Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16

Chapter 16

My attention drew to my phone when it vibrated behind my skirt’s pocket. I fumbled it out. Even if it’s locked, a text message from Mackenzie, one of my classmates I was with earlier, appeared on the lock screen, informing me that our prof is now approaching inside our room.

“Clydo, mauuna na ako. Mayroon pa kasi kaming next class mamaya.”

“Don’t you want to say hi to Ellie?” We both looked at the stage as the two were still singing.

“I-text ko na lang siya mamaya. Kasalukuyan pa kasi silang nagpapractice. Good luck sa inyo!” He nodded at me. I waved at him and when I turned my back, I knew he watched me go out.

Dumiretso ako kaagad sa room namin at pagdating doon ay nasa harapan na ang ang prof namin. I greeted her and she didn’t scold me. Pagkaupo ko ay tinanong ko si Rhian kung kanina pa si Ma’am Rochelle pero sabi nito’y kadarating lang daw niya, saka hinihintay pa naman ang iba. I wandered my eyes inside and discovered that some of our classmates were not here yet.

Nang makumpleto kami ay saka kinuha ng prof ang atensyon naming lahat. She reiterated the meeting they had earlier and it’s all about the preparation for the university’s 87th anniversary that will occur a week after next. A set of activities will then be expected. Matapos nitong magbigay ng mahalagang impormasyon para sa amin ay itinuloy na namin iyong diskusyon para sa subject namin sa kanya.

“What’s that?” My classmates asked when we were strolling inside the campus. Napadpad kami rito sa Astrodome, iyong malaking gymnasium ng Everton, at mula dito sa labas ay rinig na rinig namin ang ingay na gawa sa kasangkapang pang-instrumento.

Even without looking at it inside, I know Instant Dreamer caused that sound and I guess they were practicing.

“Tignan natin sa loob.” Nagpahila na lamang ako sa mga kaklase ko hanggang sa makarating kami sa loob. Pansin naming may mga nagkalat na estudyante sa iba’t ibang parte ng mahabang bench dito sa Astrodome at nanonood din sila.

The Astrodome went quiet and later on, it was filled with loud sounds when Lara started juggling the drumsticks on her hand. I can see everyone is looking at her with amusement on their faces. 

“Ang ganda niya, ang talented pa!” kumento ng mga kaklase ko at sang-ayon ako sa kanila sapagkat maging ako rin ay hangang-hanga sa mga babaeng marunong magdrum, katulad niya.

Lara’s blonde long curly hair was following the beat of her every movement as she played the drumsticks on the bass, cymbals, hi-hat, and other percussion instruments that produce a booming, hollow, or any rumbling sound, and that gave more swag to her.

Enough with the intro she made, came Ellie at her back, singing with the beat of the drums. May nakalagay pang earphones sa likod ng tainga nito upang masabayan iyong musika.

“Grabe! Ang gwapo ng Ellie mo, Jana!” sabay hampas sa akin ng mga ito.

“Aray, makahampas, ah!” reklamo ko’t kinikilig din naman sa pang-aasar nila.

Sa tuwing lumalakas iyong tugtog ng drums ay tila tumatalon pa si Ellie upang mas mabigyang buhay ang kanta kasabay ng paggalaw ng kamay nito sa ere. Every time he sings, I can say that he performs like he owns the stage, giving all of his best.

Not until our eyes met and even though we were quite that far at the stage, I did see him winked at me. Mas lalo namang nagtilian ang mga kaklase ko dahilan para mapatingin ang ibang estudyante sa amin. These guys were already making a scene and I can’t help but feel embarrassed.

Gano’n ang naging takbo ng mga pangyayari sa loob ng Everton lalo pa’t nalalapit na ang anibersaryo nito. Kung hindi sa Astrodome ay doon sila sa stadium kumakanta. Hindi lang naman sila ang sa tingin ko ay ang magpeperform. May iba ring mga banda sa iba’t ibang departamento at mayroon din ’yung grupo ng mga mananayaw. Some were also practicing some native dance.

I went to the stadium when Ellie texted me. Sinalubong ako nito sa harap at niyakap niya ako kasabay ng saglit na paghalik niya sa ulo ko. His hand then traveled to my hand and we walked together inside, holding one another.

“Tired?” I asked him.

“Sakto lang.” Naupo kami nito sa bench. Tahimik naman na ang stadium dahil tingin ko’y katatapos lang nilang mag-ensayo.

Since I already bought some snacks even before I could arrive here, I took them out from my bag and handed them to Ellie. Pinagsaluhan naman naming dalawa iyon.

“Bukas na lang daw ulit tayo magpractice sabi ni Sir,” aniya ng isa nilang kasama na nasa stage pa rin. Medyo malapit lang naman kami sa stage kaya rinig na rinig ko iyon.

“Inform na lang natin ’yung iba. Baka kasi nagmimiryenda pa,” suhestyon naman ni Lara na sinang-ayunan nilang lahat.

“Who’s that girl?” I asked to Ellie though I already knew who is she.

“It’s Lara, my friend.”

“Hindi mo ex?” hindi ko alam pero bigla na lang iyong lumabas sa labi ko.

“She was, but she’s also my friend,” he honestly said and that made me feel at ease because he told me the truth, at least. “How did you know?”

“Ah, nandito ako last week. Pinanood ko ’yung practice niyo.”

“Why didn’t you tell me?” Yes, I wasn’t able to tell him that. Besides, I do not see any problem with that. Parang nawala na rin kasi sa isip ko ’yon dahil tuluy-tuloy na ang klase namin noon.

“Kasalukuyan kayong nagpapractice ni Lara noon, e.”

Speaking of, Lara suddenly was in our front. She informed Ellie that their practice will resume tomorrow and to let him notify his members about it that weren’t here. May aasikasuhin daw kasi ang trainor nila mamayang tanghali saka para na rin daw makapagpahinga muna sila.

“Mind to introduce me to her?” she smiled at me and so Ellie did that. Agad naman kami nitong pinakilala sa isa’t isa.

“Hi, Jana. I’m glad to finally meet you. Madalas kang ikwento sa akin ni Ellie pati ng mga kabanda niya simula noong bumalik ako rito.” Napangiti na lamang ako sa kanya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko naman kasi alam na ikinukuwento pala ako ni Ellie sa kanya.

“Anyway, I have to go. I badly need to have some sleep this afternoon. Bye, El. Bye Jana.” And I didn’t expect that she would kiss Ellie on his cheek right in front of me.

“Jana, hey. Ang tahimik mo,” usal ni Ellie.

“Kumakain kaya ako. Alangan namang mag-iingay ako,” pagrarason ko at tuluy-tuloy ang paglalagay ko ng chichirya sa bunganga ko.

“Madalas ka namang nag-iingay kahit kumakain tayo, ah?”

“Iba ngayon. Nagko-concentrate ko. Huwag mo akong kausapin,” dagdag ko at muling binuksan iyong malaking Piattos. Uminom na rin ako roon sa isang C2 na dala ko dahil ayaw ko namang mabulunan sa pinaggagagawa ko. Nang makaalis kasi si Lara, kusa na lamang akong natahimik. Maging ako man ay naninibago sa sarili ko.

“Are you jealous?” he suddenly asked and I can feel him staring at me, thanks to the help of my peripheral vision.

“Bakit naman ako magseselos?” I asked back.

Binalot ng mahihina nitong tawa ang lugar saka niya ako hinila sa kanya. “Wala ka namang dapat ikaselos. Ikaw ang mahal ko, Jana, hindi si Lara,” saka nito mahinang pinitik ang noo ko.

That’s given I know. Kaso siya ang nauna. Bago pa niya ako minahal, mayroon na si Lara sa buhay niya. May parte sa aking natatakot lalo pa’t ang close nilang dalawa. Oo na, inaamin kong nagseselos na ako lalo na noong halikan siya nito sa harapan ko. I know I’m becoming this immature, I guess? Pero karapatan ko naman sigurong magselos, hindi ba?

Everton International University’s 87th anniversary already approached. The university allowed us to wear civilian today so I wore a simple and white v-neck T-shirt and pants, plus my usual white sneakers.

Sinundo ako ni Ellie sa bahay gamit ang kotse niya. May iilan kasi siyang dalang damit para pamalit niya raw mamaya. Since we still have half an hour drive before reaching the school, I asked if they usually perform in Everton since he’s been in this university for four years already. Sabi niya ay oo pero may iilang banda rin daw silang kinukuha.

Tinanong ko nga kung ano pang mga ginagawa niya maliban sa musika. He said he’s a swimmer, especially when he was in high school. Sumali rin naman daw siya noong nagcollege siya from first year to second year pero mas napagtuunan niya ng pansin ang pagkanta niya. He also added that if it were not for the university’s anniversary, they would not be performing because he wanted to focus on his studies.

“Dito na ako. Good luck sa inyo mamaya,” I said when he parked his car at the side. Hindi naman ’yon contest pero gusto ko pa rin siyang i-good luck.

“Ihatid na kaya kita?”

“No. Ako na. I’ll just see you inside the Astrodome later. Rock the whole gymnasium, baby.” I clutched onto his denim jacket and holding his collar, I pulled him near me and met his lips. “I love you!” agad akong lumabas ng kotse niya, iniwan siyang nakatanga roon.

I barely initiated kissing him nor calling him a baby and I guess he was shocked at that. Mas gusto ko kasi siyang tawagin sa pangalan niya mismo, pero syempre gustung-gusto ko kapag tinatawag niya ako sa endearment niyang ’yon. Before, I found that endearment so corny, but that was not the case when someone is actually calling you that way. Naroon ’yung saya na hindi ko maipaliwanag.

Nag-stay muna kami sa room namin pero bandang alas nuwebe ay pumunta na kami sa Astrodome. Just like a usual event, an invocation, singing of the National Anthem, speeches, especially from the Cluster Executive Officer of the university were delivered, supported, and provided by some prepared video presentation flashed on the wall of the stage.

Done with that important speech, performers were now called in front to give entertainment to everyone, especially to the visitors. Iyong mga dancers ng Bachelor of Physical Education mula sa College of Education ang unang nagpasikat. Though some performed hip-hop dances, most of them highlighted the native dances.

We all know how much this generation has changed since it is different from before, at nakakatuwa lang kasi pinepreserve pa rin nila ’yung mga native dances ng bansa natin.

Sunod naman ay ang soloists at pinahuli nila iyong banda nila Ellie bago raw magtanghalian. Whoever planned this program, I think it was effective. Bilang estudyante, alam kong nakaka-bored ang ganitong mga activity lalo na kung puro speeches ang nagaganap pero buti na lang at may isingit silang mga intermission number sa mga talented students ng unibersidad na ’to.

A light tone from the cymbals coated the place especially when the drums rumbled the whole place, and that gave life to everyone who, earlier, were so bored with the event.

“I know, everyone is now hungry, but before taking our lunch, let Instant Dreamer rumble our rumbling stomach!” Natawa ang karamihan sa sinabi ng isa sa mga masters of the ceremony at ayon nga’t binalot na ng ingay mula sa banda ang buong Astrodome. Ang ilan pa ay nakikisabay sa kanta at nagmistulang may concert tuloy rito sa gymnasium.

I watched how the Instant Dreamer performed as I’m taking a video. Iyon nga lang at mukhang magulo ang pagkakakuha ko dahil ang gulo-gulo ng mga kasama ko. Minsan pa, itinutulak o hinahampas nila ako. Kilig na kilig kasi ang mga ito. Kulang na lang na sabihin kong ‘Nandito ang girlfriend, oh. Kaunting respeto naman’, pero syempre, hinayaan ko lang ang mga ito.

Unti-unti ng nagsisilabasan ang mga estudyante habang kami ni Rhian ay nanatili pa sa upuan namin. Hihintayin pa kasi namin sila Ellie dahil napag-usapan naming sabay-sabay kaming kakain ngayon.

Inayos lang nila iyong mga ginamit nila at tinulungan na rin nila ang ibang mga officers na ligpitan ’yung mga speakers at microphones na nagamit kanina. Some were also fixing the monobloc chairs.

Lara, who’s walking in Ellie’s direction, caught my attention. Nag-appear ang dalawa at sabay na natawa sa hindi ko malaman kung anong pinag-uusapan nila.

“Oh, so that’s Lara?” tanong ni Rhian. Wala kasi siya noong pumunta kami sa Astrodome nung time na nagpapractice pa lang sila pero nakukuwento ko naman sa kanya kung anong nangyari noon.

Ellie already saw us earlier. He even messaged me to just wait for them because they need to keep their things. Ayaw naman kasi nilang mawala ang mga iyon. Habang hinihintay sila, nagkwento na lamang ako kay Rhian. Nasabi ko rin dito ’yung time na hinalikan ni Lara si Ellie sa pisngi niya noon at kung gaano sila ka-close sa isa’t isa.

“Oh, bakit ka nagseselos kay Lara? Kaibigan niya lang naman pala,” saad niya.

“At ex niya," dagdag ko at medyo nanlaki ang mga mata nito sa narinig.

“Ex niya?” napatango na lamang ako. “Oh, mukhang problema nga ’yon.” Napa-ismid na lamang ako. Si Rhian talaga, sa halip na i-cheer up ako, mas lalo akong akong pinag-iisip ng kung anu-ano. Tss.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro