Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14

Chapter 14

“Thank you? Iyon talaga ang isinagot mo sa kanya?” Matapos kong magkwento kay Rhian, nahihiyang napatango ako sa tanong niya saka ito humalakhak nang malakas. Napahawak pa siya sa tyan niya gawa ng katatawa na akala mo’y wala ng bukas. “Sorry. I can’t help it. Ang epic mo lang talaga.”

“Nabigla kaya ako. Ikaw kaya ang sabihan bigla ng gano’n!” Napasimangot na lang ako dahil tumawa na naman ito, ni walang pakialam sa ibang mga customers na nandirito sa cafe at pinagtitinginan kami. Akala siguro ng mga ito’y nababaliw na ang kasama ko.

I know, that was indeed epic. Sadyang hindi ko lang alam kung bakit thank you ang naisagot ko sa I love you ni Ellie. I was shocked though. I mean, the atmosphere was nice. We’re casually talking to each other that night. I just didn’t expect him to tell me that. Talagang nabigla ako ng sobra.

“Tapos nag-you’re welcome siya sa’yo sa text?” Kagat ang labing napatango ako at gusto ko na lang ibuhos ang kapeng in-order ko dahil sa reaksyon ng babaeng ’to. Kulang na lang na maglupasay ito sa katatawa lalo na noong ipakita ko mismo ang message ni Ellie sa akin. May emoji din kasi ang message niya, halatang nang-aasar din sa akin.

“I like Ellie’s attitude. I really like him for you.” Gusto ko sanang maniwala sa babaeng ’to kaso puro kalokohan naman ang sinasabi niya.

Ilang linggo na rin naman ang lumipas noong sumapit ang bakasyon at nagagawa pa rin naman naming magkita nito. May time din na bigla na lang siyang bibisita sa bahay na hindi man lang ako sinasabihan. Alam mo ’yon? Magugulat ka na lang na paglabas mo ng bahay, bigla na lang siyang nasa gate. Madalas pa ay siya ang kusang nagbubukas doon.

Kami ni Ellie ay okay lang din. Masasabi kong mas nagiging close at kumportable kami sa isa’t isa. Bumibisita rin ito sa bahay na siyang mas gusto ng parents ko. Last lang na pagpunta ko sa bahay nila ay noong naglunch kami pero kapag tumatawag siya sa akin o kaya ay ako ang tumatawag sa kanya, lalo na kapag video ay call ay kinakausap at kinukumusta naman ako ng pamilya niya.

“Kumusta ka sa bahay niyo?” I diverted into another topic, just to not let this girl pester me in my embarrassment.

Noong bakasyon kasi ay pinilit siya ng Dad niyang doon muna siya tumira sa bahay nila. Usapan din kasi nilang mag-ama na mag-i-stay lang ito sa condo niya kapag may klase. Now that it’s vacation, she has to stay with them in their house.

“Ayon, araw-araw nagtitiis.” Kulang na lang na umusok ang ilong nito.

“Bakit ba hate na hate mo na sila Tita Margaret at Ate Erica ngayon? Close mo naman sila dati, ah?”

“Exactly, dati. Hindi na ngayon,” pagdidiin niya. Kung kanina lang ay grabe itong makahalakhak, ngayon naman ay parang gusto niyang pumatay ng tao.

“Bakit nga?” Hirap namang kausapin nito. Hindi pa ako diretsuhin, e.

“Basta, ayoko silang pag-usapan. Araw-araw na nga akong nabuburyo sa kanila sa bahay, pati ba naman dito? Please lang, maawa ka sa kalagayan ko, Jana,” she huffed. I just glared at her. Paano akong maaawa, e, wala akong alam sa kung anong nangyayari sa kanya? Sa bahay nila?

Bago kami umalis sa cafe na ’yon ay nagtake-out ito ng ilan sa mga best menu nila katulad ng cream puffs saka black pudding. Sabi ko ay pati sina Tita at Ate Erica ang bilhan niya pero pinaikutan lang ako nito ng mata. We headed back home after that.

One evening, Ellie and I agreed to go to the night market in another municipality. Nag-open kasi ’yung kabilang bayan ng night market. Ang sabi ng mga kaklase ko na taga-roon ay may mga rides din daw sila.

Pagdating namin doon ay nagmiryenda muna kami nito. Bawat sulok kasi kung saan nakapuwesto ang night market ay may mga food stall. Karamihan ay mga street foods. May mga nagtitinda rin sa kada gilid. Ang iba ay branded na mga damit, ang iba naman ay mga ukay-ukay at iyon ang talagang pinipilahan ng mga taong nandito.

Just after we ate, we tried the rides. Halos lahat yata ay ni-try namin dahil trenta lang naman iyong ticket. Sulit na rin kahit papaano.

Ngayong kasama ko si Ellie, hindi naman namin napag-uusapan ’yung tungkol sa kahihiyang nangyari kamakailan lang. No one tried to open that topic. I am just hoping that I didn’t disappoint him with my answer. So far, wala namang awkwardness na naganap sa pagitan naming dalawa.

Couple of days had passed and in the last week of this month, I packed the things that I will be using for three days or one week. Birthday ng Mama ni Ellie bukas at doon nila ’yon icecelebrate sa isang beach resort.

Sometime later, a car stopped in front of our house. It withdrew Ellie and minutes after, he knocked on the door. Pinagbuksan ko ito ng pintuan at inaya siya sa loob.

“Mag-iingat kayo roon. Ellie, pakialagaan ang anak ko,” said my mother.

“I will, Tita. I won’t let anything happen to her po.” We then bid goodbyes to them.

Ellie then helped me carry my bag and I carried my small bag pack where some of my personal things were there. Doon na lang niya inilagay sa backseat ang gamit ko bago kami sumakay sa harap. Reaching their house, I greeted everyone, especially his Mom, who is the reason why all of us are going somewhere. Inilipat namin ang gamit namin sa isang gray na van dahil doon daw kami sasakay at iyong family driver nila ang magdadrive sa amin.

In front were Tita Sarah and Gab, including the driver. In the middle were his three girl cousins and Ellie and I at the back.

“The ride will take 3-4 hours, depending on if we’ll catch a traffic jam. Matulog ka muna sa akin.” Since he suggested it, I leaned my head on his shoulder as I felt the van start moving.

“Babe, we’re here.” That careful tap on my cheek made me to life. With blurred vision, I looked at the car’s window and all I can see was pastel orange clouds. I didn’t know I fall into slumber.

“Anong oras na?”

“5:30 in the afternoon.” Kaya pala madilim-dilim na. Ala una kami umalis. Sadyang inabot nga kami ng lampas pa sa apat na oras.

Nang medyo makabawi sa pagkatulog ay napansin kong kami na lang ang nandoon sa loob. Ang sabi ni Ellie ay kanina pa raw nakaalis ’yung iba. Hinayaan lang nila ako dahil ang himbing daw ng pagkakatulog ko. Gosh, nakakahiya.

Doon kami dumiretso sa isang hotel at noon ko lang nalamang pag-aari pala nila ito. Dinala ni Ellie ang mga gamit ko sa isang hotel room at ang dalawa niyang pinsan na kasama namin sa van kanina ang magiging kasama ko sa kwartong ito. It’s Thalia and Annica, kasama rin namin si Aira, kapatid niya. Si Ellie naman ay sa kabilang kwarto’t kasama ang mga lalaki niyang pinsan.

I woke up around 8 in the morning. Tumanaw ako sa bintana at nakita kong inaayos na nila ’yung space sa baba. I guess that will be where Tita Jennifer’s birthday celebration happen. Sa tabi siya ng pool. Pool party, I guess since it’s still summer?

“Ate Jana, tara na po sa baba.” Hinintay ako saglit nung tatlo at matapos kong magsuklay ay saka kami bumaba. Doon ay hinihintay na nila kami para sabay-sabay kaming mag-umagahan.

That whole morning, they all prepared for the event. We also greeted Tita. Sobrang tuwa naman nito. Just as how the dark filled the night, some visitors came, but most of them were their family members. It’s a kind of family celebration only. Hindi gano’n kadami ang tao. Kami-kami lang.

We sang a happy birthday song to Tita Jennifer and she was laughing hard. Anya’y para naman daw siyang batang kinakantahan pa namin. After that, we then dug in the food served and it was so happy.

“Swimming time!” Gab, that little cute boy, announced, though he’s already at the pool, enjoying the water together with his mother.

Nagkanya-kanya na kaming palit ng damit habang iyong iba ay lumusong na sa tubig. I just wore a baby pink cut-out monokini, though I covered my lower body with quick-dry swim shorts. Pagkalabas ko sa changing room ay nakita ko si Ellie na nakaupo sa lounge chair. Tanging trunk short na lang ang suot nito.

“Hindi ka pa magsiswimming?”

“Hinihintay kita,” saka nito pinasadahan ng tingin ang katawan ko.

“Hindi mo naman siguro ako pagbabawalan sa ganitong suot, ano?” I cracked a joke and when I sat beside him, he messed my hair.

“Magsiswimming tayo, Jana. Of course, that’s alright. Hindi naman siya revealing masyado. Saka, baliw na ako kung pagsusuotin kita ng gown,” he laughed and I laughed along with him.

“Akala ko pagbabawalan mo ako, e. Gano’n kaya ang mga nababasa ko sa libro. Tapos sinasabi pa ng lalaki na kung pwede lang daw ay pagsuotin nila ng gown ang babae ay gagawin nila.”

“Baby, we’re not inside the novel book,” anya. “Kung pagsusuotin man kita ng gown, sa araw na lang ng kasal natin.” My face reddened and shut my mouth.

Maya-maya pa ay nagulat kaming pareho nang basain kami ng mga pinsan niya. “Tara na, swimming na!”

Since we’re a bit soaked, we went to the pool and we swam together with them. Sobrang saya ko lang talaga na welcome na welcome na ako sa pamilya ni Ellie. Lahat din ng mga pinsan niyang halos kasing edad ko lang ay ka-close ko na rin. It’s my second time to be with them and I never felt aloof to them because they are all welcoming.

We’ve been here in the beach resort for four days already after that event. Sabi nila ay sa susunod na araw pa raw kami uuwi. My family wasn’t that worried because from time to time, I call them to inform them that I’m okay here.

Kung hindi sa pool ay dito kami sa mismong beach nagsiswimming. For four days, my skin became tanned and I like it anyhow. Paano kasi ay walang araw na hindi kami lumalangoy lalo na kapag inaaya ako nina Aira, Thalia, at Annica. I barely go to a beach for days, so seizing this moment is the best thing I can do.

As the sun is setting down, Ellie and I were sitting in the white sand in front of the beach. Dinala nito ang gitara niya at ngayon ay kasalukuyan niyang ini-strum iyon, inaayos siguro ang mga chords nito.

Tinanong ko ito kung kanino niya minana ’yung talento niya sa pagkanta. Sabi niya ay parehong hindi naman daw mahilig sa music ang parents niya, maging ang mga tita o pinsan niya sa both sides nila. Sadyang passion niya lang daw ang musika.

Inayos nito ang pagkakaupo niya at hindi nagtagal ay pinatugtog na nito ang kanyang gitara. I don’t know what he’s going to sing. Pero ilang minuto, medyo naging pamilyar na ako rito dahil sigurado akong iyon din ang kinanta niya sa akin noon.

We were locked in a gaze when I tilted my head in his direction. He’s busy strumming and singing while I busied myself in watching and smiling at him. Saglit akong napatigin sa tubig. From our spot, I can see how the sun is setting down through its reflection on the clear water. The setting was so enticing, especially since a handsome guy beside me is singing a song for me.

“Ellie, you’re courting me, right?” walang pasabi kong tanong habang ang paningin ko ay naroon lamang sa tubig.

“Yes. Why is that?” he also asked back as he kept strumming his guitar. Hindi na ito kumakanta. Iyong tunog na lang ng gitara niya ang bumabalot sa aming dalawa.

“Pwede bang itigil mo na?” Doon siya natigilan at kitang-kita ko ang mga katanungan sa mata niya.

“Why? Did I do something wrong? May ginawa ba akong ayaw mo? Na hindi mo gusto?” I just stared at him being dumbfounded. Mahina rin itong napamura. “Please tell me baby, did I do something wrong?”

He looked so adorably cute that I didn’t control myself anymore. Mabilis kong tinawid ang distansya sa pagitan naming dalawa hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng aming mga labi. That stayed for seconds, enough for my heart to gallop like a horse on a track.

“Itigil mo na kasi sinasagot na kita,” usal ko sa kanya, nakangiti nang malapad.

Nang makabawi sa ginawa ko ay napalitan ng saya ang ekpresyon ng mukha niya. “Are you for real? I mean... are you serious?” I nodded at him and later on, he was the one who kissed me this time.

“God, thank you. I love you so much, Jana.”

“I love you too, Ellie,” malaki ang ngiting sagot ko sa kanya. Finally, I was able to answer that words and my heart is so happy with that.

“Hindi na thank you ang isasagot mo sa akin?” pagbibiro niya. Napailing naman ako.

“Hindi na.” Both of us softly laughed.

Ellie pulled me closer to him and he planted a soft kiss on my forehead. “Thanks, baby,” saka ako nito niyakap. Napasandal naman ako sa dibdib niya at pinanood lang namin ’yung hampas ng tubig lalo pa’t nagiging high tide na siya sa oras na ito.

Muli naming nilingon ang isa’t isa saka kami natawa kasabay ng pagkurot niya sa ilong ko. Sa huli ay yumakap din ako pabalik sa kanya. Sa oras na ito ay wala akong ibang nararamdaman maliban sa sobrang saya. Sadyang mahal ko lang talaga ang taong ngayon ay yakap-yakap ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro