CHAPTER 4
Chapter 4
I was helping Jaden to answer his assignment when my parents walked downstairs. Halatang may pinag-uusapan ang mga ito hanggang sa maupo sila sa sala.
I didn’t bother to pay attention to what they’re talking about because I don’t want to be rude. Tinuruan kasi nila kaming huwag basta-bastang makikisali lalo na kung usapan ’yon ng mga nakakatanda. Dahil doon, itinuon ko na lang ang atensyon ko sa kapatid ko.
“Kapag same ’yung denominator sa fraction, it means?” I asked Jaden.
“If the denominators are the same, then let it stay at ’yung numerators na lang ang i-a-add,” aniya at napatango ako. “So, 5/12 + 3/12 is equal to 8/12. Eto na ang sagot?”
“No. Read the direction. Sabi need pa raw i-simplify. Alam mo kung paano?”
“I need to find their greatest common factor. So sa 8 and 12, ang GCF nila is 4, so the answer will be,” saglit itong nagsulat sa papel niya, “2/3?”
“Yeah, that’s right. Write it on your notebook na,” I told him and he immediately did that.
Grade 6 na kasi si Jaden tapos ang topic nila ngayon ay more on fraction. Nasa similar fraction pa lang sila kaya simple pa lang ’yung given fractions na binibigay sa kanila. Napapahamak ako sa Math subject dahil sa batang ’to.
“Tapos na ako, Ate. Thank you.” I messed his hair before he went upstairs and headed inside his room. Si Jennica naman, baka tulog na o kaya ay wattpad o KDrama series ang inaatupag no’n sa kwarto niya.
“Nak, gusto mong sumama sa Miyerkules?” Papa asked me.
“Saan po?”
“Birthday nung bunsong anak ni Vice. They invited us.”
“Pwede po bang huwag na akong pumunta?”
“No, you need to be there. Nakakahiya sa kanila.”
Napanguso na lamang ako. “Si Papa, tinanong pa kung gusto kong pumunta, e, mukhang wala naman akong choice.”
My parents laughed at me. Ganito na ’yung cycle namin kapag may nag-iimbita kay Papa, pati kami isinasama niya. May pagkakataong hindi ako nakakapunta pero madalas ay isinasama niya pa rin kami para daw hindi nakakahiya. That’s one of his perks as a Mayor. Sige na nga, sa ngalan ng pagkain. Just kidding.
“Matutulog na po ako.” I stood and kissed my mother on her cheek. Si Papa naman ay hinalikan ako sa noo bago ako umakyat.
I checked Jaden inside his room and he’s already sleeping. Sunod kong pinuntahan si Jennica sa kwarto niya at ang bata’y nanonood ng KDrama. Kilig na kilig pa ’to dahil eksaktong kissing scene ’yung naabutan ko.
“Oy, Jennica. Alas dyes na, wala kang balak matulog?”
“Ate naman, nanonood pa ako, e.”
“Tapusin mo na ’yan. Isusumbong na talaga kita kay Papa.”
“Oo na nga,” busangot ang mukhang saad nito saka ko ’yon isinara at nagtungo na sa kwarto ko.
Gabi ng Miyerkukes, pagkauwi ko pa lang galing sa university ay nagbihis na ako. Ngayong gabi kasi ’yung birthday party ng anak ni Vice Mayor. Sa Rancho iyon gaganapin dahil iyon ’yung bumungad sa akin noong nag-pe-Facebook ako.
I wore high-waisted baggy jeans paired with white velvet long sleeve crop top. Tapos simpleng white shoes na lang sa baba. Hinayaan ko na lang na nakalaylay ’yung mahaba kong buhok saka ako bumaba sa sala.
At hindi na kami magtataka na si Jennica na naman ’yung hihintayin namin. Ang daming koloreteng alam no’n, pati sa damitan niya, talo pa ako. Ang hilig niya kasi sa fashion. Minsan nga kapag nagsasama kaming dalawa, para lang akong alalay niya. She’s Grade 9 so nasa puberty hits different stage siya.
“Magandang gabi, Mayor,” bati ng lahat ng nakakakita kay Papa. Masugod naman silang binabati nito pabalik.
Itong rancho ay pag-aari mismo nila Vice. At ’yung event ay sa may maluwang na helipad nila ginawa. Nakapalibot doon ang mga bilog na mesa at may mga lighting pa sa paligid. 16 years old na kasi ’yung may birthday. Babae pa man din. Kapag ito nag-debut, paniguradong mas bongga pa ’yon.
Hindi ko mawari ang bilang ng mga bisita, ang alam ko lang ay sobrang dami namin. Nang kainan na ay hindi na kami nakipagsiksikan. Bawat mesa kasi ay may mga pagkain ng nakahanda kaya roon lang kami sa mesa namin kumakain.
As the party is going on, I stood and went to the balcony. Hindi naman kasi ako makarelate sa mga pinag-uusapan nila Papa pati no’ng mga kasamahan niya sa politiko kaya umalis saglit ako. Iyong mga kapatid ko naman ay abala sa kapipindot sa mga phone nila.
Now leaning on the balcony, I let the cold wind embrace me. Not until a set of arms wrapped me from behind.
“I know you will be here.” I closed my eyes because I heard the calmness of his voice again. Naroon pa rin ’yung sobrang kumportable sa pakiramdam ang paraan ng pagkakayakap niya sa aking likuran. But I don’t want to feel that kind of comfortable again, especially if it’s coming from him.
“I don’t want people’s attention, so let me go.”
“Jana—”
“Please,” mariin kong saad hanggang sa unti-unting lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin ngunit ramdam ko pa rin siya sa aking likuran.
Pareho kaming binalot ng katahimikan hanggang sa bumuntong hininga ito. Sobrang lalim. “Were you really this mad at me?”
Pagak akong natawa. “Niloko mo ako, Benedict, dapat ba matuwa ako?” Doon ko siya nilingon at sinalubong ang matamlay niyang mga mata. “If so, then thank you. Thank you for playing with my heart,” I sarcastically replied at him.
“Mahal—”
“Jana’s my name,” I corrected because I don’t want to hear that endearment from him again. “And please, don’t come near me anymore. Baka makita ka ni Papa at kung ano pa ang gawin sa’yo.” Saka ko siya iniwan doon at bumalik na lamang sa mesa namin.
Late na kaming nakauwi sa bahay dahil sa selebrasyon na ’yon at pagbukas ko ng phone ko ay puro messages ni Benedict ang bumungad sa akin. Dahil sa inis ay ini-off ko na lamang ’yon at pinilit ang sariling matulog na dahil may klase pa ako kinabukasan, kaso ay hindi ako magawang dalawin ng antok. Nakakainis naman kasi.
Pinipilit ko na ngang magmove on tapos heto siya’t guguluhin na naman ang sistema ko.
Days passed and one afternoon, messages kept appearing on my phone. Nakabukas kasi ang messenger ko. Nang tignan ko ’yon ay galing siya sa GC ng organization namin.
It’s AECY organization, short for Alliance of Empowered and Caring Youth, and I was the founder. Binuo namin ’yon para sa lugar namin para kung sakaling may nangangailangan ng tulong, may maitulong kami. Every end of the month ay pumupunta rin kami sa mga barangay at nagpapa-feeding program kami.
Jeanette:
Guys, labas naman tayo minsan.
Ciara:
Oo nga. Habang hindi ako busy.
Jorine:
Huwag school days. Busy akong tao.
Jeanette and Ciara replied to Jorine’s message. Tinatanong kung hindi ba raw sila tao dahil hindi naman sila busy. Mga kalokohan talaga nila.
Jandrick:
I’ll call the boys. Kailan ba?
Ciara:
Iyan ang when?
Then almost all of them kept mentioning me to not just seen their messages. Hindi ba pwedeng nagbabackread muna ako kasi tadtad kaagad ’yung GC ng messages nila?
Jorine:
@Jana Montecilla Chairman, galaw-galaw. Ano na?
Mabilis naman akong nagreply na sige lang. And the conversation went on, agreeing that all of us should go out once in a while. When Ciara suggested na why not today, in the end, ayon nga ang napagkasunduan namin kaya no’ng mga ala una ay kaagad nila akong sinundo sa bahay.
[May ginagawa ka? Sama ka sa akin, punta tayo sa resthouse ni Daddy.] It’s Rhian. Sobrang wrong timing naman nito kung mag-aya.
“May lakad ako ngayon, kasama ko AECY family.”
[Ipinagpapalit mo na ako?]
“Baliw! Syempre hindi. Nag-aya kasi sila, nakakahiya naman kung—”
[Inaaya rin naman kita tapos hindi ka nahihiya sa akin?]
“Hoy! Ang wrong timing mo kayang—” I was shut when Rhian ended the call. Napakibit balikat na lamang ako. Gosh, I really hate that woman’s attitude. When it comes to phone calls, ang pangit niyang kabonding.
“Mayor, Tita, alis na po kami,” sunud-sunod nilang paalam sa parents ko. Tumango naman sila at sinabihang mag-iingat kami.
Jandrick was the one driving the car, beside him was Elton. Sa likod naman ay ako, si Jeanette, Jorine, saka si Ciara. Nagscooter lang si Xian at angkas niya si Kevin. So bali walo kaming lahat, hindi pa kabilang ’yung ibang members dahil nagkataong busy sila. Pinakapanganay sa amin ay third-year college na at may mga members din kaming mga high school.
Noong binuo ko ’yung ACEY organization, hindi ko naman aakaling maraming sasali sa amin at natutuwa ako dahil nakakatulong kami sa ibang tao. Nai-inspire din namin ’yung iba sa simpleng paraan na alam namin. Kapag tumutulong ka, hindi naman importante kung maliit o malaki ba ’yung naibibigay mo. Ang mahalaga ay bukal ’yon sa puso mo.
When we reached the mall, sobrang ingay namin. Nanood din kami ng sine at inaasar namin si Jorine kung bakit siya nanlibre sa amin. Siya kasi ang nagbayad sa lahat ng ticket namin to think na medyo may pagkakuripot ito. Matapos namin sa sinehan ay doon naman kami sa game station. Boys were playing in Mario Kart and we, girls, in the claw machines.
Habang abala ang iba sa paglalaro, sinamahan ko si Ciara sa comfort room dahil naiihi raw siya.
“Pasensya na Miss,” anang isang lalaki nang mabunggo ako nito. Agad ko namang inayos ’yung dala kong shoulder bag.
“Okay lang po.” Muli itong humingi ng pasensya bago tuluyang umalis.
“Anong nangyari?” tanong ni Ciara sa akin.
“Nagkabungguan kami nung lalaking kaalis lang.” Hindi na ito nagtanong pa dahil nakarating na kami roon sa C.R.
While waiting for Ciara, I just fixed myself in front of the mirror. Maya-maya pa ay lumabas na ito at inayos din ang sarili niya. Naglabas ito ng pulbo at liptint sa bag niya kaya humingi naman ako. Using her comb, I brushed my hair and tied it in a high ponytail. After that, we went back to the arcade and they were still busy playing.
“Nagugutom na ako. Kain tayo?”
“Sige, wait. We’ll just finish our game,” Kevin said.
Halos kalahating oras pa yata namin silang hinintay bago sila matapos sa nilalaro nila. Matapos no’n ay sa isang restaurant kami nagdine in. As soon as our orders arrived, we talked about a lot of things, especially in our studies. Lahat kasi kami ay college students na, at iba-iba kami ng kurso. Kami lang ni Jeanette ang nag-aaral sa parehong university, ’yung iba ay sa ibang unibersidad na.
We just shared our experiences with each other. Pare-pareho naman kaming kolehiyo kaya nakakarelate kami sa kwento ng isa’t isa, lalo sa mga istrikto naming professors.
“Si Jana magbabayad, hindi ba?” bigla ay saad ni Elton nang matapos kaming kumain lahat.
“Anong ako?” I asked.
“Dali na Chairman, ngayon lang naman tayo nagsama-sama, e,” singit ni Jeanette at sumang-ayon pa ’yung tatlong lalaki.
“Oo nga Chairman, ngayon lang naman ’to,” Ciara supported their statements.
I eyed them all. “You guys cornered me without my knowledge,” I commented and they all laughed at me. “Fine,” I agreed in the end.
Bago umalis ang mga ito ay nagkwentuhan pa kami saglit. Noong paalis na sila ay inaya na nila ako pero nagpaiwan ako dahil pupunta pa akong bookstore mamaya. May pinapabili kasi ’yung kapatid kong libro. Kailangan kasi sa subject nila. They told me that they will wait for me but I told them not to. Baka kasi matagalan ako.
“Bye Chairman!” They waved their hands at me, leaving me alone at our table.
I called the server and asked for the bill. At halos malula ako nang malamang konti lang ang kulang para umabot ’yon sa limang libo. Gagi. Mapapa-5k ako para lang sa isang oras na kainan.
Because I agreed to pay the bill, I opened my bag to get my wallet, but I see none aside from my handkerchief and my hand sanitizer. Halos bali-baligtarin ko na rin ’yung bag ngunit wala talaga hanggang sa mapansin kong may butas ’yon sa baba.
I recalled how my bag got ripped until that guy who bumped me near the comfort room pickpocketed me. Damn. Bakit hindi ko ’yon na-realize kaagad?
Nahihiya akong napatingin sa server. “Sir, saglit lang po ha? Ninakaw po kasi ’yung wallet ko,” I reasoned. The server then agreed so I immediately took my phone and called Rhian. “Rhian, do you have money? Ninakaw kasi ’yung wallet ko tapos wala na akong ibang pera dito. Hindi ko pa nababayaran ’yung kinain namin.”
[Magkano ba?]
“Five thousand.”
[Wait, I’ll transfer it to your account.]
“Do you have a GCash? I didn’t bring my card here.”
[I don’t use GCash. ’Yung card lang. Teka, tinatanggap ba nila GCash d’yan?]
I quickly asked the server to call the manager. When the manager came, I asked if they were accepting GCach, but she told me that they were not accepting it, just yet. Card or cash lang daw.
Sinabi ko kung okay lang na kukuha ako saglit ng pambayad sa bahay at kung maaari ay iwanan ko na lang muna ’yung gamit ko sa kanila para hindi nila isiping tatakbuhan ko sila pero hindi nila ako pinayagan dahil hindi raw ’yon kasali sa rules nila. Sobrang nahihiya na rin ako kasi nakukuha na namin ang atensyon ng ibang mga customers.
I asked the ACEY to come back here because of my situation. Pabalik naman na raw sila kaso ay naabutan daw sila ng traffic jam at hindi nila alam kung makakabalik sila kaagad dito sa mall. Gosh. I was doomed.
To settle the issue, the manager told me if they could just get my personal information, including my name, contact number, and even my location, and let me pay it the next day. Pumayag naman ako kaagad dahil iyon lang ang choice na mayroon ako. While the server is jotting down my information, someone handed a credit card to the manager behind my back.
“Charge the bill to me.” I cocked my head to see who’s that person and my eyes bulged wide seeing him here.
“Thank you so much, Sir,” the manager said and she quickly returned the credit card to him after taking our bill. “Okay na po Ma’am,” anya nang lingunin ako.
Nahihiyang napangiti naman ako sa kanila. “Thank you din po at pasensya na po talaga sa abala.”
Nang bumalik na ’yung manager at server sa trabaho nila ay kaagad kong nilingon ’yung lalaki at napansin kong nakalabas na ito sa sliding door. Mabilisan ang naging pagkuha ko sa bag kong nakapatong sa mesa at kaagad siyang sinundan.
“Hey, saglit lang!” I called him and I doubt if he could hear me. Mabibilis na hakbang ang ginawa ko at nang tuluyan siyang makalabas sa mall ay tinawag ko siya.
“Ellie!” That’s when he stopped and faced me. Buti na lang naalala ko ’yung pangalan niya sa panyong pinahiram niya sa akin noon.
“You know my name,” he said, now staring at me.
“Yeah, I saw it in your handkerchief.”
“Kailan mo pala ’yon balak ibalik?”
“Hindi ko dala ngayon, e. Next time na lang.” I heard him sneer. “Bakit mo pala ginawa ’yon? I mean, bakit ikaw ang nagbayad?” I asked.
“That’s not for free.”
“E, bakit bigla-bigla kang aalis kung hindi pala ’yon free? Paano ko ’yon mababayaran sa’yo?”
“Kapag nagkita ulit tayo?” patanong niyang sagot na ikinatigil ko. So, he’s expecting that we’ll see each other again?
Sa huli, napatango na lamang ako. “Sure. I’ll give your handkerchief back and pay you my debt kapag nagkita ulit tayo.”
Tinanguan lang ako nito saka siya tumalikod at nagsimulang maglakad palayo sa akin. But I don’t know why I called him again, making him look at me.
“Jana. Jana ang pangalan ko.” And I also don’t know why I told him my name. Maybe because I know him and he doesn’t know mine? Just to be fair, I guess? At kailan pa ako natutong ibigay sa ibang tao ang pangalan ko?
While I’m mentally scolding myself because of my impulsiveness, the side of his lips turned into a small smile as he met my gaze. “Take care, Jana.”
Nang tuluyan na niya akong tinalikuran ay hindi ko alam kung bakit napapangiti ako habang pinapanood ko ang papalayong bulto nito. Nang ma-realize ko kung anong ginagawa ko, agad kong pinaseryoso ang mukha ko pero sadyang kumukurba ang labi ko. Goodness, why am I smiling?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro