Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9

Chapter 9

“Sit here.” Nanghihina akong napaupo sa couch matapos akong alalayan ni Harold. Saglit ako nitong iniwan at pagbalik niya’y may bitbit na siyang isang basong tubig. Halos siya pa ‘yong nagpainom sa akin.

“How do you feel now? Better?” he asked full of concern and I replied him with a nod.

Lately, I’m feeling tired and sometimes nausea hits me. Kahit wala naman akong ginagawa, pakiramdam ko’y binugbog ang katawan ko sa pagod. Harold gave Doc. Salinas a call to ask about my condition and she told us that it was because of hormonal changes. She then gave us some pieces of advice and told us not to worry about it too much. May pagkakataon daw talagang magiging ganito ang pakiramdam ko, may time din na babalik ito sa normal.

“Are you hungry? I’ll cook—”

I shook my head. “I just want to sleep,” my voice faded.

Harold put his left arm at my nape and his right arm at the back of my knees before carrying me and he brought me inside my room. Nanghihina kong inalis ang pagkakasabit ng mga kamay ko sa leeg niya nang maihiga ako nito sa kama.

“Should I turn off the aircon?”

“No, leave it like that,” tugon ko lalo pa’t pinagpapawisan ako.

Tumayo ito saka pumunta sa lagayan ko ng damit. He looked for a towel and headed back to me again. Gamit iyon ay mahina niyang idinampi iyon sa mukha ko para punasan ‘yung pawis ko.

“Feeling better now?” Tumango na lang ako sa kanya.

I looked at Harold when he heaves a deep sigh. Then he looked back at me. “Why are you giving me that look?” puno ng kuryosidad na tanong ko.

His stare was not that awkward. I just can’t name the way he’s looking at me. Saka ito mahinang napailing. “I was just wondering who will be taking care of you if I haven’t seen you at the park,” paliwanag nito. “Take a rest. I’ll be out for a while. Magluluto din ako para kapag ginutom ka, may kakainin ka, okay? Babalik din ako kaagad.” Muli akong tumango sa kanya. He just tapped my shoulder before he went out.

Pagkaalis nito ay saka ako napapikit ng mga mata. Iniisip ko rin ‘yung sinabi ni Harold kanina. Paano nga kaya kung hindi niya ako nakita? Who would be taking care of me if he’s not with me? I felt embarrassed for putting him through this, but I was thankful because he’s with me. Kapag nakahanap na ako ng malilipatan, siguro ay maghahanap na lang ako ng katulong para may umalalay sa akin.

Nabaling ang atensyon ko sa phone na kasalukuyang tumutunog ngayon. Ibinaba ko ‘yung bowl na puno ng popcorn at itinabi ‘yon saglit. I got up from my place and took it from the center table.

[Rhian Cassandra! Nasaang lupalop ng mundo ka? Nandito ako sa harapan ng unit mo. Kulang na lang na sirain ko ‘to pero ni hindi mo man lang ako pinagbubuksan ng pintuan mo!] Bahagya kong nailayo ang phone sa tainga ko. Nakakasira talaga ng eardrums ang boses ng babaeng ‘to.

“I’m not living in that unit anymore.”

[Ha? E, nasaan ka ngayon?]

“Boses mo, Jana.”

[Nasaan ka nga?]

“Are you free? We’ll meet today—”

[Sige. I’ll send you the time and place.] Saka nito biglang tinapos ang tawag. Napailing na lang ako. Ni hindi man lang hinintay ang sasabihin ko.

Agad kong pinatay ‘yong telebisyon saka pumanhik sa itaas. I made a quick bath and wore something comfortable. About my things left in my unit? Ipinadala na lang nila ‘yon sa akin at lahat ng mga ‘yon ay narito sa unit ni Harold. That’s why I’m looking for a place to stay so I could move in right away. I don’t want to trouble him anymore.

“Are you going somewhere?” tanong ni Harold nang magkasalubong kami sa hagdan. Suot nito ang long sleeve niyang puti at nakasabit sa kaliwa niyang kamay iyong itim niyang coat.

I nodded. “I’m going to meet Jana today.”

“Should I drive you?”

“No, it’s alright. Magtataxi na lang ako,” tugon ko sa kanya.

“You sure you can go alone there? Paano kung mahilo ka na naman?” Napangiti ako sa pag-aalala nito, takot na baka maranasan ko ulit ‘yung nangyari sa akin noong isang araw.

“Don’t worry, I’m all fine now. I’ll make sure to call you if something happens,” paniniguro ko sa kanya. Nang tumango ito ay saka ako nagpaalam at mabilis na lumabas ng unit niya.

Sakto namang pagkalabas ko ay dumating ‘yung mensahe ni Jana tungkol sa lugar kung saan ko siya kikitain. Agad akong pumara ng taxi at hindi nagtagal ay nakarating ako roon. It’s a small pizza hub and Jana was already sitting at the side.

“Hey,” I greeted and sat at the chair in front of her. Pangdalawahang tao lang kasi ‘yung kinuha niya.

“Nag-order na ako kaagad. Ang tagal mo kasi,” aniya. “So, saan ka na nakatira ngayon?”

“Sa unit ni Harold.”

“Bakit doon? Can you tell me what really happened?” she asked while sipping in her drinks.

“Nalaman ni Dad na buntis ako and he got mad at me.”

“Intindihan mo na lang siya. Lahat naman siguro ng parents ay gano’n ang magiging reaksyon kapag nalamang buntis ang anak nila to think na gusto ka nilang ipakasal sa iba.”

“Yeah, I understand that, but it was because of Erica why he got so mad that he took the unit back from me,” I responded, started to feel annoyed.

“Bakit? Ano bang ginawa ng Ate mo?”

Napangiwi na lang ako sa narinig. “She’s not my sister. Hearing that makes me vomit,” asar kong saad pero sinabi ko rin sa kanya kung paanong nakuha ni Erica ‘yung PT sa kwarto ko noon, at kung paano niya akong inunahan sa pagsabi na buntis ako.

“Your sister is a bitch, huh?” sambit nito, daig pa ang isang spoiled brat dahil sa naging reaksyon niya.

“Hindi ko nga siya kapatid,” giit ko.

“Whatever. Tapos nakita ka ni Harold kaya sa kanya ka ngayon nakatira?” Tumango ako sa kanya. “Gaga ka pala, e! Best friend mo ako pero ni hindi mo man lang sinabi sa akin ‘yung sitwasyon mo. Kung hindi pa ako napadpad sa unit mo, hindi ko pa malalaman,” nagtatampong saad nito.

“Sorry. Nahihiya na rin kasi ako lalo na kay Ellie—”

“Ellie’s not just my husband, Rhian. He’s also your friend and he will understand your situation,” she emphasized. “And are you crazy? Anong silbi ng pagiging best friend ko kung hindi ko alam ang pinagdadaanan mo? Kaya nga tayo mag-best friend para maging takbuhan natin ng isa’t isa kapag may problema tayo, e,” asik niya dahilan para mapabuntong hininga. Alam ko naman ‘yon, pero nakakahiya na kasi sa totoo lang.

Dahil sa dami ng tanong nito, lahat na lang ng nangyari mula sa simula ay sa sinabi ko sa kanya. Maging iyong pag-aalaga ni Harold sa akin, at sa check-up na sinamahan niya ako no’n.

“Nakakatampo ka na, alam mo ba ‘yon? Sabi mo noon na ako ‘yung kasama mo sa pagpapacheck-up, e. Inunahan pa tuloy ako ni Harold.”

“He wasn’t the first person who accompanied me in my first check-up.” Agad itong napalingon sa direksyon ko.

“Then who?”

“It’s Klein, the father of my baby.”

Her eyes grew big and even moved near me. “Really? How come? I mean, how did it happen?” Jana, being interested to hear everything, again I told her what happened.

‘Yun ‘yung panahong nalaman ni Dad na buntis ako. That was when I walked out and was walking alone on the road. Akala ko pa no’n ay katapusan ko na ‘yon pero nagising na lang akong nasa isang kwarto na ako kasama ang isang nurse at doctor, lalo na siya... si Klein.

“Inuwi ka niya sa penthouse niya?” hindi makapaniwalang saad nito.

“You could say that.” Maaari kasing inuwi niya lang ako dahil takot na baka may mangyari sa akin dahil akala nila’y nabangga nila ako ng tuluyan no’ng gabing ‘yon.

“What did he tell you when he found out that you’re pregnant?" kung kanina ay lumapit lang siya sa akin, ngayon ay pati iyong upuan niya, halatang interesado talaga siyang malaman kung anong nangyari sa akin.

“Ang dami mong tanong,” I hissed at her.

“Huwag mong ibahin ang usapan, Rhian.”

I sneered. Wala rin sa sariling nilaro ko ‘yung straw ng iniinom ko. “He knew that the baby was his.”

“If that’s the case, then you should be with him and not with Harold.”

I raised my brow at Jana. “Why would I be with him? Isa pa, hindi kami close nung tao.”

“The fact that he took you home and let the doctor see your condition, means he cares for you. Lalo pa ngayon dahil alam niyang kanya pala ‘yang dinadala mo. Hindi na ba kayo nagkita ulit?”

“I left him in his penthouse without saying a word, and maybe we won’t see each other anymore?” patanong kong sagot.

“Gaga ka talaga, Rhian. Kung hindi ka umalis sa bahay niya, edi sana’y siya ang nag-aalaga sa’yo ngayon at hindi si Harold.”

Napatingin na lang ako sa labas. Who knows what will happen if I did not leave him there? Besides, I am no one to him, so why would I stay there? And why would he care?

Nabalik ang usapan sa pagtira ko sa condo ni Harold kaya nakwento ko sa kanyang nagpapatulong ako sa paghahanap ng bagong matitirhan ko. Limang araw na kasi akong naka-stay roon at pansin kong nahahati ang oras ni Harold sa pagtatrabaho niya at sa pag-aalaga sa akin. I appreciate his concern, but it has to stop because he has his own life to deal with.

“Pero may nahanap ka na?” tukoy ni Jana sa condo.

“Maraming pinakitang pictures ‘yung kaibigan ni Harold sa akin pero wala pa akong napipili. I want something simple, comfortable, and spacious para hindi ako mahirapan lalo pa’t buntis ako,” I told her.

“So, probably doon ka muna kay Harold hanggang sa may mahanap ka?” I nodded at her. Muli itong sumipsip sa drinks niya. “Well, I trust Harold, so sige, doon ka na lang muna mag-stay tutal ayaw mo namang magpa-abala sa bahay. But if you need help, call me anytime. Get it, Rhian Cassandra Echarri?” her brows raised, telling me to agree about what she said.

I just rolled my eyes. “Noted, Jana Montecilla Rodriguez.”

We left the shop after that conversation. Gamit ang kotse niya’y inihatid pa ako nito sa condominium building kung saan nakatira si Harold. Gusto pa nga sana nitong dumaan saglit kaso tumawag si Ellie sa kanya kaya dumiretso na ito sa bahay nila. It’s a husband matters for Jana.

“You’re enjoying the dish,” puna ni Harold habang kumakain kami. He cooked sinigang and I’m enjoying the taste of it. I liked how sour it is.

“Kahit siguro ganito ang kakainin ko palagi, okay na,” I replied and he chuckled.

Naglagay pa ito ng konting ulam sa pinggan ko at lahat ng ‘yon ay naubos ko. Pinipilit ko ngang ako na ‘yung maghuhugas ng pinagkainan nang matapos kami pero sabi niya ay siya na lang daw. Habang siya ay naghuhugas, heto ako ngayon sa sala, abala sa panonood.

“Done?” tanong ko rito nang makita ko siyang kalalabas sa kitchen. Tumango siya. “You’re spoiling me too much, don’t you know that?” I asked.

“This is not about spoiling you, Rhian. This is my way of helping you,” tugon nito. Napatango naman ako’t napangiti sa kanya.

Simula kasi no’ng dumating ako rito, wala na siyang ibang ginawa kundi ang pagsilbihan ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako sa lagay na ‘to. Sa pagtira ko pa lang dito ay malaking abala na ‘yon sa kanya pero ako pa rin lagi ‘yung inaalala niya.

Dahil sa paghaplos ko sa tyan ko, bumaba ang tingin nito roon. Hindi ko alam kung tama ang nakikita ko sa mga mata niya pero para siyang nag-aalala.

“I’m fine. Hinahaplos ko lang dahil naparami ako ng kain kanina,” paliwanag ko kahit hindi naman ito nagtatanong dahilan para matawa kami pareho.

Sitting beside me, we watched the TV together. Pero bigla akong nilingon nito na para bang may gusto siyang sabihin. “Why?” I asked.

“This came out of nowhere and it may sound rude to ask this, but about your baby’s father...”

Nanatili ang tingin ko sa kanya. “What about my baby’s father?” dugtong ko sa tanong niya, pinipigilan ang sariling matawa. Kahit alam ko na kung anong gusto niyang malaman, hinahayaan ko lang siyang tapusin ang kanyang tanong. I found him cute being this awkward.

“Forget what I asked—”

“I know him. I know who’s the father of my baby.” I answered.

Harold avoided my gaze, na para bang siya tuloy iyong hindi kumportable dahil sa itinanong niya. “I see.”

“Alam niya ring kanya ‘tong pinagbubuntis ko.”

That’s when he diverted his eyes back to me. “If that’s the case, why hasn’t he taken you at his side?”

“He did,” sagot ko at muli akong napatingin sa telebisyon.

Ako itong umalis sa tabi niya dahil hindi ko alam kong paano siyang pakikisamahan. Kilala ko siya ngunit sa pangalan lang, hindi ang buong pagkatao niya. That made me uncomfortable that’s why I left him.

Napahawak ako sa tyan ko at maingat na hinaplos iyon. “Ang importante ay ligtas ‘yung bata sa akin.”

Kusa akong napatigil sa paghaplos nang hawakan ni Harold ang kamay kong kasalukuyang nasa tyan ko. Nilingon ko siya at binigyan siya ng nagtatanong na tingin ngunit ni hindi pa rin nito inaalis ang kamay niya sa akin.

“While you’re under my care, let me be his father,” Harold said, and I gave him a confused look. “This way, he can feel that his father is beside him,” he added and smiled at me.

Yumuko pa ito at itinapat ang tainga niya sa tyan ko. “Would that be alright, baby?” tanong nito na akala mo’y sasagutin siya ng batang nasa sinapupunan ko.

Seeing how Harold talked to my baby, I can’t help but reconsider what Jana told me. Paano nga kaya kung hindi ko iniwan si Klein sa bahay niya, sa halip na si Harold ay siguro ay siya ang nag-aalaga at gumagawa ng mga ‘to sa akin ngayon.

Napailing na lang ako. Bakit ba nagiging ganito ang takbo ng isip ko?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro