Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 2

Hangga't sa lumipas na ang labindalawang taon...

Naging masalimuot na nga ang buhay ni Mona. Hindi siya nakakaligtas sa pangha-harass ng mga lalaki sa kanyang trabaho dahil sa kanyang magandang itsura. Kaya naman, mas pinili niyang magpaka-boyish. Nagtatrabaho kasi si Mona sa isang construction firm bilang isang karpintera at kadalasan nama'y suma-sideline siya bilang delivery rider. Sa kabila ng nakakapagod na buhay, nandyan naman si Dex, ang kaibigan niya noong marangya pa ang kanyang pamilya at ngayong gabi naman, pakiwari niya ay magtatapat na ng pag-ibig sa kanya ang kaibigan niyang si Dex. Binago niya ang kanyang boyish look at talagang nagpaganda. Sa isang party bar daw sila magkikita at dapat daw ay maghanda siya sa kanilang pagkikita.

"Salamat dahil nakipagkita ka ngayong gabi. Alam mo ba, ngayon ko lang gustong aminin sa'yo ang lahat. I mean, kinakabahan ako ngayon. Hindi ko nga alam kung paano ko ito sisimulan, eh," panimula ni Dex.

Hindi tuloy maiwasang mag-assume ni Mona baka aamin na nga ng feelings si Dex para sa kanya. Nase-sense niya na maaaring mahal nga siya nito na higit pa sa kaibigan.

"Ano ba 'yon? At bakit dito pa tayo sa bar nagkita? Date ba 'to between us?" medyo kinikilig na tanong pa ni Mona. Sumasabay ang saliw ng jazzy music sa kanila at parang nakaka-inlove pa lalo ang ambience ng bar na kinaroroonan nila.

"Ang totoo ay may ka-date ako na ipapakilala ko. Hailey ang pangalan niya, but she's still not here. Naipit sa traffic, eh," pag-amin naman ni Dex.

"Sino siya? Colleague mo?" Nanlumo si Mona habang nagtatanong.

"No. Hindi lang basta colleague, fiancee ko na siya, Mona. We've been dating for two years. Katrabaho ko siya sa Iligan. I mean, anak siya ng boss ko," proud na pahayag pa ni Dex. At lihim iyong ikinadismaya ni Mona. Kung alam lang sana ng lalaki kung gaano siya nasasaktan sa mga sandaling ito.

"Bakit mo siya nagustuhan?" Hindi niya ipinahalata ang paghikbi habang nagtatanong.

"Bakit hindi? Maganda siya. Sophisticated, pareho kaming engineer at may negosyo rin ang family niya. Nasa kanya na lahat ng hinahanap ko. I feel like I hit the jackpot when she finally said yes to my proposal," pagmamalaki muli ni Dex.

"Talaga ngang mahilig ka sa mga matatalinong gaya niya kaya alam ko, na malabong magustuhan mo ako." Parang may karayom na paulit-ulit na tumutusok sa puso ni Mona. Nahuli na nga siya sa sariling bibig kaya ano pa bang ikinatatakot niya?

"Nasabi ko na ba sayo na hindi kita type? I value you as a very good friend—best friend rather, Mona. Pero hindi na natin ito mai-level up. Kaibigan lang ang turing ko sa'yo noon pa man," walang pag-aalinlangang pagtatapat ni Dex kay Mona. Hindi niya sinasadyang saktan ang kaibigan, ngunit naniniwala siyang mas mabuting ipaalam na riro na hinding-hindi niya ito magugustuhan pabalik para hindi na ito umasa sa wala. Noon pa man, napapansin naman niya na may pagtingin sa kanya ang matalik niyang kaibigan ngunit hindi niya talaga ito nakita bilang isang babae.

"At least for now. Alam kong hindi na ako aasa pa. Salamat. Pero naiinis lang ako sa mga gesture na pinakita mo. Akala ko pa man din, gusto mo na rin ako," himutok ni Mona.

"Huwag mo na akong hintayin pa, Mona. Please, alam kong makakahanap ka ng mas gwapo kaysa sa akin, mas matalino, at 'yong walang kang magiging kahati," magiliw na sagot ni Dex, umaasang hindi niya nasaktan si Mona sa pagiging prangka niya rito.

"Fine, hindi na kita hahabulin pa," walang sinseridad na sagot ni Mona,

"Pero gusto ko lang kumpirmahin, simula nung magkasama kayo nung Hailey na 'yon, may nangyayari na ba sa inyong dalawa tulad ng mga mag-asawa? Kaya mo ba siya pakakasalan eh dahil lang may responsibilidad ka sa kanya?"

"Bakit naman ganyan ang pagtatanong mo, Mona? At kung ginagawa man namin 'yon, ano naman sa'yo?" sagot ni Dex na bakas ang pagkairita sa kanyang tinig. "Hindi ka pa man din nakakainom pero panglasing na ang tanong mo. Alam mo sa totoo lang, hindi nakakatuwa. Oo nagseselos ka pero hindi naman tama 'tong inaasal mo. Magkaibigan lang tayo, Mona. Pero parang kung kastiguhin mo ako, parang daig mo pa ang nanay ko. Bahala ka na nga."

Aburidong iniwan ni Dex sa bar si Mona. Nakatanggap kasi siya ng text message na hindi na rin makakarating si Cassie at naisip niyang sa ibang lugar na lang sila magkikita. Naisip niya rin kasi na maaaring magselos nang husto si Mona. Habang si Mona naman, nagsimula nang mag-order ng ilang bote ng alak at nang malapit na siyang ma-knockout sa kalasingan, hindi na napigilan pa ng isang concerned female barista na tingnan siya.

"Tingnan mo, siya na lang ang tao rito. Magsasara na tayo within five minutes. Hindi 'yan pwedeng matulog dito," sabi ng barista sa bouncer na tinawag niya para gisingin si Mona.

"Siguro brokenhearted. Iniwan ng boyfriend kanina. Nag-away yata," medyo naiinis na komento ng bouncer.

"Baka nag-break na sila," assuming na sagot naman ng barista.

"Hindi natin pwedeng hayaan dito ang babaeng 'yan. Wala ba siyang ID o cellphone? Baka sakaling ma-trace natin ang address niya. Ipahatid na lang natin sa taxi."

Natigilan ang bouncer at barista sa boses ni Lorenz, isang part timer barista ng bar na kamag-anak ng may-ari.

"Wait lang, Lorenz. Check ko lang baka may makita ako sa wallet niya," sabi pa ng babaeng barista at kinapkapan na nga si Mona. Nakita naman nila ang driver's license sa pitaka nito.

"Ramona Beltran."

Bumilis ang kabog ng puso ni Lorenz matapos niyang basahin ang pangalan nito. How could he read that name of the person who broke his heart? Naiiling niyang pinakatitigan ang mukha ng dalagang nahihimbing na yata. Hanggang ngayon ay napakaganda pa rin ni Mona kahit na maiksi na ang buhok nito at tila binago na rin ng bago nitong pamumuhay. Sa katunayan, hindi sumagi sa isip ni Lorenz na magiging independent si Mona dahil palaging nakabantay noon ang mga bodyguard nila sa mansyon.

"I will take care of her. Ako nang bahalang humanap ng possible address niya," pagpresinta ni Lorenz.

"Teka lang Boss Lorenz, hindi naman sa minamasama ko ang kabutihan mo sa kanya, pero hindi ba pwedeng ipahatid mo na lang sa taxi 'yan? Baka paggising niya, i-assume pa niya na ginawan mo siya ng masama. Talamak pa naman ang mga ganyang modus tapos baka huthutan ka pa ng pera," sabi pa ng female barista na talaga namang concerned kay Lorenz.

"Subukan niyang gawin 'yon, at lawyer ko na ang kakausap sa kanya," kampanteng sagot naman ni Lorenz.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro