Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

Chapter 7

“Aray! Ang sakit mo namang pumitik, Ja!” reklamo ni Coline matapos ko siyang pitikin. Bakante namin ngayon at ang isa kong kaklase ay nagdala ng UNO cards kaya heto kami’t kasalukuyang naglalaro.

Alam ko bawal maglaro ng cards dito sa school namin pero heto kami’t walang pakialam. May pagkamatigas din kasi kami minsan. Para naman hindi kami mahuli, ’yung mga nakatambay naming kaklase sa may pintuan ay ginawa naming bantay kung sakali mang may pakalat-kalat na officers sa paligid.

“Hoy, boses niyo. Kapag kayo nahuli, goodbye ID kayo,” sita sa amin nung kaklase naming tagabantay kaya mahina kaming nagtawanan. Kapag nahuli ka kasi, ID ’yung unang kinukuha ng mga officers. Mahirap pa namang pumasok dito sa Everton kung wala kang maipakitang ID sa guard.

“Guys!” biglang nagtatakbong pumasok si Rolly sa loob habang tumitili. “May pogi sa labas! Oh my God!” malandi nitong tili kaya nagsilabasan naman ang iba naming kaklase habang kami ay itinuloy ang paglalaro.

“Shet. ’Yung poging archi!” Iilan ’yan sa mga naririnig ko hanggang sa tawagin ako ni Rolly at binigyan ako ng nakamamatay na tingin. “Jana Montecilla, ikaw pala ang hanap.”

“Ha? Sino ba ’yon?” tanong ko gayong nasa UNO cards pa rin ang atensyon ko.

“Iyong vocalist ng Instant Dreamer. Gagang ’to. Inaagaw mo sa akin ’yung crush ko!” inis niyang sambit sa akin. Vocalist ng Instant Dreamer? Ah, si Ellie.

Ipinagpatuloy ko saglit ang paglalaro at sa kasamaang palad, ako ang talo kaya isa-isa nila akong pinitik. Himas-himas ang namumula kong noo nang lumabas ako at naroon nga si Ellie, nakasandal lamang sa may hallway. Nang lapitan ko siya ay ramdam ko ang tingin ng mga kaklase ko sa amin. Mga chismosa talaga.

“Why are you here?” I asked him.

“What happened to your forehead?” Sa halip na sagutin ay ’yon ang sinabi niya sa akin.

“Naglalaro kami ng UNO cards tapos talo ako.”

“That’s against the university policy.”

“Alam namin. Huwag mo lang kaming isusumbong,” ani ko. “Bakit ka pala nandito?”

He shook his head before he took something from his bag and handed me a phone. “Naiwan mo sa bar. Doon sa table natin.”

Agad ko namang kinuha ’yon. “Halla. I thought I really lost it. Thank you.” Pagkagising ko kaninang umaga, iyong phone ko kaagad ang una kong hinanap. Inisip ko pa kung kailan ko ’yon huling ginamit. Ang akala ko’y nawala na talaga. Buti na lamang at doon ko lang naiwan sa bar.

“Isang gamit mo lang ang naiwan mo sa akin pero ibinalik ko kaagad. Ikaw, balak mo yatang kunin lahat ng gamit ko, e,” anya.

“Hoy! Kasalanan ko bang pinapahiram mo mga gamit mo sa akin?” I asked. Pero tama naman kasi siya. Nadagdagan na naman ’yung gamit niya sa akin dahil sa denim jacket niya kahapon. Sabi ko ibabalik ko rin pero anya’y ipandagdag ko na lang daw sa collection ko. Then he left after giving the phone back to me.

“Jana, magpaliwanag ka sa akin ngayon din. Traydor kang nilalang!” asik ni Rolly nang makabalik ako.

“Wala akong kasalanan kaya wala akong dapat ipaliwanag.”

Pagkaupo ko ay kaagad akong pinalibutan ng mga kaklase ko at tinatanong kung ano raw ang mayroon sa amin ni Ellie at kung bakit kilala namin ang isa’t isa. They even asked me if Ellie was courting me. Alam na rin kasi nilang hiwalay kami ni Benedict. Kung sakali raw na manligaw ay payagan ko na tutal ay ilang buwan na raw akong single. Mga timang ba sila?

“Magkakilala nga lang kami nung tao.”

“Maniwala?” They all said in chorus and I just shrugged it off. Kung ayaw nilang maniwala, e di bahala sila r'yan.

“Are you open for... you know?” usisa ni Rhian habang naglalakad kami sa hallway. Isa pa ’tong may lahing tsismosa. They all thought something is going on between me and that guy. “Bakit nasa kanya phone mo?” dagdag niya nang tumanggi ako.

“Naiwan ko sa bar.”

“Nag-bar kayo? As in kayong dalawa lang? Are you two—”

“Goodness. Stop imagining things, Rhian. You’re crazy,” pangongontra ko sa kanya dahil alam ko na kung anong itutuloy nito. Naloloka naman ako sa mapaglarong imahinasyon niya.

Because Rhian is Rhian, I told her everything. Nang maikwento ko ang lahat-lahat ay saka naman niya ako tinutukso, lalo na nung malaman niyang kilala ko na si Ellie noong pinanood namin siyang haranahin ang mga candidates sa Foundation Day nila.

“Oh, so you mean he’s the one who helped you when your ex-boyfriend cheated on you?” I nodded as an answer. “Don’t you think, siya na ’yung bubuo sa nawasak mong puso?” Hahampasin ko sana siya kung hindi lang siya kaagad nakalayo. Iba rin kasi ang level ng pang-aasar ng babaeng ’to.

One night, I was about to sleep when my phone vibrated. Kunot-noong binasa ko ’yung mensahe. It’s just a simple hi from an unknown number. Before I could ask who is it, a message appeared, telling me that it’s Ellie.

‘How did you get my number?’ I replied. I waited for his reply but a call appeared instead. Kaagad ko naman ’yon sinagot.

[I’m not sure who owns your phone because a guy, a KPop idol to be exact, was shown on the lock screen. Eugene knows how to unlock a phone and that’s when I found out that it was yours because of your wallpaper.]

“Maganda ba?” I questioned. He asked me what I’m talking about and when I informed him that I’m referring to my wallpaper if I’m beautiful there, he just told me that I’m crazy. “Why did you get my number, then?” pagbabalik tanong ko.

[My bandmate did it. They dialed my number on your phone and forced me to save it.]

Para akong tangang nakangiti habang pinapakinggan ang paliwanag niya. “Talaga? Baka naman ikaw mismo ang nagdial ng number mo sa phone ko?”

[Why would I do that?]

“Then why did you message me?” The other line became silent and I bit my lip to stop myself in producing laughter because I knew he was cornered by that question. “Ellie, still there?”

[I just...]

“What?”

[...want to say good night?] Natawa ako dahil sa itinuloy nito. He sounded unsure, yet cute at the same time.

“Okay. Good night, Ellie. Dream of me.” At mabilis kong pinatay ang tawag dahil sa kalokohan ko. Natawa rin ako.

The following week became hell for us because of our midterms. Mabuti na lamang at ’yung daily schedule namin ang sinunod noong exam day namin kaya minsan, dalawa o tatlong subject lang ang tinetake namin sa isang araw. May ilang prof na ini-postpone ’yung exam at kinuha ’yung free time namin. Pumayag naman kami sa set-up na ’yon kaysa ang matadtad kami ng i-e-exam sa isang araw. Hanggang sa matapos namin ang lahat. And yes, we finally survived that hell week.

Noong pumunta kami ni Rhian sa cafeteria ay nagkataong naroon ’yung grupo ni Ellie kaya ipinakilala ko siya sa kanila. Clydo, being childish, also asked Rhian if she will allow him if ever he will court her, just like what he asked when he first saw me.

“Gusto ko ng tahimik na buhay kaya maghanap ka ng ibang lalandiin mo dahil hindi ako interesado, lalo na sa’yo.” Iyan lang naman ang naging sagot ni Rhian.

The boys booed Clydo. Nasasanay naman na ako sa kalokohan nila kaya napakibit-balikat na lamang ako. Sa lahat ba naman kasi ng tatanungin, si Rhian pa. May fiance na nga ’yan pero walang pakialam. Kay Clydo pa kayang kakakilala niya lang?

“Anong dinodrawing mo?” tanong ko kay Ellie nang makita kong nagdodrawing ito.

“Modern house. Activity namin,” anya at pinagmasdan ko naman ang ginagawa niya. Mula sa mga guhit na nakakonekta sa isa’t isa, parang nilalaro lang ng kamay nito ang mga ’yon, lalo na ’yung sa part ng hagdan. Kahit na ’yung window pane ay detailed talaga ang pagkakagawa niya.

“Mahirap?”

“Noong una, oo, pero ngayong third-year na ako, sakto lang.”

I rested my chin on my palm and watched him draw. Sa kung papaano nito igalaw ang tulis ng lapis niya ay halata ngang madali na lang para sa kanya. I asked Ellie if how many years does architecture course take. Sabi niya ay dipende raw. Mayroong five years, for bachelor’s and master’s degree levels. Tapos two years para sa practical work experience kaya minsan umaabot daw sa seven years. Eight years pa kung minsan.

“Kapag naging architect ka na, ikaw ang kukunin ko,” bigla ay saad ko. He glanced at me, but he quickly diverted his eyes back to what he’s doing.

“You will be my first client, then,” he chuckled.

“Magkano naman ang babayaran ko kung sakali?”

“Dipende, pero kung ikaw, pwede kong gawing libre.”

My eyes sparkled. “Sure ka ba n’yan? Mamaya sobrang mahal pala ng sisingilin mo sa akin.” Instead of hearing his response, he just shrugged; and smiled from ear to ear.

“Ikaw lang daw ang mamahalin niya,” pang-aasar bigla ni Clydo kaya binato ko sa kanya ’yung plastic cup kong wala ng laman.

Nagtawanan naman ang iba. Maliban kay Ellie ay unti-unti ko na ring nagiging close ang mga miyembro niya sa Instant Dreamer, lalo na itong si Clydo.

Dahil nga sa kinuha ni Ellie ang number ko, may pagkakataong nagpapalitan kami ng mensahe sa isa’t isa. Minsan pa ay naiinis sa akin si Jennica kapag nakikikita niya akong tumatawa kapag hawak ko ’yung phone ko. Madalas kasing magkwento si Ellie tungkol sa mga kagrupo niya at sinasabi nito sa akin ang mga kalokohang pinaggagagawa nila.

Sa kadahilanang sinasaway ako ng magaling kong kapatid, umakyat na lamang ako sa kwarto. I lay on the bed and covered half of my body with a thick blanket. Ellie asked me what I’m doing and I told him that I’m about to sleep. Ngunit sa halip na reply nito ay kay Benedict ang natanggap ko.

‘I’m glad you messaged me, Jana. I really missed you, mahal.’

Natampal ko ang aking noo at kaagad na napabangon. Sa dinami-rami ng contacts ko, bakit sa kanya pa ako na-wrong sent? Nakakainis naman. Ginagago ba ako ng phone na ’to? Sa huli ay sinabihan kong hindi para sa kanya ’yon at na-wrong sent lamang ako. Ang gago, sunud-sunod na tuloy ang message niya sa akin. Tinatawagan na rin niya ako. In the end, I turned it off because I don’t want to entertain him or to be disturbed by him.

Weekends came and I woke up without burden in my mind. Natapos na kasi ang midterms namin. Lahat din ng mga activities at projects namin ay naipasa ko on time kaya wala na akong poproblemahin pa.

“Hey, saan ka nakatira?” Bungad ko kay Ellie nang sagutin niya ang tawag ko.

[Why? Wanna visit me?] His voice was husky. Para bang kagigising lang niya. Alas kwatro na ng hapon, ah?

“Feeling mo naman. Ibabalik ko lang ’yung mga gamit mo.”

Natatakot kasi akong mapahamak. Baka kasi makita ’yon ni Mama. I mean nothing’s wrong with it. Ang concern ko lang ay baka kung anong isipin sa akin dahil gamit ’yon ng lalaki. Hindi ko naman pwedeng idahilan si Benedict dahil wala na kami at wala ng rason para pahiramin pa niya ako ng mga gamit niya. Isa pa ay gusto ko na ring ibalik ang mga gamit ni Ellie. Ilang buwan na kaya ang mga ’yon sa akin, lalo na ’yung panyo niya.

Ellie then informed me of the address of the condominium building he’s staying. Medyo malapit lang siya sa condo ni Rhian. Nasa bahay raw siya ng kaibigan niya kaya baka matagalan siya. Sabi ko ay hihintayin ko na lang siya kasi nakaalis naman na ako ng bahay kaysa babalik pa ako.

Nang makarating ako sa address na sinabi ni Ellie ay tumambay muna ako roon sa harapan. Maluwang siyang ground. May mga upuan din doon kaya roon ako naupo. Saglit lang akong tumambay roon nang may mapansin ako. Dahil alam kong siya ’yon, pasimple akong umalis pero huli na dahil tinawag na niya ako.

“Are you avoiding me?” he asked. I can feel him from behind.

Napaikot na lang ako ng mata bago ko inayos ang sarili ko’t hinarap siya. “I am not avoiding you.” Where’s the lie there? I’m indeed avoiding him. And so what?

“Why are you not answering my messages and even my calls?”

“Because I don’t want to talk to you.”

Nasasaktang nginitian ako nito. “You already changed. Hindi ka naman ganito ka-cold sa akin dati.”

“You know what’s the reason why,” I answered. This time, I did meet his eyes.

“Why are you here?”

“Just wanna give back the clothes to someone.”

Bumaba ang kamay nito sa paper bag na hawak ko. “In this building?” saad niya. “Ah, yeah, Raphael is also residing in this building and he told me that you know their band’s main vocalist who happened to be staying here as well. I guess that was his? And you came here to give it back to him?” Napatango ako sa kanya. Kay Ellie naman kasi talaga ’to.

Saglit na katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa hanggang sa muli itong nagsalita. “Ja, wala na ba talaga?” His voice was so vulnerable, and I can see hope in his eyes. “Can’t you give me another chance?”

Napaiwas na lamang ako ng tingin sa kanya sa kabila ng pagsusumamong gumuhit sa mga mata niya. “Bakit? Iniwan ka na ba nung babae mo kaya ako ngayon ang ginugulo mo?” The bitterness was still in my tone. “If you’re asking for a second chance, you already know what’s my answer for that.”

“Mahal, please...” Sinubukan niya akong hawakan pero dumistansya ako kaagad sa kanya.

“No. Stop it already, Benedict,” mariin kong saad sa kanya. “You know how much I love you, but you cheated on me. Now you’re asking for a second chance?” Natawa ako dahil doon. “Before you ask me that fucking chance, ask yourself first if you deserve it.”

“Mahal, just give me another chance, please. I can make it up to you.” Muli akong lumayo sa kagustuhan nitong yakapin ako. Humigpit lalo ang pagkakahawak ko sa paper bag dahil hindi ko na naman magawang kontrolin ang damdamin ko.

“It was your choice to cheat on me, and it was my choice to move on. Pwede bang tigilan mo na ako? Kasi sa totoo lang, hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo.” My tone already rose.

“Was this because of that guy? Are you seeing him?” Benedict asked and my anger towards him just increased because of what he said. Seriously? How could he bring up an innocent person here?

“Whether I’m seeing someone or not, wala ka ng pakialam doon. In the first place, we were already done.” Not giving him a chance to talk, I turned my back on him; feeling disappointed because of his sudden attitude.

Nagtuluy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa may mabunggo ako. Pagtingin ko’y eksaktong si Ellie iyon. Tinanong niya kung bakit daw nakabusangot ako at parang gusto kong lumamon ng tao. Kako ay nakasalubong ko’t nakausap ’yung gago kong ex-boyfriend.

“You still love him?” That question abruptly infuriated me.

“No.” Agad kong sagot.

Somehow, I was still affected every time he’s around. Not because I still have the slightest feeling for him, but because I couldn’t believe that someone like him could hurt me.

Unlike the previous answers every time they asked me if I still love him, I know my love for him was already gone. Just by quickly answering that question, I can say that I already moved on. Siya na lang talaga ’tong nangugulo ulit sa akin matapos niya akong lokohin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro