CHAPTER 4
Hindi mapigilan ni Sabrina na mapatitig sa kasama. Sadyang matipuno kasi si Kendrick at nakakadagdag pa na nakakaayang amuyin ang pabango nito.
"What?" Tila naco-conscious na tanong nito sa kanya "is there something on my face?" Bahagyang nagkatinginan sila bago ibinaling ulit ng lalaki ang tingin sa harap. Nagdadrive na kasi ito ngayon at hindi rin naman alam ni Sabrina ang puntahan. Napahawak pa ito sa pisngi nito dahil sa pagtitig ni Sab sa kanya.
"Just curious if you can speak filipino fluently" pagsisinungaling nito. May ugali lang kasi talaga si Sabrina na napapatitig ng matagal kapag bagong kilala lang ang isang tao lalo na kung gwapo o kaya naman ay maganda ang nasa harap nito.
"My father talks to me in tagalog. I usually understand a bit." namangha naman ito. "Just more comfortable talking in english" paliwanag pa niya. Kunsabagay ay dito na kasi lumaki ang binata.
Napatingin na rin si Sabrina sa cellphone at nakita nito ang reply ni Clark. Agad na napangiti si Sab dahil sa nabasang message ng kaibigan.
'Bruha ka! Now ka pala umalis. Akala ko later pa. Nakita ko sana 'yan'
Nagtype naman agad ng isasagot si Sabrina.
'Pogi naman siya teh' sabi nito 'mukhang mabait naman'
Lihim na napatingin si Kendrick kay Sab dahil sa pananahimik ng dalaga. May ka-text naman pala ito kaya ito naging tahimik. Napansin din niya ang pagngiti ng dalaga nang muling tumunog ang cellphone nito dahil sa isang text ulit.
'Mabait kaagad kapag pogi? Hindi pwedeng now lang at nagpapa-impress pa? Haha! Ingat ka at huwag ibibigay ang pechay!'
'Siraulo'
"Why are you smiling? Who are you texting?" Malumanay itong nagtanong sa kanya. Bakas rin naman ang kyuryusidad sa tono nito.
"Clark, my roommate. A friend"
"Oh! A guy." Rinig dito ang pagkadismaya ni Kendrick sa narinig. Ngayon na lang kasi ulit lumabas si Kendrick kasama ang isang babae. May mga naka-date naman siya pero ilang buwan na rin ang lumipas mula sa huling date nito. Madalas kasi ay trabaho at bahay lang ito simula noong naging single siya. Ilang taon na rin kasi itong single kaya hindi na rin nito alam kung paano makipag-date. Dagdag pa na filipina ang kanyang kasama at hindi niya alam kung paano makikiramdam. Kung ang mga taga roon nga sa US ay hindi niya makasundo, ano pa kaya ang lumaki sa ibang bansa?
"He's not straight." Nagpapark na rin ng sila nang sabihin iyon ni Sabrina. Malapit lang kasi ang pinuntahan nilang lugar mula sa apartment ni Sabrina. Nasilayan niya rin na napangiti itong si Kendrick dahil sa sagot niya kaya nagpatuloy si Sabrina sa sinasabi.
"He's actually the one who downloaded the app" tukoy nito. Napatango naman ang lalaki sa paliwanag ni Sabrina. Nasa harapan sila ngayon ng Dallas Aquarium. Parang converted na rin ito na Zoo Building. Hindi pa siya nakakapunta rito kahit na halos malapit lang sa apartment nila at kayang lakarin.
"He uses your phone?" Nagtatakang tanong naman ni Kendrick. Para sa kanya kasi ay pribado iyon at hindi dapat pinapakialaman. Mahigpit din kasi sa trabaho nito kaya nasanay siyang hindi dapat napapakialaman ang mga gamit nito lalo na ang mga bagay na may kinalaman sa trabaho nito lalo na ang cellphone at ang kanyang laptop. Nandoon kasi lahat ang files at hindi iyon pwede ma-leak. Sa katunayan, kaya niya rin niyaya si Sabrina na makipagkita ay dahil hindi ito nagtanong tungkol sa trabaho niya. Tanging malapit na pamilya lang din kasi nito ang nakakaalam kung ano at saan ito nagtatrabaho.
"Yung araw lang na 'yon" agad naman napatingin ang binata sa kanya dahil sa biglang pagsagot ni Sabrina ng Tagalog. Medyo nainindihan naman niya iyon dahil sa tono ng boses ng dalaga. Hindi nga lang niya alam kung tama ang pagkakaintindi niya. "My roommates and i were drinking when he downloaded the app. Well, that's what he said." Hindi siguradong sagot ni Sabrina. Medyo nagloloading na rin utak nito ngayon kasi sa trabaho ay hindi naman siya madalas magsalita.
"Oh, so you drink alcohol?" Curious lang naman si Kendrick.
"Sometimes." Mahinang tugon ng dalaga. Tinanggal na nito ang seatbelt niya. Nag-umpisa siyang makaramdam ng hiya nang mapansin nito na nakatitig sa kanya ang lalaki. Siguro'y ganoon din ang naramdaman ni Kendrick kanina nang nakatitig ito sa kanya. Medyo nakaramdam siya ng init sa mukha dahil sa hiya.
"Do you drink?" Tanong naman ni Sabrina.
"Not really." Hindi akalain ni Sab na ganoon ang sagot ng binata. Halos lahat kasi ng kalilala nya sa trabaho ay umiinom. Sila pa nga nagyayaya uminom sa kanilang mga pilipino minsan. Tuwing friday actually, kaya absent siya mamaya sa inuman kasama ang mga katrabaho.
Gusto pa sana ni Kendrick na mag-usap pa sila sa loob ng sasakyan pero habang tumatagal na pinagmamasdan niya si Sabrina ay tila ba mas nagagandahan ito sa dalaga. Iba kasi siya sa mga naka-date niya. Ang simple lang pero umaangat ang ganda.
"Oh, is it bad that i drink?" Sincere ang tanong ng dalaga. Curious talaga siya sa kung anong pananaw ni Kendrick sa mga babaeng umiinom. Sa Pilipinas kasi ay tila ba minsan iba ang tingin ng mga tao sa babaeng marunong at malakas uminom. Hindi naman talaga sanay sa inuman si Sabrina, simula noong nasabak na kasi siya sa kusina ay natuto siya sa mga kasamahan. Kahit noong nasa Pilipinas pa ito.
"No. Why did you ask?" Isa rin naman na na-curious ang binata. Marami naman kasi itong kilala na umiinom at wala naman sa kanya iyon kung umiinom sila ng alak.
"Just asking." Tipid na sagot ni Sab. Wala na rin kasi itong masabi at tila dudugo na ang ilong niya sa pag-uusap nila. Ang bagay na iyon ay hindi naman napansin ni kendrick dahil sanay din ito sa isang tanong, isang sagot sa mga date nila. Pero iba si Sab. Hindi yung isang tanong, isang sagot na boring. Natutuwa pa nga ito dahil sincere naman ang mga lumabas sa bibig ng dalaga.
Tinanggal na ni Kendrick ang seatbelt nito saka pinatay ang makina ng sasakyan. Nauna namang bumaba sa sasakyan si Sabrina. Agad nitong naramdaman ang malamig na klima. Dapat yata ay naglagay pa siya ng additional layer ng damit. May sando siyang panloob pero hindi pa rin kaya. Naninipa kasi sa lamig yung hangin ngayon.
"I was gonna open the door for you" natawa naman si Sabrina sa sinabi ni Kendrick. Ang Cute kasi ng pagkakasabi nito. Hindi tuloy alam ng dalaga kung sadyang pagpapacute ba iyon o ganoon talaga siya.
Lumapit si Kendrick saka muling niyakap si Sabrina. Sa pagkakataong iyon ay gumanti rin ng yakap si Sabrina. Kailangan niya iyon, malamig din kasi. Idagdag pa na masarap yumakap ang binata. Yung pakiramdam na parang safe ka.
Parang halos magkakilala na sila dahil na rin sa pag-uusap nila sa app. Ramdam ng mga ito yung attraction sa pagitan nila. Hindi lang nila gaano alam kung paano gumalaw ngayon na magkasama sila. Kumbaga ay nagpapakiramdaman pa sila.
Tumagal din ng halos isang minuto mahigit ang yakap na iyon. Naghiwalay lang sila sa pagkakayakap nang may isang kotse na nagpark na sa tabi nila. Paglabas ng couple sa sasakyan ay nagsalita pa ang lalaki.
"Ahhh lovebirds." Nakangiti naman 'yon habang sinasabi pero hindi na nila pinansin ang lalaki. Medyo iyon pa nga ang dahilan kung bakit ang dalawa ngayon ay nagkailangan.
Na-conscious tuloy si Sabrina dahil sa narinig. Pakiramdam niya ay hindi siya bagay kay Kendrick dahil matipuno talaga ito at siya'y simple lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro