CHAPTER 12
Chapter 12
“We will do our best, Mr. and Ms. Echarri. We will make this a successful marketing strategy for our company,” nakangiting usal ni Mrs. Hestia Fugaban sa amin, head ng Sales Department.
“Thank you for doing your best. We will look forward to the success of this project,” Dad commented to them. I also gave them my good luck messages, thanked them, and they also thanked us back.
Ngayong araw kasi namin ila-launch iyong food delivery service ng kompanya. It was named as Echarri’s Food Royale Online Zone or simply EFROZ. Considering that it belongs to a high-class restaurant, one of the reasons why I agreed to this strategy is to let other people try our foods at an affordable price. Our menus may be expensive but we make sure that it is worth their pay.
Also, during these past few weeks, inaral talaga namin kung paano magwowork ang strategy na ‘to. Alam kasi naming bukod sa amin ay marami na ring naunang nagtry sa food delivery service kaya kinailangan naming gumawa ng kakaiba, something that will help us stand out. Speaking of, ngayon na ito magsisimula and I’m hoping that it would become successful.
Nginitian namin silang lahat to show them our support hanggang sa umalis na ang mga ito sa harapan amin. It so happened that my eyes met my Dad’s and his smile quickly faded upon seeing my face. He even cleared his throat, producing a guttural sound; expressing that he’s still angry with me. Saka ako nito nilagpasan at iniwang mag-isa roon.
Mapait akong napangiti. Goodness, Dad. Hanggang kailan ba tayo magiging ganito?
Dahil nakalipat na ako noong nakaraang araw sa bago kong unit, paunti-unti ko na ring inaayos ang mga gamit ko sa loob. Kumpleto naman na ang mga furniture, kailangan ko na lang ilagay at ayusin ang mga damit sa built-in cabinet ko. Pati ‘yung mga kagamitan sa bathroom at ganoon din sa kitchen. Inayos ko na rin ‘yung sa living room.
Nagpahinga ako saglit matapos kong mag-ayos saka ako naligo at pumunta sa veranda upang makalanghap ng sariwang hangin. Then I played with the flower I put on the side. Naglagay rin kasi ako ng mga halaman doon because watering them every morning interests me.
My unit is on the 10th floor, a perfect spot so I could watch the lights every night. Idagdag mo pa kapag mahangin kaya ang sarap lang tumambay rito kapag ganitong oras na. This unit has only 2 rooms pero okay na. Ako at ‘yung magiging kasama ko lang naman ang titira dito.
“You hungry, baby? Kain na kayo ni Mommy,” pag-uusap ko sa aking tyan nang bumaba ang tingin ko roon saka ko iyon marahang hinaplos.
I was now eating alone at the dining table. Nagluto ako ng adobong manok at pinakbet para maging healthy kami ng baby. Marami din akong ini-stock na prutas at lahat ng mga ‘yon ay nasa ref. ‘Yung iba ay nakadisplay sa mesa. Nakapaghire na rin ako ng makakasama ko rito sa unit at darating siya this week.
Agad akong napatingin sa pintuan nang may kumatok doon, at nang buksan ko’y si Auntie Sol ang bumungad sa akin. Si Auntie Sol o Mirasol Feliciano sa tunay niyang pangalan ang siyang nakuha kong makakasama ko rito sa unit. She’s already in her mid-40s. Ang kukunin ko dapat ay ‘yong ka-edaran ko pero naisip kong mas mabuting kunin ‘yung may alam sa pag-aalaga ng bata.
“Pasok po, Auntie.” Nakangiti namang sumunod ito sa akin sa loob.
Nagkumustahan kami saglit. Pinagmeryenda ko rin ito. Ang sabi pa nga niya’y sana raw ay hindi na ako nag-abala. Nang maihatid ko nga rin ito sa kwartong tutuluyan niya, kaagad siyang nagtrabaho. I told her to take a rest and to start her job tomorrow, but she insisted on doing so because she knew I’m pregnant. Kaya hinayaan ko na lang siya.
“Mag-almusal ka muna, Rhian, bago ka pumasok ng trabaho.” Napangiti akong lumapit kay Auntie Sol habang nagsasandok ito ng kanin.
“Sumabay ka na po sa akin, Auntie Sol,” wika ko. Agad naman itong naupo sa tabi ko.
While taking our breakfast, Auntie Sol shared that her elder daughter is also pregnant. Ayaw nga raw sana nitong umalis pero kinailangan niya para daw may panggastos ‘yung anak niya kapag manganganak na ito. I somewhat pitied her because she left her pregnant daughter, yet she’s here, taking care of another pregnant woman who happens to be me. But I can tell that she’s a good mother for sacrificing things like this.
I left Auntie Sol after that. I just told her that she can eat whatever she wants and to not wait for me for lunch dahil hapon pa ako makakauwi kaya pinabaunan na lang niya ako ng pagkain. Hindi ko tuloy maiwasang hindi alalahanin ang Mommy. Maybe if my Mom is still alive, siguro ay ganito rin ang gagawin niya sa akin.
Having Auntie Sol with me comforted me. Kahit papaano ay hindi na ako mag-isa rito. Pakiramdam ko rin ay nagkaroon ulit ako ng nanay. At first, I was not used to seeing her here. Since I turned 18, I was used to being alone and it felt like having someone in the same house is a new experience to me. But Auntie Sol is different. Sa ilang araw pa lang na nakakasama ko siya rito, nagawa niyang kunin kaagad ang loob ko.
Jana already knew about Auntie Sol. In fact, she’s the one who helped me have Auntie Sol. Laking pasalamat ko nga e dahil siya ‘yung nakuha ko.
“Auntie, doon tayo sa may vegetable section,” saad ko sa kanya. Agad naman itong sumunod sa akin bitbit ang pushcart na halos mapuno na.
We were here at the mall. I didn’t go to the company because it was really my plan to go outside with Auntie Sol. Saka gusto ko ring ipasyal muna siya rito. Wala rin naman kasi kaming ginagawa masyado sa bahay.
“Kilala mo siya?”
“Po?” muling nalipat ang tingin ko kay Auntie Sol dahil sa tanong niyang ‘yon.
“Iyong lalaki. Kanina pa kasing nakatingin dito.” I almost gasped. I didn’t know she also noticed that.
There was this guy sitting not far from us inside this restaurant. Matapos kasi naming mamili ay napagpasyahan naming kumain. It so happened that this guy appeared somewhere and he was looking at me. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba ‘to pero ilang beses ko na kasi siyang nakita. Una ko siyang nakita nung makababa ako sa harap ng company. That was weeks ago. Ganoon din no’ng kasama ko noon si Jana.
Was it a coincidence when this guy kept appearing where am I?
I shook my head and stifle a smile. “Baka po nagkataong napatingin lang dito.” Saka namin ipinagpatuloy ang kinakain namin.
About her daughter, nakausap namin siya one time. Her whole family actually. Kahit papaano’y marunong si Auntie Sol sa paggamit ng cell phone kaya ibinigay ng mga anak niya ang phone number nila para matawagan niya ang mga ito kung sakali. Dahil gusto ko ring makita ang pamilya niya, sinabi kong tawagan namin sila. Her younger daughter which is a senior high school student has a social media account so I took it and called her online. Seeing how happy Auntie Sol is while talking to her family made me happy too.
“Good morning, Alessia.” Masaya bati ko sa kanya nang makarating ako sa office.
“Magandang umaga rin po, Ma’am,” bati nito pabalik.
I did what I had to do the moment I sat at my table. Ilang linggo na rin ang nakalilipas simula nung sinimulan namin ‘yung food delivery service at magagandang reviews naman ‘yung nakukuha namin.
Napako ang tingin ko sa may glass wall nang makita ko si Herlin doon, kausap si Alessia. Nasa harap kasi ng office ko ‘yung cubical ni Alessia. Sinadya kong gano’n ‘yon para kapag may bisita, hindi sila makakapasok nang basta-basta. Ayoko rin kasing naiistorbo. Having Alessia’s cubicle outside my office is her way to ask my permission first if she’s allowed to let someone in or not.
Back to Herlin being here, she’s my father’s secretary and I was wondering why she’s here. To kill my curiosity, I went out and asked her what she’s doing here.
“I’m printing out an invitation letter, Ma’am.”
“Invitation letter? For what?” walang kaide-ideyang kong tanong. Is there an event in this company that I forgot? Malayo pa naman ang anniversary ng company sa pagkakatanda ko, ah?
“Para sa birthday po ni Sir Francis, Ma’am.”
Saka lang akong napatango nang maalala kong malapit na nga pala ang birthday ng Dad ko. But because Herlin is printing his invitation letter, does that mean he’ll be celebrating it publicly? Sanay kasi akong kami-kami lang ang nagcecelebrate ng birthday niya. What changed his mind to celebrate it with other people?
Sa huli, hindi ko na naman maiwasang hindi mapabuntong hininga nang malalim saka ako matamlay na pumasok sa loob. Wala yatang balak na magsabi ang Dad tungkol sa birthday niya. Dati naman, ako ‘yung unang sinasabihan niya. Nakalimutan na yata talaga niyang may anak siya sa una niyang asawa.
“I am expecting all of your presence this coming Thursday. Let me celebrate my 50th birthday with you.” Lahat sila’y nagpalakpakan matapos iyong i-anunsyo ng Dad ko.
Nang maglakad ito pabalik sa office niya’y nadaanan niya ako pero nilampasan lang ako nito na para bang hindi niya ako nakita. I just smiled to let people know that I’m still in a good relationship with my Dad... even if we’re not.
“Dad, wait for me!” Erica called him and I saw how Dad stopped walking so he could wait for Erica.
Napaiwas na lang ako ng tingin at agad na umalis doon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis sa malamig na pakikitungo ng Dad sa akin. I’m trying my best to reach out, but he’s the one who’s distancing himself from me.
“What should I do with Dad, Mom? Ngayon pa ba talaga kami magiging ganito sa isa’t isa? Mom, tulungan mo naman kaming magkaayos ng Dad,” pakiusap ko sa Mom habang kinakausap ang puntod nito.
It’s been a while since the last time I visited my Mom, yet sa ganitong sitwasyon pa.
“Don’t worry, Mom. I’ll make sure that Dad and I are already in a good situation once I came back here. I love you, Mom.” Hindi na ako nagtagal doon sa puntod ng Nanay ko. I went home immediately.
“May lakad ka ngayon, anak?”
Napatingin ako kay Auntie Sol saka siya nginitian. “Today’s my Dad’s birthday, Auntie,” tugon ko.
“O siya, mag-iingat ka. Huwag kang magpapagabi. Ingatan mo ang sarili mo anak,” pagpapaalala nito sa akin.
I once smiled at her. “Yes po, Auntie.”
Naging maingat ako sa pagmamaneho at nang malapit na ako sa village namin ay iniliko ko iyon sa gilid. Habang papalapit ako nang papalapit sa bahay, lumalakas ‘yung musikang naririnig ko. When I finally reached my destination, I parked it on the side. Agad naman akong sinalubong ng ilang guards.
Nagsuot lamang akong simpleng bestida, sapat na para bumagay sa kung anong selebrasyon ang mayroon ngayon. Nagflat na lang din ako. Delikado kasi kapag nagheels ako. Kapag natapilok pa ako, hindi lang ako ‘yung magdudusa. Ayoko namang mapahamak ‘yung anak ko.
Nang makarating ako sa loob, nagkalat na ang mga bisita sa may garden area. Seeing them holding their wine glasses and chatting with others made me think that the party has already started.
I smiled at those who greeted me. Mostly kasi sa mga bisita ay mga employees namin sa kompanya. Some were my Dad’s colleagues and I don’t have any idea who were the others, though I’m familiar with their faces.
“Rhian, nandito ka. Buti naman naisipan mong pumunta rito. Hindi ka na nakakapasyal. Kung hindi pa kaarawan ni Sir Francis, hindi ka pa namin makikita,” usal ni Nanay Emilia nang makita ako nito, halatang nagtatampo ngunit kaagad niya akong niyakap. Nasa likod naman niya si Kristina.
Sila ‘yung kasamahan nila Dad dito sa bahay. Si Nanay Emilia ‘yung kasama ni Mommy sa pag-aalaga sa akin simula bata pa lang ako. Si Kristina naman ay nandito na nung nagkolehiyo ako. Katunayan ay mas matanda ako sa kanya ng tatlong taon.
“It’s good to see you again po. Dadalasan ko na po ang pagdalaw rito next time,” sagot ko sa kanya. “Si Dad po pala? Nasaan siya?”
“Aba, e, kanina pang palakad-lakad ‘yon para makausap niya raw ang mga bisita niya. Paano ba nama’y dinala yata ng Tatay mo ang isang buong barangay rito,” pagbibiro nito dahilan para matawa ako.
Gusto sana akong dalhin ni Nanay Emilia sa kitchen upang makakain pero sabi ko ay busog pa ako. Besides, I came here because I want to see my Dad and to talk to him. Gusto ko rin siyang personal na batiin.
“O, siya, maiwan ka muna namin dito. Asikasuhin lang namin ang ibang mga bisita.” Tumango na lang ako saka nila ako iniwan doon.
Dumiretso naman ako sa gilid hanggang sa mapadpad ako sa may hall. Saktong pagliko ko sa kanan ay nakita ko ang Daddy, kasama niya si Tita Margaret.
“Dad...” I called him when I noticed that they were walking in my direction.
Halatang nabigla pa ito nang makita ako. Agad ko naman siyang nilapitan. “Happy birthday!” I smide widely as I greeted him, but instead of hearing how thankful he is, I heard otherwise.
“What are you doing here, Rhian? You’re not supposed to be here.” Malamig niyang tugon.
May kung anong kumirot sa dibdib ko nang marinig iyon, pero nagpanggap akong hindi nasasaktan. Kunyaring tumawa pa ako para ipakita na biro lang iyong sinabi niya. “Come on, Dad. Hindi mo po matitiis ang nag-iisa mong anak.” Muli akong ngumiti ngunit mapait iyon.
“No one invited you here, so go home Rhian Cassandra.” Diretso niyang saad.
Ang katotohanang ayaw niya sa presensya ko ay mas masakit pa kaysa sa hindi niya pagsabi sa kung anong plano niya para sa 50th birthday niya.
I pursed my lips. “Dad, huwag namang ganito. Kung ipagtabuyan mo ako, parang hindi mo naman po ako a-anak.” Doon na nagsimulang mabasag ang boses ko. Ramdam ko na rin ang pangingilid ng luha sa mata ko.
Ganito ba talaga siya kagalit sa akin? Wala na ba talagang chance para magkaayos kaming dalawa?
“Just go home, Rhian. Let’s talk some other time—”
“When will be that time, Dad?” Tears already fell from my eyes. “Isang buwan mo na po akong hindi kinakausap. Dad naman, ikaw na lang ang mayroon ako. Huwag mo naman pong gawin sa akin ‘to,” saka ko siya nilapitan gayong malaya na niyang nakikita ang pares ng luha sa mga mata ko.
“Let’s talk some other time, Rhian. Alam kong matalino ka para maintindihan kung anong ibig kong sabihin,” saka niya ako nilampasan. Agad naman akong sumunod sa kanya at hinawakan siya sa kanyang kamay.
“Pero Dad—”
“Just go home!” pagtataboy nito sa akin at napahiyaw na lang ako nang aksidenteng maitulak niya ako.
Dahil sa pagkabigla, bahagya akong napaatras at naramdaman ko pa ang pagtama nung mesa sa likuran ko. Doon ako napahawak upang hindi ako tuluyang matumba. Dahil na rin sa pagsigaw ko, nakuha no’n ang atensyon ng karamihan ngunit nawala roon ang atensyon ko nang may maramdaman akong kung ano sa binti ko. Mula sa nanginginig kong mga kamay, napatingin ako roon.
“Oh my gosh, Ma’am Rhian is bleeding!” samut-saring kumento ang narinig ko ngunit naroon lamang ang paningin ko sa dugong unti-unting dumadaloy pababa sa binti ko.
My body started shivering. “No... N-no...” saka wala sa sariling napailing ako, umaasang hindi ito totoo. Ramdam ko na rin ang luhang nag-uunahan sa pisngi ko. I can feel people staring at me. They were murmuring, wondering why I’m bleeding.
“Rhian!” Without looking at him, I know it’s Harold.
Still quivering in fear, I’m just waiting for him to come near me ngunit iba ang dumalo sa akin. Nalipat ang tingin ko sa taong ‘to. Blanko ang mukha niya ngunit kakikitaan ng pag-aalala ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung paanong nandito siya pero ang makita siya rito, parang mas lalong napuno ng kaba ang dibdib ko.
“Klein...” basag ang boses na tawag ko sa pangalan niya. “our b-baby...”
His eyes immediately went on my thighs. “Are you okay?”
Ngunit hindi nito hinintay ang sagot ko. Sa halip ay agad niyang inalis ‘yung coat niya saka iyon ipinantakip sa may binti ko. Walang permisong binuhat niya ako sa marahang paraan. Napatitig na lamang ako sa kanya lalo na nang magsimula itong maglakad paalis.
“Who are you? Where are you taking her?” Hinarang kami ni Harold kasabay ng pagtatanong niya. Mas lalo ring nadagdagan ang bulungan ng mga bisita.
“Who are you to stop me from taking her?” Klein asked back, not minding the people surrounding us.
“I am her fiance,” giit ni Harold sa kanya.
Klein’s face remained blank and stoic, and as he seriously met Harold’s eyes, he remarked something I didn’t expect. “But she’s mine. The moment we became one, she’s already mine.” Then he took me away from that scene.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro