CHAPTER 7
Ilang araw na rin simula nang magkita sila Sabrina at Kendrick. Madalas silang mag-usap via sms at tawag. Kagaya ngayong pauwi si Sabrina ay tinawagan na sya agad ng binata.
Naalala pa ni Sabrina kung paano niya kunin ang contact number ng binata bago sila maghiwalay noong unang araw silang magkasama. That day, they really felt the connection between them. Yung spark na sinasabi? Iyon na 'yon. Hindi siya maipaliwanag dahil sila lang mismo ang nakakaramdam na dalawa. Akala ni Sabrina ay gawa-gawa lang sa mga nobela ang ganoong pakiramdam pero hindi pala. Totoo palang may mga nangyayaring ganon. Hindi lang din dahil sa gwapo ang binata kundi dahil may sense din itong kausap.
"Are you still at work?" Napangiti si Sab dahil sa boses ng binata. He has this deep gentle voice when talking to Sab.
"Just clocked out." Sagot nito. Ramdam kaagad ni Kendrick ang pagod mula sa boses ng dalaga. Tila naawa naman ito dahil doon.
"Are you walking home?" Malambing ang pagkakatanong ng binata sa kanya.
"Syempre. It's like 20 minute away lang naman"
"Sab!" Napatingin si Sab sa tumawag sa kanya. Yung ka-shift nilang waiter iyon. Sa pagkakatanda niya ay part-timer lang naman ito dahil may iba pa itong trabaho. "Wait a sec" hindi na binaba ni Sabrina ang tawag dahil alam naman nito na mabilis lang niya kakausapin ang tumawag sa kanya.
"Hey what's up?" Bati ni Sab dito. Hindi niya ito laging nakakausap kaya hindi rin niya matandaan ang pangalan nito. "Sorry, What's your name again" narinig naman ni Sab ang mahinang pagtawa ng binata sa kabilang linya.
"Ah, that hurts. It's Dave. I was gonna ask you if you want me to drop you off your place"
"Are you gonna go with him?" Tanong naman ni Kendrick sa kabilang linya. Tila ba naalarma ito sa narinig na hindi naman napansin ni Sab "Is he hitting on you?" Alam naman ni Sab na tila nagbibiro ang boses ni Kendrick but she can hear jealousy on the other line.
"I'm sorry. I prefer walking home, but thanks" nakangiting sagot ni Sab para di naman siya magmukhang rude.
"O'right. See you around then. Maybe next time?" Hopeful ang pagkakatanong ni Dave pero nginitian lang siya ni Sab.
"Thanks again" Sabi ni Sab bago umalis ang binata. Narinig pa niyang kinanchawan siya ng isa sa kasamahan nito pero hinayaan na niya. Hindi kasi talaga ugali ni Sab ang sumabay sa mga katrabaho niyang banyaga.
"I'm sorry about that" saad ni Sab sa kabilang linya. "Are you still there?"
"Yeah, I was about to leave if you had accepted his offer." Nagulat naman si Sabrina sa sinabi nito.
"Wait! Are you outside my workplace right now?" Gulat na tanong ni Sab. Ang balak kasi sana ni Sab ngayon ay magmumuni-muni muna habang naglalakad pauwi. Malamig kasi at namulaklak na rin yung lavenders sa isang park na madadaanan niya. Doon, kahit gabi na ay matao pa rin. Hindi nga lang nyanalam if kakayanin niya ang lamig.
"Yeah. I'm circling around for like 5 minutes now. Can't find a free parking space" aniya. Katwiran kasi ni Kendrick ay mabilis lang naman siya magpapark kaya hindi na kelangan sana magbayad. Totoo naman, sayang din naman kasi kung ilang minuto lang magpapark.
"Are you done now? Can you wait for me outside the hotel?"
"Sure." 10pm na rin ngayon at sa totoo lang medyo delikado rin maglakad sa downtown kapag ganitong ginagabi siya. Naranasan na niya kasing may tumigil na sasakyan sa tabi niya at tinatanong kung magkano siya. Nawindang talaga ang pagkatao ni Sab sa tagpong iyon noon kaya napilitan siyang tumakbo sa takot.
Hinintay ni Sab ang binata sa harap ng hotel kung saan pwede huminto para magbaba at magsakay.
Agad na napangiti si Kendrick nang sumakay na ang dalaga. Ganito pala ang hitsura ng dalaga kapag galing sa trabaho. Nakaladlad ang mahaba nitong buhok at medyo wavy rin, halatang kakatanggal lang sa pagkakatali nito. Amoy pagkain pa nga ito dahil na rin siguro dumikit na ang amoy sa T-shirt niya ng mga hinanda ni Sabrina na pagkain kahit pa may suot itong chef's uniform.
Gayon pa man ay hindi naman masama ang amoy nito. Tila nagutom pa nga ang binata dahil sa naamoy.
"What are you doing here?" Medyo high pitch pa nga ang tono ng dalaga dahil natuwa naman talaga siya sa ginawa ni Kendrick. Nag-umpisa na rin tanggalin ni Sab ang jacket nito dahil naka-on ang heater ng sasakyan ng binata.
"picking you up. I'd rather pick you up than guys asking you to ride home with them" natawa pa si Kendrick nang sabihin niya iyon. Samantalang agad naman naramdaman ni Sab ang pag-init ng mukha dahil sa nabanggit na iyon ng binata.
"Gee! I don't even remember that guy's name" lalo pa tuloy natuwa si Kendrick sa sinabi ng dalaga. Parang wala talaga itong interes sa ibang lalaki. Hindi katulad ng mga naka-date niya noon na kapag may magyayayang iba ay sasama kaagad. Iba talaga si Sab sakanila.
"So? What did you do here in downtown?" Hindi kasi naniniwala si Sab na pumunta talaga si Kendrick doon para lang sunduin siya. "Fort Worth is like thirty to forty minute away from here, mister." Nabanggit kasi noon ni Kendrick na doon siya nakatira sa Fort Worth Dallas
"Nah, my friend and i watched a game today."
"What game?" Napansin ni Sab na hindi naman patungo sa apartment niya ang tinatahak na daan ngayon ni Kendrick. "Wait, where are we going?"
"Hockey" tanging ang unang tanong lamang ang sinagot nito. "Tell your roommate you're with me." Sabi lang nito.
"Yeah, i should do that." Agad naman na nagsend ng message si Sabrina sa kaibigan niyang si Clark.
'Kasama ko now si Kendrick. Sinundo ako sa work now'
Mabilis pa sa mabilis ang reply ni Clark.
'Wag makipagyanigan! Protektahan ang perlas haha!'
'Siraulo ka talaga!'
"You always smile whenever you text your friend" nakangiti pa si Kendrick nang sabihin niya iyon. Natutuwa kasi siya na nakikita niyang ngumingiti ang dalaga, minsan kasi ay halos mawala na ang mga mata nito dahil sa mga ngiti niya.
"It's because i told him i'm with you and he mentioned something funny, you know filipino humor?" Tanong ng dalaga sa binata. Minsan kasi may mga batuhan silang magkakaibigan na jokes at tanging mga filipino lang makakagets. Hindi kasi nakakatawa kapag natranslate na ito sa english.
"You should learn tagalog for you to understand his messages"
"Ahh i'm getting jealous" biro ng lalaki kaya naman natigilan si Sabrina sa sinasabi. Hindi naman literal na nagseselos ang binata sa kabigan ni Sab. Naiinggit lang ito kasi effortless niyang napapatawa si Sab gamit ang lengwahe na kinalakihan nila.
"I really should learn tagalog from my father. i can understand a bit tho, but only basic" hindi kasi matyaga ang ama niya na magturo ng tagalog at hindi na rin naman niya gaano naririnig ang ama niya na magsalita nito simula noong bumukod siya ng tinitirahan. Noong unang magkausap pa lang sila ni Sab, oo. Nakapagpaturo siya sa ama niya kahit papaano.
"Don't worry, i'll teach you" masiglang sabi ni Sabrina sa kanya. "Pwede mo na ba sabihin kung saan tayo pupunta?"
Mabilis na tumingin si Kendrick kay Sab. Halatang nanunukso ito dahil dahan-dahan pa niyang tinanong iyon kay kendrick.
"That's basic, Sab. I can understand that one" natatawa naman si Kendrick kahit ang totoo niyan ay Saan tayo pupunta lang ang naintindihan nita.
"To be honest, i don't have any place in mind right now. Did you eat already?"
"Kumain na ako kanina" nakatingin lang si Sab kay Kendrick. Chinicheck kung totoong nakakaintindi ito. Napansin niya nga ang pagkunot ng noo ng binata dahil sa sinabi ni Sab. "I said, i ate already"
"Ahh! Kumain is kain, right? That's what i thought!" Totoo naman na naisip ni Kendrick iyon. Hindi lang niya alam kung oo o hindi yung naging sagot.
"What about you? Kumain ka na?" Tila natutuwa talaga si Sabrina sa nagiging reaksyon ng binata dahil sa patuloy nitong pagtatagalog. Minsan kasi ay nagtatagalog ang binata pero hindi naman tuwid. Paisa-isang salita lang.
"I'm actually hungry right now." Tumingin pa ang binata kay Sab. Mula kasi pagpasok ni Sab sa sasakyan ay hindi malaman ni Kendrick kung nagutom ba siya dahil sa amoy ng dalaga o gutom siyang mahalikan ulit ang dalaga.
"What do you wanna eat? I can eat, but light snack only." Diretso ang tingin ng dalaga sa daan. Pinagmamasdan at pilit tinatandaan ang mga dinadaanan.
"Before we eat..." tumingin si Sabrina kay Kendrick at hinihintay ang katuloy ng sasabihin nito.
"What?" Tila nainip na tanong ng dalaga sa kanya.
"Before we eat, can i kiss you?" Mababa ang boses ng binata at para bang nanunuyo. Mabilis naman na napakagat ng labi ang dalaga bago ito sumagot.
"Okay" sa sagot na iyon ni Sabrina ay kaagad naghanap ng parking space ang lalaki. Sakto naman na padaan sila sa isang pay parking kaya doon na siya nagpark. Naghanap lang ito ng hindi gaanong maliwanag at walang katabing sasakyan.
Pagkapark ng maayos ay agad nitong tinanggal ang seatbelt niya at pati na rin kay Sab. Tila ba hinahabol ang mga araw na hindi niya nakasama ang dalaga.
"Relax" mahinang tumawa si Sab. Pero ang totoo niyan ay maski siya ay parang nanabik din. "We have all the time"
"I can never relax when i'm with you" pagkasabi niya niyon ay mapusok na nitong hinalikan ang dalaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro