Chapter 10: Confusion
This chapter is dedicated to MilaFlores299 for being my 1000th follower! 😁😁
*****
CHAPTER 10: CONFUSION
*****
"KUYA!" tawag agad ni Samara pagpasok sa opisina ng kapatid.
"Oh, nakarating ka na pala." Niyakap niya ang kapatid na biglang yumapos sa kanya. Mahigpit at puno ng emosyon. "Shhh . . . Ayos lang 'yan. May mas matinong lalaki ka pang makikilala," bulong ni Ysiquel habang hinahagod ang likod ng kapatid.
Knowing what happened, iyon lamang ang magagawa ni Ysiquel. Well . . . aside from the fact of not signing the proposal with her ex's family, hindi masisisante ni Ysiquel ang kapatid ni Ben sa advertising department dahil maayos ang trabaho nito at labas na sa isyu.
Samara was crying and it was different . . . Her tears were for a different reason. Pakiramdam niya ang landi niya dahil kahihiwalay lamang niya sa ex pero may ibang lalaki siyang iniisip simula pa nang maghiwalay sila. Na parang gusto niya mulung hagkan si Blake at hindi na pakawalan pa.
Ngunit sino nga ba si Samara para gawin iyon? Hindi pa sila lubos magkakilala ngunit hinayaan niya ang binata na yakapin at halikan siya. Hindi magawang magalit ni Samara kay Blake bagkus gustong-gusto niya itong balikan sa airport... kung naroroon pa rin ito. Ni hindi niya alam ang eksaktong lokasyon ng titirahan ni Blake sa Luzon—kung saang probinsya o siyudad ito titigil, wala siya kahit katiting na ideya.
"I . . . I know, Kuya." Humiwalay siya at pinunasan ang mga luha. Kinuha ni Ysiquel ang bote ng tubig mula sa mesa at ibinigay sa kapatid. "Thank you," pasasalamat na may kalakip na ngiti niya sa kapatid.
Uminom siya at napabuntong-hininga. Nahimasmasan kahit kaunti. Hindi akalain ni Samara na napakaraming bagay na agad ang gagambala sa kanyang pagbabalik sa realidad. Ang simpleng bakasyon lamang dapat ng barkada ay humantong sa pakikipaghiwalay niya sa kasintahan at pagwasak ng pagkakaibigan nila ni Karen.
Naputol ang malalim na pag-iisip ni Samara nang magsalita ang Kuya Ysiquel niya. "I know it's abrupt, but I called you about an important announcement for you."
"Sabi nga ni Blake na may sasabihin ka nga raw. Tell me, kuya. It seems really important." Umupo ang dalaga sa couch at sumandal.
"It's not an announcement but a present."
"What is it?" Lalong naintriga si Samara sa sinasabi ni Ysiquel.
"Here." Inabot ni Ysiquel ang isang aklat sa dalaga na biglang nagliwanag ang mukha at ang ekspresyon nito. Isang bagay na matagal na niyang pinapangarap at inaasam.
It was her first ever magazine cover as the lead model of their family's entertainment company. Hindi na lamang siya basta modelo pero ngayon ay imahe na ng kompanya.
Mataas ang standards na iniimplementa at pulos modelong may dugong banyaga ang napapaskil doon bukod pa sa dahilang local-international ang scope ng magazine na iyon.
"Oh my gosh! Kailan pa ito nailabas, kuya? Available na 'to sa lahat ng sulok ng mundo? Bakit hindi ako na-inform?" Hindi magkaintindihan si Samara sa itatanong at gustong malaman.
"One at a time, Samara," Ysiquel chuckled. "Available na siya nationwide since yesterday. Next week naman, sabay-sabay ang launch sa Amerika, Australia at France according kay Sebby." Ang tinutukoy niya ay si Sebastian na isa sa triplets. "You were on a holiday. Akala ko nga masisira ang surpresa. Pero pinilit ni mom na huwag daw ipaaalam sa 'yo ang tungkol sa release ng magazine hangga't hindi ka pa raw nakababalik. Even the billboard."
Kulang na lang ay pumatak ang panga at lumabas ang mga mata ni Samara sa pagkagulat. "SERIOUSLY?! I wasn't really told of anything!"
"Kailan ba naman ako nagbiro sa trabaho?" saad ni Ysiquel na umupo na sa swivel chair niya. "Utos ni mom lahat."
"Si mommy talaga. Gusto laging may pa-suspense! Do they know about what happened?"
"Yeah." Gulat na gulat ang naging ekspresyon ni Samara. Hindi niya inaasahang malalaman agad ng magulang nila ang kalokohan ng dating nobyo. "But it didn't come from me for the record." Pinangunahan na agad ni Ysiquel ang pagsasabi niyon dahil siya ang unang mapagbibintangan.
"Kanino?"
"Kay Ate Rainne mo."
"Bakit? I mean... Seriously? Bakit naman gagawin ni ate iyon? Tsaka hinayaan mo pa talaga?"
"Ganoon talaga, Samara. Malaki na ang galit sa ex mo. Ayon, nabanggit kay mom kahapon."
Napasapo sa noo si Samara at napatawa. "Si Ate Rev talaga. Mahal na mahal ako. Alam mo, Kuya. . ."
"Oh?"
"I think she loves me more than you, kuya. Makikipaghiwalay na siya sa 'yo" natatawang hayag ni Samara.
"Naaah. She's so in love with me na susundan na namin si baby."
"Grabe ka kuya ah! Geez! And to think na kinain mo ang sinabi mo na hindi mo mamahalin si Ate Rev? You're hooked up with her badly!" Biglang humalakhak nang malakas si Ysiquel at hindi mawari ni Samara kung bakit natawa ang kapatid. "What's so funny?"
"Parehong pareho kayo ng sinabi ni Blake sa 'kin last time I called him."
"Na?"
"I'm hooked up with Rainne. Totoo nga naman." Matapos ang pagtawa ay muling naging seryoso ang mukha nito. "Tell me, Samara..."
"Ano 'yon, kuya?"
"You don't have any relationship with Blake, right?"
Laking gulat ni Samara sa tanong. "W-wala, kuya! Seriously? I just met him sa isla at saka kung meron man, bawal ba?"
"Hmm . . . Sa totoo lang, ayokong magkaroon kayo ng relasyon," pag-amin ni Ysiquel sa kapatid.
"Because he's your best mate?"
"No. It's not that."
"Then what?"
"I know his character, Samara. Alam ko ang hilig niya sa mga babae. At dahil kapatid kita, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa 'yo na babaero si Perez," paglilinaw pa nito.
"Ha? Seryoso ka, kuya?" Hindi talaga makapaniwala si Samara sa mga binabanggit ng kapatid ngayon.
"Again . . . mukha bang hindi?"
"Sorry. I mean kasi... in the duration of my stay there, Blake has been really wonderful and hindi siya nag-e-entertain ng babae sa isla. Tsaka naisip ko lang na..."
"Na?"
"Na kung matinik siya sa babae, dapat kilala siya ng publiko. He's a billionaire at nakapagtatakang walang nakakikilala sa kanya."
Nag-smirk si Ysiquel at inakbayan ang kapatid. "Just don't fall for him, li'l sis. You just came from a failed relationship."
"Exactly my point, kuya. Kagagaling ko lang. At isa pa, 'di ba ako puwedeng mag-move on lang? Wala sa plano ko na pumasok muna sa relasyon."
"Tama 'yan. Focus on your career. You're still a baby girl." Ginulo ni Ysiquel ang buhok ni Samara kaya't pinalo ni Samara ang tawang-tawang kapatid.
"Kuya naman! Hindi ako baby! Nineteen na ako! My goodness! Ano 'yon, ka-edad ko ang pamangkin ko?" Bago pa man makasagot si Ysiquel ay may kumatok sa opisina.
"Come in," ani Ysiquel.
Nagbukas ang pintuan at tumuloy ang sekretarya ni Ysiquel. "Sir, everyone is in the meeting hall now."
"Alright. We'll head there now." Nag-bow ang sekretarya bago lumabas ng opisina. "Umuwi ka na muna at magpahinga. May project ka pa sa isang araw."
"Kuya, puwedeng sa bahay n'yo muna ako dumeretso? Miss ko na sina baby at Ate Rev, e. Please?" Nag-puppy eyes pa ito pero hindi naman nakatingin ang kapatid. Bukod kasi sa dahilan na makita ang pamangkin at asawa ng kapatid niya, gusto niya ring humingi ng payo mula kay Rainne dahil siya ang takbuhan nito kapag may problema kahit na hindi nagkakalayo ang agwat ng mga edad nila.
"Sure. Basta huwag makulit, baby girl," pang-aasar pa ni Ysiquel sa nakababatang kapatid.
"Kuya!" Samara shrieked as she watched her older brother leave the premises.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro