Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

"Thank you." I accepted the glass of water that Beatrice gave me. She sits next to me after.

She's very much sober now, probably because she threw up a bit after I left her with Maurice or maybe because of the blaring sound of the siren from the ambulance ringing all over the premises.

We're seated on one corner of the pavilion. The party died down minutes ago after Maurice shuts the DJ silent. Of course, that was after Reamo went out and told him what was happening. Which only happened after I convinced Reamo that I am perfectly fine for the nth time.

I stare at him as he, Maurice, and a man which looks like the manager talks to the officer. Reamo's standing so stiff and still that one may think he's not moving a muscle and is intently listening. But anyone who watch so keenly will see how his eyes often looks and darts to where we are seated.

Lahat kami ay napabaling nang lumabas ang dalawang tao mula sa hallway ng banyo. They are now lifting a stretcher. On top of it is a body, which wasn't there when they went in, covered with white cloth. Dumiretsyo agad sila palabas.

Bukod sa aming anim, wala nang iba pa ang narito sa loob ng pavillon. From here, through the glass walls, I can see that the rest of the crowd were ushered near the pool which is now well-lit. Dalawang officer ang naroon at isa-isang tinatanong ang mga tao. They also went silent when they saw the body being loaded into the ambulance. Nang isara ang likod, hindi nag-aksaya ng oras ang sasakyan at agad na umalis.

What's left after is the interchanging red and blue colors from the police car and the increasing murmurs from the interrogated crowd outside.

Naalis ang tingin ko sa labas nang marinig na may papalapit sa amin. Maurice left the small group. He has his arms crossed and not a trace of smile can be seen on his lips.

Although I am pretty sure he is happy that the party's finally over. Maybe just not the way he wanted it to end.

"They wanted to ask you questions." He said.

"Okay." Maiksing sagot ko.

In fact, I should've been asked right away. But one glance from Reamo and the officer asked for me to be seated first and wait.

Tumayo ako. Nauna akong maglakad kay Maurice na binalingan muna si Bea at inalalayan na tumayo. Diretsyo naman ang lakad ko at hindi na pinansin pa ang nakaabang na titig ni Reamo.

Nang makalapit ay bahagyang yumuko ang lalaking officer sa akin. He's nearly fourty, perhaps, judging by the faint wrinkled lines at the corner as well as in between his eyes. Maybe due to constant frowning. Dumaan ang pagod sa mukha nito na agad din na nawala nang balingan ang notepad na hawak. I figured that the manager on the left of the officer wasn't the owner when I came nearer and saw his face much better. Hindi ako nito binalingan, abala sa cellphone na hawak.

"Magandang gabi. Police Officer Franco Magsilang." bati ng lalaking pulis nang humarap sa akin. He offered a handshake and I accepted it.

"Magandang gabi po."

"Kailangan kong magtanong ng ilang bagay. Ayos lang ba sa iyo na sumagot?" I nodded. Tho, I don't think there's not much intel I am willing to offer.

He sighed and went back on his notepad. "Pangalan?"

"Maya Crisostomo."

"Edad?"

"Nineteen."

This time, he left his eyes on me but not letting his hand holding the pen off of the notepad. I know that besides that, his body cam is recording the whole conversation.

"Ikuwento mo ang buong nangyari."

Kinuwento ko ang gusto niyang marinig. Of course, I left the unnecessary bits, most especially the phone text I received. Tahimik siyang nakikinig sa akin, ang kamay na nagsusulat ay sumasabay sa galaw ng aking bibig.

I did not break a sweat storytelling in front of the officer, but the side of my face feels burning from another, and more intense, gaze I am receiving from the guy on his right. Sa kabila no'y patuloy ako sa pagkukwento kahit ang gusto kong gawin ay tumalikod at magtago mula sa malalim na tingin na iyon.

The period he left on his notepad after I spoke was pressed with pressure. I know why. Because there's not much of a starting point from what I stated.

He then looked outside where everyone is. "Nakikita mo ba r'yan kung sino ang nakasalubong mo kanina?" Tanong nito.

Nakahanap nang pagkakataon na tumakas sa tingin ni Reamo, agad akong bumaling sa tinutukoy ng lalaking pulis. Dahil sa mga ilaw, agad kong nakita ang lalaking nakasalubong kanina. He's standing at the front of the crowd, talking to three guys. All of them are sporting a confused look.

"Yes." I answered.

"Maaari mo bang ituro kung sino r'yan ang lalaking nakasalubong mo?" Without hesitation, I pointed the guy wearing a red shorts and an open black jacket.

He wasn't wearing that jacket earlier and I only managed to take a glimpse of his red shorts. The guy's messy hair and small eyes, which now I proved natural as he gets nearer the pavilion, were the reasons I quickly identified him. Nauunang naglakad sa kaniya ang isa pang pulis na siyang nagbukas ng pinto at saka pinaunang maglakad papasok ang lalaki.

He is even more confused than when he's with his friends. Nang tumapat ang tingin sa akin ay bahagyang nanlaki ang mga singkit na mata niya. Suddenly, it's as if he puts the puzzle pieces together.

The officer cleared his throat. "Miss Crisostomo, nakikilala mo ba ang lalaking ito?"

"Yes."

Police Officer Magsilang then faced the guy. "Ikaw, nakikilala mo ba ang babaeng ito?"

Tila ba nagdalawang-isip pa ang lalaki, nabigla sa biglaang tirada ng tanong sa kaniya. Sumulyap pa ito sa akin bago sumagot. "Yes... Nabangga ko siya palabas ng banyo."

The heavy gaze caging me was suddenly lifted. Gumaan ang pakiramdam ko pero hindi ako nakasisiguradong ganoon rin sa binalingan ni Reamo. The poor guy mistakenly looked beside the officer and visibly paled. Agad din siyang nag-iwas ng tingin pero nanatili ang pamumutla.

Nagpasya ang officer na ibukod ng pwesto ang lalaking kausap. They then walked on the far right corner of the pavilion, followed by the Manager. Si Reamo na nananatiling madilim ang mga mata ay sinundan lamang ng tingin ang lalaking kasama ng pulis, hindi na sumunod pa sa kanila.

"Holy shit, Maya." Nakapameywang na ngayon si Maurice. "Binangga mo si Russel?"

"Weren't you listening? Siya ang binangga!" Sabat naman ni Beatrice.

"Sinadya mong mabangga?"

And here I thought they'll be both sober by now. Naisin ko mang mapailing, hindi ko rin nagawa nang naramdaman ang buong atensyon ni Reamo na biglang tumuon sa akin.

"Are you alright?" Hindi man gumalaw sa pwesto, nagawa niya pa rin na magtanong sa kabila nang bangayan ng dalawa sa aking harapan.

Just how many times am I going to hear that from him?

"I am." Sagot ko na hindi siya binabalingan. Hindi siya nagsalita matapos iyon.

Nanatili kami sa aming pwesto habang inaantay na matapos ang pagtatanong sa lalaki. It's getting pretty late. People outside are looking tired and ready to go home any minute now. Tingin ko'y ilang tao na lang ang kailangang tanungin bago matapos ang interogasyon sa labas. Maurice did invite a few people.

Sa pagtitig sa labas, napansin ko na may ilang lumalayo na sa mga tinatanong pang grupo. Isa na ron ang papalapit na babae rito sa pavilion.

Millicent did not move nearer the glass walls. Ilang metro pa ang layo niya sa pavilion pero tumigil na siya sa paglalakad. Dahil sa ilaw, kitang kita ko na ang maamo niyang mukha. Her porcelain skin glows and gets even more highlighted because of her black dress.

Wala si Nissa. Siguro'y napagod o naiirita sa nangyayari at naupo na sa isang tabi. It's a good thing that she's not following her cousin. Because if she sees that I'm inside the pavilion while she's out there getting bit by mosquitos or some bugs, I may not have a good Monday tomorrow at school.

Mula sa pwesto, kita ko ang pagtanaw niya rito sa loob. Marahil binabalak na magpaalam kay Maurice o 'di kaya'y umusisa sa nangyayari. Pero tingin ko naman, hindi ang gaya niya ang gagawin 'yon. Her cousin, maybe.

"No, Trice. Give me your keys, I will drive." Nawala ang paningin ko kay Millicent nang magsalita si Maurice.

"Hindi ako lasing!" Beatrice said loudly which made Police Officer Magsilang look at us for a bit, but resumed the interrogation after.

"Just give me the damn key to your car!" Sigaw pabalik ni Maurice gamit ang pinal na tono na siyang ikinatahimik ni Bea. She silenty opens her purse to fish out her car key. Inagaw naman iyon ni Maurice nang nakitang nagdadalawang isip pa siya sa pag-abot. "Kapag umuwi ka na may gasgas ang sasakyan mo, tingin mo sino ang pagagalitan ni tito? Hint. Me." Sabay turo pa niya sa sarili.

Beatrice pouted but remained silent.

Sakto naman na bumalik sa aming pwesto ang pulis kasama ang lalaking tinanong niya. The officer is muttering orders on his mic clip attached on the upper left chest of his uniform. Nadagdagan ang kunot sa noo nito, samantalang nabawasan naman ang sa lalaking kasunod niya. Tahimik din na nakabuntot ang Manager sa lalaki, hindi na hawak ang cellphone ngayon.

"Maraming salamat sa iyong kooperasyon, Miss Crisostomo." Naglahad muli ng kamay ang pulis na siyang tinanggap ko. "Maari na rin kayong umuwi. Magandang gabi."

He also shooked hands with Maurice and Beatrice. Ganoon din kay Reamo, pero kita ko ang nauusap na tinginan nilang dalawa. Matapos no'y bumaling ito sa Manager at sa lalaki, muling nagpaalam at lumabas sa pavilion makaraan. Pagkalabas niya ay agad naman kaming binalingan ng Manager. Propesyunal ang porma nito.

"On behalf of the staffs of Milliamo's Place, I would like to sincerely apologize for the inconvenience this unfortunate event has caused all of you. We take full responsibility and assure you we'll take necessary actions to address this. To start, we will give you a hundred percent refund and book you any day you'd like for free, if you still prefer our service. We owe you this and if there's anything more that we can do in this regard, please do inform us." Bahagya itong yumuko sa amin.

Maurice then conversed with him. Imbis na makinig, lumayo ang atensyon ko sa kanila nang gumalaw ang lalaking nakasalubong ko kanina. He was hesitating at first but braved himself to move a step towards my direction. Halos mapatigil siyang muli nang saglit na balingan si Reamo sa aking likod pero nang nakitang nagaabang ang tingin ko'y itinuloy ang balak na paglapit.

"Hi.." he started. Tumaas lang ang kilay ko bilang sagot sa kaniya. He touched the back of his head, a faint red staining below his small eyes. "I, uh, I wanted to apologize 'bout earlier. I was rude and, uh, I really to didn't mean to shout at you. I was just drunk and-"

"Ayos lang. Hindi ko rin naman natignan ang dinadaanan ko." Agad kong putol sa kaniya nang naramdaman ang munting paggalaw ni Reamo sa narinig.

"Kahit na," agad na sabi niya. "medyo napalakas pa ang pagbangga ko sa'yo kanina.."

Shit, dude. Just stop.

Ako lang ata ang nakapansin nang pagbaba ng temperatura rito sa aming pwesto habang tuloy-tuloy ang pagkukwento ng lalaki. Kahit nakatalikod mula kay Reamo, ramdam ko ang lamig ng titig niya sa lalaking kaharap ko.

"Ayos lang talaga." At para mas lalong makumbinsi ay binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Napatitig pa ang lalaki saglit bago umiwas.

"Uh, s-sure."

"Hi, Russel!" Si Beatrice na may malawak na ngiti. Wala na ang takot kanina kay Maurice na hanggang ngayo'y abala sa pagkausap sa Manager.

"Hello, Beatrice." Sagot naman ni Russel na binigyang atensyon si Bea.

"Omg! You know me?" Manghang tanong niya.

"Of course. Kasama mo lagi si Maurice, diba?"

Beatrice squeels like a teenager. Kilig na kilig. Matapos no'y bigla ako nitong tinuro.

"Kung gano'n, kilala mo rin ba si Maya?"

Muli, namula ang lalaki nang balingan ako.

"A-actually, I-"

"Uwi na tayo! Bilis!" Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin dahil sumingit na si Maurice.

Palabas na ang Manager sa pavilion at mukhang kakausapin naman ang mga nasa labas. Takha kami sa pagmamadali ni Maurice.

"Tara na bago pa ako hanapin ng mga 'yan!" Sabay hila nito sa amin ni Beatrice.

Nagpatianod kaming dalawa. Dumaan kami sa kabilang gawi ng pavilion kung saan ang parking lot. Kabi-kabila rin ang mga naroong sasakyan pero ni isang tao ay wala pa. Sa bandang dulo, malapit sa gate, na nakapag-park si Beatrice kanina dahil huli na kaming nakarating.

"Hindi ba sila magagalit, Maurice? We just left like that." Gulat na tanong pa ni Bea.

"Oh, no. They won't even care. Lahat ng mga naroon ay gusto na lang din na umuwi." Balewalang sagot ni Maurice matapos patunugin ang sasakyan.

Umikot si Beatrice sa kabila samantalang binuksan ko naman ang pinto sa likod ng driver's seat. Pero bago 'yon ay napabaling ako sa aking likod nang may narinig na isa pang nabuhay na makina.

The open headlights of a motorcycle near the pavilion caught my eyes. Even from afar, I can make out Reamo's silhouette. He maneuvered the vehicle out of its spot. At dahil hindi pa ako pumapasok sa sasakyan ay naaabutan niya ang tingin ko. Napahigpit ang hawak ko sa pinto nang pinaandar niya ang motor at tumigil iyon sa tapat ng sasakyan sa aming gilid.

"Samahan ko na kayo." Kaswal na sabi niya. Para bang normal lang na bagay iyon at hindi kagulat-gulat, 'di gaya ng reaksyon ng dalawa sa loob ng sasakyan.

The two were a mess before they managed to come up with an answer that I did not like at all.

"Talaga, Reamo?" Paumpisa ni Maurice. "Sakto! Hindi na kasi kasya si Maya rito sa loob."

Agad akong napabaling sa sinabi niya. Unti-unting nagsalubong ang kilay ko, hindi natutuwa sa narinig.

"Maurice." I said warningly.

"Nasa likod ang mga regalo ko, Maya. Baka malukot mo pa 'yan. Sayang!" Maarteng saad niya.

Nang silipin ay totoo ngang naroon ang mga regalo niya, siguro'y pinalagay kanina, pero iilan lang iyon! Nakakalat lang kaya mukhang maraming bagay sa likod pero kung aayusi'y kasayang kasya ako.

"Ililipat ko na lang sa likod ng sasakyan." Ani Reamo. Siguro'y nakita kung gaano kaunti ang sinasabing mga regalo.

"'Wag! Isakay mo na lang si Maya." Pagpupumilit pa ni Mau lalo na nang makitang bumaba si Reamo sa motor.

Dahil mukhang hindi naman pagbubuksan ni Maurice si Reamo ng sasakyan, minabuti kong pumasok na sa loob at isalansan ang mga regalo.

"Maya, labas ka nga!" Si Beatrice naman ngayon ang kumulit sa akin.

Inignora ko siya at tinuloy ang ginagawa. While arranging the gifts, I can't help but listen to Maurice and Reamo.

"Medyo malayo ang sa amin. Unahin mo na lang kayang ihatid si Maya?" si Maurice.

"Hindi na. Susunod na lang ako sa inyo kung ayos lang."

Sa tono ni Reamo ay bahagya akong napabaling sa kaniya. Siya na ang may hawak sa pinto ng sasakyan ngayon, bahagyang nakayuko. Nagulat man ay pilit kong itinago nang nakitang sa akin siya nakatingin. Again, he caged me with those dark eyes.

"Kung ayos lang sayo?" Tanong niya.

Sigurado akong nakarinig ng impit na tili mula sa dalawa kong kasama sa sasakyan pero hindi sila binalingan ni Reamo. Maging ako'y hindi nakabaling, nananatiling kulong sa tingin niya. He waited for my answer.

A blink, then I was able to avert my gaze.

"Sure." Tahimik na sagot ko, na naging maingay dahil tahimik ang paligid. I resumed arranging the remaining boxes.

Nang marinig ang pagsara ng pinto sa aking gilid ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Kasabay no'n ang hindi magkamayaw na tilian ng dalawa at maging ang tuloy-tuloy na pagkalabog ng aking dibdib.

What the hell was that?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro