CHAPTER 12
Chapter 12
I was stopping myself to smile but I couldn’t do it. How could I do that if Ellie and I were holding each other’s hands while walking? His indirect way of confessing made me insane. Goodness. I felt like this feeling is new to me though I already felt how to be loved even before he came into my life.
Nilingon ako nito at binigyan ng matamis na ngiti. “Aren’t you comfortable with me holding your hands?”
Agad akong umiling saka ngumiti. Maybe he noticed me staring at our tangled hands. “It’s alright. It actually felt nice,” I honestly responded.
Lalo ko tuloy naramdaman ang paghigpit ng kamay nito sa akin hanggang sa makarating kami sa kung saan nito ini-park ang motor niya. Nauna siyang sumakay roon at sumunod naman ako. Before I could hold unto him, both of his hands reached mine and brought it to his waist.
“Baka mahulog ka.”
“Gusto mo lang na yakapin kita, e,” I joked.
“I do.” I just stared at his back. Buti na lamang at nasa likuran niya ako. Kung hindi ay baka makita nito ang pamumula ko. Aware naman na ako sa pagiging straight talker nito pero hindi pa rin ako nasasanay.
Sinimulan nitong paandarin ang motor niya habang nakayakap lamang ako sa kanya. I can assure my safety the way he drives his vehicle. Sakto lang ang pagpapatakbo niya, hindi katulad sa mga tricycle driver na imbis na magbabyahe ka pauwi, magiging byaheng langit yata sa pagiging kaskasero nila.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa harap ng condominium building na tinitirhan ni Rhian. Bumaba na ako’t nginitian siya. “Dito na ako. Salamat sa paghatid. Ingat ka, Ellie.”
“Sure. See you tomorrow.” I nodded at him.
I watched him drive away from me. Nang umikot na ito papunta sa unit niya na malapit lang dito ay saka ako pumasok sa building na nasa harapan ko. I let myself in the elevator and pressed the sixth floor. Lakad-takbo ang ginawa ko nang makalabas ako roon at dumiretso sa unit ni Rhian.
“Akala ko matatagalan ka pa sa pag-uwi.”
But instead of replying to her statement, I just screamed. “Oh my goodness, Rhian! Gusto niya ako. Gusto rin daw niya ako!” Hindi maitatago ang tuwa sa tono ko at muli na naman akong tumili.
“Jana, ano ba? Para kang baliw!” She even closed her ears using her palms because she can’t handle me being noisy.
Nang maupo ito sa tabi ko ay dinamba ko siya ng yakap. Tanga na kung tanga pero ganito talaga ’yung nararamdaman ko. Sobrang saya ko lang. Pinagkwento ako ni Rhian sa kung anong nangyari nang iwanan niya ako sa school.
“Oh my gosh! So, ano road to relationship na ba ’yan?” panunukso nito.
“Gagi, hindi. We just have mutual feelings. Wala pa naman kami sa lagay na ’yan.”
“But don’t lie to me, I know you wanted more.” Her lips shaped a teasing smile.
“Gaga! Bahala ka nga r’yan!” Saka ako dumiretso sa kwarto ko para magbihis na. Basta masaya na akong malamang gusto rin ako ng taong gusto ko.
Gabi noon ay balik sa dating gawi kami ni Rhian na kung saan matapos naming kumain ay saka kami magrereview sa magkahiwalay na kwarto. That straight week became more than hell because it was our finals but good thing we managed to withstand it.
Saturday afternoon, before Rhian could drop me in our house, nag-unwind muna kami nito sa mall. It was part of treating ourselves because finally, we had survived the first semester in college.
This girl informed me that she will be celebrating Christmas outside the country together with her family that’s why she wanted us to go out while she’s free. Hindi niya rin kasi sigurado kung lilipad na sila hapon ng December 18 o kung sa 19 sila aalis.
Inside the mall, we bought something that caught our eyes. Ewan ko ba rito at binilhan niya rin ng regalo ang pamilya ko. Kako ay huwag na pero nagpumilit siya. So binilhan ko rin si Tito Francis, ’yung Papa niya, pati ’yung mga kasama niya sa bahay nila na tinuring na niyang sariling pamilya kasi hindi ko ’yon kukunin kapag hindi niya rin kinuha ang regalo ko para sa kanila.
Kumain kami nito roon sa restaurant kung saan ako nagkaroon ng problema noon kasama ang AECY organization family ko kung saan nanakawan ako’t nagkaroon pa tuloy ako ng utang kay Ellie dahil wala akong pambayad. Eksaktong ’yung nagserve pa sa amin ngayon at ’yung server din noon kaya tinubuan ako ng konting hiya.
Four ng hapon na yata nung makaalis kami nito sa mall at inihatid niya ako sa subdivision. Bago ito umalis ay busangot ang mukha niya dahil doon muna yata siya sa bahay nila matutulog. Alam mo naman, sobrang ayaw nito sa stepmom at stepsister niya. I don’t know the whole details yet as to why she suddenly hated them because she’s close to them before. For sure, Rhian has a reason. It’s just that hindi pa ito nagkekwento sa akin.
“Ma, Pa, bigay ni Rhian,” sabay abot ko sa kanila ng tig-isang paper bag na medyo may kalakihan.
“Nakakahiya sa batang ’yon pero salamat kamo,” saad ni Mama.
“Ayaw ko ngang kunin sana, Ma, kaso pinilit niya ako kaya binilhan ko na rin pamilya niya para same lang kami. Saka aalis po kasi sila after ng Christmas party namin sa school.”
After that short conversation, I walked upstairs and as I reached my room, I lay down. Hinayaan ko na lang muna ’yung gamit ko sa tabi ng center table na narito sa kwarto. Medyo napagod lang ako. I just need some rest, I guess.
Sa sumunod na linggo, eksaktong third week ng December ay Christmas party na ang pinagkaabalahan namin na magaganap sa December 18. When that day came, we did lots of activities. May mga palaro rin at mga contests silang inihanda at required na bawat course programs sa department namin ay sasali.
That one whole day was filled with enjoyment but I can say that Christmas party during high school days is still different. Ngayong college kasi kami ay hindi namin masyadong feel pero nag-enjoy naman kaming lahat sa boodle fight na naganap. It’s one of the best memories I could keep in my college life.
The following days, ramdam na ramdam ko na talaga ’yung pasko. Halos lahat kasi ng bahay ay may kanya-kanya silang palamuti. Maging sa mga daan nga ay mayroon din, lalo na sa mga park. Malls and amusement parks were also decorated. Wala, e. Ganito talaga ang pasko sa Pilipinas. Masayang ipagdiwang lalo na kapag kasama mo ang buong pamilya mo.
Si Rhian pala ay nasa Los Angeles na. Nagkakausap pa rin naman kami kahit papaano.
Napasilip ako sa may bintana nang marinig kong may nagdoor bell doon. Wala sina Mama at Papa ngayon dahil pumunta silang naggrocery pang-noche buena dahil paniguradong mapupuno na naman ng bisita ang bahay pagsapit ng pasko kaya kaming tatlong magkakapatid lang ang naiwan dito. Dahil ayaw ko namang lumabas ang mga kapatid ko ay ako na ang pumunta roon sa gate.
“Hey, you’re here. Pasok ka.” I didn’t know it was Ellie. Sumunod ito sa akin sa loob at naupo sa tabi ko nang makarating kami sa sala.
“Wala parents mo?”
“Naggrocery sila pang-noche buena. Kami lang tatlo ang naiwan dito. Why are you here pala?”
“Wala, bawal ka bang bisitahin?” Ellie wiggled his brows, making me chuckle. “I want to go out with you, but because your parents are not here, we can just wait for them so I could ask them permission. Kung hindi naman sila papayag, okay lang. The important thing is I get to see you today.”
Nakangiting kinurot nito ang pisngi ko at hindi ko naman magawang hindi kiligin. Paano bang hindi ako kikiligin sa taong ’to? It’s rare for a guy to ask permission from a girl’s parents before going out. Ang saya ko na nakilala ko ang lalaking ’to.
Soon, my brother and sister talked to Ellie as I prepared some snacks for us. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang parents ko. Hindi naman sila nagulat nang makita si Ellie dito, sa halip ay nagmano pa ito sa kanila at tinulungan silang bitbitin ’yung mga pinamili nila.
“Ellie, hijo, kung gusto mo punta ka rito sa pasko. Marami namang lulutuin ang Tita mo,” pagkausap ni Papa sa kanya.
“Hindi ko lang po sure, Mayor. Baka po kasi aalis kami nila Mama bukas o kaya sa susunod na araw papunta roon sa probinsya nila,” Ellie answered. Tumango naman si Papa rito.
Ang sarap lang sa pakiramdam na kumportable na itong kausap ang mga magulang ko. Later on, they asked why Ellie was here. Hindi naman ito nagbigay ng paligoy-ligoy na sagot. Talagang ipinagpaalam niya talaga kung pwede raw ba kaming lumabas dalawa.
“Sure. Enjoy yourselves.”
Alas tres noong umalis kami ni Ellie sa bahay. Gawa ng sobrang trapiko ay mga 4:30 na kaming nakarating sa mall. Ang dami kasing tao. December 22 na kasi ngayon kaya hindi na kataka-takang ganito karami ang tao.
Dahil maraming ganap sa mall ngayon, iyon ang ginawa namin doon. Ang dami ring nagbebenta ng mga damit kaya hindi namin maiwasang bumili lalo pa’t may 25% discount sila sa mga branded na binebenta nila.
I informed my parents that maybe I could go home late. Um-okay lang sila sa akin basta mag-iingat lang daw kami.
Dito na rin kami ni Ellie sa mall kumain. Saglit lang kaming nagpahinga matapos naming kumain saka kami lumabas ng mall at nagtungo sa katabi nitong park kung saan ay dagsaan ang mga tao.
Dahil gabi na, nagkikislapan ang buong park gawa ng iba-ibang kulay ng lights. May mga Christmas decorations din doon na naglalakihan. Knowing people, nagkanya-kanya silang kuha ng larawan doon. Inaya ko rin si Ellie at pumayag naman ito. Every December lang nangyayari ang ganito kaya sulitin na, hindi ba?
Tahimik na kaming naglalakad ni Ellie ngayon sa mahabang hallway sa gilid ng park. May mga pine trees dito at bawat puno ay pinalibutan nila ng mga Christmas lights.
“Aalis ka bukas?” pagbubukas ko ng usapin.
“Oo, umuwi kasi ’yung bunsong kapatid nila Mama at gusto nilang doon kami sa probinsya magcelebrate ng pasko. Nandoon din kasi ang lolo at lola ko. Parang reunion na rin naming magpapamilya.” Napatango ako sa sagot nito.
“Are you sad?” I looked at him and shook my head. Why would I be sad if he will be with his family? Pero aaminin kong nalulungkot ako. I just don’t know why.
“You don’t know how much I wanted to celebrate Christmas with you, Jana. Noong sabihin ng Papa mong pwede akong pumunta sa inyo, I wouldn’t think twice. Kaso ay aalis na kami bukas,” may panghihinayang na saad niya.
“Magtatagal kayo roon?”
“I don’t know? Maybe I’ll come back around the third week of January.” So hindi ko siya makikita ng halos isang buwan? Iyon siguro ang dahilan kung bakit nalulungkot ako. Aaminin kong sobrang attached ko na sa taong ’to.
“I’m going to miss you,” that suddenly came out of my mouth and I didn’t regret it at all.
“I’m going to miss you too, Jana.”
Patuloy kami nitong naglakad at nang makakita kami ng isang bakanteng upuan ay roon kami naupo. Magkatabi. “May itatanong pala ako sa’yo.”
“What is it?”
“Naaalala mo ’yung araw na lumabas tayo tapos inihatid mo rin ako? Iyong iniwan mo pa kotse mo sa main gate dahil gusto mo akong samahang maglakad? Ano pala ’yung balak mong sabihin sa akin noon? Hindi mo kasi naituloy kasi dumating...” natigilan ako dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ’yon.
“When your ex came,” he continued. Napatango naman ako. “I wanted to confess that night.”
Napasinghap ako dahil sa ibinunyag nito. I didn’t know he will confess that night, but the table has turned and it was me who confessed to him instead.
“So, gusto mo na ako dati?”
“Sinong hindi magkakagusto sa’yo, Jana?” sagot nito, sapat na para magwala ang puso ko.
Nakatitig lamang siya sa akin nang sabihin niya iyon. Feling ko tuloy ay ang ganda-ganda ko. I wanted to ask him when did he start liking me, but the euphoria inside my heart is too much to handle. He always answers me with questions that were so indirect, but enough to know what he meant.
“That night, I was planning to confess to you, and after that, I wanted to ask if I could court you, but someone came up that I didn’t finish what I’m supposed to say.”
I was stilled by what he said. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang sasabin ko. Nakabawi na ako nang sabihin nitong gusto niya rin ako. Pero ligaw? As in, liligawan niya ako?
“Goodness, kinapalan ko ang mukha ko’t nilakasan ang loob ko para sana sabihin sa’yo ’yon pero hindi naman nakisama sa akin ang panahon,” tumawa ito nang mahina saka ulit ako nilingon. Dahil magkatabi naman kami nito, umayos siya ng upo hanggang sa mapaharap siya nang tuluyan sa akin. Then he held my hand.
“Now that it’s only us here, can I court you, Jana Montecilla?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro