Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1: Betrayal

*****

CHAPTER 1: BETRAYAL

*****

MALIWANAG pa sa buwan ang mga luhang pumapatak sa kanyang mala-porselanang pisngi. Bawat hakbang sa buhanginan ay nag-iiwan ng mga bakas. Malakas ang hampas ng mga alon at nababalot ang paligid ng simoy ng dagat. It was a lovely night . . . a lovely but painful one.

"Sam, let me explain!" pagtawag ng kanyang nobyo—dating nobyo—ngunit patuloy pa rin ito sa paglalakad sa dalampasigan habang bitbit ang gamit.

Hindi niya pinapansin ang bawat pagtawag ng binata sa kanyang pangalan. Lumalabas lamang sa kanyang tainga ang boses nito na hindi niya inasahang mangyayari. She had always loved hearing his voice but now... she despised it.

"Samara, please!" he pleaded again, but she remained silent.

"Sige! Ganyan ang gusto mo, ah!" sigaw pa nito. "Fine! Huwag mo akong kausapin!" Natigilan si Samara sa narinig mula sa lalaking kanina pang sumusunod sa kanya.

Sa wakas ay lumingon ang dalaga at lumapit sa binata na nanlilisik ang mga mata. Dinampian niya ng malutong na mag-asawang sampal ang mukha ng dating gustong-gusto niyang makita at alagaan. Dahil ngayon . . . puro hinanakit ang pumupuno sa dibdib niya.

How dare he mutter those words directly to her face!

"Sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan, ha? Ikaw pa ang may ganang magalit? After what I saw? You fucking think masaya ako sa kalokohan mo?" sigaw niya. Ang dating mga matang puno ng sigla at pagmamahal ay puno na ng pagkamunghi at pandidiri.

"Alam mo, ang dami nang nagsabi sa akin na maniwala sa kanila kung gaano ka karumi at kalandi. But I chose you. I chose to trust you and your words. I chose to believe you over them dahil mahal kita, Ben. Pero you proved me wrong! Gago ka!" Tinulak pa niya ito ngunit hindi natinag ang binata.

"Sabihin mo nga sa akin, Ben... Minahal mo ba talaga ako?" Nakipagsukatan si Samara ng tingin. It was her almond eyes versus his dark orbs. Pero si Samari din ang kusang pumutol sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.

"My thoughts exactly. You fucking asshole! Magsama kayo! Mga traydor! Mga sinungaling!" hiyaw niya at saka tumakbo palayo habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha.

Napaupo si Samara sa may tabing dagat. Inilalabas ang lahat ng sama ng loob sa alaalang kanina pang nag-re-replay sa isipan niya. She screamed towards the dark waves, not minding the pain her throat would feel in the end. Basta ang alam niya ay kinakailangan niya iyong ilabas o mababaliw siya.

This was supposed to be a happy and exciting barkada trip. Sabik na sabik si Samara na kasama ang bente-uno anyos na boyfriend na si Ben, ang best friend na si Karen, at ang iba pa nilang kasama na sina Dianne at Xymon na kapwa bente anyos. Kabilang din sa barkada nila sina Adam na bente-uno anyos at Cara na ka-edad ni Samara. Magkaklase sina Samara, Dianne at Karen. Samantalang magpipinsan sina Ben at Xymon na kasintahan ni Cara. Kasama naman sa basketball team nila si Adam.

Ang bakasyon nila ay sa Isla Perez—isang malaki at mala-paraisong isla sa may Palawan. Nakapangalan ito sa may-ari ng lugar ayon sa mga nagtatrabaho roon at mahal ngunit sulit na sulit naman ang magiging bakasyon dito.

Espesyal ito para kay Samara dahil ito ang unang pagkakataong pinayagan siya ng istriktong mga kapatid niya na mag-biyahe nang hindi sila kasama.

Unang beses na hindi na maaaring hindi na maulit pa.

Just remembering what she saw breaks and rips her heart all over again. Sariwang-sariwa pa ang sakit sa kanyang dibdib at animo'y hindi mailalabas ng simpleng pag-iyak lamang.

Magpapalit sana siya ng damit dahil nag-night swimming sila ni Dianne. Nag-iinuman naman sina Xymon, Adam at Cara sa may veranda ng tinitigilang hotel. Maraming tao sa paligid na nagkakasiyahan.

Alas otso na nang maisipan ng magkaibigan na umahon na dahil marami pa silang plano kinabukasan. Nauna na si Dianne sa silid niya na kahati si Cara. Tatlong silid naman ang layo ng kuwarto nina Samara at Karen.

Marahan niyang binuksan ang pintuan ng silid dahil nagpaalam ang matalik na kaibigan na magpapahinga ito dahil kanina pa ito nahihilo. Ang nobyong si Ben ang nagprisintang ihatid ito dahil gusto niya na rin daw magpahinga.

She had wanted to surprise her best friend since her diaper days, but the tables turned in a split second. She was the one who received the surprise instead. She was the one who received a massive blow.

"Mahal na mahal kita, Karen."

Napatigil si Samara sa paglalakad dahil sa pamilyar na boses na narinig. Nanggagaling ang tinig sa loob ng banyo.

"Aaaah . . . I—I love you more, Ben," pag-ungol ng mas pamilyar na boses.

Hindi siya manhid at lalong hindi siya tanga para hindi malaman na may kababalaghang nangyayari sa loob. Napakabilis ng tibok ng puso niya habang lumalakas ang palitan ng mga ungol sa loob. Hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang umalis pero gusto niyang magalit at komprontahin sila.

"Hmm . . . Ahh . . . H-hindi mo pa ba hihiwalayan si Sam, babe?" ani Karen bago nagpakawala ng isa pang malalim na pag-ungol.

"H-hindi pa puwede, babe. Utos ni dad. Don't worry. Kapag napirmahan na ang kontrata, we'll be together. Hmmm . . .  " aniya. Palakas nang palakas ang ungol sa loob ng banyo. They were ravaging each other.

Lalong bumuhos sa kanya ang nag-iisang katotohanan. Tama pala ang mga kapatid niya na huwag agad magtitiwala sa isang tao nang ganoon kadali. Napakaraming taong gugustuhing makita ang pagkasira niya. And experiencing it firsthand was a big slap to the face. Hindi lang siya nagising sa ulirat ngunit pati puso niya ay gising na gising na rin.

Seven months of a relationship . . . gone in an instant. Everything was just a ploy.

Hindi na niya kinaya pang magtimpi at marinig ang susunod na mga pag-uusap nila. She had enough. She was fuming and hell to the man she loved unconditionally.

Binuksan niya ang pinto. Her emotions fumed seeing her best friend pinned to the wall, naked and drenched in sweat. Nakabalot ang mga hita nito sa balakang ng nobyong wala ring saplot. Ang kanilang mga damit ay nakakalat sa sahig malapit sa kanyang mga nanlalamig na mga paa.

Kapwa napatingin ang dalawa sa pintuan at agad humiwalay sa isa't isa, pilit tinatakpan ang kanilang mga kahubaran.

"S-Samara . . ." sabay nilang bulong na puno ng gulat nang makita ang dalagang nakatingin sa posisyon nila. Nandidiri si Samara at mas napuno ng galit ang dibdib.

"Mga ahas kayo!" hindi niya mapigilang sigawan ang dalawa.

"B-babe, let me explain!"

Kinuha ni Ben ang kanyang damit at si Karen naman ay kinuha ang bathrobe para maitago ang kahubaran. Tumalikod si Samara at kinuha ang bag niya. She started grabbing everything she owns. Sinalampak na lamang ito sa malaking niyang bag dahil ang nasa isip na lamang niya ay umalis.

"Babe, please!" pagtawag ni Ben habang nagmamadaling itaas ang zipper ng kanyang shorts.

"No need. What I heard and saw is enough... Na ang mga taong mahal ko... at ang taong buong buhay pinagkatiwalaan ko... Pinaglololoko pala ako simula pa lang."

Nag-iinit na ang kanyang mga mata senyales na may papatak na mga luha ilang saglit pa. Pero ayaw niyang ipakita sa dalawa ang kahinaan niya dahil sa pag-iyak niya. Nakatayo lang doon ai Karen at pinanonood ang mga nangyayari. Tila hindi rin alam ang gagawin.

Samara didn't want them to see her break down. She wouldn't give them that benefit. Hindi siya isang talunan. Hindi siya ang babaeng dapat lokohin, iyon ang parating paalala ng kanyang pamilya sa kanya.

"Babe . . ." pagtawag muli ni Ben sa dalaga.

"Shut the fuck up, Ben! Don't you fucking call me 'babe', you asshole! Walang hiya kayo ni Karen! Tamang-tama pala kayo. Bagay na bagay! Manloloko at makakati! Nakadidiri kayo!"

And she stormed off the hotel room hanggang sa sinundan siya ni Ben at ngayon ay tuluyan nang umiiyak.

Now that silence has enveloped her surroundings, she felt helpless.

Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha. Humihikbi na siya nang walang humpay. Gusto na niyang umuwi ngunit ang biyahe sa isla ay tatlong araw pa mula ngayon. She'll have to look for a place to stay and spend the night. Naisip na rin niyang tawagan ang kapatid para magpasundo upang makauwi na nang mas maaga.

Kinuha niya ang cellphone at tinitigan ang litrato nila ni Ben ngunit pulos sakit na ang hatid nito. She erased them all with no hesitation. Wala siyang maisip na nagawang mali sa loob ng pitong buwan nilang relasyon. Iyon pala, palabas lang ang lahat para makapasok ang pamilya nito sa business nila.

Umiling siya. Hindi niya hahayaang mangyari ang gusto nila. Tinawagan nito kanyang kuya na si Ysiquel. Paniguradong nasa bahay na ito kasama ang asawa na si Rainne na kaklase naman niya. Matapos ang ikatlong ring ay sumagot na ito.

"Hello, Samara? Napatawag ka?" Inaantok ang tono ng boses nito. Marahil nagising niya o naghahanda na ito sa pagtulog.

"Kuya . . . t-tama kayo nina Seb . . . " she sobbed. Hindi na niya napigilan pa ang mga luha.

"Are you crying? Anong nangyari? Anong ginawa ni Ben?" hindi mapakaling tanong ng kanyang kapatid.

Bumalik muli ang mga alaala at hindi niya napigilang humagulgol. Her chest was just going tighter and it was killing her.

"Kuya, ginamit niya ako . . . I-inutusan siya ng tatay niya na makipagrelasyon sa akin pero 'yon pala . . . sila ni Karen . . ." She couldn't help but cry her heart out.

"Fuck! Even your best friend?" Now, her brother was fuming mad.

"O-oo, Kuya. I saw them... I saw them doing it..." It was so clear in her mind and it hurts her again and again. Parang limpak-limpak na mga kutsilyo ang sumasaksak sa kanyang puso. Hindi niya lubos akalaing masasaksihan niya ang pagniniig ng dalawang taong pinagkatiwalaan niya.

"You saw them boning each other?" walang alinlangang tanong ni Ysiquel.

"Yes, Kuya. So, please don't let them get into the company."

"Of course, Samara. They will never ever enter our company. I will make sure of it. Now, hush. Wag mong iyakan ang mga taong hindi karapat-dapat sa luha mo," pag-aalo ni Ysiquel sa nakababatang kapatid. "I will make that asshole pay."

His words were true pero hindi rin naman ganoon kadali iyon. She loves him so much that the pain was brought back to her. She can still remember how many times her Kuya Ysiquel reminded her na huwag magpapadalos-dalos kapag may nagsabing mahal ka niya. Dapat kinikilatis at kinikilala talaga nang maigi bago makipag-relasyon.

She thought she knew him well; she was wrong. Terribly wrong. It was the opposite. She knew nothing. Kaya ngayon, siya ang nasasaktan.

Sasagot pa sana si Samara nang makarinig ng kulog mula sa madilim na kalangitan. Another wave of old memories replayed in her mind.

"H-hindi na, Kuya. K-kaya ko naman. Baka bukas nand'yan na ako. Hindi safe mag-biyahe ngayon tsaka gabi na. I'll stay in one of the hotels here."

"Pero..."

"A-ayos lang ako, Kuya. Sige ka, baka mapa'no si Ate Rev pag nag-alala sa 'yo." Nagawa pa nitong magbiro. Kapapanganak lang kasi ng asawa ng kapatid kaya ayaw niyang may aalalahanin ang ate niya.

"Sige na, Kuya. I'll hang up bago tuluyang umulan."

"O sige. Mag-iingat ka, Samara. Bukas na bukas, magpapadala ako ng eroplano r'yan," paalala ng kapatid.

"Okay, Kuya. Good night sa inyo ni Ate Rev." And the call ended.

Now, to look for a hotel to stay in before the rain falls . . .

*****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro