Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

Friday na. Late nagising si Sabrina pero kahit late na siya nagising ay humiga pa ulit ito nang makitang tulog pa lahat ang kasama sa silid.

Si Clark na katabi nito ay madaling araw nang nakauwi. Napansin iyon ni Sabrina dahil nagising ito nang humiga ito sa tabi nito. Kinikilig pa nga si Clark at balak pa yata magkwento pero pinatahimik siya ni Sabrina na noon ay antok na antok pa.

9:30 pa lang ng umaga at papikit-pikit pa nitong chineck ang notifications sa cellphone. May message sa kanya si Clark kagabi na hindi ito makakauwi ng gabi.

Ang isa rito ay mula sa dating app, si Kendrick.

'Good morning'

'Are you awake now?'

'Tulog pa?'

Napangiti si Sabrinang nang mabasa ang huling message nito sa kanya. Paminsan minsan nitong mga nakaraang araw kasi ay nagtatagalog ito. Natutunan daw niya sa ama niya ang mga 'yon. Nabanggit din minsan ni Kendrick sa kanya na ang apelido ng nanay niya ang gamit nito.

'Hey, good morning' bati ni Sabrina sa kanya.

'Whatchadoin?' Reply kaagad ng binata sa kanya. Halatang hawak nito ang cellphone.

'Just woke up.'

'Is 11am good for you?' Hindi na nag-atubuling magtanong ang binata.

Muling tinignan ni Sab ang oras. Friday nga pala ngayon at ngayon sila magkikita ng nakakausap. Bumangon na ito at lumabas ng silid. Nandoon si Cassy sa kusina kasama ang boyfiend nito na mexican.

"Good morning, Sab" bati ng lalaki sa kanya. Kumakain silang dalawa ng pancit canton. Ang totoo'y kinausap na si Sabrina ng iba nilang roommates tungkol sa paglalagi ng boyfriend ni Cassy sa kanila. Hindi na kasi komportable ang mga nasa kabilang silid. Sa sala kasi nakapwesto ang higaan ni Cassy, tapat lang ng kabilang room. Ang sumbong ng mga ito ay naririnig nilang umuungol ang mga ito kapag madaling araw. Kahit impit pa ito ay dinig pa rin nila at alam na kaagad nila ang ibig sabihin ng ingay ba iyon.

"Hey" bati na lang din ni Sab sa kanila. Hindi naman kasi si Sabrina ang naatasan na magsabi sa sumbong nila, kundi ang isa pa nilang roommate. Ang isa sa nakapangalan sa apartment, si Vin. Sa ngayon ay marami sila doon. Nasa sampu silang lahat sa apartment tapos idagdag pa itong boyfriend ni Cassy.

Si Sabrina kasi ang sumbungan pero pinapasa niya lang din naman sa mas nakakatanda pa sa kanila na si Vin ang mga problema sa roomates. Ayaw kasi nakikialam ni Sabrina sa mga ito. Basta ang nakatoka sa kanya ang paniningil ng rent and utility dues. Naging abala kasi ng mga nakaraan na buwan si Sabrina kaya halos hindi rin niya nakakasalamuha ang iba nilang kasama sa apartment. May mga umalis at nadagdag na rin sa kabilang silid kaya talagang hindi siya close sa mga ito. Sumbungan lang talaga siya madalas dahil ayaw rin ng mga ito na dumiretso kaagad kay Vin.

'Busy?' Muling tumunog ang cellphone ni Sabrina. Si Kendrick ito na kanina'y nalimutan niyang replyan.

'11's good' sagot naman ni Sab sa naunang tanong nito. May time pa naman siya para mag-ayos. Maaga pa naman at hindi naman siguro sila lalayo ni Kendrick.

"Malamig ba sa labas ngayon?" Tanong niya kay Cassy. Minsan kasi ay maagang lumalabas ang dalawang iyon.

"Oo. Need long sleeves ngayon. Check mo rin sa app. Lalabas ka ba? Akala ko off mo ngayon? Hindi ka sasama kila Clark?" Tanong pa niya.

"Oo. Lalabas ako mamaya konti." Kumuha ito ng baso at nagsalin ng maiinom. Hindi na niya sinabi na may date ito dahil alam niyang ich-chismis lang din siya ni Cassy sa iba.

Pagkatapos niyon ay naligo na siya. Nagpatuyo rin ito ng buhok at ito'y ginamitan ng hair iron. Tinuwid niya ang mahaba niyang buhok at naglagay ng kaunting makeup. Lipstick at sunscreen lang naman din halos ang ginagamit nito dahil hindi siya marunong maglagay ng kolorete sa mukha. Simpleng babae lang si Sabrina.

Napagpasyahan niyang magsuot ng orange na knitted long sleeves at saka pantalon. Sinuot din niya ang nabili niyang puting sapatos nitong nakaraan.

Nang matapos magbihis ay lumabas siya sa cr at tumambay muna sa sala. Halos nagsipasukan na ang mga nasa kabilang silid, samantalang sa kwarto nila ay tulog pa ang mga kasama. Sila Cassy naman at ang boyfriend niya ay nasa terrace. May sofa kasi silang nilagay doon at madalas ay doon sila tumatambay ng gabi.

'Just tell me when you're ready. I'm just around downtown. Imma pick you up if you want me to'

Sumilip muna si Sabrina sa silid nila para tingnan kung may gising sa mga kasama nito pero dahil tulog pa ang mga ito ay hindi na siya nakapagsabi na aalis siya.

Lumabas siya sa apartment nila at nagtungo na agad siya sa elevator para bumaba. Sa top floor kasi sila which is 12th floor. Iyon na lang din kasi ang available noon nagviewing sila sa apartment na iyon.

Nang makalabas pa nga ito sa building ay agad din siyang pumasok dahil biglang umihip ng hangin na malamig. Sakto naman na biglang tumawag si Kendrick sa kanya. Nag-alangan na sagutin ito ni Sabrina dahil ito ang unang beses na tinawagan siya. Hindi kasi talaga masalita ang dalaga at ayaw niya ng mga tawag. Lumipas ang pang-apat na ring ay sinagot na rin niya ito.

"Hey" malalim ang boses nito at para bang nanlalambing.

"Hey" sagot naman ng dalaga. Hindi nito alam ang mararamsaman. Boses pa lang iyon pero parang may naramdaman na siya kaagad na koneksyon dito.

"Do you want me to pick you up?" Napakagat ng labi ang dalaga at tinignan ang dumaan na babae papuntang elevator. Nagmamadali kasi ang babae at para bang giniginaw galing sa labas.

"Sure. It's really cold outside and i feel like i underestimated the weather" natawa naman ang binata sa kabilang linya. Mababa rin ang tawa nito at sa totoo niyan ay parang nakaramdam ng kilig kahit papaano si Sabrina.

Tanging si Clark ang may alam na lalabas siya kasama ni Kendrick. Wala rin ibang nakakaalam na may nakakausap ito maliban ni Clark.

"Alright. Send me the street and wait for me before you go outside."

Pagkababa nito ang tawag ay sinend na nya kaagad ang street at pangalan ng apartment building. Wala pa ngang limang minuto ay tumawag ulit ang binata.

"I'm here" aniya. Agad naman na lumabas si Sabrina at mabilis na nakita ang sasakyan ng binata. Lumabas naman din kaagad si Kendrick at nagpakawala ito ng ngiti nang makita siya. Matangkad ito at parang 6 footer pa nga ito kumpara kay Sabrina na 5'3 lanh ang tangkad.

Hindi kaagad nakalakad ang dalaga dahil parang bigla itong nahiya. Effortless kasi ang kagwapuhan ng binata unlike her na kailangan niya pa magplantsa ng buhok at maglagay ng kaunting makeup. Nakadagdag pa na maganda ang postura ng lalaki.

Ang binata ang lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit bilang bati sabay sabing "you're so small and cute" nagulat si Sabrina sa gesture na iyon. 'Ganoon siguro talaga ang nga lalaki dito' isip-isip nito. 'Biglang nangyayakap'

Natawa rin naman ang dalaga sa sinabi ni Kendrick.

"Grabe ha" sambit ni Sab. Natawa naman ang binata at ginaya ang sinabi ni Sabrina. Hindi pa rin nito inalis ang pagkayakap. Pero kahit natawa ay para pa rin siyang estatwa na hindi makagalaw sa pagkabigla. Nahiya kasi siya sa ginawang pagyakap sa kanya. Naamoy pa nga ni Sab ang pabango ng binata. Hindi ito masangsang sa ilong. Nakakalalaki talaga ang amoy.

Bumitiw sa pagkakayakap ang lalaki saka ito pinagbuksan ng pinto. Nakangiti pa ang binata at tila ba hindi na nito alam ang sasabihin. Ito na siguro yung awkward moment nilang dalawa.

Sumunod na si Sabrina sa kanya at sumakay sa kotse. Agad din na sumakay si Kendrick saka ito natawa nang makita niyang ina-adjust ng dalaga ang upuan. Masyado kasi itong nalalayuan kaya inadjust niya paabante ang upuan.

Dito napagtanto ni Sab na sumama na nga siya sa binata. Ni hindi pa niya alam kung saan sila pupunta. Parang doon pa lang siya kinabahan. Agad niyang tinext ang kaibigan na si Clark at sinabi ang plate number ng sasakyan.

Hindi siya scam. Totoong tao talaga itong nakilala niya. Pero agad din siyang naalarma kasi alam na ng binata kung saan sya nakatira. Saka muli na namang naalarma kasi baka kulang ang english na nabaon niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro