Chapter 3: Breathtaking
***
CHAPTER 3: BREATHTAKING
***
MATAPOS ang kasalan sa hotel ng mga Fuentes ay dumeretso na sila sa isa pang hall kung saan sila magdi-dinner bilang isang mag-anak—ang unang pagsasalo-salo ng pamilya Fuentes at Sandoval na magkasama.
"Kuya, smile naman d'yan!" sambit ni Samara habang nasa likod ng bagong kasal. Nagkukuhanan sila ng mga litrato sa cellphone bukod pa sa private photographer na kinuha ng pamilya para sa okasyon.
Ilang beses pang kinuhanan na magkatabi sa mesa sina Rainne at Ysiquel na kapwa tahimik lamang. Hanggang sa mga oras na iyon ay kinakabahan pa rin si Rainne. Isa na siyang Fuentes ngunit sa papel lamang. Ikinasal nga siya kay Ysiquel na matagal na rin naman niyang gusto ngunit one-sided lamang ito.
"That's enough," utos ni Ysiquel sa photographer at sa kapatid.
"So cranky!" Samara pouted, at bumalik na sa mesa ng mga kapatid.
"Sammy, hayaan mo na ang kapatid mo. He's tired from work as always," ani Ysabelle sa anak.
"Siya lang naman 'yong nagpapaka-stress, mom," dagdag ni Sebastian na bumalik na rin sa mesa at kumain.
Pinagmasdan ni Rainne ang mga tao sa paligid. Kasama ng lolo at ina niya ang tatay ni Ysiquel sa isang mesa. Mukhang nagdidiskusyon patungkol sa trabaho. Samantala, sa kabila naman ay sina Sebastian at Samara na nag-aasaran kahit kaharap ang ina, kumakain naman sina Sander at Ymannuel na kausap ang kasintahan sa video chat.
Nakaramdam siya ng inggit at pagka-out of place. Umaapaw ang ganda at kagwapuhan ng pamilya Fuentes. Kung hindi niya siguro kilala si Samara ay marahil iisipin niyang matataas ang mga ugali nila. But seeing them now, the Fuentes siblings are lovable and a close bunch... except for Ysiquel, her now husband, sitting beside her in full silence.
"Anak, ayos ka lang ba?" tanong ni Irene sa anak na halos hindi pa ginagalaw ang pagkain. Hindi man lamang niya napansing nakalapit na pala ang ina sa kanya at papalapit na rin ang kanyang lolo na kapulog pa rin si Kyle.
"Uhm, okay lang po, ma," sagot ni Rainne. Pero sa totoo lamang ay nasusuka siya sa amoy ng pagkain kahit hindi naman dapat. She was hungry but her mind was blank. Ngayong kasal na sila ni Ysiquel, saka lamang niya mas napagtanto kung gaano kaseryoso ang pinasok niya.
"Mabuti pa ay tumuloy na kayo sa honeymoon ninyo para makapagpahinga na kayong dalawa," suhestyon ni Kyle sa kanila.
Napa-tsk si Ysiquel sa hindi malamang dahilan ni Rainne. Ganoon ba kasamang matali sa kanya?
Kung sabagay, kung hindi naman nabuo ang sanggol sa sinapupunan niya ay hindi sila magsasama ngayon.
"Po? Hindi po ba rito na lang kami sa hotel?" tanong niya sa biyenan.
Natawa si Ysabelle na inakbayan ni Kyle. Kitang-kita ang umaapaw na pagmamahalan sa kanilang dalawa na animo'y hindi maaaring paghiwalayin. Akala ni Rainne noong una ay magiging mahirap ang pakikisamang gagawin niya kina Kyle at Ysabelle ngunit mali siya. Napakabait at welcoming ng mga magulang ni Ysiquel at ganoon din ang magkakapatid. They were wonderful.
Gusto rin ni Rainne ng ganoon. It was her dream or rather, umaasa pa rin siyang maging ganoon ang pamilya na bubuoin niya—her, Ysiquel, and their baby.
"No, hija. Inayos ko na ang schedule ni Ysiquel sa trabaho at ang schooling mo. You guys will be somewhere else in the next two weeks to spend your honeymoon." Pinamulahan ng pisngi si Rainne at napatayo si Ysiquel.
"Seriously, mom? Bakit ba pinakikialaman niyo ang trabaho ko? What if important investors 'yon?" Napakamot siya ng ulo at nakatingin ang lahat sa kanya dahil sa pagsigaw nito. Ysiquel is a workaholic man after all.
"Ysiquel," tiim-bagang na banta ni Kyle sa panganay sa bigla nitong asal—for losing his temper and responding in such a way to his own mother.
"S-sorry, mom," paghingi niya ng tawad sa ina.
Ayaw niyang sumama ang loob ng mga magulang sa kanya kahit na nasa ganoong edad siya. After what happened to him years ago, he can't and doesn't want to hurt nor break his parents' trust and hearts because of him.
"It's fine. I know what you mean, anak," aniya nang lumapit sa panganay. "Pero take it from us, we know this will help you both to get to know each other much better and relax from all the stress!" dagdag pa ni Ysabelle sa dalawa.
"Pero, m-ma, paano po 'yong mga gamit ko? Wala po kasi akong naihanda."
Biglang niyakap ni Samara si Rainne. Nabigla si Rainne pero hindi naman nasaktan dahil hindi mahigpit ang yakap nito. "Don't you worry, ate. I prepared everything for you already. As in lahat ay okay na. Presensya n'yo na lang dalawa ang kulang." She winked at her new sister.
"G-ganoon ba? S-salamat." Nauutal na naman siya. Pakiramdam niya ay lutang pa rin siya sa mga nangyayari. Hindi niya tinatanggal ang posibilidad na mahimatay siya nang wala sa oras.
Sa huli ay sumang-ayon na rin si Ysiquel. Binigay ni Ysabelle ang isang susi sa anak bago niyakap ito at binulungan ng kung ano. Pero nanatiling ganoon ang ekspresyon ng binata.
Pumaling ito kay Rainne at binigyan din ng isang yakap bago sumunod ang iba nilang kapamilya. Nagpaalam na silang lahat sa bagong kasal habang pinanonood silang umalis.
Sinalubong agad ng pamilyar na amoy pang-lalaking pabango ang ilong ni Rainne. Parang umulit sa ilong niya ang mabango at makisig na amoy na iyon. She knows it was Ysiquel's dahil iyon din ang gamit nito noong may nangyari sa kanila. She smelled him up close when they were in an intimate position.
Nabalot ng nakabibinging katahimikan ang sasakyan. Deretso lamang ang tingin ni Ysiquel sa daan samantalang nakadungaw sa bintana si Rainne. She's absorbing everything that has happened today—her marrying the man of her dreams and carrying his child.
Wala sana siyang balak magsalita sa kasama kung hindi lamang nito nakita ang isang kainan sa 'di kalayuan. Bigla siyang natakam na kumain ng manok at gravy dahil na rin sa nagugutom siya. Parang nagkagana siyang kumain nang makita ang KFC.
"Uhm, Ysiquel?" Pagbasag nito sa katahimikan.
Isinantabi na niya ang hiya dahil pagkain ang gusto niya. At isa pa, anak naman nila ang may dahilan kung bakit takam na takam siya sa hitsura pa lamang ng manok at gravy.
"What?" Batid sa boses nito ang pagkairita.
"P-pwede ba t-tayong dumaan sa KFC?" nahihiya nitong tanong sa asawa.
"What? What for?" Nilingon siya ni Ysiquel pero mabilis lamang dahil napako ulit ang mga mata nito sa daan.
'Kakain malamang' was what she wanted to say pero hindi na lang. Wala siyang lakas ng loob na magsalita nang pabalang. Malinaw naman sa kanya na bad mood ang lalaki.
"G-gusto ko sana ng chicken nila at gravy. Hindi ko kasi nakain 'yong nasa reception."
"Tsk. Fine." Nag-U-turn si Ysiquel sa isang kalsada para bumalik sa nalampasang kainan.
Kahit naiinis si Ysiquel ay inalala niya ang huling bilin ng ina kanina, 'She's pregnant, anak. She'll make both reasonable and unreasonable requests dahil buntis siya. Okay?'
Napabuntong-hininga na lamang siya hanggang maiparada ang sasakyan.
"May gusto ka bang ipabili?" tanong ni Rainne.
"Nothing."
Tumango na si Rainne at bumaba. Gusto niya sanang anyayahang samahan siya pero mainit pa rin ang ulo nito at alam niyang kasalanan niya ito.
Inayos niya muna ang damit bago pumasok. Hindi na siya nakapagpalit dahil wala rin naman siyang dala.
Pagpasok ni Rainne sa loob ay batid niya ang mga matang nakagawi sa direksyon niya. Binalewala na niya ito dahil hindi iyon ang ipinunta niya. Pumila na siya at pang-walo siya. Dadalawa ang kahera at parehong mahaba ang pila. Medyo marami pa ring tao dahil katabi ito ng isang mall.
Pasalamat na lamang siya at may kalayuan ito sa university at sa boarding house ng mga kakilala at kaklase niya.
Hindi niya pa alam kung ayos lang na malaman ng publiko na kasal na ang tagapagmana ng mga Sandoval sa CEO ng mga Fuentes. At kahit tagapagmana rin siya, hindi siya tanyag at walang balak maging sikat pero ang asawa niya ay sikat na sikat.
Pinagmulahan siya ng pisngi dahil sa naisip. Pinagmasdan niya ang singsing sa daliri.
Asawa.
Mag-asawa na talaga sila. Parang isang panaginip lamang ang lahat. Parang nangangarap lamang siya. Pero para sa kanya, ito ang pangarap na kay sarap gumising dahil totoo. Totoong mag-asawa na sila ni Ysiquel.
"Excuse me, miss." Kinalabit siya ng isang lalaki sa likod. Napalingon siya dahil sa pagtataka. Isang lalaking marahil ay nasa 30's na niya at naka-suit.
"Po?"
"Dining in alone?" She smelled alcohol from him.
She smelled danger.
Ngumiti si Rainne at umiling. "No. I'm with someone."
"Really? Nasaan naman? Parang wala kasi kung meron man, he wouldn't let a beautiful lady order by herself." Kumunot ang noo ni Rainne sa pagiging feeling close ng lalaki sa kanya. Ngumiti na lang siya at humarap muli sa direksyon ng kahera.
Naramdaman niya ang pagkulbit ng lalaki at pilit niya itong isinasawalang bahala.
Harassment. Natatakot siya.
"Miss, baka gusto mong sumama sa akin pagkatapos nating umorder?" bulong nito na nagpatayo ng buhok sa katawan niya dahil sa takot.
She wanted to scream pero nakita niya ang mata ng ibang customer na umiwas. They won't get involved.
"No—" sasagot na siya nang biglang may pumutol sa kanya.
"Would you fucking let go of her?" Napatingin ang lahat sa direksyon ni Ysiquel na kunot na kunot ang noong nakatingin sa lalaking nasa likod ni Rainne.
"Ysiquel..." bulong na sambit ni Rainne. She felt a thug on her chest.
'Nandito ba siya para tulungan ako? Paano niya nalaman?' Ang daming namumuong katanungan sa isip niya.
"Ako ba kinakausap mo, boy?" maangas na tanong ng lalaki.
"Who else would I be referring to? You're harassing her," tiim-bagang na sabi nito.
"Boy, wag mo akong ma-Ingles Ingles. Hindi ko hina-harass ang babaeng 'to. May tinatanong lang ako. At para sa kaalaman mo, wag mo akong bastusin dahil ako si Pedro Sanchez, ang general manager ng buong mall. Baka gusto mong hindi na makabalik dito?" Pagduduro niya.
Ysiquel smirked and grabbed his phone. Isang ekspresyon na nagbigay kilabot kay Rainne.
May dinial ito na agad sinagot. "Hello, Mr. Morrell, does a certain Pedro Sanchez work in Star Mall...? Yes... I want you to fire him for breach of Clauses 2, 7 and 29, physically harassing a customer in KFC, using authority for improper reasons, and drinking during working hours. Fail to do this at this very moment, I assure you na ipasasara ko ang buong mall." Binaba na nito ang tawag.
Napuno ng bulong-bulongan ang paligid. Kahit deretso ang pagtatrabaho ng mga nagluluto ay napatingin na sila sa dalawang lalaking nasa gitna. Kinakabahan si Rainne. Kung alam lang niyang magkakaganito, hindi na sana siya bibili pa.
"Mr. Morrell? A-anong ginawa mo?" tanong ni Pedro na pinagpawisan nang malamig.
Si Mr. Morrell ang tagapamahala ng Star Mall sa absence ng may-ari.
"I just did what I had to. Kung ako sa 'yo, pumunta ka na sa opisina mo para salubungin ang patapon mong mga gamit."
"Sino ka ba sa akala mo ha?! Wag kang epal!"
Ysiquel chuckled.
"Anong nakatatawa? You little—"
Akmang susuntukin niya ang binata nang may dalawang security guard na humawak sa mga braso niya.
"Bitawan n'yo ako!"
"Sorry for the inconvenience, Mr. Fuentes," ani ng isang babaeng nakasuot ng KFC uniform at may ID ng manager.
"Are you the manager here?" Walang bahid ng interes sa boses ni Ysiquel.
"Yes, sir. Kami na po ang bahala sa kanya. Tinawagan po ako ni Mr. Morrell," magalang nitong sambit kay Ysiquel.
"Good." Bumaling ito sa lalaki na parang hindi makapaniwala. "Let me introduce myself, I'm Ysiquel Fuentes, the owner of this mall. I will not tolerate such impudent actions in public. You might as well have the basic knowledge of who you are working for."
Laglag panga ang lalaki sa narinig. Maging ang ibang mga tao sa paligid ay may halo-halong ekspresyon—pagkamangha at takot sa lalaking naka-formal attire sa kanilang harapan na animo'y isang mabangis na leon na handang sakmalin ang mga kaaway sa harapan. Kinaladkad na ang lalaki palabas ng dalawang security guards na hindi pa rin makapaniwala sa nagawa at nakasalamuha.
"May magagawa pa po ba kami?" tanong ng manager na nangangatal ang boses. Fear was evident on her face.
"Let's see. Paki-take na ng order ng asawa ko para makaalis na kami."
Nanlaki ang mata ng manager na animo'y hindi makapaniwala sa narinig. Maging si Rainne ay hindi rin makapaniwala. Ysiquel just called her asawa. Hindi iyon isang panaginip lamang.
May narinig si Rainne na bulungan mula sa iba't ibang sulok ng kainan. May ibang naiinggit na asawa pala siya ng binata, may ilang natuwa sa nasaksihan na parang sa pelikula lang at may ilang babae at beking nanghinayang dahil kasal na ang gwapong lalaki sa kanilang harapan.
"Yes, sir." Lumapit ang manager kay Rainne na nakatitig pa rin kay Ysiquel at hindi makapaniwala sa nangyari. "This way, ma'am."
Tumingin si Rainne kay Ysiquel na nakatingin din sa kanya. Nang-iwas agad ng tingin si Rainne. Sumunod siya sa babae sa ikatlong register. "Good evening, ma'am. Welcome to KFC. We apologize for what happened earlier. What would you like to order, ma'am?"
"Uhm, isang chicken bucket po na all hot and spicy, two regular fries, isang chicken and mayo burger and isang water."
"Dine in or take out, ma'am?"
"Take out po."
Kaagad inasikaso ang order ni Rainne habang nakatayo sa 'di kalayuan si Ysiquel na mukhang mainit pa rin ang ulo sa nangyari.
Nahihiya siyang lumingon dahil alam niyang mapanuring mga mata ang titingin sa kanya. Paniguradong lahat ng tao roon ay pinagmamasdan silang dalawa lalo na kapwa nakabihis pa ng pang-kasal.
But that one thing is still stuck in her mind—tinawag talaga siya ni Ysiquel na 'asawa.' Napakapit si Rainne sa counter dahil sa naiisip niya. Parang nablangko ang kanyang isipan. Masasanay ba siya?
Isang kamay ang biglang dumampi sa baywang niya at agad niyang napagtantong si Ysiquel iyon base pa lamang sa pabango nito. His hands were planted on the curve of her waist. That move—that simple move made her cheeks heat up.
"Are you okay?" May bahid ng pag-aalala sa boses ni Ysiquel.
She nodded. "Okay na ako. Salamat." Hanggang sa makuha nila ang inorder na ginawang large ng manager ay hindi na umalis sa tabi niya ang binata.
'If every day could be like this, it would be breathtaking,' she thought.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro