Chapter 2: The Boss
*****
CHAPTER 2: THE BOSS
*****
"SIR, these are the reports you have requested." Inabot ng lalaking sekretarya ang isang makapal na folder sa lalaking nakaupo sa may terrace ng villa nito.
Malakas ang ulan pero hindi nito inaalintala iyon dahil malawak ang terrace at malapad ang nasasakupan ng bubong.
"Thank you. You may go," sagot ng binata matapos lumagok ng alak na hawak-hawak. Nag-bow ang sekretarya saka umalis ng silid.
Bukod sa Sabado ngayon ay malapit nang maghating gabi pero lulong pa rin sa trabaho si Scorpius Blake Perez, ang nagmamay-ari ng Perez Empire at ang isa sa mga nangungunang kompanya sa limang kontinente: Asya, Australia, North at South America at Europa pagdating sa cargo shipments, investments sa stock market, casino, restaurants, tourism at iba pang industriya.
At hindi aakalaing sa edad na dalawampu't anim ay successful siya sa pagpapatakbo ng mga negosyo at naisalba ang kompanya ng yumaong ama bago inabsorb sa Perez Empire.
Isa siyang bilyonaryo pero ilap ito sa media. He hates the publicity and therefore, never showed up in person. May mabigat ding dahilan kung bakit ayaw niyang magpakita sa publiko as the owner of Perez Empire.
And truth to be told, mabusisi ito sa trabaho pero wala pang nakakikita sa mukha niya mismo as the boss behind all the success. Ipinapadala lamang nito lahat ng mga utos through email sa bawat head manager ng kompanya niya. Kung may meeting naman ang mga investors, he does a video conference where he can see everyone but no one can see him.
Exception lang nito ay ang secretary niya na si Terry. Naging schoolmates kasi sila sa Harvard kaya napagkakatiwalaan nito tungkol sa pagkatao niya. Plus, the fact that once Terry exposes his identity, he will pay a big amount which would last a lifetime.
Sinuklay ni Blake ang buhok gamit ang kamay saka ito kumuha ng sigarilyo sa bulsa at sinindihan ito. Sumandal siya sa sofa-bed sa veranda para mabawasan ang stress na dumadaloy sa kanyang isipan at katawan. Every puff he made is soothing to his nerves... Though he never liked the aftertaste.
Tinapos niya ang paninigarilyo bago inilagay sa ash tray ang natirang sigarilyo.
As he watched every drop of rain from his position, he couldn't help but look back to where and when he began and how he won everything.
To be where he is now, he sacrificed a lot of things in his life... And for him, all the pain, restless and sleepless nights, the fights, and even losing the woman he was crazy for was worth it. He got the success deemed only for him. And he was given the title suited to him—King of the Empire.
Binuklat ni Blake ang mga reports na pina-compile niya agad. Everything has to precise and perfect para kay Blake lalo na sa linggong ito.
After a year of non-stop work, gusto niya munang magpahinga kaya naririto siya sa Isla Perez—ang islang regalo ng tatay niya noong walong taong pa lamang siya na ginawa niyang resort anim na taon na ang nakalilipas.
Malaki ang isla na pagmamay-ari niya. There are three big hotels with more than 70 rooms each, a golf course, extreme outdoor activities, heated pools, two basketball and two volleyball courts, an indoor and outdoor club, souvenir shops and many more occupying half of the land.
The other half of the island is a private property with Blake's villa and yacht. Ang naghihiwalay sa dalawang lugar na ito ay ang masukal na gubat na paniguradong maliligaw ang magtatangkang pumasok dito. It was barricaded with signs of 'no trespassing' and 'private property.'
Biglang tumunog ang cellphone niyang nakapatong sa mesa. Napakunot ang noo niya.
It's very rare na may tatawag sa kanyang pribadong numero at sa ganoong oras pa. Ayaw na ayaw kasi nitong may tumatawag sa kanya maliban na lamang kung kinakailangan talaga.
A smirk formed on his lips as he read the caller's I.D.: Ysiquel Fuentes. Sinagot niya ito.
"Fuentes?"
"Yo, Perez. Kumusta na?" bati sa kanya ng matalik na kaibigan.
Si Prince Ysiquel Fuentes ang CEO ng Fuentes Group of Companies sa edad na 24, ngayon ay 25 na ito. Kahit na parehong nagmamay-ari at namamahala ang dalawa ng malalaking kompanya ay hindi nag-krus sa isipan nila na banggain ang isa't isa. They're rivals but allies at the same time. Kung si Blake ang 'King of the Empire', si Ysiquel ang 'Emperor of the Underworld.'
"Still the same bastard as always. And you? You're married, right?"
"Yes. Last year lang. I'm still pissed you didn't come."
"So, the bastard got hooked," Blake chuckled. "Pasensya na, pare. Masyado lang busy. Bakit ka nga pala napatawag?"
"Busy raw. You're filthy rich, you bastard. Just admit you're a freak in public," tawa ni Ysiquel.
"Damn you. Why'd you call?"
"I was just getting there. My younger sister is in one of your islands dito sa Pinas and something kind of happened sa kanila ng mga kasama niya."
"Let me guess, she was fooled by some fucktard?"
"Yes. An asshole bastard."
"On point as always, Fuentes. So, what do you want me to do?"
"Call whoever manages the island she's in and make sure she's safe. Pag naging maayos ang panahon ay susunduin ko siya."
"Aling island ba?"
"'Yong main."
Napangiti si Blake nang hindi niya namamalayan. It won't be that hard at all. "Tamang-tama. I'm here already for some business matters. Text me her number, and I'll deal with it."
"Salamat, Perez."
"Sure."
"Keep your zips to yourself, Perez," dagdag pa ni Ysiquel.
"Sure, Fuentes." Binaba na nito ang telepono.
Now, he has to babysit his friend's sister . . .? That shouldn't hurt a muscle.
Alam ni Blake na may apat na kapatid si Ysiquel dahil sa pareho silang nag-aral sa Harvard University at madalas magkausap noong mga teenagers pa lamang sila. But he never indulged himself on the minor details. He met his family once, four years ago but he left early that time kaya hindi rin niya maalala ang hitsura ng mga ito maliban sa mga magulang ni Ysiquel na kilalang kilala sa business world. Hindi naman kasi porque matalik na magkaibigan ang dalawa ay kikilalanin nila ang pamilya ng isa't isa.
Natanggap agad ni Blake ang text ni Ysiquel.
"Her name is Samara Clarrise. Her # +63999 999 9999."
Hindi na siya nag-reply pa. Kilala na naman siya ni Ysiquel kaya wala na sa puntong magpaliwanag at sumagot pa.
Pinindot nito ang numero para matawagan at binalik sa tainga ang cellphone.
"H-hello?" Isang malambing na boses ng babae ang sumagot at parang may naramdaman siya sa dibdib niya na kung ano. Isinawalang bahala na niya ito agad.
Umiling si Blake. Baka mautal pa siya pag nagkataon. "Hello. Is this Samara Clarrise?"
"O-o. Sino 'to?"
"The name's Blake. Tinawagan ako ng Kuya Ysiquel mo seconds ago as he mentioned you're in the Perez island?"
"Yes. Nandito pa nga ako. How do you know my brother and my number?"
"You're not in a hotel yet, are you?" He dodged the question. Naririnig kasi ni Blake ang malakas na lagaslas ng tubig ulan mula sa kabilang linya.
"No. Walang available na kwarto sa mga hotel dito and I was asked to leave the lobby because of how I look right now." Batid ng binata ang inis sa boses ng dalaga. Parang galing din sa paghikbi ang boses nito.
Biglang kumulog nang malakas kaya't napatingin si Blake sa labas. "Where are you then?"
"Ahhmmm . . . Tapat ng Perez Empire Paradise."
"Alright. Stay there, and I'll pick you up."
Napaisip din si Blake na wala rin naman talagang mapupuntahan ang kausap. Pero nasa isip pa rin niya ang serbisyo ng hotel na pinuntahan nito.
"And what makes you think na sasama ako sa taong hindi ko kilala?" Her voice became stronger than seconds ago.
"Because I said so. Now don't go anywhere. I'll be there in no time." Binaba na niya ang tawag at nagtungo na papunta sa garahe ng villa. Pinindot niya ang remote control ng garahe para awtomatiko na itong magbukas. He's bringing his BMW tonight.
"Sir, saan po kayo pupunta? Ang lakas pa ng ulan o," tanong ng matandang caretaker ng villa na nagngangalang Sebastyan o mas kilala na si 'Teban'.
"May susunduin lang ako, Mang Teban. Babalik ako agad." Sumakay na ito at pinaandar na ang sasakyan.
Now to meet the Fuentes girl . . .
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro