Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4

Sabado na kinabukasan at wala kaming pasok. Andito ako ngayon sa bahay kasama si Brent, kaming dalawa lang ang nandito dahil wala sila Mama. Napatingin ako sa kapatid ko at napangiti ako ng makitang pilit niyang inaabot ang family picture namin kasama si Papa.

"Pa-p-pa," Napatingin siya sakin at tinuro ang litrato namin. Nakangiti akong lumapit sa kanya. Naaawa ako minsan sa kapatid ko dahil hindi niya naka sama nang matagal si Papa. Pero alam kong maiintindihan niya din sa oras na lumaki na siya.

"Oo Brent yan si Papa," Dahan dahan kong sinabi iyon sa kanya. Ngumiti lang ang inosente kong kapatid at tumango tango.

Naisipan kong lumabas at pumuntang Mall kasama ang kapatid ko dahil may kailangan din akong bilhin. Napadaan kami sa grocery store dahil may kailangan akong bilhin doon. Tumitingin tingin ako ng pwedeng makain o madala ko sa school.

Napatingin ako sa kapatid ko at nakita siyang pilit na inaabot ang mga chocolate na naka display. Napangiti ako at tutulongan sana siya pero may nauna na sakin. May lalaking kumuha ng chocolate at lumuhod sa harap ng kapatid ko. Nagulat ako dahil kilala ko yung lalake.

Elijah.

"Hello," Kinurot niya ang pisngi ng kapatid ko habang nakangiti. Nakangiting tiningnan naman siya ni Brent. Naiilang na lumapit naman ako sa kanila at hinawakan si Brent sa balikat.

"Ah sorry, mahilig kasi talaga siya sa chocolates,"  Nakangiti kong sinabi kay Elijah. Nagulat naman siya dahil nakita niya ako at nagpabalik balik ang tingin niya sa amin ni Brent.

"Kapatid mo?" Tanong niya sa akin sabay tingin kay Brent na ngayon ay yakap na ang chocolate habang nakangiti sa amin.

Oo, pwede mo ding future brother in law haha.

"Yeah. Wala kasi siyang kasama sa bahay kaya sinama ko na dito," Sinabi ko yun habang binubuhat si Brent. Napatingin ako kay Elijah ng kinuha niya mula sa kamay ko ang push cart at siya na ang nag tulak.

"Tulungan na kita," Ngumiti siya sa akin dahil nakita niyang nakatingin ako sa kanya.

Naglakad na kami papunta sa counter para ma kapag bayad na. Sinusubukan kong kunin kay Brent ang chocolate na yakap yakap niya para sana mabayaran kaya lang ay ayaw niyang ibigay.

"Ate... ayaw!" Inilayo niya iyon sa akin sa pag aakalang ilalayo ko iyon sa kanya. Narinig ko ang pag tawa ni Elijah sa gilid bago niya kinuha si Brent sakin na mabilis namang sumama sa kanya.

"Give it to your Ate buddy," Pagkiki pag usap niya sa kapatid kong buhat buhat niya.

"Babayaran yan ni Ate para makain mo na," Nakatingin lang ako sa kanila habang nag uusap sila. Nakatingin sa kanya si Brent habang naka nguso at siya naman ay naka ngiti dito.

Napailing ako dahil nakinig ang kapatid ko sa kanya. Naka ngusong ibinigay ni Brent ang chocolate sa akin. Naka ngiti naman ang babae sa counter na para bang kanina niya pa kami pina panood.

Hanggang sa naka labas kami ng grocery store ay buhat buhat pa din ni Elijah si Brent. Nahihiya na nga ako pero sabi niya ay okay lang daw dahil mahilig naman siya sa mga bata.

"Have you eaten? Lunch? May alam akong masarap na restaurant dito, we can eat there and don't worry my treat," Pagyayaya ni Elijah sa amin. Karga karga pa rin si Brent.

Hindi naman ako nag aalala sa bayarin, mayaman kami nuh! Tsaka hindi naman kami close para magyaya, nahihiya tuloy ako.

Char! Pwede na din bonding session na din to kasama si crush hehe.

Pumayag na ako sa gusto niya dahil talagang gutom na din ako. Pumasok kami isang restaurant at hinayaan ko na siya ang mag order.

Tiningnan ko ang kapatid ko na nakikipag usap kay Elijah, tumatawa pa talaga sila. Dahil mukhang matatagalan pa naman yung order namin kaya naman binuksan ko muna ang group chat namin.

Me: Guess what? May kasama ako ngayon.

Photo Attached.

Aeia: Gaga ka! Bakit mo kasama ang papi na yan Bianca?!

Mabilis silang nag silabasan at nag ingay sa group chat.

Jace: Tuwang tuwa na naman ang Bianca niyo!

Princess :OMG who's that kid? Is that your brother Bianca? Cutiee!!

Chin: Kaloka si Princess yung bata ang napansin at hindi si papi.

Johann: Wag na kayong mag kagulo dyan si Bianca lang yan!

Me: Alam niyo tangina niyo talaga! Sinasabi ko lang para naman malaman niyo na umuusad na buhay pag ibig ko! Mainggit kayo please.

Aeia: Di mo sure sis hihi.

Chin: Tanongin niyo din si Cess kung ano na nangyare sa buhay pag ibig niya! Nakita ko yan kahapon nakausap niya si kuya sa canteen!

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nabasa at napasinghap. Napatingin sakin si Elijah at tinanong kung okay lang ba daw ako at nginitian ko lang siya.

Me: PRINCESS! LUMABAS KANG GAGA KA! REPORT ASAP!

Jace: Huy! Hala napag iiwanan naba ako?!

Johann: What the fuck?!

Aeia: OMGGGG!!

Samo't sari ang mg naging reaksyon namin dahil sa binunyag na yun ni Chin. Bastos din to minsan inunahan pa mag sabi si Princess.

Princess: Come on guys! It's not what you think! We just bumped into each other and that's it!

Pampapakalma naman niya samin. Madami pa kaming napag usapan bago dumating ang order namin.

"Bago to ah you're not with your friends,"  Pagbubukas ni Elijah sa usapan habang kumakain at busy namang kumain ang kapatid ko.

"I'm not with them cause I'm with you," Wala sa sarili kong sabi sa kanya. At kusa na ding natigilan dahil pag angat ko nang tingin ay nakatitig siya akin.

Susubukan ko pa sanang bawiin ng bigla na lang siyang tumawa.

"Right. Bakit ko pa ba kasi tinanong yun," Sabi niya pag katapos ay humarap kay Brent para ibigay ang dessert na cake.

Pag katapos naming kumain ay nag ikot ikot muna kami bago umuwi.

"Hatid ko na kayo pauwi I'll just go and get my car," Tatanggi na sana ako kaso hindi niya na ako hinayaan pang mag salita at umalis na para siguro kunin ang sasakyan niya.

Nang nasa biyahe na kami ay panay lamang ang usap nila ni Brent, siguro dahil sa pagod kaya nanahimik lang ako at binigay na lang ang address sa kanya.

Dumating na kami sa Village at nasa tapat na kami nang bahay namin. Tinulungan niya akong ipasok sa may gate ang mga napamili.

"Thank you Elijah ah and sorry rin sa abala," Pagpapasalamat ko sa kaniya.

"Gusto mo ba pumasok? Tubig gusto mo?"

"Ah no, tsaka nalang pag may kasama kana," Nakangiti niyang sabi sakin bago lumuhod at mukhang magpapa alam na sa kapatid ko na nakatingala sa kanya.

"See you when I see you again buddy.. wag pasaway ah," Kinurot niya ang pisngi ng kapatid ko habang nakangiti.

"Ba-bye Kuya!" Hindi lang siya ang nagulat kundi pati na din ako dahil sa sinabi na yun ng kapatid ko.

Putcha! Umaano tong kapatid ko! Nasan na si Brent na mahiyain!

"Bye buddy," Tumingin sakin si Elijah at nag pa alam. "Bye Bianca."

"Bye Elijah, take care." Hinatid ko siya sa kotse niya at kumaway hanggang sa makaalis siya.

Napatakbo ako sa loob at inayos na muna ang mga pinamili ko bago ko puntahan si Brent sa sala na nag lalaro na dahil binilhan siya ni Elijah ng laruan. Nilapitan ko ang kapatid ko at pinaupo siya sa hita ko.

"Baby... masaya ka ba sa pamamasyal natin kanina?" Nakangiti naman ang kapatid ko sa akin.

Nilalaro niya ang laruang hawak niya habang nakaupo sa hita ko. Ang kulit na ng kapatid ko samantalang dati lang ay mahiyain pa to. Ibalik ko na lang kaya ito sa sinapupunan si Mama. Char hehe.

"Opo Ate! Bait Kuya Ej!" Malawak ang ngiti niyang sabi sa akin.

Ay! Kuya Ej daw. Ano yan close na sila agad? Sanaall. When kaya. Char!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro