Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7: Hope

***

CHAPTER 7: HOPE

***

FLASHBACK CONTINUATION...

NAGISING si Rainne dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman. She definitely cannot hold her liquor intake. Pero mas nagkaroon siya ng pakiramdam ng pagtataka matapos imulat ang mga mata. Wala siya sa sariling kwarto at may nakayakap sa baywang niya!

Dahan-dahan siyang pumaling sa pinagmumulan ng napakahinang paghilik at napaawang ang bibig niya nang mapagtantong si Ysiquel ang lalaking natutulog sa kanyang tabi!

Napaupo siya at na-realize na wala siyang suot na kahit anong damit sa ilalim ng kumot! At mukhang nasa isa silang hotel room base sa paligid nito.

Nakita niya ang dugo sa kumot at napatakip ng bibig.

"Oh, my gosh... Did we just..."

Alam niyang tama ang iniisip niyang may naganap sa pagitan nilang dalawa.

Parehong indibidwal ba naman na walang saplot sa ilalim ng iisang kumot, nagkalat na mga damit nila, braso ni Ysiquel na nakapatong sa may tiyan niya, bahid ng dugo sa kumot at sobrang sakit ng pagkababae niya... Isa lamang ang ibig nitong sabihin.

Hindi siya manhid para hindi maintindihan ang nangyari. Natutunan niya ito sa sex education at pinag-uusapan din ito ng mga kaklase niya, mapababae o mapalalaki.

Lumingon siya pabalik sa binatang mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Hinaplos niya ang pisngi nito at napatitig sa mga labi nito. That's when all the memories of last night swarmed into her mind.

They shared an intimate night... A night she will never forget.

Tinanggal na ni Rainne ang kamay ng binata sa kanya at dali-daling kinuha ang mga damit na kung saan-saan nakakalat sa sahig. She wore them as fast as she could and she even stumbled na nagpakaba sa kanya na baka mahuli siya. Nilingon niya si Ysiquel at mahimbing pa rin itong natutulog.

Lumabas siya ng silid at siniguradong naka-lock ito. Though hirap maglakad, pinilit niya ang sarili na makapaglakad na parang walang nangyari. She was still at the building where the party was held.

Sumakay siya agad ng elevator pababa sa ground floor habang hinihilot ang sentido. A bit tipsy but manageable. Hindi na siya iinom muli ng alcohol sa buong buhay niya ngayong alam na niyang mahina siya rito.

Pumara si Rainne ng taxi at nagpahatid na sa mansyon nila. Umaasa siyang hindi napansin ng kanyang ina at lolo na wala siya sa silid niya. But to her dismay, she was wrong. Pagbukas pa lamang ni Rainne ng pintuan ay bumungad na ang ina na si Irene na nakaupo sa sala.

"Saan ka nanggaling? Kagabi pa ako tumatawag at nag-aalala sa 'yo," panimula nito.

"Nakatulog na po kasi ako sa bahay ng kaklase ko. Medyo naging tipsy po kasi ako, ma. Tapos na-low batt pa. Sorry po." She bit her lips, hoping her mother would bite her excuses.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito kaya nag-angat siya ng tingin. "Alright. But ayokong mauulit ito next time ha. Buti na lang at nagka-meeting ang lolo mo sa Cebu kaya bukas pa ang dating."

Nakahinga nang maluwag si Rainne. "Sorry talaga, ma," ulit nito.

"It's okay, Rev. Get changed and eat breakfast. Aalis na rin ako papunta sa kompanya. Okay?"

"Yes, ma. Take care po." Nag-beso siya sa ina at saka kumaripas ng takbo paakyat sa kwarto niya.

Sinara niya ang pintuan ng kwarto at sumandal dito. Nagi-guilty si Rainne dahil nagsinungaling siya sa ina pero walang pagsisisi ang pagkatao niya sa gabing pinagsaluhan nila ng lalaking gusto niya.

'Pero... Paano kung may mabuo?' Hinawakan niya ang tiyan niya at natawa. 'Imposible. Gumamit yata siya ng condom? Gumamit nga ba?' Umiling siya at nag-conclude na hindi siya mabubuntis sa nangyari.

'It's the first and last time I could come really close to him...' Isip niya.

Darating ang panahon, she'll be engaged to some businessman her grandfather would choose. Dahil babae siya, wala siyang magagawang pagpipigil sa mga plano unless... Napailing siya.

Kauulit lamang niya sa isipan na imposible siyang mabuntis. Pero hindi talaga niya maalala kung may ginamit na proteksyon ang binata. At kung wala man, hindi naman siguro ganoon kataas agad ang tsansa na mabuntis siya.

Apat na linggo na rin ang nakalipas simula ng insidente. Siya at si Ysiquel lamang ang nakaaalam ng nangyari pero marahil kinalimutan na rin ito ni Ysiquel. Hindi na rin bumisita pa si Rainne sa mansyon ng mga Fuentes dahil hindi na niya alam pa kung ano ang mukhang ihaharap kapag nag-krus ang landas nila ni Ysiquel.

Bumalik sa normal ang daloy ng buhay estudyante ni Rainne. Pulos mga exam, thesis at projects ang pinagkaabalahan niya at ng mga kasama sa Business Management course nila.

"Hay, ang sakit ng ulo ko!" ani Samara at sumandal kay Rainne na nakatitig sa screen ng laptop niya.

"Kaya mo 'yan, Sammy." Pag-ngiti niya sa kaibigan.

"Nakaloloka 'tong thesis na 'to, Rev! Sa bahay na lang tayo gumawa!" Hindi na sumagot si Rainne dahil umiiwas ito sa topic tungkol sa pagpunta sa bahay nila.

Natawa ang kasama nila sa mesa na si Lassie. "Ay naku, Fuentes! Wag mo ngang ganyanin si Sandoval! Tamo ang blooming blooming niya nitong mga nakaraan. May inspirasyon 'yang lola mo!"

Natawa sina Rainne at Samara. After the party, lagi na silang tatlong magkakasama. Minsan ay sumasama rin ang best friend ni Samara na si Karen pero madalas ay kasama nito ang mga sophomores ng Astronomy Club na sinalihan nito.

"Ikaw naman, Lassie, I'm pretty sure sinabi mo kanina na imi-meet ka ni Sir Michael ngayon para sa removals mo!" bulalas ni Samara sa kaibigan.

"Ay, shit! Oo nga pala! I lost track of time! Laters, girls!" Dali-daling tumakbo palabas ng library si Lassie at naiwan silang dalawa.

"Baliw talaga 'yon," Rainne chuckled. She likes her company a lot pero nitong mga nakaraan, nakararamdam siya ng kakaiba sa katawan niya. Tulad ngayon, masama ang pakiramdam niya.

"Huy, ayos ka lang?" tanong ni Samara sa kanya.

"O—"

Biglang napatayo si Rainne at nagtatakbo papunta sa library comfort room. Pumasok sa isang cubicle at naduwal.

"Rev! Rev!" Hinagod ni Samara ang likod ni Rainne habang patuloy ito sa pagduwal. Nang matapos, inalalayan niya itong tumayo at makapaghugas ng sarili. "I'm not going to ask if you're okay because I'm pretty sure you aren't pero I noticed na madalas kang tumakbo sa banyo at nagsusuka..."

Nagulat si Rainne dahil akala niya ay walang nakapapansin nito kapag tumatakbo siya papunta sa banyo. She guessed wrong.

"I know those aren't symptoms of ulcer kasi I noticed symptoms of something else..."

"I never knew you had a medical side in you," bulong ni Rainne habang nagpupunas ng mukha gamit ang dalang panyo.

"I want to know something, Rev..." Hinawakan siya ni Samara sa braso at tinitigan sa mata. Kinakabahan siya sa nangyayari ngayon.

"A-ano naman 'yon?" pagal na tanong ni Rainne sa kasama.

"Are you... pregnant by any chance?" Her question sounded like she didn't have any hesitation on her end.

Parang binuhusan ng napakalamig na tubig si Rainne dala ng biglaang tanong ni Samara. Nanlamig ang buong pagkatao niya. Ilang beses na nag-aaway sa isipan niya iyon dahil simula pa last week, biglang bumabaliktad ang sikmura niya at madalas ang pagkahilo. She wanted to force herself to believe that it was just the change in weather.

"A-ano? A-ano ba 'yang sinasabi mo, Sammy? Don't joke around." Pinagpapawisan na nang malamig si Rainne. Her head was pulsating and was starting to go blank.

"Are you sure?" Sinuri siya ni Samara mula ulo hanggang paa. "Nagpa-checkup ka na ba?"

Umilig si Rainne. "N-no."

"Then there's 99.99999% chance na tama ang hinala ko! Come on!"

"Where to?"

"Malamang sa botika! The thesis can wait, but your health and well-being cannot! We have to check this ASAP!"

And being Samara Fuentes, almost everything goes her way, including this. Inayos na nila ang mga gamit at sinave ang mga tinayp bago nilisan ang library.

Si Samara ang bumili ng P.T. sa botika informing the saleslady na ang "ate" niyang nasa sasakyan ang nagpapabili at nahihiya lamang lumabas. Marami ang nagtanong sa kanya kung siya ang gagamit kaya tumanggi siya agad. It was the truth anyway.

Pumasok na si Samara sa sasakyan at tumabi kay Rainne na kanina pang aligaga sa puwesto.

"Tara sa mansyon n'yo." Hawak-hawak niya nang mariin ang paper bag na naglalaman ng apat na iba't ibang klase ng pregnancy test kits.

Sumang-ayon si Rainne at inabisuhan na ang driver na bumalik na sila sa bahay. Naging tahimik ang byahe nila at hindi rin naman ganoon kalayo ang residence ng mga Sandoval.

Pagdating sa mansyon ay dumeretso sila sa silid ni Rainne. Laking pasasalamat ni Rainne na hindi pa umuuwi ang magulang at lolo niya. Hindi rin niya alam kung paano ipaliliwanag ang nangyayari.

"Go ka na, girl." Inabot ni Samara ang paper bag na kabado namang tinanggap ni Rainme.

Tumuloy na siya sa banyo at ni-lock ito. Ilang beses siyang napalunok kung gagawin nga ba niya ito o lalabas na sa banyo at magsasalitang hindi na kailangan pa ng test dahil alam din naman niya ang sagot. Pero mas maayos na may ebidensya talaga at hindi 'tamang hinala' lamang.

Katawan niya iyon kaya kahit papaano, alam niya ang nagiging pagbabago nito araw-araw.

Umiling si Rainne sa huling pagkakataon bago sinimulang buksan ang bawat kahon at simulang gawin ang mga nakasulat sa bawat test. Hindi niya napigilang kagatin ang ibabang labi dahil sa halo-halong emosyon na pumupuno sa kanyang dibdib. Nangunguna na rito ang kaba at takot sa maaaring maging resulta.

Paano kung tama ang hinala ni Samara na nagdadalang-tao siya? Paano niya sasabihin sa kanyang ina at lolo? Paano ang pag-aaral niya gayong malapit na siyang magtapos? Napailing na lamang siya. May magagawa pa ba siya kung totoo nga?

With her fingers crossed, she was just hopingfor the best. Umaasa at nananalangin siya na mali ang kanilang kutob... na maliang kanilang hinala at isang panaginip lamang iyon na lilipas din kaagad.

***

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

JO ELLE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro