Chapter 12: My Girl
*****
CHAPTER 12: MY GIRL
*****
"YES, MR. SY. I am on my way now, but I am stuck in traffic... Okay... Thank you for that. I'll see you in a while." Binaba ni Blake ang telepono at pumikit sabay sandal.
Ikatlong araw pa lamang niya sa Manila at balik trabaho na siya matapos makipagkita sa sariling ama. At ngayon, nais makipagkita ng matalik na kaibigan ng kanyang ama sa isang resort na pagmamay-ari ng kaibigan para sa isang investment scheme.
Napahilot sa sentido si Blake. Kung bakit ba naman sa malayo pang lugar gaganapin ang meeting.
"Sir, hindi ba siya 'yong kasama n'yo nung isang araw?" ani ng driver ni Blake na si Roger na nakatingin sa labas ng sasakyan. Hindi pa rin nausad ang trapiko.
Nagtaka si Blake sa narinig mula sa driver kaya't lumipat siya sa kanang bahagi ng upuan. Sa likuran kasi siya nakaupo. Kung tutuusin ay kaya niya naman magmaneho ngunit may pag-aalinlangan siya na maligaw sa isang probinsyang hindi pa niya nararating.
Ibinaba ni Blake ang bintana at tinanggal ang shades niya sa nakita. It was Samara casually yet sexily dressed in a billboard. She looks sophisticated and demure. Her long slim legs were exposed, and her angelic face was picture-perfect.
Napasandal si Blake habang pinagmamasdan ang billboard ng dalaga. Napakagat sa dulo ng kanyang shades. Mukhang bagong lagay pa lamang nito dahil lagi siyang dumaraan sa kalsadang iyon ngunit ngayon lamang niya nakita.
"Samara..." he whispered before his lips formed into a smile. Naalala na naman ni Blake ang panandaliang kaligayahang natamasa sa isla kasama ang dalaga. Nais niya itong maulit ngunit... Hanggang pangarap na lamang iyon. At isa pa, masyado pang bata si Samara sa kanyang isipan.
'But you made out with her, bastard,' ani Blake sa isipan. At gaya ng ibang alaala, that kiss, her lips, her touch—everything was clear in his mind. And if given a chance, he would savour her lips again.
Biglang tumunog ang iPhone niya at nang makita ang caller ID ay sinagot niya ito.
"Mr. Del Mundo?"
"Mr. Perez, are you busy right now?" tanong ni Jack Del Mundo. Isang business tycoon na kaibigan nina Ysiquel at Blake.
"I'm on my way to a meeting. Why?"
"Is that so? Have you received my invitation?"
"Yeah. But I won't be coming as usual."
"Fuck you, Perez."
"Not interested."
"Gago ka. Hindi mo na nga sinipot ang kasal ni Fuentes, pati ba naman kasal ko, idadamay mo pa?"
"Damay-damay lang 'to, brad. 'Di ba June? I'll be flying off that time."
"Gago ka. Pag hindi ka nagpakita sa kasal namin ni Sarah, atrasan na sa kontrata."
"Bastard!" Nagkatawanan silang dalawa. "Pareho kayo ni Fuentes na under ng asawa n'yo."
"Ayos lang 'yon. Di na tayo bumabata, man. Ikaw na susunod."
"Psh. Imposible, brad."
"Move on, move on din pag may time. Tsaka kahit ngayon lang, magpakita ka na sa lahat."
"Ginawa mo pang dahilan."
"Pero sersyoso, man . . . Ang galing mong magtago ng identity. Hanggang ngayon, di ka pa rin nilalagyan ng mukha sa mga balita."
"Gano'n talaga. Gwapo e."
"King ina, man! Daig mo pa ang babae!"
"So, kasama ako sa line up ng groom's men? Sino ba chicks na katapat ko?"
"Wow! Chicks lang nang chicks! Hotel naman bagsak."
"So, sino nga?"
"Si . . . Ewan. 'Di ko tanda."
"'Tado ka."
"Same as you. Hinayaan ko si Kaylee sa line up kung sino ang gusto niyang bahagi n'on. Kaya malamang hindi ko alam." Si Kaylee ang long-time girlfriend ni Jack.
"Basta pupunta ka! Bilin ni lolo na dapat kompleto tayo!"
"Sige. Sige. Pupunta ako."
"Tanga. Kayo ng tatay mo ang pupunta. Sige, paalam!" aniya at binagsak na nito ang tawag. Natawa na lang si Blake sa inasal ng kaibigan. Napaisip din siya kung paano niya naging kaibigan ang dalawang iyon.
Pagkarating sa resort at may nag-assist agad kay Blake at hinatid ito sa opisina ni Mr. Sy. Nagkausap agad sina Blake at Mr. Sy at napagpasyahan ang pirmahan ng kontrata kasama ang mga lawyers at key witnesses nila. Tulad ng nakagwian, lihim na magaganap ang okasyon at saka ipaaalam kapag nangyari na. Hindi na nagtanong pa si Mr. Sy kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakilala si Blake sa buong mundo bilang hari ng kanyang emperyo.
"I will see you in 2 weeks then?"
"Of course. See you." Nagkamayan sila pagkatayo.
"See you, Mr. Sy," pagpapaalam nito at nilisan na ni Blake ang silid.
"Sir, babalik na ba tayo?" tanong ni Roger.
"In an hour. Magpahinga ka muna at kumain. Baka maipit tayo muli sa traffic. God knows what time we'll be able to go."
"O sige, sir. Ikukuha ko na rin ba kayo ng pagkain?"
"No need. Mamaya na lang ako. Mauna ka na. Maglalakad-lakad lang ako," aniya at naghiwalay na sila. Si Roger ay patungo sa restaurant at si Blake sa may tabing dagat. Although he was over-dressed as he was still in his suit, he didn't care.
May mga babae ring naka-two-piece ang lumalapit sa kanya asking for a picture or a drink with him, but he just shrugged them off.
Sa paglalakad niya ay napansin ni Blake ang isang babae. Napakaganda o mas tamang sabihin na mas gumanda pa si Samara sa paningin niya. Si Samara ang nakita niya sa di kalayuan and it made him happy on the inside. Ngayon niya lamang ito muling nakita matapos ang paghihiwalay nila sa airport. And he doesn't want to miss the chance to speak to her again.
Nakasuot ng puting off-shoulder na dress si Samara at may kasama sa dalampasigan. Hindi niya makita ang mukha ng kausap dahil nakatalikod sa direksyon niya. Sa tabi nila ay may dalawang batang babae na parehong naka-bathing suit. Ang isang bata na maaaring limang taon gulang ay umiiyak at ang kasama nito na maaaring 12 anyos naman ay may itinuturo sa kahanggan ng dagat.
Sinundan ni Blake ang direksyon ng kamay at nakita ang isang matingkad na kulay pink na salbabida na malayo na ang narating. Nadala panigurado ng alon. Medyo lumalakas na rin dahil sa oras. Nagsisimula na ring umahon ang mga nasa dagat.
Bumalik ang paningin niya kay Samara at hinubad nito ang suot na dress reveling her strapless white bikini under. Hindi iyon ang unang beses na nakita ni Blake ang mala-dyosang pangangatawan ng dalaga dahil nagsuot na rin ito ng bikini at maiikling damit noong nasa isla sila. May sinabi pa si Samara sa mga bata bago tumakbo patungo sa dagat. It was quite obvious what she was about to do. Kukuhanin niya ang salbabida para sa mga bata.
Nakapako lamang ang tingin ni Blake sa dalaga habang lumalangoy ito. She looks very graceful with every stroke in the water. Malayo-layo rin kasi ang narating ng salbabida. Narating ni Samara iyon at isinuot ang salbabida sa kanyang balikat. Pero ilang segundo na ang nakalilipas ay hindi pa rin nagsisimulang lumangoy pabalik si Samara.
Nagsisimula nang kabahan si Blake. His instincts were ruffling up inside. Agad niyang tinanggal ang suot na leather shoes at hinubad ang pang-itaas niya habang tumatakbo papunta sa dagat. Hindi na rin niya inalintana kung saan niya inihagis ang kasuotan.
"Sir!" narining niyang sigaw ni Roger.
"Ikaw na ang bahala sa gamit ko," sigaw niya habang tumatakbo.
The water was chilly even though the weather was humid. Kampante siya sa paglangoy pero mas inaalala niya si Samara na naroroon pa rin. Naririnig niya rin ang pagtawag ng ilan kay Samara.
"Samara!" pagtawag niya ngunit walang sagot. He got there and shook Samara who had her eyes closing. She was in an in-and-out of consciousness state. Her lips were starting to turn pale. "Shit. Samara, wake up." Ngunit walang naging pagsagot. Lalong kinabahan si Blake.
Lalangoy na sana siya pabalik sa pampang kasama si Samara ngunit parang napako si Samara sa puwesto nito. Sumisid si Blake at nakitang sumabit ang binti nito sa plastic na taling nakapulupot sa isang malaking bato. Umahon si Blake at huminga nang malalim bago sumisid muli at nagmadaling putulin ang tali dahil medyo nagiging mahigpit ito.
Matapos nito ay lumangoy na siya pabalik sa pampang at kita niya ang ilang medic at lifeguard na nakabantay na. But he wouldn't let them touch her. He was mad and scared at that moment.
Nang marating niya ang may mababaw na lugar ay binuhat na niya si Samara. Nilapag niya si Samara sa may buhanginan at napalibutan sila ng mga medic at mga bisita.
"Sir, kami na po," ani ng isang medic na handa na sa puwestong i-CPR si Samara pero pinigilan siya ni Blake na matalim ang tingin.
"I'll do it," aniya.
"Sir, trabaho ko to. Alam ko ang—"
"Shut your fucking mouth. She's my girl!" Nanlilisik ang mga mata ni Blake at dali-daling lumuhod sa tabi ni Samara at inayos ang puwesto nito. He pumped her chest, not minding all the eyes admiring him and buzzing around the place.
"Samara... Samara..." He then blew air into her mouth. "Samara, please... "
Ilang sandali pa ay nagsimula na si Samara na umubo at ilabas ang ibang nalunok na tubig. Blake didn't care at all and hugged Samara tightly. He didn't care if he pushes her off. He's just relieved that Samara was awake.
Nagpalakpakan na ang mga tao sa paligid niya. Animo'y nakasaksi ang publiko ng isang shooting sa pelikula.
Humiwalay siya at nakita ang mulat na mga mata ni Samara at nakakunot na noo. "B-Blake?" she muttered and he smiled.
"Thank goodness you're awake now." Out of instinct, he kissed her forehead. Sobra ang naging pagkagulat ni Samara sa ginawa ni Blake lalo pa at napalilibutan sila ng mga tao. May ilan pa ngang nag-sipulan at may ilang nadismaya o di kaya'y nagpapantasya dahil nangangarap na sila ang mahalikan at mailigtas.
"Blake . . . "
"Ate! Sorry po!" pag-iyak ng dalawang batang babae na kausap ni Samara kanina.
"Oh no, babies. Ayos lang ako. Ahm, look oh, I still got your salbabida." Nakangiti kahit nanghihina si Samara. Kahit papaano ay masaya siyang nakuha niya at naisabit ang salbabida sa braso niya. Marahil ay tuluyan siyang nalunod kung hindi niya iyon nailagay. Napangiti nang palihim si Blake sa nasaksihan. Samara looks wonderful as she makes sure that the two young girls were fine.
Iniabot niya ang salababida at nagpasalamat sila sabay takbo papunta sa nanay nilang natutulog sa may buhanginan.
Pero ang pinakamalaking pagtataka ni Samara ay kung paano napunta si Blake sa lugar. Bukod pa rito, he was topless! Naka-pantalon lamang ito na mukhang hindi pam-beach. Paniguradong corporate attire iyon.
"Ma'am, may masakit pa po ba? Dadalhin namin kayo sa clinic," tanong ng isang medic na lalaki.
"Ah . . . Kailangan ko lang siguro ng pahinga. Salamat po."
"Nasaan ang clinic? May galos siya," pag-singit ni Blake sabay turo ng binti. Bigla niyang binuhat si Samara na bridal style.
"Blake!" napasigaw siya dahil sa gulat.
Ngumiti ang medic na lalaki bago nagsalita. "Sunod kayo sa amin, sir."
"Samara, are you okay, hija?" nag-aalalang tanong ni Archianna na kamuntikan na malimutan ni Samara na kasama niya.
"O-opo, tita. Ahm... Si... Ano..." Samara stuttered, trying to figure out how to introduce Blake, who was carrying her in his arms. The skin-to-skin contact was not making it easy for her. She could feel the heat being emitted from his body.
"You . . . " Napalingon si Samara kay Blake na gulat ang mga mata. "Why are you here?!" Napalakas ang boses nito. Lalong nagtaka si Samara sa inaasal ni Blake.
"Blake . . . " pagbanggit ni Archianna sa pangalan ng binata na may malungkot na ekspresyon. Parang nasasaktan na emosyon.
Dalawang taong may magkaibang ekspresyon at kinakabahan si Samara sa puwedeng mangyari.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro