CHAPTER 10
Chapter 10
‘I dropped at the unit but you weren’t there. Where were you?’ Saglit akong pumagilid at binitawan iyong pushcart na kanina ko pang tulak-tulak nang ma-receive ko ang message na ‘yon mula kay Harold.
I quickly type in my reply, telling him that I’m here at the mall. Konti na lang kasi ‘yung laman ng ref niya at naisipan kong maggrocery na lang muna para may maimbag naman ako habang nagsstay pa ako sa condo niya.
‘Okay, see you later.’ Matapos ko ulit basahin iyon ay isinuksok ko na lang ‘yung phone sa bulsa ng suot kong pantalon.
I bought different stuff including the things needed in the kitchen as well as the things needed in the bathroom. ‘Yung iba ay puro pagkain na. Hindi na ako nag-abala pang bumili ng mga damit dahil marami pa naman akong hindi nasusuot sa mga gamit ko. Iniisip ko rin na kapag bumili ako, dagdag pa ‘yon sa liligpitin ko kapag lilipat na ako.
Speaking of lilipatan, wala pa akong napipili sa mga pictures na sinend sa akin. Maybe I could ask Jana to accompany me once she’s free para tignan ‘yung iba pang unit na in-o-offer sa akin.
Lahat ng mga binili ko ay nagkasya sa dalawang medyo kalakihang karton kaya nagpatulong na lang ako sa mga staff na dalhin iyon sa compartment ng kotse ko. Isa pa ay hindi ko ‘yon mabubuhat dahil paniguradong mabibigat ang mga iyon.
“Thank you po,” I told the two staff who carried the boxes.
Muli akong pumasok sa mall at dumiretso sa third floor. Nagkataong nakita ko naman si Lacey kaya kinawayan niya ako. She bid goodbyes to her friend saka ako nito nilapitan.
“Sana hindi mo na pinaalis mga kaibigan mo,” saad ko sa kanya.
“May pupuntahan naman daw sila, so I didn’t bother to ask them to stay,” wika nito, napatango naman ako.
“Have you had lunch?” When she shook her head, I invited her to eat with me para naman may kasama ako.
Lacey asked me what I did here. I just told her that I bought groceries. I asked her back and according to her, they just had their friends hang out. It so happened that her friends had urgent to do that’s why they left her. Mabuti na lang daw at nakita niya ako.
“What happened pala after the family dinner?” pagbubukas nito ng usapan, tinutukoy ‘yung pagpupull off ko sa wedding noon.
“Everything gets worse,” I answered, and sipped at my drinks. “Especially now. My Dad even took the unit he gave from me.”
“What? Why?” Napakibit balikat na lang ako at hindi ko na sinabi sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko.
“Kung gano’n, san ka nakatira ngayon?”
“I’m staying in Harold’s unit for more than a week now.” Bahagyang natigilan si Lacey sa kinakain at kumunot ang noo nito.
Kumunot din tuloy ang noo ko. Her reaction is telling me that she doesn’t know a thing. I thought she already knew? I mean when Harold told me that she will understand it, I thought he already informed Lacey that I was staying with him. But why Lacey doesn’t seem to know everything?
Dahil sa pagiging tahimik ni Lacey, iniba ko na lang iyong usapan. After eating, I invited her in her boyfriend’s unit but she declined. Sabi nito’y may aasikasuhin pa raw siya ngayong tanghali but I doubt that. This is all Harold’s fault. Bakit ba kasi hindi niya kaagad sinabi kay Lacey?
“You fool, akala ko ba sinabi mo na kay Lacey na nandito ako?”
“What do you mean?” Harold asked.
“I saw her at the mall. Naglunch pa kaming dalawa and when I told her that I’m living here, she seems to know nothing,” then I glared at him. “Kausapin mo siya’t magpaliwanag ka. Ayokong ako pa ang magiging dahilan ng pag-aaway niyo,” dagdag ko pa.
“I’ll talk to her before I go to bed.” Napatango na lang ako sa sagot nito.
Kailangan ko na talagang lumipat. I don’t want to be a burden on this couple.
Sa company, wala namang pagbabago lalo na ‘yung trato ng Daddy sa akin. Kahit pa magkasama kami sa iisang silid, lalagpasan lang ako nito na para bang hindi niya ako nakikita, o kaya’y kakausapin lang kapag kinakailangan. Aside from Erica who knew what’s going on between me and Dad, the others knew nothing. Akala siguro ng mga ito’y normal lang iyon sa pagitan naming mag-ama.
No’ng minsang tumawag si Jana, nasabi nitong free siya kaya nagpasama ako sa kanya para tignan iyong mga condo units. Mula sa limang bagong ipinakita sa amin, parehong hindi namin ‘yon nagustuhan. Sa kalagitnaan ng pagtitingin ay may tumawag doon sa real estate agent kaya bahagya nitong in-excuse ang sarili niya.
“Pang-anim na unit na ‘to, hindi pa kabilang ‘yung unang pinakita sa’yo.”
“Kaya nga, e. Siguro ay titingin ako sa ibang condominium kapag wala akong napili rito.”
“I have a suggestion.” Nilingon ko si Jana nang sabihin niya ‘yon. “Remember Ellie’s unit? Since no one’s using it, why don’t you just stay there while you’re still looking for a new one?”
Agad akong tumanggi sa suhestyon niya kahit na sinabi nitong pumayag naman si Ellie. Nahihiya na kasi lalo pa’t ilang linggo na akong nag-stay noon sa bahay nila. Ayaw ko na silang bigyan pa ng perwisyo. Isa pa ay mas mainam ng bumili ako ng sarili ko.
“Okay, if that’s what you want, but you can stay there if wala ka pang mahahanap na unit sa ngayon.” I nodded at her, sakto namang damating iyong agent.
Iyong tawag kanina, nasabi nilang may nagback out daw doon sa isang unit nila kaya iyon ‘yung sinuggest niya sa amin at agad naman naming pinuntahan iyon. While wandering inside, the interior of the place, the color, the ambiance, and everything is what I’m actually looking for. Jana also liked the place because it seemed peaceful. Dahil doon, kaagad ko ‘yong kinuha.
Agad naming pinroseso ang mga dapat gawin at tatawagan na lang daw nila ako kapag settled na ang lahat, maybe a week after next or two.
“Alessia,” tawag ko sa secretary ko habang nagtitipa sa harap ng laptop. “Print this file. Make it two, then send it to the HR department.”
“Yes po, Ma’am.”
Agad na inasikaso ni Alessia ‘yung file na pinapagawa ko. It’s about the marketing strategy presented by the Sales Management the last time. I told them that I’m into it kaya iyon ‘yung pinagkakaabalahan namin ngayon. About the grab drivers, iyong HR na ang bahalang magrecruit sa mga iyon.
Matapos ko sa ginagawa ko, lumabas ako ng office. Pagkaraan ko sa may Finance Department, dahil sa bahagyang nakabukas ang pintuan noon, kitang-kita ko kung anong nangyayari doon sa loob.
“Oh, gosh, thanks for your assistance, Dad,” Erica thanked my Dad and even hugged him.
“Don’t mention it, sweetheart. So proud of you,” Dad said, and smiled widely at her.
Nagtuluy-tuloy na lang ako sa paglalakad at hindi na pinakinggan pa ang pag-uusap nila. Hindi ko rin naman alam kung anong pinag-uusapan nila, but the fact that Dad is being this close to Erica while he’s being distant to me pains me.
“Baka kasi ako ‘yung stepdaughter,” mahina kong bulong sa sarili ko.
Even though I was mad at him, he’s still my father and it pains me to see him being like that to Erica. Ni isang kumusta, o text, o tawag man lang ay wala. Baka kinalimutan na talaga niyang ako ‘yung tunay niyang anak. Baka kasi masaya na siya sa bago niyang pamilya.
I left the office with heavy feelings. Pati noong nakauwi na ako ay pansin ni Harold ang pagiging tahimik ko. Unlike before where I can hold my tears, this time I couldn’t, especially when he asked me what happened. Gawa na rin siguro ito ng mood swings ko kaya ang bilis kong maapektuhan.
“Ako ‘yung anak, e. Bakit kailangang ganito ‘yung trato niya sa akin?” Harold quickly embraced me the moment tears gushed down my face. “Alam kong may kasalanan ako, aminado naman ako roon, pero kung tratuhin niya ako, parang ang sama-sama kong tao,” hikbi ko sa bisig niya.
“Don’t say that. Maiintindihan ka rin ng Dad mo.”
“Until when?” I asked. Umaasang sana nga ay maintindihan niya ako. While he’s caressing my hair, I settled my head on his chest and poured out everything.
I don’t know how much I cried. Nagising na lang akong umaga na. Dahil wala naman ako sa mood, hindi na ako pumasok. Sa halip ay bumalik na lang ulit kami ni Harold sa OB/GYN ko. I’m already at my 8th week, at marami silang sinabi sa akin para mapanatiling healthy ‘yung baby.
Ang akala kong isang linggo kong pagsstay dito ay umabot ng hindi lang dalawa kundi mag-iisang buwan na. Last week na sana akong lilipat sa bago kong unit pero nagkaroon 5-day business trip si Harold sa ibang bansa. Gusto raw kasi niya akong samahan sa paglilipat kaya ipinagpaliban ko na muna.
Sa halos isang buwan na nandito ako, dinaig pa yata ni Harold ‘yung isang caregiver sa pag-aalaga sa akin. He’s very attentive to everything I need. From my mood swings, even in my morning sickness pati sa mga pagkaing pinipili ko, lahat ng iyon ay tiniis niya para lang sa akin. Kung anong kailangan ko, agad niyang ibinibigay sa akin.
Even though they’re pushing us to the wedding, I’m still lucky that I met him. It’s as if I found a guy best friend. Hindi man namin maibigay ‘yung relationship na gusto ng parents namin para sa amin, at least we’ve built a good friendship.
When Saturday came, I volunteered to clean the whole unit. This is what I need para makapag-exercise naman ako through households chores. Iyon din naman ‘yung nirecommend ng OB sa akin. Harold also helped me. Sabi ko ay ako na lang pero tinutulungan pa rin niya ako.
Bandang alas dyes noong nagmiryenda kaming dalawa sa sala. While eating some cookies I noticed him looking at his phone and Lacey’s calling, but I don’t know why he didn’t answer it. Sa halip ay in-off niya lang ‘yung phone.
I wanted to ask why he didn’t accept the call but didn’t bother to. Nang lingunin ako nito, agad akong napatingin sa ibang direksyon, umaaktong hindi ko nakita ‘yung ginawa niya. Ayoko rin namang makialam sa kung anuman ang mayroon sila ni Lacey.
Muli naming ipinagpatuloy ang paglilinis. Si Harold pa rin naman ang nagtutulak at nagbubuhat sa mga furniture. Tanging paglalampaso, pagwawalis at pagpupunas lang ang ginagawa ko dahil nagagalit siya kapag nagbubuhat ako kahit magaan lang naman.
“Kina-career mo talaga paging tatay ng anak ko, ah?” I joked at him. Naalala ko kasi ‘yung sinabi niya noong siya muna raw ang tumayong tatay ng anak ko. Mukhang tinotoo niya naman.
“Why? Am I not allowed?” he asked and I just laughed, then continued what I’m doing.
Habang pinupunasan ko ‘yung wooden center table, I accidentally opened it. Iyong table kasi na ‘yon ay parang may maliit na cabinet sa baba niya. Iyong taas naman niya ay mayroong glass. Dahil nga sa nakabukas iyon, pati na rin iyong loob ang pinunasan ko hanggang sa makita ko ang iilang aklat at mga photo albums doon.
“Dito mo pala nilalagay mga books and photo albums mo?” tanong ko nang mailabas ko ang iilang gamit doon. Karamihan sa mga books ay contemporary.
“It was my Mom who put that thing inside that table.”
Inisa-isa kong binuksan ang mga iyon. Ang ilan pa sa mga libro ay nabasa ko na. I also opened the photo albums. Most of which were his family pictures. It includes some events they had, family outing, and his graduation. It wasn’t sorted out dahil halu-halong picture ang nandoon.
When I flipped the page, nilapit ko ang tingin ko roon nang medyo mamukhaan ko ‘yung background sa isang picture, at no’ng makita ko ang ilang kasamahan nitong larawan, that’s when I realized that these were taken during my debut. Probably he has photos there dahil naisabay nga ‘yon sa engagement namin noon.
“So, you still have these pictures from you?” I asked again, still flipping the album pages.
“What is that?"
“Iyong engagement natin,” sagot ko.
“Hm,” he nodded, hanggang sa matigil ako sa isang larawan na kung saan ay magkasama kami.
I was wearing a red balloon gown here, while Harold had his suit that was purposely matched with mine. I was holding a bouquet of red roses and if my memory is right, this was after announcing our engagement.
“Our parents were so persistent, don’t you think? They knew that we don’t love each other yet they kept pushing us to that wedding. I even pulled off the wedding myself.” Muli pa akong nagtitingin sa mga larawang naroon at hindi ko namalayang nakaupo na pala si Harold sa tabi ko.
“Do you think the wedding was already pulled off because you told them so?”
Agad akong napatingin sa kanya. My forehead even creased because he’s looking at me so deeply that I don’t know why he’s suddenly giving me that kind of look.
“Huh? It can be?” I answered, unsure. Pero dahil ako naman ang ikakasal, siguro naman ay natigil na talaga ‘di ba? Isa pa ay pareho naman kaming may ayaw sa kasal na ‘to.
“What if I won’t agree with your decision?” Mas lalong nangunot ang noo ko kay Harold.
“What do you mean?” I queried, now staring back at him.
For the past years that I’m with him, since that engagement, nakilala ko na ‘yung pagkatao ni Harold. That’s why I felt comfortable being with him because like I said, best friend na ang turing ko sa kanya. But for the first time, he gave me a kind of look I can’t name. Iba ‘yung paraan ng tinging ibinibigay nito sa akin at nagtataka ako kung bakit bigla siyang naging ganito sa akin.
“What if I don’t want you to pull off the wedding and go on with it?” tanong din nito.
With our eyes met, I gulped. Later, I found out that he’s slowly closing the gap between us while drowning me in his eyes.
Nang mabalik ako sa huwisyo, agad kong iniwas ang mukha ko sa balak nitong paghalik sa akin. I even felt his deep breath on my left cheek because I avoided his plan of kissing me. Napahawak ako nang mahigpit sa photo album at nanatili ang tingin ko sa kawalan.
“I believe I already made myself clear about this setup. I appreciate everything you’ve done to me, but please, don’t cross the line, Harold.” Mahina ngunit madiin kong usal sa kanya, napapikit din ako ng mata.
“I guess you’re tired now. Magpahinga muna tayo.” Without hearing his response, I stood up and walked upstairs.
Nang maisara ko ng tuluyan ang pintuan ng kwartong tinutuluyan ko, doon ako nagpakawala ng malalim na hininga. Napasandal din ako roon at iniisip ang nangyari kanina.
Goodness, why did he try to kiss me? And what does he meant by not wanting to pull off the wedding?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro