Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13: Memory

*****

CHAPTER 13: MEMORY

*****

"SAMARA! Samara Fuentes!"

Napalingon si Samara sa direksyong pinagmumulan ng boses. Isang binatilyong nakasuot ng volleyball jersey ang lumapit sa kanya. Parang bumagal ang oras at nag-slow motion ang paligid sa paglapit nito. Bumilis din ang tibok ng puso ni Samara nang makita ang ngiti nito at mga tingin. Guwapo ito at halos kasing tangkad niya... Marahil ay mas matangkad ng ilang sentimetro lamang.

"Yes?" May napakalaking pagtataka si Samara sa ginawang pagtawag ng binata. Laking pasasalamat na lang din niya at hindi siya nabulol. Nakita ni Samara ang paglipat ng kamay nito patungo sa bulsa.

"This is yours, right?" Inilabas nito ang isang peach na panyo na may initials na SF. Iyon ang panyong dinesenyo ng kanyang sariling ina para sa kanya noong bata pa siya.

Kinapa ni Samara ang kanyang bulsa at saka napagtantong wala nga sa kanya ang panyo. "Naku, salamat." Kinuha nito ang panyo at pinagpagan bago tinago sa bulsa. "Salamat talaga ah?"

"Walang anuman. By the way, I'm Ben. Ben Callista."

"Hello po. You already said my name so I don't think I should still introduce myself." Natawa si Samara sa pagsagot sa lalaki.

"No need. Panigurado akong kilala ka ng lahat dito."

"Maybe. Maybe yes. Maybe no."

"C'mon. You're a Fuentes plus . . . "

"Plus?"

Ngumiti si Ben. "Napakaganda mo, Samara. Higit pa sa salitang maganda."

"Nambola ka pa. Pero... salamat," sagot ni Samara at naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi. "Anyway, mauna na ako."

"Oh, okay. See you around, Samara."

"Sige, Ben!" Naglakad na palayo ang dalaga bitbit ang ngiting puno ng pananabik at paghiling na makasalubong muli ang binata.

Nakita ni Samara ang matalik na kaibigan na si Karen na hawak ang cellphone at napaka-seryoso ng mukha. Nakaisip agad ito ng kalokohan. Palihim siyang naglakad sa likuran ng dalaga bago sumampa at yumakap dito sabay sigaw ng "Karen!"

"Samara!" Biglang itinago ni Karen ang cellphone.

"Uy, si bes may tinatago sa 'kin. Sino ka-text mo?"

Ngumiti at umiling si Karen sa kanya. "Si dad lang 'yon, bes. Alam mo naman sila." Ang tinutukoy ni Karen ay ang pagiging istrikto ng tatay niya na isang managerial head sa isang kompanya. Sabay silang bumutong-hininga bago tumawa.

"Oo nga pala, bes, may nangyari kanina na nakaloloka!" May pananabik sa boses nito na makapagkuwento.

"O? Ano naman iyon?"

"Alam mo naman ang tungkol sa panyo na bigay ni mommy, 'di ba?"

"Ah, 'yong may initials mo at pare-pareho kayo ng mga kapatid mo?"

"Oo! 'Yon na nga!"

"Anong meron sa panyo?"

"Nahulog ko kasi. 'Di ko alam kung saan or paano... Basta! Tapos may nagbalik sa 'kin na isang gwapong senior! As in ang gwapo niya!" Kinalog-kalog pa niya ang kaibigan dahil sa hindi maikubli na kilig at saya. "Feeling ko nga love at first sight 'yon e!"

"Bes masakit ah," Karen chuckled habang kinakalog siya ng kaibigan.

"Hahaha! Sorry naman!" Umupo ito nang maayos habang napaisip muli sa nangyari.

"Nakuha mo ba yung name?"

"Oo! Si Ben Callista! 'Yong volleyball varsity."

"Oh." Natigilan si Karen bago ngumiti. "Don't tell me na-love at first sight ka ro'n?" Taas-baba ang kilay nila pareho at matapos ang limang segundo ay sabay pang tumili na kilig na kilig. "Iba ka talaga, bes! For sure in love na rin sa 'yo 'yon!"

"Hala! Parang hindi naman. Kakikilala lang namin 'no."

"Ano ka ba, bes! Sa ganda mong 'yan! Kung lalaki nga lang ako baka niligawan na kita!"

"Yuck ka, bes! Landi mo talaga! Pero hayaan mo, papatulan kita pag ginawa mo 'yon," panloloko ni Samara at napuno na naman ng tawanan ang paligid.

Hindi nga nagtagal ay naging malapit na magkakaibigan sina Samara, Karen at Ben. Ipinakilala na rin ni Ben ang mga kaibigan at ka-team nito sa dalaga na sina Dianne, Xymon, Adam at Cara kaya nabuo ang barkada nila.

Ilang buwan pa ay niligawan ni Ben si Samara sa tulong na rin ng buong barkada. Masasabing pinaghandaan ito talaga dahil ginanap ito sa parke at saksi ang maraming estudyante sa unibersidad. Puno ng bulaklak at mga confetti ang paligid, may nanghaharana at pulos nakabihis ng pink at white—mga paboritog kulay ng dalaga. At sa huli ay lumabas si Ben na may dalang mga bulaklak at bouquet ng mga rosas. January 18—ang araw na naging opisyal sila sa mata ng lahat at araw na hinayaan si Samara na magkaroon ng boyfriend.

Iyon ang mga masasayang araw ng buhay at relasyon ni Samara. Being with the people she loves—her best friend and her boyfriend and the whole gang. Samara was loved and accepted. Pakiramdam niya ay wala na siyang mahihiling pa.

At nagsisimula na rin siya sa pagmomodelo dahil ayaw niya na puro hingi lamang sa mga magulang. Minulat siya at maging ang mga kapatid niyang lalaki na maraming bagay sa mundo ang dapat pinaghihirapan dahil mas may 'sense of fulfillment' sa huli na ang gagastusin mo ay pinagtrabahuan mo at pinaghirapan ang mga bagay na gusto mong bilhin. Hindi sila 'kuripot'. Fuentes sila. May sarili silang mga kompanyang nangunguna sa larangan nito.

Ngunit unti-unti rin palang mawawasak ang lahat ng mga bagay na inalagaan niya at sasaktan lamang siya ng mga taong mahal at mahalaga sa kanya.

Napakatagal na pala siyang sinasaktan nina Ben at Karen. Maaaring harapan pa ngunit siya itong si tanga na nabulag sa kabaitan at pagmamahal na kanilang ipinakikita.

"Samara . . ."

Paulit-ulit sa kanyang isipan ang mga naganap noong gabing iyon sa isla. Karen and Ben's secret... relationship. It existed... It definitely did. It wasn't a lie.

"Samara . . ."

Like frail glass, she was breaking badly... To the point that she has lost the will to continue on. Like the water enveloping her frame, she wanted everything to disappear—the pain, the sadness, the anger... Even the thought of falling for an undeserving person. Gustong malimutan ni Samara lahat ng iyon. Ngunit bakit hindi niya magawa iyon sa isang pikit lang?

Gusto niyang manatili sa madilim na lugar na iyon kung saan wala siyang mararamdamang kahit ano. Saya man o sakit, wala na.

Pero . . . iyon nga ba ang sagot sa hiling niya?

"Samara please . . ."

Sa isang madilim na lugar, isang napakaliit na liwanag ang kumislap mula sa likuran niya. He turned and saw a man's shadow. Parang kilalang kilala niya ito. Lalo pa ang paraan ng pagtawag nito ng kanyang pangalan.

Nakita niya ang paglahad nito ng kamay as kanya. May pag-aalinlangan siya pero inilahad niya rin ang kanya sa ibabaw nito. Ang isang kamay ng lalaki ay bumalot sa kanyang baywang at napaka-pamilyar niyon sa kanya. Na nayakap na rin siya ng parehong mga bisig. She's felt that warmth before.

Unti-unti niyang minulat ang mga mata at kahit nanlalabo ang paningin ay napagtanto niya ang ingay sa paligid. Someone was hugging her tightly and she knew that scent very well. Humiwalay panandalian ang lalaki mula sa kanya. "B-Blake?" Napatitig si Samara sa mga mata ng lalaki. It was definitely Blake.

"Thank goodness you're okay." Niyakap siyang muli ni Blake at napapikit si Samara habang ninanamnam ang init ng yakap nito sa nilalamig niyang katawan.

Was she about to die? And to reminisce the past before she died was pathetic. Bakit sina Ben at Karen pa rin ang nakikita niya sa kanyang panaginip?

"Sir, nandito na po ang medic."

"It's fine now. She's okay now," sagot ni Blake sabay buhat kay Samara na parang bagong kasal. Nagpatong si Archianna ng puting towel sa katawan ni Samara habang buhat ito ni Blake.

"Are you okay, hija?"

Nanghihinang tumango at ngumiti si Samara. Ngunit hindi niya alam ang gagawin kung papaano ipakikilala ang dalawa. Ni hindi niya nga alam kung bakit naroroon si Blake.

Pero batay sa kanilang mga salita, pakiramdam niya ay kilala ni Archianna si Blake at ganoon din ang binata. Paano? Hindi niya alam.

*****


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro