Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 4

Kinaumagahan naman, nagising si Mona na masakit ang ulo. Hindi siya nakapasok sa tamang oras para pumasok sa trabaho dahil kakagising niya lang ng alas dose ng tanghali kung saan ang dapat na oras para sa kanyang trabaho ay eksaktong alas otso dapat ng umaga para mamasada sa isang delivery company. Tinapik niya ang ulo niya dahil sa sobrang sakit. Pinag-iisipan pa niya kung paano siya nakauwi kagabi at sa pagkakaalala niya, iniwan siyang mag-isa ni Dex at obviously, masama ang loob nito sa kanya. Pumunta siya sa kusina at uminom ng maligamgam na tubig para makaramdam siya ng katahimikan. Pagkatapos, unti-unti niyang inaalala ang lahat ng bumabagabag sa kanyang isipan bago siya nakatulog.

"Sigurado akong dinala ako dito ni Dex, malay ko ba na binalikan niya ako. Kaso, parang ibang tao na pamilyar ang nakita ko kagabi. Pero, saan siya nagpunta?" Nagtatakang tanong niya sa sarili.

Ngunit napatalon na lang siya sa gulat nang hampasin siya ng kanyang lola na nakatayo pala sa likuran niya.

"Lola? Nandito pala kayo. Bakit kayo nandito? Sinong nagpapunta sa inyo?" gulat na tanong niya at patuloy pa ring umiiwas sa pagpalo ng kanyang Lola Ising. Palibhasa, dalagita pa rin ang tingin nito sa kanya kahit lagpas bente singko na ang kanyang edad.

"Kung hindi pa tumawag si Dex, hindi ko malalaman na nakipagkita ka sa kanya at ginusto mo pang maging kabit!" naiinis na litanya ni Lola Ising.

"Tama na po, tama na, lola! Please, magpapaliwanag ako," pakiusap ni Mona dahil hindi na rin niya matagalan ang paghampas sa kanya ng lola gamit ang hanger na hawak nito.

"Paano mo maipapaliwanag na lasing ka kagabi tapos hindi pa si Dex ang naghatid sa'yo?" paangil na tanong ni Lola Ising saka nagpakawala ng buntong-hininga. Ilang saglit pa ay napakalma naman niya ang kanyang sarili.

"Hindi ba ako hinatid ni Dex?" nagmamaang-maangan na tanong ni Mona. Basta ang huli niyang natatandaan, iniwan lang si ni Dex sa bar dahil sa sobrang pagkadismaya nito sa mga naging reaksyon niya patungkol sa napipintong pagpapakasal nito.

"Hinatid ka ng lalaking taga bar! Nakakahiya kang babae ka! Anong pumasok sa isip mo at naglasing ka nang hindi man lang nagtitira ng pang-uwi? Paano na lang pala kung wala ako sa bahay na 'to kaninang hatinggabi? Eh 'di baka napagsamantalahan ka na nung lalaking naghatid sa'yo!" panenermon pa ni Lola Ising sa kanyang apo.

"Pwede po bang malaman kung nagpakilala sa inyo 'yong lalaking naghatid sa'kin?" kinakabahang tanong ni Mona at lihim na dinarasal na sana'y hindi nga siya napagsamantalahan ng lalaki kagabi. Ngunit may bahagi naman ng kanyang isipan na tila nagtataka dahil parang pamilyar ang lalaking iyon. Kahit wala siya sa wisyo dahil sa kanyang kalasingan, iyon lang ang bagay na pinakatiyak niya.

"Iyan oh." Pagalit na inihagis ni Lola Ising ang calling card ng lalaking nagmagandang-loob kay Mona.

"Lorenz Tadeo Chen?" That is the name of the guy, and she failed him by breaking his heart.

"Ano? Kilala mo ba? Nagmamaang-maangan ka pa. Ayaw mo na lang aminin sa'kin na boyfriend mo 'yan tapos gusto mo pang maging kabit ng bestfriend mo na nakatali na sa iba? Hindi ganyan ang nanay mo noong kabataan niya. Anong nangyari sa'yo at naging pariwara ka? Hindi na kita maunawaan, Mona," naghuhuramentadong pakli ni Lola Ising at saka naglabas ng pera mula sa kanyang pitaka.

"Ako na ang magbabayad sa landlord ng upa mo, wala ka nang aalalahanin. Ako na rin ang magpo-provide ng pagkain mo. Huwag na huwag kang lalabas Mona, dahil nakakahiya ka. Paano na lang pag nakita ka ng ibang tao rito," pagpapatuloy ni Lola Ising.

"Salamat lola. Papalitan ko rin ito kapag naka-extra na ako ulit sa mga construction site," nakangiting sagot naman ni Mona. In fairness naman sa kanyang lola, kahit na may pagka-strict nito at mapanakit, nagbago naman ito at hindi talaga siya nito natitiis, nako-compromise naman nila ang isa't isa. Siguro'y blessing na rin kung maituturing ang pagbabago nito ng ugali.

"Sige. Magpahinga ka pa kung wala kang pasok. Ako na ang bahalang maglinis dito." Mabilis na nakakuha ng walis at feather dust si Lola Ising. Una niyang nilinis ang maliit na kama sa loob ng bahay.

"Malinis na rito," sambit ni Lola Ising.

"Kung magnonobyo ka at kung sakaling may nangyari na pala sa inyo, kailangan niyang humarap sa akin!" pagpapatuloy nito.

"Lola, wala akong nobyo. At hindi nga po ako magnonobyo kung hindi lang din si Dex," hopeless na sagot ni Mona. Matapos na mananghalian, iniwan na rin siya ni Lola Ising. Sa puntong iyon, bigla niyang kinuha ang calling card ni Lorenz Tadeo. Gusto niyang makumpirma kung ibang tao lang ito at kapangalan lang ng dati niyang boyfriend. Ngunit hindi nga niya inasahan na tila kumabog ang puso niya kung sakaling ang dati niyang nobyo nga ang naghatid sa kanya kagabi.

"Imposible, galit na galit sa'kin si Lorenz dahil sa pagmamaliit ko sa katayuan niya sa buhay. Malabong siya 'yon saka hindi naman sa minamaliit ko siya, pero sa tingin ko, hindi pa niya afford na magkaroon ng kotse. O kaya naman, baka hindi 'yon sa kanya," mahinang usal ni Mona. Pero alam niya, wala namang mawawala kung aalamin niya kung ano ang katotohanan. Dahil kung ibang tao nga 'yon, bakit parang namukhaan niya ito nang isakay siya nito sa kotse nito?

Naglakas loob na si Mona. Nagpadala siya agad ng text message na nagsasabing, "hello, pasensya na sa abala. Pero gusto ko lang malaman kung ikaw ba ang naghatid sa'kin kagabi? Ako 'yong lasing sa bar. Gusto kong magbayad sa kabutihang loob na ginawa mo."

Hindi na sana siya mag-e-expect ng reply mula sa lalaking iyon pero nag-reply pala ang lalaki sa loob lamang ng dalawang minutong pagitan. "Oo. Mukha ka talagang wasted kagabi. Walang gustong tumulong sa iyo pero magiging abala sa amin kung iiwan ka naming mag-isa sa kalye. I'm glad that you finally able to say thanks."

"Kaya nga ako nagte-text sa iyo dahil bukod sa nagbabayad ako ng mga gastusin sa paghatid sa akin sa bahay ko, gusto ko rin magpasalamat sa iyo," kinakabahang text pabalik sa kanya ni Mona. Hindi niya maintindihan kung bakit pakiramdam niya ay tila malamig pa sa yelo na may pagkaarogante ang lalaking kausap niya.

"Okay. Magpunta ka na lang dito sa bar."

"Okay, salamat." Magkahalong kaba at pagkasabik ang nararamdaman ni Mona ngunit binalewala na lang niya 'yon dahil alam naman niya na kahit minsan, hindi niya nagustuhan si Lorenz at tanging pagkahabag lang naman ang nararamdaman niya para sa binata noon at dahil na rin sa isang dare nilang magkakaibigan. At kung si Lorenz nga talaga ang lalaki, eh di sana, nagpakilala na ito sa kanya kanina habang magkausap sila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro