Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: The Marriage Contract

***

CHAPTER 2: THE MARRIAGE CONTRACT

***

NILISAN nina Ysabelle ang silid ni Rainne para kahit papaano ay mabawasan ang nararamdamang stress at pressure nito. Gustong makita ni Ysabelle ang anak na si Ysiquel sa ibabang palapag bago ang kasalan lalo na at kamuntikan pa itong ma-late.

But being in complete silence by herself gave her the opposite effect. Mas lalong kinabahan ang dalaga nang maiwang mag-isa. Hindi niya tuloy sigurado kung masusuka ba siya dahil sa kaba o dahil sa buntis siya... o baka pareho. Hindi na niya tuloy maintindihan.

Bumalik ang kanyang ulirat nang makarinig siya ng pagkatok.

"Bukas 'yan!" sambit niya.

Pumasok si Samara na naka-yellow dress na hanggang itaas ng tuhod niya. Iba na ang ayos nito kumpara sa ayos nito kanina noong nagpaalam na susunduin si Ysiquel sa opisina nito.

Samara was beyond beautiful. Modelong-modelo ang postura nito at kahit na magaan lamang ang make-up sa mukha nito ay umaapaw ang kagandahan na kagaya ni Ysabelle. They were indeed mother and daughter.

"Gosh, ang ganda mo, Rev! Manang-mana ka sa akin!" magiliw na sambit ni Samara habang pinagmamasdan ang mga repleksyon nilang dalawa sa full-body length na salamin.

"S-salamat, Sammy." Namula ang pisngi ng dalaga. Kabadong-kabado ito kahit na pami-pamilya lamang naman nila ang dadalo.

Nakasuot si Rainne ng off-shoulder na gown at nakasalapid ang ibang buhok nito na konektado sa likod at may bulaklak na koronang suot na may belong nakapatong. Mahigpit din ang hawak n'ya sa kumpol ng bulaklak na binigay sa kanya kanina ng coordinator.

Yellow, orange and pink roses adorned her hair and her bouquet. Pinasadya pa nilang ipagawa ang mga kulay na iyon dahil gusto ni Rainne na ilagay ang paboritong kulay niya na pink, kahel kay Irene, at dilaw kay Ysabelle. She wanted to honor her mother and mother-in-law in her wedding because if it weren't for them, the wedding wouldn't be possible.

"Finally! May sister na ako!" Niyakap niya mula sa likod si Rainne na nagbalik sa kanya sa katinuan. "Ate Rev..."

"Ate? P-pero magkasing-edad lang tayo."

"But you're my kuya's wife. I will call you ate." Samara giggled.

Wife. She will definitely be married to him tonight. It was her reality.

"S-sige." Nahihiyang pumayag ito.

Sa katunayan nga ay wala rin naman itong kapatid kaya nakaiilang na may tatawag sa kanya ng ate. It sounded weird. Sanay siyang Rev ang itinatawag sa kanya ni Samara simula noong maging magkaklase sila. At ngayon, things like call names are slowly changing.

Kahit na hindi ganoong kagarbo ang kasal na isang araw ay pinapangarap ni Rainne mula pa noong pagkabata, masaya naman ito kung kanino siya ikakasal. She hoped for a church wedding in secret, but she agreed to settle for a more private and intimate wedding. They decided not to do it publicly para walang intrigang kasasangkutan ang parehong pamilya. Rainne is still studying and she still wants to graduate in peace while Ysiquel is also bombarded with new business projects. It will complicate things.

At isa pa, noong nag-usap ang kanilang pamilya nang pormal, iyon ang kagustuhan ni Ysiquel. Alam niyang hindi masaya ang binata sa sitwasyon nila pero tinanggap pa rin nito ang responsibilidad sa kanya—sa kanilang magiging anak.

May kumatok at nagbukas ng pintuan ng silid na pumukaw sa atensyon nilang dalawa.

"Ladies, ten minutes to go! Ms. Sam, hinahanap po kayo ni Mr. Fuentes," ani ni Pauleen, sekretarya ng mommy niya at witness nila ngayon sa kasal.

"Which Mr. Fuentes?" Kumunot ang noo ng dalaga pero may maliit na ngiti sa labi.

Siya lamang naman ang miss at mom lang niya ang misis. They've got five boys in the family, including their dad at kumpleto sila ngayon sa hotel. It was a necessity and their mother's request that the Fuentes siblings be present at their oldest brother's wedding.

"'Yong daddy n'yo po, ma'am," sagot agad ni Pauleen.

"Oh, shit! Nakalimutan kong mag-report kay daddy! See you na lang sa wedding, ate! Make kuya happy ha! Gawin n'yong triplets ang babies n'yo!" dire-diretso niyang saad.

Nagmamadali na nitong nilisan ang silid patungo sa ama kasunod si Pauleen. Napailing na lang si Rainne sa sinabi ni Samara.

Binalik ni Rainne ang tingin sa salamin at dumako ang mga mata sa tiyan niya. Hinaplos-haplos niya ito kahit na hindi pa halata. Natatakpan man ito ng kanyang suot na gown ay hindi matatanggal ang realidad na nagdadalang-tao siya.

"Baby," her voice shook and her chest felt warm calling out to the being inside her. "Alam mo, ikakasal kami ng daddy mo ngayon. I'm happy but scared na baka panaginip lang lahat ng ito... Na darating ang araw na iiwan niya tayo." Namaos siya sa sinasabi at nakaramdam ng kirot sa dibdib. "Pero I'll do my best, baby... Mai-in love sa 'kin si daddy mo para habang nandito ka pa sa tummy ko ay maramdaman mo ring totoo ang pamilya mo."

Rainne smiled, trying to contain her feelings. Ayaw rin niyang masira ang kanyang ayos. Promising her unborn child for the future was making her more emotional than usual.

Sinundo si Rainne ng nanay at lolo niya sa silid niya. Kapwa malawak ang mga ngiti nang pagmasdan ang bride. She was beyond beautiful.

"Ready, anak?" tanong ni Irene sa anak.

"Yes, ma." Tango ng dalaga at sumunod silang tatlo sa wedding organizer.

Dinala sila sa harap ng dalawang puting pintuan. Several passersby were eyeing their direction—scrutinizing her, wearing an elegant white gown with her beloved beside her. Naramdamang muli ni Rainne ang pagsakop ng kaba sa kanyang dibdib at pilit niyang isinasantabi ang pakiramdam na iyon. At bago sila tumuloy sa loob ng hall kung nasaan ang kanyang mapapangasawa at ang pamilya nito, may kinakailangan siyang sabihin. Bago magbago ang kanyang buhay, kailangang mailabas niya ang mga salitang iyon.

"Ma... Lolo..." pagtawag niya at napahigpit pa ang hawak sa braso ng kanyang lolo.

"Bakit, apo? May problema ba?" nag-aalalang tanong ng lolo niya. The lines on Ranch Sandoval's skin were proof of his old age but he stood tall and regal despite the worry for his sole granddaughter.

"Sorry po for failing you right now. I... I didn't intend for things to turn out this way. And... thank you po..." maluha-luha niyang bulong. Hindi na naman niya mapigilan ang namumuong emosyon. Her pregnancy hormones were kicking in.

Hinagod ni Ranch ang likod ng kanyang apo bago ang kanyang pisngi na may luhang tumulo. Ramdam ng matanda ang pag-aalala ni Rainne. Alam nila ni Irene na maraming hindi sinasabi si Rainne dahil sa nangyari kahit pa naging maayos ang pag-uusap ng pamilya Sandoval kasama ang pamilya Fuentes ukol sa plano para sa kanila.

"Apo, this is your special day. Hindi kami disappointed ng mama mo. God has plans for us. Besides, blessing ang baby mo. Saka kilala ko ang mga Fuentes; hindi nila tatalikuran ang mga responsibilidad nila at mababait sila. Naniniwala akong aalagaan ka nila nang mabuti."

It made her feel much better.

"Tama si tatay. Hindi na natin maibabalik ang mga nangyari. It will be hard sa simula pero nandito lang kami. Saka ikaw na rin ang nagsabi kay mama na mahal mo ang anak nila ni Mr. Fuentes, 'di ba?" tanong ni Irene.

"O-opo, ma. Matagal na po," pag-amin niya.

Right after the very first dinner that the Fuenteses and Sandovals had to talk about Ysiquel and Rainne's wedding, Irene confronted her daughter. Napansin ni Irene ang pananahimik nito noong hapunan at nakumpirmang may gusto nga ito kay Ysiquel bago pa man ang nangyari sa kanila.

Irene had a hint of sadness with what happened to her beloved daughter—getting pregnant while she was aiming to finish studying and help their company—but it has already happened. Nangyari na ang lahat. As a single parent, gusto niyang iparamdam kay Rainne na hindi siya isang kabiguan at kahit anong mangyari ay naroroon siya sa tabi ng anak.

Sa dami na ng napagdaanan mula pagkabata ni Rainne, hindi si Irene ang mang-iiwan sa kanyang anak sa ere. This was the time that Rainne needed her mother most.

Napangiti ang dalawang matanda. "Halika na."

Sumenyas ang organizer na puwede na silang pumasok kasabay ang pagbubukas ng pintuan. She heard soft music playing from the inside. It was the moment of truth. There was no going back now—well, she could if she turns around and starts running away from that place. But why would she? Bakit niya tatakbuhan ang kasal at ang pamilya para sa kanya at sa kanyang anak?

Tumuloy na sila sa loob ng hall at nakatayo sa harap ng mini altar ang buong pamilya ng Fuentes—Kyle and Ysabelle, Samara, Sebastian, Sander at Ymannuel. Nasa kaliwang bahagi naman ang witness nila na sina Pauleen at Trent na kapwa mga secretary. Puro itim naman ang suit na suot ng mga kalalakihan sa silid. Dilaw na bestida ang suot nina Samara at Ysabelle, samantalang kahel kay Irene... kagaya ng napagkasunduang motif. Nasa harap naman ang judge at ang lalaking makaiisang dibdib niyang si Ysiquel.

Kabado si Rainne na tumingin kay Ysiquel na nakakunot ang noo. Unti-unting naglaho ang gusot sa mukha ng binata nang magkatitigan ang mga mata nila. Guwapong-gwapo siya sa binatang nakasuot ng all white long sleeves at coat, at itim na slacks. Itim ang bowtie niya at may isang pink na rosas sa bulsa ng puting coat. May cufflink din siya ng rosas.

Ysiquel's dark hair was combed handsomely. He also had those striking almond orbs which seemed to be trying to captivate her whole being. He initially looked off and uninterested, but as soon as their eyes were intact, it locked onto hers before awkwardly looking away again.

Tulad ng isang kasal sa simbahan, naglakad sila sa red carpet kahit na sila-sila lamang ang nasa hall na iyon. It was better than not getting married at all and not having a "legal" father to her baby.

"Please take care of my daughter," ani Irene kay Ysiquel nang yakapin niya ang binata. Doon lang niya napagtantong nakarating na sila sa harapan. Hindi man iyon ganoong kalaking hall pero gusto pa rin nilang bigyan ng isang maayos na pribadong kasal ang dalawa.

Gusto ni Ysiquel at pumayag naman ang mga Sandoval na gawin munang pribado ang kasal upang mapangalagaan ang kapakanan ni Rainne dahil sa bukod na buntis ito ay nasa kolehiyo pa rin. Umalma noong una si Ysabelle dahil gusto niyang makilala ng mundo ang mapapangasawa ng kanyang panganay ngunit naintindihan din nila ang sitwasyon.

Ysabelle immediately loved Rainne for her son kaya't kahit kwestyonable na sa Nobyembre ang kasal ay ipinagpatuloy pa rin nila. Walang nagawang pag-alma si Ysiquel sa mga napagkasunduan at maging si Rainne ay tahimik nang mga oras na iyon.

"Of course." Ysiquel nodded.

Nakita ni Rainne sa peripheral vision niya ang masasayang mga mukha nina Kyle at Ysabelle. Lalong lalo na si Samara dahil gustong-gusto niya si Rainne para sa kuya niya.

"Ingatan mo ang apo ko at ang anak n'yo." Pagtapik ni Ranch kay Ysiquel.

"Makaaasa po kayo," sagot ni Ysiquel sa matanda.

'If it were only true,' hindi mapigilang isipin ni Rainne. Ramdam niyang wala talagang interes si Ysiquel sa kanilang kasal. Kung hindi lamang siguro iyon ginawang posible ng kanilang mga magulang ay baka walang kasalang magaganap.

"Ang ganda ni Ate Rev," kinikilig na bulong ni Samara sa mga kapatid.

"Yeah. Kuya is lucky," dagdag ni Sebastian habang nakatitig sa ikakasal. He couldn't help but admire the beauty who approached his older brother.

"Shh. Quiet you two," sambit naman ni Sander, ang pinakaseryoso sa tatlo.

Tahimik naman sa tabi ni Kyle ang bunso nilang anak. Magkahawak kamay naman sina Kyle at Ysabelle na masaya para sa anak nila kahit na hindi agad ito pumayag sa kasalan.

Inabot ni Ysiquel ang kanang kamay kay Rainne at malugod ngunit puno ng kaba niyang tinanggap ito.

Sa ikalawang pagkakataon ay nahawakan niyang muli ang kamay ng lalaking gusto niya. And it wasn't a dream anymore. After that fateful night, she will be legally his and he will be legally hers. Rainne will tie the knot with him and be officially his.

The ceremony began and as it was not a grand celebration, hindi rin ito gaanong nagtagal. Ang kaibigan naman ng pamilya Fuentes na si Xymon ang kinuhang exclusive photographer ng kasal.

Nagpalitan sila ng singsing at gumuhit na ang malawak na ngiti kay Rainne. Their white gold rings had their names inside. That band made it more real for her.

Nagtataka rin si Rainne kung sino ang pumili ng napakagandang mga singsing nila pero hindi na siya nagtanong. Her mind was only filled with happiness at the moment.

Wala na talagang atrasan iyon. Pero ang mukha ni Ysiquel ay seryoso pa rin magmula nang makita niya ito.

Cross that.

Simula pa nang malaman nilang nagbunga ang gabing pinagsaluhan nila, hindi pa muling nakikita ni Rainne ang ngiti ni Ysiquel at gusto na niya itong makitang muli. Ang ngiting nagpa-ibig sa kanya noon.

Inabot na sa kanila ang marriage contract para legal na silang kasal. Itinuturo ng judge ang mga pahinang dapat nilang pirmahan at intindihin. Tahimik lang na nakikinig at sumusunod sina Ysiquel at Rainne.

Sa isa pang pagkakataon, binuklat ni Rainne ang mga pahina ng marriage contract nila...

💐💒💐

Republic of the Philippines

CERTIFICATE OF MARRIAGE

CERTIFICATION OF THE CONTRACTING PARTIES

THIS IS TO CERTIFY that I, Prince Ysiquel Fuentes and, I Rainne Emerald Vhixen Sandoval, both of legal age, of our own free will and accord, and in accordance with the person solemnizing this marriage and of the witnesses named below, take each other as husband and wife.

IN WITNESS WHEREOF, we have signed/marked with our fingerprint this certificate in quadruplicate on this 20th day of November 2020.

Prince Ysiquel Fuentes

(Signature of Husband)

Rainne Emerald Vhixen Sandoval

(Signature of Wife)

CERTIFICATION OF THE SOLEMNIZING OFFICER

THIS IS TO CERTIFY THAT BEFORE ME, on this date and place above-written, personally appeared the above-mentioned parties, with their mutual consent, lawfully joined together in marriage which was solemnized by me in the presence of the witnesses named below, all of legal age.

Giovanno Hermes

(Signature over printed Name of Solemnizing Officer)

WITNESS: Pauleen Herrondale

WITNESS: Trent Michaels

💐💒💐

And with their signatures in and verified, she was no longer a Sandoval lady but a Fuentes' wife. Lahat ng pruweba ay nasa konrata na ng kasal nila.

"Congratulations, Mr. Prince Ysiquel Fuentes and Mrs. Rainne Emerald Vhixen Fuentes. You are now officially married. You may kiss your bride," anunsiyo ng judge.

Tumikhim si Ysiquel na lumapit kay Rainne. Namula si Rainne sa mga pang-aasar ng mga kapatid ng asawa na patuloy na humihiyaw ng "kiss!" But to her dismay, Ysiquel quickly kissed her on her right cheek.

Nagpalakpakan lahat ng nasa silid sa kasal na naganap.

Rainne released a silent sigh. Sana tama ang kanyang naging desisyon. Sana tama ang pagpapakasal niya kay Ysiquel para sa baby nila.

Sana.

***

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

JO ELLE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro