake sabay upo. Kinukusot pa nito ang mata at nag-inat ng mga braso. Parang live show kay Samara ang panonood ng pag-iinat ng makisig nitong katawan. His muscles were flexing, proof that he does exercise.

"G-good m-morning," nahihiya at nauutal niyang bati. Nilapat ni Blake ang kamay sa noo nito na sobrang ikinagulat niya bago ngumiti.

"Hindi ka na mainit. Good. Are you hungry?"

"Y-yeah," simple nitong sagot.

"Tara sa kitchen."

"Uhm, hindi pa ako naghihilamos."

"Neither have I. Don't worry. You still look stunning."

Namula si Samara at may kung anong naramdam sa loob-loob. "Come." Nilahad ni Blake ang kamay sa dalaga para alalayan itong tumayo. May pag-aalinlangan pero tinanggap ito ng dalaga. Pero sa di inaasahang pagkakataon ay dumulas ang jogging pants niyang suot dahil sa hindi ito nakabuhol at malaki talaga ito sa kanya. Napa-awang ang bibig ni Samara sa nangyari. Mabuti na lamang at malaki talaga ang T-shirt niyang suot. "A-ah . . . I need to apologize to you because I changed your clothes last night. Wala akong option dahil mataas na ang lagnat mo at basang-basa ka. I'm really sorry."

Pinagmulahan ng pisngi si Samara. "N-nakita mo ang—

"It was not intentional! And I promise, pinalitan lang talaga kita ng damit. I swear! Cross my heart!"

Natawa naman ngayon si Samara sa inasal ni Blake. Parang batang takot mapagalitan. Ibang-iba ito. Hindi gaya ni . . . Umiling si Samara. As much as possible, ayaw na ayaw niya itong makita o makausap o kahit marinig lang ang pangalan.

She hates him to the core—everything about him.

"Ayos lang. Ikaw na rin ang may sabi na wala kang ibang option. Nilalagnat na ako at basa pa. Utang na loob ko na ngang pinatuloy mo ako rito sa bahay mo e. Isa pa, modelo ako kaya hindi na rin bago sa akin kapag may nakakita na swimsuit ang suot. Gano'n na lang iniisip ko." Namumula pa rin siya pero kampante ang sagot niya.

"Model ka? Well, it does suit you," papuri ni Blake sa dalaga.

Hindi itatanggi ni Blake sa sarili na nanghihinayang ito na ngayon lang niya nakilala si Samara gayong matagal na silang magkakilala ng kuya nito. Ni hindi niya alam na modelo ang dalaga... Pero hindi naman niya hilig ang mga ganoong bagay. He'd rather spend his time in his business and investments.

"Thanks." She smiled at him. Nakita ni Samara ang maleta niya sa tabi at dali-daling binuksan ito. Kumuha siya ng shorts at doon na mismo isinuot. Nag-iwas din naman si Blake ng tingin.

"Let's go!" pag-aanyaya niya kay Blake na namumula na ang mga tainga.

Bumaba na sila at nabigyan ng pagkakataon si Samara na pagmasdan ang villa. Napakalaki at luwang nito, mas malaki pa kaysa sa villa nila sa Makati.

"Blake . . . "

"Yes, Samara?"

For the first time after years, ngayon niya lang niya nagustuhan ang pagbigkas sa sariling pangalan. She thought it was weird therefore her friends call her Sammy.

"S-salamat ulit. I wouldn't be okay right now if it weren't for you," taos-puso niyang pasasalamat.

"Ayos lang. We may be strangers, but your brother is a good friend of mine. Speaking of, anong oras ka susunduin ng kuya mo?"

"Hindi ko alam. I'll call him later." Umupo siya sa upuan sa may counter habang pinanonood si Blake na kumuha ng pagkain sa cupboard. He got oatmeal sachets at nag-init ng tubig. "Is oatmeal okay with you?"

"Of course."

Kumuha na ng dalawang bowl ang binata at inasikaso ang pagkain. Si Samara naman ay pinagmamasdan pa rin ang kusina. If her mom was here, she would love the kitchen dahil maganda at malawak. Halatang hindi laging nagagamit ang mga lutuan pero may 'homey' na pakiramdam pa rin dito.

"Mag-isa ka lang dito sa bahay mo? Hindi ka ba nalulungkot kahit na mag-isa lang dito?" pambasag katahimikang tanong ni Samara.

"Paano mo naman nasabing mag-isa ako rito?"

"Well, I wouldn't be here alone if you've got someone around."

"True. But they could be out right now, right? It is already nine in the morning," Blake played his words.

"T-they? Like girlfriend and barkada?" Nakaramdam ng takot at pangamba si Samara. Paano kung mayro'n nga? Magmumukhang ginaya niya si Karen.

Natawa si Blake sa pagkautal ni Samara. He finds it cute lalo na kasi basang basa ang emosyon sa mukha nito. And she's an open book that he is starting to enjoy reading.

"I'm just kidding. Wala akong girlfriend at barkada rito sa isla. Pero 'yong secretary ko, sa isang hotel tumuloy at may taga-pangalaga ako nitong villa pero may sariling bahay sa tabi."

"Ikaw? Walang girlfriend? Weh? Parang ayokong maniwala . . . sa gwapo mong 'yan?" Natigilan si Samara sa sinabi. 'I did not just say that!' Gusto niyang magpalamon sa lupa dahil wala talagang preno ang bibig niya.

Muli, natawa nang marahan si Blake. "Hindi naman dahil gwapo ako ay may girlfriend na agad. I do have previous flings but never serious ones," pag-amin nito.

"Ay, grabe si kuya oh, bad boy rin gaya nung mga kakambal ko." This time, si Samara ang natawa sa nalaman.

"Here's breakfast for now. Mamaya pa kasi magdadala si Mang Caloy rito ng pagkain." Inabot niya ang bowl sa dalaga.

"Thank you." Silence filled the place again.

"Supposedly, how long was your holiday here?" This time, si Blake ang nambasag ng katahimikan.

"Anim na araw pa dapat. Kaya lang . . . " Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Samara. Just remembering the things that she witnessed yesterday was breaking her.

Gusto ni Blake sabunutan ang sarili. Hindi kasi niya alam ang itatanong. And he just asked a dick question to her and now her happy face drew pain. Naalala na naman niya ang ex at best friend niya.

Tahimik na silang kumakain until mag-ring ang cellphone ni Blake. Kinuha niya ito at sinagot. "O, Fuentes . . .? Yeah, she's here. Wait." Tinanggal niya ang cellphone sa tainga at inabot kay Samara na nagtataka. "It's your brother."

Kinuha niya ito agad at sinagot. "Hello, Kuya Quel?" Sigurado siyang ang Kuya Ysiquel niya dahil sila ang magkaibigan ni Blake at hindi sina Sebby, Senny o Eman.

"Morning, li'l sis. Ayos ka lang ba r'yan?" Puno ng pag-aalala ang boses nito.

"Oo naman, kuya. Your friend was nice to accommodate me in his villa. On the way na ba kayo?"

"Unfortunately, hindi kami makalilipad papunta r'yan. Masama ang panahon ngayon dito sa Manila. 'Yong nand'yan kagabing bagyo, dito naman namamasyal." May halo ng pagbibiro sa kapatid niya.

Nagtungo siya sa may binatana para makita ang panahon. The sky was indeed dark, and the surroundings were still soaked. "Umaambon pa rin dito."

"Kaya nga. Paniguradong maalon pa rin d'yan. It's not safe to travel by water nor by air right now. Mahirap na baka may mangyari..."

"Pero kuya, saan ako tutuloy nito? I don't want to impose on your friend kasi . . ." Biglang hinablot ni Blake ang kanyang cellphone sa dalaga.

"Fuentes, ako na ang bahala sa kapatid mo," pagpepresinta ng binata. "She can stay here." Nanlaki ang mata ni Samara sa sinabi ni Blake. Tumalikod na ang binata para makabalik sa may counter.

"Are you sure?"

"I wouldn't be offering it right now if I'm not sure, Fuentes."

"Sabi ko nga. I'll pick her up as soon as maging ayos na ang panahon."

"There's no need. Isasabay ko na lang siya sa byahe ko pauwi r'yan sa Manila next week. I'll tour her around the place. Customer pa rin siya ng isla."

"Hmm . . . Sige. But ask Samara about that. If she wishes to stay, she may para makapag-relax before school starts again. If not, call me. I just have to go now, hinahanap na ako ni misis."

"Hooked up, jerk."

"Crazy bastard," sagot nito at pinatay na ang tawag. Lumingon si Blake sa dalaga at nakasunod na pala sa kanya ito.

"Anong sinabi mo kay kuya?"

"Sabi ko ipapasyal kita rito sa Isla Perez. You are here for a vacation so might as well enjoy the most of it. Hindi ko alam kung hanggang kailan masama ang panahon kaya sabi ko, isasabay na lang kita sa pag-uwi ko next week. I'm sure the weather would be nice then, too."

"Pero . . . "

"Are you scared to see the people who hurt you again?" Napatingin si Samara deretso sa emerald na mga mata ni Blake. Tumango siya. Bakit pa siya tatanggi kung siya rin naman ang mahihirapan kapag nangyari iyon?

"Samara, you don't need to be scared. I'll protect you from everything."

Muli, kumabog ang dibdib ni Samara sa mga salitang binitawan ni Blake. Hindi niya 'yon inaasahan pero hindi niya kayang itanggi sa kanyang sarili na naramdaman iyon.

*****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro