***
CHAPTER 8: POSITIVE
***
FLASHBACK CONTINUATION...
KUMATOK si Samara sa pintuan ng banyo. "Ano na? Wala pa ba?" usisa nito sa kaibigan na kanina pa niya hinihintay na lumabas at ipaalam sa kanya ang resulta. Binuksan ni Rainne ang pintuan at hindi maipinta ang ekspresyon. May pawis ito sa noo at namumutla ang hitsura.
"Uhm..." Pakiramdam ni Rainne ay nagbara ang kanyang lalamunan. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig at ramdam niya ang pagkarera ng kanyang puso. Parang mawawalan siya ng malay at matutumba na lamang sa sahig.
Kumunot ang noo ni Samara. Naroroon ang pag-aalala sa kaibigan ngunit mas matimbang ang kanyang kagustuhang mabigyan ng kasagutan ang kanyang hinala. Malakas ang kutob niyang buntis si Rainne pero iba pa rin ang may ebidensyang magpapatunay na totoo ang kanyang iniisip.
Pumasok sa loob si Samara at lumapit sa lababo kung saan niya nakita ang lahat ng P.T. na ginamit ng dalaga. Her eyes widened and a worried smile drew on her already pale face.
Every single test had two lines clearly drawn in it.
They were all positive.
"My gosh! My gosh! My gosh! Preggy ka na girl! Congrats!" Niyakap niya ang kaibigan na wala pa ring kibo hanggang ngayon.
"So... Who's the father?" Samara dropped the question, and Rainne couldn't find the words to say. Her mind was fuzzy, and she was trying her best to absorb everything.
Rainne was very much pregnant.
'I'm having a baby...? Magkakaanak talaga ako? May baby na sa womb ko? Totoo ba talaga ito? S-so nabuo 'yong nangyari from that night? Pero kaya ko ba 'to?' Hindi mapalagay ang mga tanong sa kanyang isipan. Parang bawat tanong ay magkakaroon ng bagong tanong.
Parang nabuhusan ng napakalamig na tubig ang pagkatao ni Rainne at saka pa lamang tumitig sa mga mata ni Samara. She wants to know. Pero tama nga ba na sabihin niya basta basta na ang Kuya Ysiquel nito ang ama? Would Samara even believe her?
Kumagat labi siya na dumistansya. "W-wala."
"Ha? Anong wala? Ano 'yan, mag-isa mong binuo? Ano 'yon hiniling mo na mabuntis ka isang gabi tapos pak ganern may nabuo nga sa tiyan mo?" sarkastikong tanong ni Samara sa kanya.
Tinago ni Rainne lahat ng P.T. sa paper bag at lumabas sila ng banyo. Umupo siya sa kama habang nanatiling nakatayo si Samara sa harap ng dalaga.
"Wag muna ngayon, Sammy. Hindi ko pa alam ang gagawin ko," maluha-luha niyang sabi.
Hindi niya alam kung paano ito sasabihin sa ina at lolo niya. Paniguradong kahihiyan ang nangyaring ito sa mga Sandoval. Ni hindi niya alam kung dapat bang sabihin pa kay Ysiquel na nabuntis siya mula sa isang gabi ng kaligayahan nila.
Hindi nga niya sigurado kung tanda pa siya ng binata. What more na sabihing nabuntis siya nito. Hindi niya alam kung paano na lamang ang kanyang pag-aaral gayong third year pa lamang ito ng kolehiyo. Napakaraming bumabagabag sa kanyang isipan nang sabay-sabay.
"Alam mo, habang maaga, sabihin mo na. Pananagutan ka naman ni kuya," Samara huffed.
"Gaano ka naman nakasisiguradong pananagutan niya ako kung hindi ko rin alam kung aware siya sa nangyari." Napahilot siya ng sentido.
Natigilan siya at nagtaas ng tingin kay Samara processing the last words she just said.
'Did she just say...'
"Alam kong kuya ko ama niyan, Rev," Samara smiled widely.
"Ano? Paano?" Puno ng pagtataka at humihingi ng kasagutan ang mga mata ni Rainne.
Lumapit sa couch si Samara kung saan nakapatong ang kanyang bag. Binuksan niya ito at kinuha ang wallet at lumapit muli kay Rainne.
"Here." Kinuha niya ang tatlong larawan na hawak ni Samara at nanlaki ang mga mata.
Kuha ito sa CCTV ng hotel batay sa maliliit na detalye sa tabi ng imahe. Ang unang larawan ay naghahalikan sina Rainne at Ysiquel sa labas ng hotel room ni Ysiquel. Ang ikalawa ay ang pagpasok nilang dalawa ng kwarto at huli ay kuha noong tumatakas si Rainne kinaumagahan.
"B-bakit meron ka nito?" namumula niyang tanong.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ka ginisa ng nanay mo noong umuwi ka?"
"You have something to do with that?"
"Not totally. Hindi ko rin naman alam kung nasaan ka noon. Sabi ko sa nanay mo na hahanapin muna kita at tatawag sa kanya. But I didn't have your number that time yet kaya sa CCTV ako umasa and that's when I saw you doing it with kuya."
"And you didn't bother to stop it from happening?"
"I did try to. But that time, I was sure something had already happened. Kasi four hours after n'yo pumasok sa room niya, saka pa lamang tumawag si Tita Irene sa events coordinator na pinasa sa akin."
Umupo siya sa kama para tumabi kay Rainne. "I had these photos with me since then para in case na may mabuo r'yan sa sinapupunan mo, hindi ka mag-aalinlangang kakampi mo ako."
"P-pero... He's your brother..."
"Who is the father of your baby!"
"Damn... At ako 'tong si tangang nag-iisip kung paano ko mapatutunayang siya ang ama nitong baby."
Natawa si Samara sa maktol ni Rainne.
"Kaya pala siguradong sigurado ka at malakas ang loob mong magtanong kung buntis ako. Nakaiinis!"
"Op! Op! Op! Number one rule! Bawal na bawal ma-stress ang mga buntis," Samara lectured her. "At may hiling ako sa 'yo, Rev... No. Kung kinakailangang magmakaawa ako, gagawin ko."
"A-ano?"
"Sana wag na wag magku-krus sa isip mo na ipalaglag ang bata." Pinanlakihan ni Rainne ng mata si Samara.
'Ipalaglag? Seryoso ba siya?' sigaw ni Rainne sa loob niya.
"No! Never did it cross my mind! What makes you say that?!"
"Kasi 'yong dalawang ka-batchmate natin na nabuntis nang maaga ay pinalaglag."
Naging hot topic iyon sa school nila dahil parehong anak ng business tycoons ang mga sangkot at magkakaribal pa sa industriya.
"H-hindi, Sammy! Wala akong intensyong ipalaglag ang anak ko. Kung hindi siya tanggapin ng kuya mo, it's fine. Gagawan ko na lang ng paraan na matanggap ng anak ko na wala siyang papa. Palalakihin ko siya kagaya ng pagpapalaki sa 'kin ni mama na puno ng pagmamahal..."
"Are you nuts? Hindi mo pa nga sinasabi sa kanya tapos ganyan agad iniisip mo? Hay naku, Rev. Hindi mo pa talaga kilala kaming mga Fuentes. We have a family rule na kung may ginawa kami, we will never back out nor run away from responsibilities. Kaya may naisip ako."
"A-ano naman 'yon?"
"Tara sa opisina ni kuya para malaman niya ang responsibility niya!"
Tatanggi pa sana si Rainne pero nahatak na siya ni Samara palabas ng silid. Sumakay sila ng sasakyan at nakiusap si Samara na dalhin sila sa Fuentes Corporation.
Bente minutos ang byahe at puro "parang hindi ko kaya gawin ito ngayon, Sammy" at "umuwi na tayo" ang lumalabas sa bibig ni Rainne ngayon na ikinatawa na lamang ng kasama.
Nang makarating sila ay dumeretso na lamang sila sa loob. Binabati si Samara ng mga empleyado at nginingitian lamang ito ng dalaga. Patunay na kilala ng sariling kompanya ang kamag-anak ng boss nila. Pumasok sila sa elevator at si Samara ang pumindot ng 30th floor kung nasaan ang opisina at suite ng kapatid.
"Sammy..."
"Hmm?"
"Pwede bang wag na muna ngayon? H-hindi ko kayang harapin si Ysiquel..." maktol muli ni Rainne. Namamasa na ang kanyang kamay at kumakabog ang kanyang dibdib.
"That won't do. I won't let this day be over na hindi mo ipinaaalam kay kuya na buntis ka. Kung hindi mo sasabihin, ako ang magsasabi sa kanya," pagbabanta nito.
"Pero..."
"Shut the negativity off because... we're here," Samara chuckled pulling her into Ysiquel's office ignoring the secretary who just smiled at them. Sanay na sanay na ito sa ginagawang pagpasok at labas na walang pasabi sa kanya. May sarili ring susi ang magkakapatid na Fuentes sa opisina ng Kuya Ysiquel nila.
Tahimik na binuksan ni Samara ang pintuan. Pagpasok nila, nakatayo si Ysiquel at nakaharap sa malaking bintana ng opisina.
Seryoso ang tingin nito sa mga papeles na hawak at nakakunot ang noo. Nag-signal si Samara kay Rainne na huwag gagawa ng ingay at dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likod ng kapatid at sumampa rito.
"KUUUYAAAA!"
Muntik nang matumba si Ysiquel pero nakapagbalanse ito kaagad at natawa.
"Ang bigat mo, Sam!" he chuckled, assisting his sister.
May kakaibang pagtibok ng puso si Rainne na naramdaman nang makita muli ang ngiti ni Ysiquel. Isang buwan na rin niya itong hindi nakikita. At para sa kanya, mas gumagwapo ang binata.
"Busy ka ba, Kuya?"
"Hindi naman. Why?" Biglang napatingin si Ysiquel sa direksyon ni Rainne na may pagtataka. "It's you again."
"You remember her, Kuya?"
Parang replay sa sine ang naganap sa utak ni Ysiquel. Ang memorya ng gabing iyon na may nangyari at ang umagang iniwan siya basta ng dalaga sa kwarto.
"O-of course."
Nag-iwas si Ysiquel ng tingin at binaba ang papeles na hawak papunta sa mesa bago hinarap ang dalawang dalaga. Napako pa rin sa kanyang kinatatayuan si Rainne.
"Good. May sasabihin kasi siya sa 'yo, kuya."
"Spill. May meeting pa ako in 10 minutes." Muli ay hinarap siya ni Ysiquel.
Nagtama ang kanilang mga mata na lalong nagpakaba sa kanyang buong sistema. Binabalot ng lamig ang buong katawan ni Rainne at kulang na lamang ay lamunin siya ng lupa nang mga oras na iyon. Her mind was starting to get cloudy and she's trying to shove that feeling off.
Napalunok si Rainne na lumapit kay Ysiquel at inabot sa kanya ang paperbag na dala-dala. Puno ng pagtataka ay tinanggap ni Ysiquel ang bag at binuksan ito. Apat na iba't ibang uri ng tests ang nilalaman nito na lalong nagpagulo sa isip ni Ysiquel.
Kinabahan si Ysiquel. Parang alam na niya ang sunod na mangyayari at sasabihin ng dalaga pero gusto niyang manggaling mismo ito sa bibig ng dalaga. Ayaw na ayaw niyang mag-aassume at maghihinala.
"Ano ang mga 'to?"
Napalunok muli si Rainne bago nakasagot. "P-p-pregnancy tests..." Napakagat si Rainne sa labi na nakatingin sa sahig.
"Are... Are you saying that is mine?" Tumango si Rainne. "P-papano mo naman nasabi? How would I believe that? You could have fucked someone after that night at gusto mo lang ipaako sa akin ang dinadala mo. At naloko mo naman ang kapatid ko para sabihin na ako ang ama niyan?"
Napaawang ang bibig ni Rainne at hindi makapaniwala sa narinig niya. Gustong-gusto niya itong sampalin. Pero in reality, sino nga ba naman ang maniniwala agad na kanya ang dinadala ng babaeng naka-one-night stand niya lamang?
Biglang pinitik ni Samara sa noo ang kuya niya. "Shut up, kuya. Hindi niya ako niloko dahil matagal ko na siyang sinusubaybayan after you slept with her. Gusto mo ng ebidensya? May kuha kayong dalawa sa CCTV sa hotel natin. After that, pinasundan ko siya sa agent ko kapag hindi niya ako kasama at ni minsan ay wala siyang ibang kinita na lalaki."
Nagulat din si Rainne sa narinig at hinarap si Samara sa kanya.
"Y-you stalked me?!"
"Technically, yes! I know you would get hysterical kapag sinabi ko sa 'yo kanina sa bahay at baka lalo mong hindi sabihin kay kuya ang totoo. My gut says kasi na mabubuntis ka nitong kapatid ko and look at that! Nagkatotoo nga! Congrats, kuya! Magiging daddy ka na!" Samara chuckled na animo'y walang problemang nage-exist.
Nag-krus ang mga braso ni Ysiquel at huminga nang malalim. "What the hell have I gotten myself into?" Ginulo nito ang buhok niya.
"Anong plano mo ngayon, kuya?"
"Well..."
Biglang nagbukas ang pintuan at nag-entrada ang babaeng kinatatakutan ng mga Fuentes. She was in her summer dress and flats. Natulala si Rainne sa ganda ng babaeng pumasok. She knows her dahil isa itong Fuentes at nakita na niya ito sa party nila Samara last month.
"He'll take full responsibility of her," anunsyo ni Ysabelle Fuentes.
"Mom!" gulat na tawag ni Samara.
"M-mom, akala ko mamaya ka pa? Since when did you—"
"I've been by the door the whole time, young ones. But your secretary said Sammy was already here," pinutol nito ang itatanong ng panganay dahil alam na naman niya kung ano ang lalabas sa bibig nito.
"And you eavesdropped?" Napailing si Ysiquel pero tumikhim lamang ang ina.
"Ikaw, Ysiquel, anong plano mong gawin ngayon? I can't believe you impregnated a young lady and to think kaklase pa ng kapatid mo?!" Ysabelle hissed.
Ysiquel exhaled slowly then turned to Rainne who was silent the whole duration Mrs. Fuentes appeared. "Pananagutan ko siya like what you want. We'll get married as soon as possible. End of story." Tumili si Samara at niyakap ni Ysabelle si Rainne na parang walang komprontasyong naganap sa opisina.
That night, the Sandoval family were invited to the Fuentes home where the news was announced. Halo-halong mga emosyon pero isa lamang ang pinagtapusan... Ysiquel will marry Rainne in a month.
Hindi kasi mai-move ni Ysiquel ang mga importanteng meeting niya at may mga symposium pa siyang dadaluhan.
That night, their fates crossed again and soon, they would be Mr. and Mrs. Fuentes.
Soon, Rainne will sign the marriage contract and be Rainne Emerald Vhixen Sandoval-Fuentes, the wife of the CEO.
END OF FLASHBACK...
***
P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0
JO ELLE
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro