CHAPTER 15
Chapter 15
Our vacation went all just fine and it was filled with happy memories to keep. Dalawang buwan na rin ang nakalilipas simula noong magpasukan at bilang isang estudyante, back to normal life ulit kami.
I was now in my second year in college and Ellie is in his fourth-year level. Hindi pa siya gagraduate sa academic year na ito dahil hanggang five years iyong kurso niya. So he still has two years to stay at Everton International University before he leaves.
Hindi naman sa ayaw ko siyang grumaduate pero mabuti na lang at limang taon ang kurso niya. Dahil doon ay matagal pa kaming magkakasama sa university na ’to. Though I’m sure that days, weeks, months, or even years will pass in an instant.
Ako nga ay naaalala ko pa ’yung ilang beses at ilang oras kaming nakilinya ni Rhian noong nag-eenrol kami sa pamantasang ’to bilang first year college students pero ngayon, kita mo naman, second year na kami kaagad.
Magkaklase pa rin naman kami ni Rhian hanggang ngayon. Mabuti nga at sabay kaming nag-enrol noon dahil unahan din pala sa enrollment. Iyong iba nga naming kaklase noong first year ay nasa ibang block na, kaya napag-usapan namin ni Rhian na sa tuwing enrollment lment ay sabay kaming dalawa.
Monday at Wednesday ay morning class lang ang mayroon kami pero sunud-sunod na tatlong subjects iyon. Kapag Tuesday naman at Thursday, isa sa umaga, dalawa sa hapon. Every Friday naman ay dalawa sa umaga at wala na kaming pasok sa tanghali. Halos ganito lang din ang schedule namin last academic year pero nabawasan kami ng isang subject ngayon.
“Pupunta ka kay Ellie?”
“Yup, sinabihan ko kasi siyang sabay kaming kakain ngayon,” I answered to Rhian.
“Jana, nagtatampo na ako sa’yo, ha! Puro na lang si Ellie ang kasama mo!” Sa halip na maawa o makonsensya sa pagtatampo niya ay natawa lamang ako.
“Edi sumama ka sa amin. Eto naman, parang tanga.”
In no time, she pouted. “Ayaw. Mapagkamalan pa akong third wheel.”
“Ganyan din ang nararamdaman ko sa tuwing sumasama ako sa inyong dalawa ni Harold. At least, quits na tayo ngayon,” I chuckled.
“Hoy! Hindi kami magjowa ni Harold, ’no!” sikmat niya. “Fine, engaged na kung engaged but that does not count to the both of us. Kaya kahit sumama ka pa sa amin, never kang magiging third wheel,” paliwanag nito, ayaw talaga roon sa sinabi ko.
I raised a brow. “Ows? Talaga ba?”
Rhian took all her things and slid those inside her bag, and stood. “Bahala ka nga!” saka ito umaalis palayo sa akin. Natatawa naman akong pinanood siya. Parang kanila lang nagtatampo, e, tapos ngayon iiwanan ako.
“Ang pangit mong ka-bonding!” I shouted at her but she just waved her hand without even glancing at me. Gosh, Rhian. Kaya hindi ka nagkakajowa sa lagay na ’yan, e.
Pumunta na ako roon sa architecture department. Nakasarado pa ’yung classroom nila Ellie kaya tumambay muna ako roon sa harapan. For sure, their class is still ongoing. Dito ko na lang siguro siya hihintayin.
Ganito lagi ang set-up namin ni Ellie. Kung hindi siya ay ako ang pumupunta sa room nila’t hihintayin siya, pero hindi naman madalas. Dipende kung magkasundo ang schedule naming dalawa. May pagkakataon din namang si Rhian palagi ang kasama ko, o ’di kaya’y kami ang magkakasama.
May time din na kasama namin minsan si Harold. Apat kami. Well, Ellie’s already aware of Rhian and Harold’s situation—that engagement thing. Sa tuwing inaasar ko nga sila ay ginagatungan pa ni Ellie ang panunukso ko pero sadyang hindi iyon tumatalab sa kanilang dalawa. Ewan ko ba sa kanila. Hindi naman sila pusong bato, ano?
I was busy fiddling on my phone when I noticed students coming out of the rooms in front of me. Nalipat naman ang tingin ko sa room nila Ellie. Sunud-sunod na ring nagsisilabasan ang mga kaklase niya. When he’s at the door, he saw me so I waved my hand at him.
“Anong feeling ng may naghihintay na magandang jowa, Ellie?” tanong ng isa sa mga kaklase niyang nakasabayan niya sa paglalakad. Alam na rin kasi nilang kami ng dalawa.
“Mas lalong gumaganda ang araw ko,” he responded and that made them tease him. “Bakit wala si Rhian?” anya nang makalapit sa akin.
“Nagtatampo raw,” I laughed at that.
He asked what happened and told him the scene earlier. Nagtext na rin naman si Rhian na pauwi na raw siya at sana raw ay masarap ang ulam na kakainin namin mamaya. Natawa ako roon. Gano’n lang kasi talaga kaming dalawa. It’s childish but that’s how our friendship works.
Ellie took my hand so we walked together until we reached his motorcycle. Kinuha nito ang isang helmet at isinuot iyon sa akin bago niya inasikaso ’yung sa kanya. Pagka-angkas ko ay pinaharurot na niya iyon at doon kami dumiretso sa Grilled House.
We discovered this place around June, weeks before the classes has started. Medyo malapit lang naman siya sa condo niya. Napadpad lang kami rito noong sumama ako sa kanya para kunin ’yung notes ng kaklase niya. Nagkasakit kasi siya no’n kaya no choice ito kung hindi ang magpa-excuse sa klase nila.
Kinabukasan no’n ay may quiz sila kaya nanghiram siya ng notes para may rereviewhin siya. Gutom na kami noon pareho at dito kami napadpad. Nagustuhan namin ang menu nila at iyon ang naging dahilan kung bakit dito kami madalas kumain. Dito nga rin kami tumatambay kapag Miyerkules dahil pareho naman kaming walang pasok kapag tanghali na.
“Baby.” Nilingon ko si Ellie at ang tunog ng camera mula sa phone niya ang bumalot sa pandinig ko.
“Ellie, ano ba? Namimihasa ka na, ah? Lagi mo na lang akong ini-stolen,” reklamo ko rito. Puro ang eepic pa naman no’n. Iyong ginawa pa niyang wallpaper sa phone niya ay epic picture ko kung saan nakatawa ako na parang baliw. His reason was that it’s a candid shot daw.
“Let me see,” tukoy ko sa litrato ko kani-kanina lang.
“No.”
“Laynard Ellie.”
“Still a no, baby.”
“Ellie, isa.”
“Sabihin mo munang baby.”
“Ellie, ano ba?”
“Baby,” pamimilit niya, nakangisi.
I let out a deep breath. Contrary to what I’m feeling, I smiled at him. “Baby, let me see.” Agad naman nitong ipinakita ang litrato sa akin at pinaikutan siya ng mata. Para akong patay gutom doon habang hawak ko ’yung buto ng ulam na kinakain ko.
“If you’re asking me to delete it, then it’s a no. I’ll keep it. Ang cute mo kaya rito.” It’s very evident that he’s trying himself not to laugh. “Kumain ka na. Hindi na kita guguluhin,” ngisi pa rin nito sa akin. I once rolled my eyes on him and just continued consuming my food.
Lots of things happened ever since this academic year has started. Some days, I find things easy. Minsan pa nga ay nagpo-procrastinate ako lalo na kapag maluwag schedule ko pero syempre, hindi naman pupwede na hindi ako makapagpasa on time. It’s just that my productivity is based on my mood. Some days also, I kind of crammed about my school stuff to the point that I had to stay up late at night to settle everything because I don’t want to miss the set deadline.
Natapos na rin pala ang preliminary examination namin this week kaya parang nabunutan kami ng tinik.
Maaga akong pumasok ngayon sa school dahil maaga rin akong nagising. I looked at my wristwatch and because it’s just minutes before the flag ceremony, I stayed on the ground. Maya-maya pa ay pinatunog na nga nila iyong bell.
Rhian texted me that she will come late today and if I could sign on behalf of her for her flag ceremony attendance. Ang reply ko ay dipende kung hindi ako mahuhuli. Ganito kasi kami ni Rhian kapag may late sa aming dalawa. Isang malaking pasensya na lang talaga sa mga officers.
Bago kami pumunta sa kanya-kanya naming silid-aralan ay kinuha ng Dean ang atensyon naming lahat. She welcomed one student in our department who became an exchange student to a foreign school. Tatlo lang daw ang kinuha na exchange students sa buong Everton at natutuwa itong ang isa ay galing sa departamento namin.
That student, a graduating student to be specific, shared something in front, especially her remarkable experiences. She’s inspiring us through her words and persuading everyone that when an opportunity knocks on our door, we have to open it.
We all clapped to her after hearing her story. She’s indeed an inspiration to everyone. Matapos noon ay sinabihan na kaming pumunta sa kanya-kanya naming klase.
The discussion in our first subject passed off pleasantly. After the dismissal, we waited for our next subject. Ngunit lampas sampung minuto na ang nakalilipas ay wala pa rin iyong prof namin. Ilang minuto ulit ang lumipas bago bumukas ang pintuan. Akala namin ay siya na iyon pero hindi pa rin pala. Iyong class president pala namin iyon.
“Hindi raw tayo imi-meet ni Ma’am Simona ngayon,” pagbibigay impormasyon nito sa namin.
“Bakit daw?”
“Faculty meeting daw. Isang oras lang naman daw pero alam niyang baka ma-e-extend iyon kaya bibigyan na lang daw niya tayo ng activities. Inform ko na lang kayo mamaya.” Tumango naman kami sa paliwanag niya.
Mas maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi na kami magkaklase ngayon kaya naglakad-lakad muna kami kasama ang mga kaklase ko. Napadaan naman kami roon sa cafeteria kaya bumili muna kami ng makakain.
“Jana.”
Napalingon ako sa tumawag sa akin. “Hey, hi. Wala kayong klase?” It’s Clydo.
Saglit itong uminom sa hawak niyang bottled water. “Mamaya pa. Kasalukuyan kaming nagpapractice sa stadium.”
“Anong meron?”
“Anniv ng school. I think the faculty meeting has something to do with that.” Napatango naman ako. I didn’t know sa buong campus pala ’yung faculty meeting. Akala ko sa department lang namin. “Want to go with me to the stadium? Ellie is there.” I quickly talked to my friends and they agreed with me. That’s when I go with Clydo.
After a series of nonstop steps, we reached the stadium and Clydo opened the door for me. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay purong tugtog mula sa gitara at mga drums na ang naririnig ko. Naupo kami nito sa dulong upuan dahil mukhang abala sila sa pag-eensayo. Kung tama ang hula ko ay trainor nila iyong nasa stage. Lalaki iyon, matangkad, at may katabaan. He also looked strict. Well, that’s just a mere judgment the way I see him.
Maya-maya pa ay lumabas sa backstage si Ellie. Tumabi siya roon sa hula kong trainor nila. Giving those students a cue, they started singing with the accompaniment of instruments operated by the other members.
“Bakit ka pala nandito? Akala ko may practice kayo?” I asked Clydo who’s also watching them along with me.
“Sila muna raw. Mamayang tanghali na lang daw namin ituloy.”
Muling napunta ang atensyon ko sa stage hanggang sa may pumasok na dalawang babae. Galing din sila sa backstage. They talked and I don’t know what is it all about. Tumatawa iyong isang babae. Blonde ang kanyang buhok. Nang mapalapit siya sa direksyon nung trainor ay niyakap niya ito, gano’n din kay Ellie. Ellie even messed her hair.
Patuloy pa rin naman ’yung mga estudyante sa pagpapractice pero iyong atensyon ko ay naroon kina Ellie at sa babaeng katabi niya na ngayon. They were pretty much close, I think? And seemed like they were catching things up.
When those group members were done practicing, sina Ellie naman at iyong babae ang pumuwesto sa gitna. As they prepare their microphones, naglolokohan pa ang mga ito. The trainor didn’t scold them. Maging ito kasi ay halatang nakikipagbiruan sa kanila.
“Sino pala ’yung babaeng kasama ni Ellie?” It’s my curiosity that leads to asking Clydo. When I looked at him, looks like he already expected this. As I’m waiting for his response, he hesitantly scratch his nape.
“Sorry, I didn’t know she’s back.”
“Why? Who is she?” Mas lalo tuloy na nabubuhay ang kuryosidad ko.
“She’s Lara Grace, Ellie’s ex.”
Napatango naman ako. That was not a big of a deal to me, though. “Is she also part of the band?”
“Yup. Actually, siya ang bumuo ng banda. Silang dalawa ni Ellie ang vocalist, pero madalas sa rap si Lara. She also knows how to play the guitar and the drums.”
“Wow. Gano’n siya ka-talented?” Muli itong tumango. “You mentioned earlier that she’s back? Why? What happened?”
“Isa kasi siya sa mga exchange students na ipinadala ng university sa ibang bansa last year.”
Lalo akong namangha sa narinig ko. As in wow. Alam ko, ’yung mga exchange students ay ini-screen muna nila tapos ini-interview pa. Being an exchange student, means she’s intelligent. She’s also overflowing with talents. As a girl, I can’t deny that she’s beautiful. In short, she’s all in one. I didn’t know a person like her existed.
My eyes shifted to them as the two were now solemnly singing a sweet song. Ellie was sitting on a beatbox Cajon, it’s a box that was made out of an Oak wood. While he’s playing the guitar, Lara kept delivering her part while she is staring at him. Minsan naman ay sumasabay si Ellie sa kanya sa pagkanta. Nagduduet kasi sila ngayon. Later on, it was Ellie who stared at Lara while singing his part.
Wala sa sariling napalunok ako habang nakatitig sa kanilang dalawa. It’s normal for them to be like that. Gano’n naman kapag nagduduet, hindi ba? Kung hindi titingin ang isa ay may pagkakataong silang dalawa ang magkakatitigan. Pero hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Habang pinapanood ko sila ay ang ideyang kinakantahan ni Ellie si Lara ang naglalaro sa isip ko kahit alam kong nagpapractice lang naman sila.
I shrugged my thoughts off. Normal lang naman siguro sa mag-ex ang maging close, hindi ba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro