Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

Chapter 5

“Out of 45 students, 11 lang ang nakapasa? Did I not discuss the lesson well?” Para kaming basang sisiw na nakatungo habang pinapagalitan ng prof namin sa Management Accounting and Finance na subject. “It’s just only a quiz with 20 items, yet most of you failed. How much more if it’s your final exams? Hindi naman ganito ’yung past performances niyo sa subject ko. I am disappointed in you, Block B.” dismayado nitong saad sa aming lahat.

We had a 20-item multiple-choice quiz earlier. Masasabi kong nagreview naman kaming lahat pero nagkataon lang na halos lahat kami ay bagsak. Mahirap naman kasi talaga ’yung mga tanong na ibinigay sa amin. It’s more on analysis and most of the questions were difficult to understand. 15 ang passing score. I only got 9 points and 11 naman si Rhian. 16 ’yung highest score sa amin at 3 ’yung lowest kaya roon mas lalong nagalit ang prof namin.

Sa huli ay naisipan kaming bigyan ni Prof. Alvarez ng 10-point essay para daw mahugot no’n ang scores namin. Pero hindi ko alam kung makakatulong ba ang essay na ’to dahil mahirap din ’yung question na ibinigay.

“Ms. Montecilla.”

Agad akong nag-angat ng ulo. “Yes po, Ma’am?” Kinakabahan kong saad.

“Collect all your papers and make sure to submit it 12 sharp in the Faculty Office. I will not be accepting late papers so use your time to answer the situation written on the board.”

“Yes po, Ma’am,” ani ko.

Pagkalabas ni Prof. Alvarez ay kaagad naming sinimulan ’yung essay na iniwan niya sa amin. Buti na lang at 10:30 a.m. pa lang kaya mahaba-haba pa ang oras namin. Nakahinga rin kami nang maluwag dahil wala ’yung next prof namin. Sa halip ay binigyan niya lamang kami ng activities na ipapasa next meeting. Hindi naman sa ayaw naming turuan niya kami, sadyang hinahabol lang talaga namin ’yung oras para sa essay namin.

“Pakipasa na lang muna kay Sabrina, guys. Hindi pa kasi ako tapos,” wika ko sa mga kaklase kong isa-isa ng nagpapasa. Buti na lang at tapos na si Sabrina. Hindi kasi ako maka-concentrate dahil sunud-sunod na silang nagpapasa. Naiistorbo ako.

“Tapos ka na?” Rhian asked me. Siya na ngayon ’yung nangongolekta sa papel dahil umalis na sila Sabrina at naglunch.

“Wait, last na.” After jotting down my ideas on the conclusion part, finally I was done. Matapos no’n ay kinuha ko na ’yung papel kay Rhian.

“May pito pang wala. Sino pa po ang hindi nakapagpasa?” anunsyo ko matapos bilangin ’yung mga papel na hawak ko.

“Wait lang, Jana!” usal ng iba kaya hinayaan ko na lang sila. 11:35 na, so may 25 minutes pa naman sila.

After 15 minutes of waiting, our papers were now already completed. Sabay kaming lumabas ni Rhian at naghiwalay lang kami dahil iba ’yung direction ng Faculty Office sa may cafeteria. Napag-usapan naman na rin naming magkikita na lang kami roon at siya na ang bahalang mag-order ng panglunch naming dalawa. Kinuha niya na rin ang bag ko para daw takbuhin ko na ’yung Faculty Room.

”Is this complete?” Prof. Alvarez asked when I placed our papers on top of her table.

“Yes po, Ma’am.”

“Okay, you may now go.”

Lumabas na ako sa silid na ’yon at naisipang dumiretso na sa cafeteria. Tinext na rin kasi ako ni Rhian at ang sabi niya ay naka-order na raw siya. I was typing for my reply to tell her that I’m on my way now when someone shouted at me to move aside. Nang lingunin ko ’yon ay huli na dahil nasagip ng hawakan ng bisikleta niya ang katawan ko. Not just that, I heard how my uniform was torn apart.

“Argh,” daing ko dahil masakit ’yung bandang nasa tagiliran ko. Ngunit mas dinig ko ’yung malakas na daing nung nakasagip sa akin. Napatingin ako sa taong ’yon at noon ko lang napansing natumba siya kasama ang bisikleta niya.

I walked fast in his direction. “Okay ka lang?” At noong tignan niya ako ay nagulat ako. “Ellie?”

Unknowingly, I helped him stand despite the pain in my waist. Doon ay napansin kong may gasgas siya sa kanyang siko pero hindi naman gano’n kalala.

“I told you to move aside yet you kept on fidgeting your phone.”

“Kasalanan ko pa talaga, ha? Bakit ka naman kasi nagbibisikleta, alam mong lunchtime ngayon at pakalat-kalat ang mga estudyante,” dahilan ko, binigyan siya ng masamang tingin.

“Tss. Ikaw lang ’yung pakalat-kalat na alam ko.”

Mas lalo ko itong sinamaan ng tingin. “Bahala ka nga r’yan.” Aalis na sana ako nang may sabihin ito.

“I bet you don’t want to flaunt your body.”

Hindi ko kaagad nakuha ang sinabi nito, pero hindi nagtagal ay kaagad na nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tinakpan ang katawan ko. I forgot that my uniform was torn and because of that my body was shown, especially that I’m only using a bralette inside. Ni wala akong sando panloob. Hindi naman talagang napunit ang damit ko, sapat lang para makita ’yung medyo sa bandang dibdib ko.

“This is all your fault!” I blamed him.

This guy just threw his bag pack to me without looking at my eyes. Hindi naman ’yon mabigat kaya nasalo ko siya. Baka nga nasa dalawang notebook lang ang laman no’n.

“Gamitin mo para matakpan ’yung katawan mo,” he said and that’s what I did. Saglit nitong inayos ’yung bike niya saka siya tumayo sa likod ko. Nasa isang dangkal lang siguro ang pagitan namin sa isa’t isa.

“What are you doing?” I asked him.

“My bag is not enough, so I’m using my body to cover you.” Hinila ko ang hawakan ng bag niya sa katawan ko at iniyakap ’yon sa sarili ko. “Go to the left.”

“Why?”

“Just do what I said.”

Wala naman akong nagawa kundi sundin ito. Nagtungo ako sa left, tapos sa right, at sa left ulit hanggang sa mapansin kong papunta kami sa Architecture Department. Mabuti na lamang at wala kaming masyadong nadaanan na mga estudyante dahil nasa cafeteria ang mga ’yon, pero may iilang mga nakatingin sa amin, nagtataka siguro sa mga ginagawa namin. This guy kept on giving me instructions until we reached where the locker room is.

“Dito ka rin sa Everton International University nag-aaral?” tanong ko, ramdam kong nakasunod pa rin siya sa likuran ko.

“Hindi. Doon sa Sappharo Academy, dito lang nila inilagay ang locker ko.”

“You’re crazy,” I stated, but he just shrugged. He went to where his locker is and after taking something inside it, he threw me his gray sweatshirt. Bakit ba ang hilig nitong itapon ’yung mga gamit niya sa akin?

“Doon ka na lang sa side magbihis.” Nagtungo naman ako sa gilid na sinasabi niya at nang masiguro kong safe naman dito ay nagbihis na kaagad ako. Hindi ko pa rin inalis ’yung uniform ko. Isinuot ko na lang diretso ’yung bigay niyang damit.

“Wala kang mas maliit nito?”

“Magpasalamat ka na lang, ang dami mong reklamo.”

I glared at him before I tried to fix his sweatshirt on me. Gamit ang ponytail ko ay itinali ko ang baba noon at ipinaloob ’yon para magmukhang kasya ko dahil kapag hinayaan ko siyang nakalaylay ay matatakpan na niya ’yung skirt ko. I looked at myself and I felt like I was a Korean who’s wearing a usual attire especially for the girls. Iyon nga lang ay itim na sapatos na may takong ang nasa paanan ko. Pero pwede na rin.

After a while, I heard footsteps coming in our direction until a group of guys appeared before my eyes. Tinitigan ako ng mga ito kaya tinitigan ko rin sila pabalik. Kung hindi lang tumunog ang phone ko ay baka magdamag kaming magtititigan na lamang doon.

“Nuks. Ang Ellie natin, may babae na,” biglang tuksuan ng mga ito sa kanya, walang pakialam na nasa harapan lamang nila ako.

I just shook my head. “Here,” abot ko sa bag ni Ellie. “Mauuna na ako sa cafeteria,” paalam ko at tumango lamang ito sa akin. Hanggang noong medyo makalayo na ako ay dinig ko pa rin ang panunukso ng mga ito sa kanya. I didn’t know guys do know how to tease too.

Students who saw me kept staring at me, maybe because of the kind of outfit I have. Nang makarating ako sa table kung nasaan si Rhian ay halos maibuga nito ang tubig na iniinom niya.

“Anong klaseng outfit ’yan, Jana? Para kang nawawalang KPop idol.” At natawa ito nang makita ang suot kong sapatos. Bastusan lang, e, ano?

“My uniform got torn,” I explained. Dahil umandar ang pagiging chismosa nito’y tinanong ako kung anong nangyari. Wala naman akong nagawa kundi sabihin ang lahat.

“Architect na pala ang nais mo ngayon.”

“Ha?”

“Wala. Sabi ko ang tagal mo. Alam mo bang kanina pa akong nagugutom?” aniya kaya pinagdiskitahan na namin ’yung mga pagkaing in-order niya. Akala ba niya siya lang ang nagugutom? Ako rin kaya. Pahamak lang talaga ang lalaking ’yon.

Naging okay naman ang results ng academic performances namin sa mga next meetings na naganap sa lahat ng subjects namin lalo na ’yung Management Accounting and Finance. Kapag sa school, normal lang naman ’yung may time na mababagsak ka, ang importante roon ay ’yung makapagself-reflect ka para sa susunod ay makabawi ka.

“Saan ’yang may nagpapatugtog?” One of my classmates asked. We’re here at the nook and we usually take our rest here, to relax ourselves.

“Sa Architecture Department ’yan. Foundation daw nila a week after next. Marami raw silang activities and for festival yata ’yang pinapractice nila.”

“Anong exact day?”

“Friday yata. Oy, may pa-pageant sila. Nood tayo? Wala naman tayong klase every Friday afternoon.”

Abala ang mga kaklase ko sa pagkekwentuhan habang ako ay nakikinig lamang sa kanila. Niyayaya nila akong manood sa Biyernes pero hindi ko pa sigurado. Baka kasi tamarin ako. Nakakahiya naman kung um-oo ako kaagad tapos hindi pala ako tutuloy. Minsan, mabilis pa namang magbago ang isip ko.

“Oy, Jana! Nakikinig ka? Ano ba kasi ’yang ginagawa mo?”

I looked at my classmates and they were staring at me. “Naglalaro ng Tetris.”

“Gosh, ang luma mong tao!” kumento ni Rolly, ’yung bakla naming kaklase.

“At least ako tao. E, ikaw?” pagbibiro ko at nagtawanan lahat ng mga kasama namin dito sa nook.

“Kabayo yata kaya lumayo-layo ka sa akin Jana, baka masipa kita.” Muli kaming nagtawanan dahil sa naging tugon nito.

Dumating nga ang araw na ’yon at heto kami’t paikot-ikot na sa departamento ng Architecture. Dito kasi sa university namin, kada department ay nagdidiwang ng kanya-kanyang Foundation Day. Sa aming IBM (Institute of Business Management) naman ay March pa ang Foundation namin.

Katulad ng mga nasabi ng kaklase ko ay marami nga silang activities. ’Yung sa ground nila ay dinisenyuhan nila ’yon gamit ang makukulay na payong at may mangilan-ngilan silang ginawang spot kung saan ay kanya-kanyang nagkukuhanan ng litrato ang mga estudyante.

Hindi lang naman kami ang galing sa ibang college department. May nakikita din akong galing sa College of Criminal Justice, College of Hospitality Management, College of Education, College of Allied Health and Sciences, at maging sa College of Business Entrepreneurship And Accountancy. Hindi ko lang alam sa iba. Nalaman ko lang ang department nila base sa mga organization shirt na suot nila.

Alas tres na noong sinimulan nila ’yung pageant kaya kaagad kaming nakisiksik para makahanap ng pwesto. May ginawa silang maliit na runway at doon naglalakad ang mga candidates. Para na nga kaming tangang nakiki-cheer dahil ang gaganda ng mga kasali lalo na ’yung isang first-year college. Buti na lang at tanghali nila ginawa, kapag gabi baka hindi namin ’to mapapanood.

Eleven ’yung candidates. Matapos nila sa production number, introduction, at talent portion ay isiningit na nila ’yung ibang mga minor awards kasali ang ilang intermission number. Hanggang sa dumating na ’yung part ng long gown.

“Okay, students. I know, long gown portion is the most anticipating part of every beauty pageant. As the candidates will flaunt their stunning beauty with their elegant gowns, let us welcome the main vocalist of Instant Dreamer from the Architecture Department to serenade our beautiful ladies.”

A guy from backstage appeared in front with a black microphone in his hand. Naka-puti itong T-shirt sa loob saka pinatungan niya iyon ng cozy up men leather jacket na kulay brown.

The crowd created a scream as the guitarist started strumming his guitar.

“Everyone, our eleven gorgeous candidates with the Instant Dreamer vocalist, Mr. Laynard Ellie Rodriguez!”

The crowd screamed so loud. I think it’s not because of the candidates, but because of the vocalist who’s at this moment is singing Billionaire by Travie McCoy. Hinahampas na rin ako ng mga kaklase ko dahil kinikilig ang mga ito. Hindi lang sila, maging iyong ibang mga nanonood ay naghahampasan na rin sa kilig. When that vocalist reached the tip of the runway and as he brushed up his hair, that’s when I realized who is it.

Nakatutok lamang sa kanya ang mata ko habang patuloy siyang kumakanta, at sa mabilis na paraan ay kinindatan niya ako nang magsalubong ang mata naming dalawa. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang kinindatan niya o si Rolly na ngayon ay hinahampas ako sa kilig dahil siya raw ’yung kinindatan.

I bit my lip to stop my smile. I didn’t know it was him.

“Laynard Ellie Rodriguez,” bulong ko sa buong pangalan niya. Gagi. His name sounds handsome, just like him.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro