CHAPTER 10
Chapter 10
Ilang araw na ang nakalilipas simula noong puntahan ko si Benedict sa bar kung saan siya naglasing. I slept late that night when I got back to Rhian’s condo and when I woke up the next morning, I received a message from him. He informed me that he had already gone home safe. He also apologized and even thanked me. Natuwa naman ako dahil kahit papaano ay pinakinggan niya ako pero hindi ko na siya ni-reply-an pa.
Mabilis lamang na lumipas ang mga araw. The month of December already approached and the second week of this month is our finals. By January naman magsisimula ang second semester namin.
“Who’s your class president?”
“Si Venice po, Ma’am,” tugon ng karamihan sa amin.
“Okay. As part of your project in my subject, compile all your quizzes and even assignments in a folder. That would serve as your portfolio and submit it to Venice. I’m giving you the chance to design it if you want. Okay lang din kung plain, ang importante ay kumpleto ang mga quizzes at assignments niyo roon. Do you have any questions before I dismiss this class?” our professor asked.
“Ma’am, ’yung ilalagay po ba sa portfolio namin is from prelims to finals namin?” tanong ni Sheridan.
“Yes. Prelims to finals ang gusto kong makita sa portfolio niyo. I have my list so alam ko kung ilang quizzes ang ni-take niyo from prelims to finals. May katanungan pa kayo?” she asked.
“None, Ma’am,” we all said in unison then she dismissed us.
Tahimik pa kaming lahat hanggang noong makalabas ang prof namin ay para kaming dinaanan ng bagyo sa gulo namin. May mga nagtatanong kung paano raw ang requirements nila dahil hindi nila alam kung saan nila inilagay ang mga quizzes nila. Hindi naman kasi kami in-inform dati ng prof namin na magiging project pala namin ’yon. E kung alam lang namin, sana ay itinabi namin. Ako rin ay hindi ko alam kung kumpleto pa ’yung mga papers ko.
“Grabe si Ma’am. Nakailang quizzes at assignments na tayo sa kanya. Paano kung may nawala sa mga quizzes natin o kahit sa assignments, may deduction kaya?” Si Felize naman ang nagtanong ngayon at iyon ang ikinababahala namin.
Pagkauwi ko noon sa bahay ay kaagad kong kinalkal ang mga gamit sa study table ko. Our classmates informed everyone in our group chat that our requirements were consist of 25. Bali 13 ang quizzes doon at 12 naman ang assignments.
I asked Rhian if hers were complete and she said yes. Kaya ayon, na-stress akong maghanap sa mga papel ko. Pati sa bag ko, sa mga pahina ng notebook at aklat ko ay doon ako naghanap. Ilang oras pa yata ang lumipas nang makumpleto ko ang lahat. May iilan pang tupi-tupi at may mga punit pero ginawan ko na lang ng paraan. At least kumpleto na ’yung akin.
“Jana.”
“Oh?”
“Kapag finals natin, gusto mo roon tayo sa condo ko? Don’t worry, ipagpaalam kita sa parents mo.”
Saglit akong nag-isip sa suggestion ni Rhian. Sure naman na akong papayag sila Mama at Papa, ang kaso, “Baka hindi ako makaconcentrate sa’yo. Maingay ka kayang magreview.”
That’s a fact about Rhian. Baligtad kasi kaming dalawa ng style. Kapag nagrereview siya, binabasa niya talaga ang mga notes niya. She reads with her mouth while I read in mind. Ewan ko ba sa kanya, mas nagsisink in daw sa kanya ang topic kapag binabasa niya mismo. Ako naman, hindi nakaka-concentrate kaya kapag magrereview, gusto ko tahimik lang ang paligid. Minsan nagkukulong pa ako sa kwarto dahil ayaw kong maistorbo.
Dahil sa sinabi ko’y pinaikutan ako nito ng mata. “Pwede ka naman doon sa isang kwarto. Para nga kapag may hindi klaro sa atin, pwede nating tanungin ang isa’t isa.”
She has a point though. “Sige, ikaw na bahala kina Mama at Papa.”
The two of us attended our next class. Hapon no’n nang madaanan ko si Ellie at sabay na kaming lumabas. Nakauwi na si Rhian dahil nauna na siya kanina pa. Nagpaiwan kasi ako sa room namin dahil may inasikaso pa ako.
“Where’s your friend?” tukoy nito kay Rhian.
“Nauna na siyang umuwi,” ani ko.
Wala naman na masyadong estudyante dahil 5:30 p.m. na pero ’yung mga nakakakilala kay Ellie sa department nila ay panay ang tukso sa aming dalawa. Parang tanga lang.
“Hey, remember the activity I told you the last time?” usal nito sa akin habang patuloy pa rin kaming naglalakad.
“Acitivity? You mean ’yung plate na sinend mo sa akin noong tumawag ka?” Iyong napuyat ako dahil sa presentation kong hindi na-save tapos saktong tumawag siya sa akin noon at kinantahan pa ako. Tumango naman ito sa akin. “Bakit? Anong mayroon doon?”
“I included that plate in my Architecture Portfolio and I was the highest.”
“Oh? Really? Halla, congrats!” masaya kong bati. Grabe kasi ’yong sinend niyang plate sa akin. Interior siya ng high class hotel tapos may pagkamodern ang design. Basta, sobrang ganda.
“That was it? Just a simple congrats? I mean, I was the highest. Don’t I deserve rewards, you know? Like... won’t you take me out?” anya at pasimple itong tumitingin sa akin sabay ngiti at ’yung klase ng ngiti niya ay hindi ko mapangalanan.
Tinaasan ko ito ng kilay at napapangiti na rin dahil sa reaksyon niya. “Why would I? Mama mo ba ako para ilabas kita’t bigyan ng rewards kasi ikaw ’yung highest sa activity?”
“Be my kids’ mother in the future, then,”
“W-what?” Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. Naroon na naman ’yung kakaibang pagkabog ng dibdib ko. Ano ba ’tong pinagsasabi niya sa akin? Huwag niya akong binabato ng mga ganitong salita dahil kapag pinatulan ko ’yon, bahala siya r’yan. Baka hindi niya iyon mapanindigan.
Natawa lamang ito saka kami patuloy na naglakad. “Let’s go out tonight.”
“Ano?”
“God. Don’t make me repeat it, Jana,” nahihirapan niyang saad at halatang nahihiya.
Ako naman ang natawa ngayon. “Ano nga? Lalabas tayo?”
He smiled at me. “Don’t worry, it’s on me. May 5k pa ako sa’yo, remember? Iyon na lang pambayad natin sa kakainin natin.” Humalakhak kaming dalawa dahil doon.
Baliw talaga ang lalaking ’to. Ayaw pa kasing direktang sabihin na gusto niyang lumabas kaming dalawa. Ginagamit pa talaga niya ang utang ko sa kanya. Papayag naman ako, e.
“Okay,” I simply answered.
“Sure?” paniniguro niya. “Sunduin kita sa bahay niyo mamaya.”
“Paalam ka lang kay Papa. Kapag pumayag siya, papayag din ako.”
When I got home, I locked myself inside my room. Tumambay lang din ako sa mga social media accounts ko. Scroll dito at scroll doon lamang ang naging ganap ko hanggang sa may kumatok sa kwarto ko. I opened it and I saw Jennica, telling me that I have a visitor downstairs.
Because I’m expecting that it was Ellie, I nodded at her. Parang tangang tinignan pa muna ang sarili ko sa salamin saka ako lumabas. Pagkababa ko’y ayon nga’t nakaupo na si Ellie. Sa harap niya ay ang parents ko.
“Ellie’s here. Lalabas daw kayo,” Papa said when he saw me.
“Kung okay lang sa inyo, Pa.”
“Bakit hindi ka pa nakabihis kung may pupuntahan pala kayo?” tanong nito.
Aba malay ko ba kung papayagan nila ako. Alangan namang magbibihis ako kaagad tapos hindi pala sila papayag. Ano ’yon? Pero seryoso, nakaligo na ako kanina pa. Kasi naman in-e-expect ko talagang susunduin ako ni Ellie dito. I’m just... excited.
Papa then gave me a signal to change now that’s why I stood and went back to my room. Wide baggy jeans and a plain halter top were what I wore. I paired that outfit with white sneakers and had my messy bun before I went out.
“Are you making a move to my daughter now?”
“Halla, hindi naman po, Mayor. Lalabas lang po kaming dalawa ni Jana.”
“Is that a date?”
“Papa!” Agad kong singit sa usapan nilang dalawa. Nagmadali rin ako sa pagbaba na kamuntikan kong ikahulog. Anong date? Lalabas lang naman kami, e.
“Fine. I’m allowing you to take her out tonight, but make sure to bring her back safe.”
Ellie and I went out and my parents walked us out. Sinabihan din nila kaming mag-ingat at mag-enjoy sa lakad naming dalawa. My father can be scary yet sweet at the same. Sadyang nakakatakot lang siya kung minsan.
“Car mo?” tanong ko kay Ellie dahil akala ko’y sa motor niya ulit kami sasakay.
“Hindi. Hiniram ko lang sa kapitbahay namin.”
“Halla, dapat ’yung motor mo na lang. Mas kumportable naman ako roon, e.”
Kinurot lang nito ang ilong ko. “Hindi ka naman mabiro. This is mine. Trip ko lang siyang gamitin dahil ilang buwan na siyang naka-stock sa garahe namin. Ang seryoso mo naman masyado.”
“Seryoso naman talaga ako, ah.”
“Pwede mo rin ba akong seryosohin?”
Hindi sinasadyang mahampas ko ito. “Hoy. Saan mo nakukuha ang mga paganyan mo, ha? Gagi. Hindi ako sanay.” Pareho kami nitong dalawa saka niya pinaandar ang kotse niya.
Sa isang kainan kami nito kumain sa tabi ng mall. I asked him why here. Hindi naman big deal sa akin na sa kainan sa tabi-tabi kami kakain. Sa totoo nga’y mas masarap pa ’yung mga ulam na binebenta nila rito. Hindi ko lang alam kung anong pumasok sa isip nito’t dito niya ako dinala.
“Wala tayong budget.” I couldn’t help but laugh so hard because of what he said. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang kumakain pero dedma lang ako.
Grabe. Ellie is really different. Imposible naman kasi itong makukulangan ng budget but I like his way of being practical. Hindi naman masamang kumain sa tabi-tabi. Mas enjoy pa nga kaming kumain dito kasi nagkakamay lang kami pareho. Pakiramdam ko’y sa bahay lang kami kumakain.
Matapos naming kumain sa kainan na ’yon ay saka kami nagtungo sa mall. Tinanong ako nito kung gusto kong manood ng movie o kung may gusto akong gawin. Since I wanted to go to Oceanarium, hinayaan ako ni Ellie sa gusto ko.
Pagkapasok naming dalawa roon ay manghang-mangha ako sa mga iba’t ibang kulay ng isda at maging sa mga dolphin shows. Eksaktong may nagmermaid show din kaya tuwang-tuwa ako. I really love to visit this kind of place even before but I haven’t had time to do so. Kaya sobrang saya ko na nakapunta na rin ako rito.
Sa kapal ng mukha ko ay ginawa ko pang photographer si Ellie. Halos kada area kasi ay nagpapakuha ako ng litrato at hindi naman siya nagrereklamo.
“Ellie, come here. Picture tayo dali.” Agad naman itong tumabi sa akin. Sabay kaming ngumiti sa harap ng camera saka ko iyon ini-click.
Muli kaming naglakad-lakad. Nakatingin lamang ito sa mga isdang paroo’t parito habang ako naman ay abala sa pagtitingin sa mga litrato ko. Dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko, nagulat ako nang bigla akong hilain ni Ellie hanggang sa mapalapit ako sa kanya’t hindi sinasadyang mahalikan ko siya sa kanyang pisngi.
“Sorry,” I quickly apologized as my face turned red. “Ang kulit talaga ng mga bata. Bawal kasing tumakbo rito sa loob, e,” anas ko’t lihim na pinagalitan ang sarili. I just kissed him on his cheeks. Goodness.
Dahil sa nangyari ay saglit kaming natahimik pareho pero kalauna’y naging okay na rin ulit lalo na noong makalabas kami sa lugar na ’yon.
“Nagugutom ka?”
“Kain tayo burger?” I suddenly feel like eating burger so we headed to the stall of burgers.
“Thanks for tonight, Ellie. Matagal ko ng gustong pumasyal sa Oceanarium at masaya akong ikaw ang nakasama ko.”
“It’s alright. I’m glad you’re happy.”
“Sobra. Visiting the Oceanarium is one of my bucket lists. Thanks for letting me accomplish it through you.” Ellie smiled at me.
Habang kumakain ako ng burger, bigla itong lumapit sa akin at may kung ano siyang inalis sa labi ko gamit ang hintuturo niya. Ang ikinagulat ko’y nang dalhin niya iyon sa labi niya’t kinain ’yung burger sauce na inalis niya sa gilid ng labi ko.
“Sayang,” kaswal niyang saad. Napailing na lamang ako’t ngumiti sa kanya. Baliw talaga ang lalaking ’to.
Around 9 when we decided to go home. While Ellie’s busy driving, I busied myself in scanning all the pictures we had. Nakailang shots kaming dalawa pero ’yung sa may Oceanarium ’yung pinakagusto ko. Hindi ko alam pero kinikilig akong makita iyong picture naming dalawa. God, we finally have a picture together.
“Look, we’re so cute here,” saglit nitong tinignan ang phone ko. I saw him smile before looking at the road again. I was so busy with our pictures that I didn’t realize we were already in front of our subdivision’s main gate.
“Why did we stop here?”
“Let’s walk? Gusto ko lang maglakad na kasama ka.” I didn’t ask him much. Bumaba kaming dalawa hanggang sa naglalakad na nga kaming pareho. “Did you enjoy this night?”
I looked at him and a smile grew on my face. “I did. I enjoyed it a lot. Thanks for inviting me out, Ellie. I won’t forget this.” And that is true. Sobra talaga akong nag-enjoy lalo na’t siya ang kasama ko.
“Jana.”
“Hm?” Huminto ako’t hinarap siya.
“I... I actually... I actually wanted to...” I waited for him to finish his words, but he looked so tense that he can’t tell what he wanted to tell to me.
“Oy, ano? Gusto mong?”
“I don’t know how to say this... but I wanted to say that... I... I...” Nginitian ko lang ito para sabihing handa akong pakinggan kung anuman ang sasabihin niya sa akin. I was kind of nervous about what might he say but I was also excited for I don’t know why.
Ellie heaved a deep sigh before he smiled at me. “Jana, gusto—”
“Jana.” Natigil ito sa pagsasalita’t sabay kaming napalingon sa tumawag sa akin. Ang sayang nararamdaman ko kanina ay nawala dahil sa presensya nito ngayon. “Mahal, let’s talk, please.”
“Benedict, ano na naman ba? Nag-usap na tayo, hindi ba? Matagal na tayong wala pero bakit ba ayaw mo pa rin akong tantanan?”
“Because I still love you.”
“Salamat na lang sa pagmamahal mo pero hindi ganyang klase ng pagmamahal ang kailangan ko.”
“Jana, please. Let’s work for us again. I love you and I know you still love me too—”
“You’re wrong about that,” agap ko sa kanya. Saglit akong napatingin kay Ellie. Lumayo ito nang bahagya sa amin para bigyan siguro kami ng oras para mag-usap dalawa ni Benedict.
“I won’t believe you with that. Hindi gano’n kadaling burahin ang pagmamahal, Ja. I’m sure you still love me. You told me you love me before.”
“Before,” pagdidiin ko sa huling binanggit niya saka siya tinitigan nang diretso. “Yes, I loved you before. But it faded when you fooled me, Ben.”
“No, that’s impossible,” pagpipilit nito sa akin.
“Goodness, Benedict. Can you please wake up? Sa tingin mo ba mananatili pa rin ’yung pagmamahal ko sa’yo matapos mo akong saktan? I’m not that stupid to not free myself from the pain you inflicted on me. Tapos ngayong okay na ako, heto ka’t nanggugulo na naman!” Frustration overran in my tone. “Can you please let me go? Wala na tayo!”
“Why can’t you give me chance?”
“Kasi gago ka. Tangina mo.” Hindi ko mapigilang magmura dahil naiinis talaga ako ng sobra sa kanya. “Can you just please go? Damn it!”
Sa inis ay nilapitan ko si Ellie. “Pwede mo ba akong ihatid sa bahay?” Tumango naman ito sa akin.
“Siya ba ’yung dahilan kung bakit hindi mo ako mabigyan ng pagkakataon?” Ben’s voice rose.
Gulat akong napalingon sa kanya dahil bigla niya akong hinila sa kamay. “Ben, ano ba?”
“Bro, you’re hurting her.”
“Hindi ikaw ang kinakausap ko!” He shouted to Ellie.
“Benedict, stop it!” mabilis kong kinuha ang kamay ko sa kanya. “Alam mo, ang kapal ng mukha mong manghingi ng chance matapos mo akong lokohin. The day when I found out that you cheated on me, I still treasure the memories we had. But seeing you right now, you’re just giving me reasons to regret that I once loved you.”
Hinila ko na si Ellie pero bigla itong nagsalita. “Me or him?” he suddenly asked as he eyed Ellie beside me.
“Wala akong kailangang piliin sa inyong dalawa.”
“No, just choose, Jana. Is it me or that guy beside you?”
“Benedict, ano ba?”
“Just choose!” sigaw nito sa akin.
“Fine!” I also shot back. “I’d rather choose someone who gives me comfort than a person like you who did nothing but let me feel loved but swindled me in the end.”
Gumuhit ang sakit sa mga mata nito. “So, it’s him.”
“Kung ikaw lang din naman at siya ang pagpipilian ko, mas pipiliin ko siya. Now that you got the answer that you wanted, okay na ba? Titigilan mo na ba ako? Kasi sa ginagawa mong ’to, mas lalo mo lang dinagdagan ’yung pagkainis ko sa’yo.” Hindi ito kumibo. I just saw how tears streamed on his face, but instead of pitying him, my frustrations just intensified. “This will be the end, Benedict. Don’t you dare show your face in front of me again.”
Unbeknownst, I took Ellie’s hand as I get away from him. Nang medyo malapit na kami sa bahay ay saka ako tumigil. “I’m sorry that you have to witness that. Benedict is just—”
“Why did you choose me over that guy?” I was stopped because of his question. Ellie stared at me and all I did was bite my lips. “Don’t just bite your lips, Jana. Answer me. Why did you choose me over him?”
Napatingin na lamang ako sa kabilang direksyon dahil sa pagkakataong ’to ay hindi ko siya magawang tignan nang diretso sa kanyang mga mata. Kung kanina ay naiinis ako, ngayon naman ay kinakabahan ako. Can’t he just forget what happened today?
“Do you like me?” Mas lalong dumagundong sa kaba ang dibdib ko dahil sa sinabi nito at hindi ko alam kung anong isasagot ko. “Jana, do you like me?”
Bakit niya ba kasi kailangang itanong sa akin ’to? Ngayon pa talagang ganito ang sitwasyon ko. Still biting the side of my lip, I gulped and because I knew I was already caught, I slowly nodded my head without trying to meet his gaze.
“Look me in the eyes and tell me if you like me.”
Slowly, I faced him. ”Y-yes. I... I like you, Ellie.” Mariin akong napakagat sa labi ko kasabay ng mabilis na pagpintig ng puso ko. “I like you, but—” Instead of finishing my words, my eyes ended up being bulge wide when he kissed me unannounced.
When he let go of me, the side of his lips turned upward as he deeply stared at me, and smiled. “I don’t accept buts, Jana Montecilla. Panindigan mo ’yung pagkagusto mo sa akin.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro