Chapter 5
People in this small town seems to crave for something—anything, to happen. Tila ba sobrang nakakabugyot ang takbo ng tahimik nilang buhay dito sa probinsya. Kaya naman nang kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa party ni Maurice, agad itong pinagpyestahan at pinagusapan.
The gossip and whispers about it did not die down within a day. A week after, the issue is very much alive. Bawat araw na dumaan ay may bagong haka-haka na nadadagdag o 'di kaya'y nababawasan sa kwento. Through the course of seven days, the original story has multiplied in different versions.
In all of those versions, I was always included. One of it was that I panicked while reporting the body and asked for support while I breakdown in front of the police officer. The other, which I just heard today, was that I was the one who killed the girl—Janice Manuel.
That rumor is currently my personal favorite because I secretly bathe in the fear of those who look at me in the eyes this morning. Pero kapag naaalalang hindi nga rapat ako nakakukuha ng atensyon, agad kong winawaksi ang galak sa isipan.
I reported back once I got inside the aparment that day. Wala pa si Ido no'n kaya patay lahat ng ilaw sa apartment. That wasn't the first time Maurice and Beatrice saw where I stay, but I wasn't sure about Reamo. Ngunit tingin ko nama'y hindi niya alam kung saan ako nakatira dahil nanatili lang siyang nakasunod sa amin kahit na ang mahabang daan ang tinahak ni Maurice.
Nakabaling na noon ang sasakyan ni Beatrice sa kabilang kalsada para umuwi nang mapansin kong nanatili si Reamo sa pwesto. His eyes scouted the house, narrowing at each window with no light. That time I thought he wanted to say something when he looked at me, but he remained silent. Nang makapasok ako sa loob at nakapagbukas ng ilaw sa sala ay 'tsaka ko lang narinig na pinaandar niya ang motor palayo sa bakuran.
Hindi agad ako nakatulog nang gabing iyon. I immediately received a call after my report. My case was believed to be connected to Ido's report that day, as well as in our mission. Wala pang nakuhang impormasyon tungkol sa autopsy ng katawan ng biktima sa aking parte ng mga oras na 'yon. But when morning came, they have marked it identical to Ido's found victim.
The code I received that night was the body Ido reported. SDC-ED-0027 stands for Sierra Drug Case - Expired while the number represents dead bodies that's been found to be a victim of the drug case.
SDC-ED-0028 was what I received that Monday morning, confirming the unfortunate fate of the body found in Milliamo's Place.
"Ayaw talaga umamin ni Nissa! Putang 'yon! Halata naman na siya ang nagpakalat ng lintik na kwentong iyon, eh! Nakakabwisit!"
Nasa tambayan kaming dalawa ni Maurice, isang panibagong lunes na araw. Nalalapit na ang finals kaya nagre-review kami, dapat, pero kanina pa ako hindi makapagpokus sa binabasa dahil sa pagyugyog niya sa lamesa dala ng galit.
Minabuti kong isara ang librong binabasa at isauli na ito sa library. Patapos na rin naman ako rito at halos pandagdag na basa lang din ito kaya ko hiniram. Pero wala rin naman nadagdag dahil puro mga inis na salita galing kay Maurice ang pumasok sa utak ko sa loob ng isang oras.
"Wala ka rin naman kasing ebidensiya na siya nga ang nagpakalat noon, Maurice." Sagot ko sa kaniya matapos ang mahabang oras na hindi pagpansin.
Wala si Beatrice dahil may pina-print sa labas ng campus. Kanina'y nag-text ito at sinabing sa kalapit na kainan na lang kami magkita ngayong tanghalian dahil mukhang matatagalan siya sa haba ng pila at hindi niya rin pwedeng iwanan iyon.
"She gatecrashed my party, Maya. You really think she won't do small things like spreading rumors?"
Sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko. "Kahit na. Alalahanin mo na hindi lang siya ang bisita mo noon."
He scoffed. "Correction, bwisita. At siya lang ang alam kong gagawin ang ganoong klaseng bagay sa'yo, no."
Napailing na lang ako sa kaniya at hindi na nagkomento pa. Inayos na rin ni Maurice ang gamit niya at sinabing maghahanap na ng pwesto sa kainan. We parted ways after I told him I'll return the books I borrowed first.
Bitbit ang libro, diniretsyo ko ang daan sa pagitan ng Nursing at ng Education building imbis na ang mahaba at tahimik na daan sa Botanical Garden. Because of that, I once again was under the judging gazes of those who heard the newest rumor. May isa pa akong nakita na hinila ang kasama niya para tumawid sa kabilang daan, huwag lang akong makasalubong.
Pamilyar na sa ganoong akto, hindi ko binigyang pansin ang mga nakakasalubong at diretsyong naglakad sa pupuntahan.
Sa likod lang ng aming building ang library. Some parts of the now two-story building was renovated. Bago ang mga computers sa unang palapag pati ang study lounge na naroon. May libreng wifi rito na awtumatikong magkokonek sa gamit na laptop o 'di kaya'y cellphone ng mga estudyante. Mabuti iyon dahil mahina or 'di kaya'y napuputol ang signal sa loob. There's also a mini café in the far corner of the first floor.
A small beep resound after I tapped my I.D on the scanner. Masyadong mahina iyon para makaabala ng mga nag-aaral. Kaya alam kong hindi iyon ang dahilan kung bakit nakatuon sa akin ang nanghuhusgang tingin ng ilang mga estudyante sa lounge nang makapasok ako sa library.
Binalewala ko iyon at umakyat na sa pangalawang palapag. May pinto roon para mas lalong manatiling tahimik ang buong lugar. Pagkabukas ay agad na bumungad sa akin ang librarian table na may isang babae na abala sa mga papel.
I approached the lady. Medyo may edad na ito at nakasalamin na. Agad naman nitong iniwan ang ginagawa nang mapansin ako. She smiles at me.
"Ano 'yon?" She said in hushed tone.
Ipinatong ko ang libro sa mataas na desk. "Isasauli ko po ito."
Tumango siya at bumaling sa bukas na computer. After some clicks from her mouse, she squints her eyes and read something on the monitor. Matapos iyon ay bumaling ito sa akin na bahagyang nakataas ang isang kilay.
"Maya Crisostomo?"
Ah. That look.
Isang tango at agad na nawala ang maliit na ngiti niya. She sits up straight, stick her eyes on the monitor and began typing. Nagbago bigla ang palakaibigan na awra.
Pinag-aralan ko ang galaw niya at napabuntong hininga nang tahimik. I don't want to assume much, but it seems that the rumor has reached this quiet place.
Nanatili akong nakatayo sa harap niya, nag-iintay nang gagawin. Ang alam ko, matapos lang ang pag-check nito sa computer ay may kailangan na lang akong pirmahan. Pero ilang segundo na rin ang nakalipas at nakatitig pa rin ito sa monitor, nananatili ang mataray na mukha.
"Saan po ako pipirma?" Hindi ko na naintay na itanong. Maurice must've met Beatrice by now. Magagalit iyon kung mahuli ako nang dating.
Her strict eyes only looked at me for a brief moment before she pressed her keyboards again. Not wanting to pissed her completely, I just roamed my eyes on the whole floor.
Puno ng linya ng mga libro ang buong palapag, lahat ay nakahilera sa kanan ng librarian desk. A number of study tables are arranged in a straight line on both sides of the bookshelves. May iilan na rin na nakaupo roon at mga nagbabasa. Ang ibang lamesa naman ay mga iniwan na gamit ang nakapatong.
Napabaling ako sa dulong bahagi ng palapag kung nasaan ang dalawang soundproof na kwarto. Both of the rooms has a transparent wall facing the front. Inside is a round table with five chairs around it and a large whiteboard attached on the wall. Kadalasan ay nakakakita ako ng mga estudyante na naeensayo ng presentasyon dito o di kaya'y study group.
One of the conference room is occupied. Mula sa pwesto ko, tanaw ko ang isang tao na nakatayo roon. Because of the transparent glass wall, I can clearly see that familiar serious expression etched on Reamo's face. Abala siya sa pagsasalita, nakatingin sa mga nakaupo sa pabilog na lamesa at ni minsa'y hindi bumaling sa presentasyon kahit na nilipat niya na ito gamit ang remote.
Saglit pa akong natigilan sa pwesto dahil sa nakita. Even if I can't hear him, there's no doubt how Reamo can present himself confidently. The way he stood unmoving shouts professional and ready. Panandalian pa akong napaisip kung ensayo ba ang ginagawa niya roon o tunay na presentasyon na.
A hand raised from one of his audience. Babae iyon na may mahaba at kulot na buhok, nakatalikod mula sa akin. Binalingan siya ni Reamo pero nagulat ako nang lumagpas ang tingin niya rito at nakita ako.
I saw how he slightly shifts on where he stands when our eyes met. Natigilan at halatang nagulat. Pero agad din siyang nakabawi nang muling tawagin ng babae ang atensyon niya. He then looked at her. Akala ko'y magtatagal ang tingin niya ro'n pero nang mapansin na parang muli siyang tatanaw ay agad kong ibinaling ang tingin sa librarian. Kabado na sa 'di malamang dahilan, mas lalo kong gustong mapadali ang pagproseso sa libro na hiniram ko.
"Pwede ko po bang iwanan na la-"
"Shh!" Salubong na ang kilay ng babae nang putulin niya ang sasabihin ko.
Now, I am completely sure that I have pissed her. Alam ko naman na hindi pwedeng basta-basta na lang iwanan ang libro, pero wala na akong gustong gawin kundi iyon. Hindi na lang siguro ako babalik dito para manghiram muli.
Another minute standing still and waiting for nothing made me think of just leaving the book even more. Nang halos desidido na ako sa gagawin ay 'tsaka ko narinig ang mahinang pagbukas ng sliding door mula sa dulo ng palapag. Footsteps neared me with one pair moving a bit faster than the rest. Hindi ko na naituloy ang binabalak at nabato pang lalo sa pwesto.
Lima sila kasama si Reamo. Ang dalawa sa kanila ay dumiretsyo sa pinto sa likuran ko. Hindi agad sila lumabas at nag-antay muna kay Reamo na lumapit sa librarian desk.
I unconsciously held my breath when he stood in line behind me. Normal lang naman iyon, walang kakaiba. Pero ang titig na itinuon niya sa likod ko.. hindi ako sigurado.
Akala ko ay aasikasuhin na ako ng librarian dahil nagkaroon na ng pila. Pero nang umangat ang tingin niya at si Reamo ang nginitian, ako naman ang unti-unting napataas ang kilay. Ni hindi niya manlang ako binigyang pansin at nakatuon lang ang tingin lagpas sa ulo ko.
"Anong sa'yo?" Ngiting tanong niya.
Reamo didn't answer immediately. Dahil doon, ang kasamang babae ang sumagot para sa kaniya.
"Magsasauli po ng susi, Miss." Her small voice uttered.
I guess out of sudden curiousity, I made a small move to look at her. Ngayong nakaharap ay kumpleto ko siyang napagmasdan. I was right with her long, curly black hair. Itim din ang mata niya sa likod ng isang salamin. Her eyebrows are naturally shaped. Matangos ang ilong at mapula ang manipis na labi kahit walang lipstick na ginamit. Her uniform bears the same logo as Reamo's. Engineering.
Bumaling siya sa akin nang naramdaman ang tingin. Her small smile was enough to make her eyes smile as well. Matapos iyon ay bumaling siya ng tingin kay Reamo. I might be wrong because I averted my eyes after that, but I think I caught a glimpse of how her smile suddenly drops a little.
Whatever the reason is, I didn't want to find out because I stand even more frozen when I felt Reamo shifting a bit behind me.
"Magsasauli ka ng libro?" He asked.
At dahil nasa library kami, kahit na tahimik niya iyong tinanong ay rinig naman ng mga nasa paligid naming dalawa. Lalo na ng librarian na parang napabalik sa reyalidad.
"N-naku.. Nag-hang kasi yung computer. Ni-restart ko kaya hindi ko mahanap ang pangalan niya sa system. Tapos hindi pa siya nag-tap ulit." Bumaling siya sa akin bago sa monitor ng kaniyang computer. She then moved her mouse and pressed some keys on the keyboard.
My eyes narrowed a bit. What a bunch of bull. I didn't even see the reflection of the monitor's light shutting down and opening back again. For all I know, she deleted my name on the list. And even if my name was suddenly not listed, she should've informed me so I can go down once again and tap my I.D on the scanner. Tapos ngayon, parang ako pa ata ang balak sisihin sa nangyayari.
"Mag-tap ka na lang ulit ng I.D mo, iha." Tuloy pa ng librarian.
Hindi na gustong pahabain pa ang nangyayari, minabuti kong kunin na lang ang libro at umalis doon. Of course, I thank the lady, for doing completely nothing, before going out the door because I am not rude, unlike her.
Wala na akong balak na bumalik doon ngayon. Siguro, pagkatapos na lang namin kumain at kung kailan hindi na ang babaeng iyon ang nakatoka sa desk. O kung kailan wala si Reamo doon. Definitely, when he's not around is more preferable.
Matapos ang paghatid niya sa amin noong nakaraang linggo ay ngayon ko na lang siya muling nakita nang harapan. I saw him entering the school last week and I still remember how I did not went out of Ido's car until he completely went pass the gate. Halos iwasan ko rin ang buong Engineering building, huwag lang magkaroon ng tyansa na makasalubong siya. But look at how I'm played today.
Sa totoo lang, matapos ang gabing iyon, mas lalo kong pinanghinalaan si Reamo. That night, after years of being deployed in different missions, I made a huge mistake. When I recalled the events that happened in hopes of finding some clue to add in my own research, I realized I did something that might've put me in deep shit.
Nang tanungin ako ni Reamo kung anong mali nang makita niya ako sa tapat ng banyo, imbis na ipatawag ang manager ng establishimento, pinatawagan ko sa kaniya ang mga pulis.
I know it's just a small detail. But after observing Reamo for a short time, I noticed how he give huge attention on small details all the time. And me, calling for cops instead of the manager because the bathroom door is not opening is highly suspicious—or maybe I just sound so nit-picky that time. And how I hope that's the case, and I sincerely wish that's how the police in charge of me think so. Pero sa mapanuring mata ng lalaking officer noon at maging ang tinginan nila ni Reamo, sa tingin ko'y hindi sumagi sa isip nila na naging maarte lang ako noon.
The truth is, I panicked. Alam ko kung ano ang tamang gawin sa gabing iyon. If I had enough time, I could've maneuvered my way in the bathroom and out of it to investigate and not be seen throughout the process. Hindi ko na kakailanganin pang tumawag ng kung sino. But then I panicked because Reamo was already on my tail that time.
Hindi ko alam kung nasundan o sinundan niya ako doon. What I knew was that I couldn't do shit because my nerves got the best of me when I saw him standing there and eyeing me like a hawk.
The decision I made is questionable and I honestly don't know why the officer didn't ask me about it during the interrogation. Pero may hula ako na si Reamo ang may kagagawan kung bakit gano'n. Ito rin ang dahilan kung bakit pilit ko siyang iniiwasan sa buong linggo. And if I can do it longer than that, then that would be better.
Pero.. maaari rin naman na masyado ko lang binabasa ang mga nangyari. There's also the other possibility that what I did isn't that notable. Sa pagod na mukha ng officer, maaaring hindi na rin niya naisip iyon. That could also be the case. But..
Ipiniling ko ang ulo. Iisipin ko na lang iyon sa ibang panahon. Ngayon, dapat makalayo ako sa library at mapuntahan na sila Maurice lalo na nang maramdaman ang 'di tumitigil na pagtunog ng cellphone ko nang makalabas sa library.
A group of chattering students went pass me on the hallway outside the library. Nakalagpas na sila nang bigla silang tumahimik at may naramdaman akong humawak sa braso ko. I was still under my trace of thoughts that's why I didn't react fast on it. Napatigil din ako sa paglalakad at binalingan ang humawak sa akin.
"Maya?" Wondering eyes greets me. Nang makilala at mapagmasdan ako ay lumiwanag ang mukha ng lalaki.
Imbis na sumagot ay bumaling ang mata ko sa kamay niya sa aking braso. He then let go immediately. Magaan lang naman ang hawak niya ro'n kaya walang iniwan na marka. Tumingin din ako sa kaniya pagkatapos. When I caught his small, narrowed eyes, I remembered who he was. It's the guy back in Milliamo's Place. Russel, right?
"Akala ko nagkamali lang ako ng kita..." He said. A tint spreading across his cheek. At dahil maputi siya ay agad na kita iyon.
"May kailangan ka?" Tanong ko nang natahimik siya. Siguro naman ay hindi niya ako pinigilan sa paglalakad para lang kumpirmahin kung tama na ako ang nakita niya.
"Siya 'yon?" Galing ang bulong sa mga kasama ni Russel.
Napabaling tuloy ako sa kanila. Hindi naman sila malayo at halos ilang hakbang lang mula sa amin. Tahimik lang din naman ang bulungan nila. When they noticed my stare, they all averted their eyes from mine.
"Uhh.. do you still have the officer's number? Nawala kasi 'yung cellphone ko kagabi." Sabi ni Russel.
Umiling ako. "I don't have it. Pero baka si Maurice, mayroon. Do you want me to ask him?"
"Oh, hindi na. Kahit na ako na lang. Can I have his number instead?"
I paused. Maurice was very firm about not giving away his number to anyone. He said that if they really want it, they could go ask him face to face.
"I'm sorry. I can't." Sabi ko sa kaniya.
"No, it's fine." He smiled, not a trace of disappointment pasted on his face.
Napa-isip ako. "Pupuntahan ko sila ni Beatrice ngayon sa labas ng campus. You could come with me if you want."
He paused, the red stain on his cheek reached his ears. Tumingin siya sa mga kaibigan niya na para bang humihingi ng permiso. Collective head shakes noting disapproval was their answer.
"Late na tayo." Sagot pa ng isa sa kanila.
Denied, Russel looked back at me with the same blushed face. May kinuha siyang cellphone sa bulsa. Halatang bago ang hawak na gadget.
"Pasensya na pero pwedeng pakibigay na lang ang number ko kay Maurice?" He asked.
I nodded and fetched my own phone. Binalewala ko ang 'di magkamayaw na mensahe galing kay Maurice at Beatrice at iti-nype ang mga binabanggit na numero ni Russel. Sa kalagitnaan nang pagsabi niya at pagpindot ko ng numero ay may narinig akong ingay mula sa bagong labas na grupo sa library. Napaangat ang tingin ko mula sa screen ng aking cellphone at tinanaw iyon.
It's Reamo's group. Naunang lumabas ang tatlong kasama niya samantalang kasabay naman niya ang babae kanina. Pagliko pa lang nila sa kanan ay agad na nagtama ang tingin naming dalawa.
My finger hovered on the screen. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko, pagkatapos ay kay Russel siya bumaling. When his eyes slowly darkened, I returned my gaze on my phone.
Bumudol muli ang kaba sa dibdib ko. I wasn't sure if I touched the right number on the screen of my phone. Sinunod ko lang ang dalawa pang huling numero bago dinagdag ang pangalan ni Russel.
"Sige, ibibigay ko agad kay Maurice ito." Mahinang sabi ko. Cautious that Reamo will hear me and pay attention even more.
"Thank you!" Taliwas naman kay Russel na may kalakasan ang boses na may halo pang tuwa.
I quickly bid goodbye to him. Wala na akong inaksayang segundo kahit na malayo pa ang distansya ko mula sa grupo. Bumagal man ang lakad nila nang tawagin ni Reamo ang atensyon ng tatlong nauunang naglalakad, hindi pa rin ako naghintay na makalapit sila bago ako tuluyang umalis doon.
I walk away trying to tame the increasing pounding of my chest.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro