Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 5

Samantala naman...

Napataas ang kilay ni Lorenz sa nalaman niyang impormasyon tungkol kay Mona. Dahil na rin sa kanyang koneksyon, nalaman din niya ang dating pinapasukan ni Mona at nakakagulat na mabigat pala ang trabaho ng dalaga noon sa isang construction site.

"Sigurado ka po ba na siya talaga si Ramona Beltran? Isa siyang carpenter sa site na 'to? Skilled worker talaga siya?" tanong ni Lorenz sa nakausap niyang HR manager ng dating pinapasukan ni Mona.

"Oo sir. Gusto mo bang makita rin ang ID niya? Bakit mo nga pala tinatanong ang tungkol sa kanya? May nagawa na naman ba siyang gulo?" usisa ng lalaking HR manager na mabilis namang pinabulaanan ni Lorenz sa mabilis na pag-iling niya.

"Kakilala ko siya. I mean, pinapahanap lang siya sa akin ng kamag-anak. Maraming salamat dahil kahit confidential, nagawa mo pa ring i-reveal ang info niya sa'kin." Pormal na ngiti ang pinakita ni Lorenz. Pagkaalis niya sa construction site office, bigla niya namang naalala na may usapan pala sila ni Mona at pumayag na siyang makipagkita rito. He was nervous at that time, paano ba naman kasi, masisilayan na nga siya ng dati niyang nobya at wala na ito sa wisyo ng alak. Nagmadali tuloy siyang pumunta sa bar. Ngunit habang bumabyahe, isang unexpected message naman ang natanggap niya kay Mona.

"Sorry, hindi na ako makakapunta. May biglang raket ako eh," sabi nito sa text. Naudlot ang mumunting pag-asa ni Lorenz at tila nanamlay siya sa mga sandaling iyon. Pinahinto niya ang sasakyan at biglang sumagi sa isip niya ang ideya na i-check si Mona sa bahay nito o kaya sundan. He have to be kind to her, once na magkita sila dahil iyon din ang pinakamabisang paraan upang makuha ang tiwala nito.

Habang si Mona naman, hindi na mapakali dahil sa threatening messages na natatanggap niya kanina pa. It turns out na nagsinungaling pala ang lola Ising niya sa kanya. Hindi naman pala ito nagbayad ng bayad sa upa niya sa bahay at umutang pa ito ng malaking halaga sa landlord. Kapag hindi niya nabayaran iyon sa loob ng 72 hours o dalawang araw, patuloy na siyang mapapaalis sa bahay na kanyang tinutuluyan.

"Mapanakit na nga si Lola, nagawa pa niya akong lokohin. Hindi lang ako, pati na rin ang landlord ko. Alam kong hindi naman niya ako tunay na apo pero sumusobra naman siya," nahihikbing sambit niya at nagkulong pa sa kanyang silid. Kanina pa nga siya iyak nang iyak dahil buong akala niya, concerned sa kanya ang Lola Ising niya kaya siya nito binantayan sa buong magdamag. Iyon naman pala ay may gusto lamang na makuha sa kanya. Ang iniwan nitong pera sa kanya ay napakaliit lamang kumpara da inutang nito gamit ang kanyang pangalan.

Habang si Lorenz naman ay nakatanga lamang malapit labas ng bahay ni Mona. Inisip niya kung kailan nga ba ito lalabas ng bahay o kung masisilayan man lang ba niya ito kahit sa bintana lang.

"Katukin ko na lang kaya?" Bumuntong-hininga siya at bumaba sa kanyang kotse. Palapit na sana siya sa tapat ng bahay ng dalaga ngunit may tatlong kalalakihan naman na biglang sumulpot at kinatok ang pinto ng bahay.

"Hoy! Ramona Beltran! Harapin mo kami! Alam namin na nandyan ka!" sigaw ng bruskong lalaki na tila hindi sumasanto ng sinuman, kahit na babae pa.

"Tama! Lumabas ka dyan! Ano, gano'n gano'n na lang, tatakbuhan mo ang utang ng lola mo?" gatong naman ng kasama nito na medyo payat at katamtaman ang tangkad.

Ramdam ni Lorenz na hindi maganda ang gagawin ng mga lalaki kay Mona. At madali niyang na-sense na pera lang naman ang dahilan kung bakit siya hinahabol ng mga ito. Kaya naman, naglakas-loob siya na lumapit nang mahinahon.

"Excuse me, anong kailangan ninyo kay Mona?" diretsang tanong na ni Lorenz. Ilang segundo lang ang lumipas at hinarap naman siya ng mga lalaking gumagambala kay Mona.

"Kapag ba sinagot namin ang tanong mo, may mapapala kami sa inyo?" tanong ng bruskong lalaki.

"Oo. Bibigyan ko kayo ng pera, huwag n'yo lang siyang saktan o takutin sa anumang ginawa niya sa inyo," sagot naman ni Lorenz. "Pero hindi tayo rito mag-uusap."

Sabay-sabay na napatango ang mga lalaki. Nagkasundo sila na sasama kay Lorenz at saka lamang nagsalita ang isa sa kanila nang maabutan na niya ang mga ito ng tig isanlibong piso.

"Pinadala kami ng landlord ni Mona. Ako nga pala si Gabby. Ito naman sina Dencio at Jerome," pagpapakilala ng bruskong lalaki na tila nangunguna sa kanilang grupo.

"So, bakit n'yo tinatakot si Mona? Ano 'yong mga narinig ko habang kinakatok n'yo siya sa bahay niya?" curious na tanong ni Lorenz.

"Nagagalit ang boss namin dahil bukod sa hindi pa siya nakakabayad ng renta, umutang pa ng malaking halaga ang lola niya at sinabi na siya raw ang magbabayad. Nang makuha ang pera, ayun, hindi na nagpa-contact. May nakapagsabi sa amin na kaaalis lang daw kanina papuntang probinsya. Oh di ba, niloko niya ang amo namin. Sino pa bang hahabulin? Syempre, walang iba kundi ang apo niya," pagsasalaysay ni Gabby.

"Kapag nabayaran ko ba ang utang niya, may assurance ba ako na hindi n'yo na siya guguluhin? Magkano ba ang utang niya sa inyo?"

"One hundred thousand. Panggamot daw sa ospital ng apo," sagot ni Gabby.

"Babayaran ko. Pero, may ipapagawa rin sana ako sa inyo. At hindi ko naman ipagagawa iyon nang libre." Tinatagan ni Lorenz ang pagkakatingin sa tatlo.

Samantala naman, nakahinga rin nang maluwag si Mona nang ma-realize niya na wala na ang mga tauhan ng landlord na naghahanap at naniningil sa kanya ng utang.

"Diyos ko naman, ang sabi nila within 72 hours dapat mabayaran tapos wala pa ngang isang araw, nambulabog na agad sila?" Windang pa rin siya habang nakasilip sa maliit na siwang ng bintana. Ngunit ang pinagtataka lamang ni Mona ay ang biglang pagsuko ng mga ito na kalampagin siya. Wala pang dalawang minuto ang mga ito sa pambubulabog at tila may umawat lamang sa kanilang pagsigaw.

"Pero sino kaya? Baka mga tanod lang 'yon na sinita sila," hula niya saka bumuga ng hangin. Naramdaman niya ang antok at nakatulog na rin siya makalipas ang ilang minutong pagmumuni-muni sa silid.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro