Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 1


"Ramona, alam mo ba? Sobrang saya ko kasi sinagot mo na ako. Salamat. Tapos ngayon, isang buwan na pala tayong mag-on." Abot tainga ang ngiti ni Lorenz nang lingunin siya ni Mona habang naglalakad sa hardin ng campus. Hindi niya akalain na sa kabila ng estado niya sa buhay ay nagawa siyang sagutin ng dalagang pinangarap niya. Si Ramona lang naman ay anak ng isang mayaman na haciendero sa kanilang probinsya. Maraming humahanga sa dalagang ito dahil sa angkin nitong kagandahan. Ngunit sa kabila ng ganda, may kagaspangan pa rin ng pag-uugali.

"Makulit ka kasi kaya kita sinagot. Lagi kang nakabuntot, nakakairita lang," nakairap na turan ni Mona at isinukbit ang shoulder bag bago tuluyang lampasan si Lorenz. Ngunit ang pagsagot niya sa binata ay dahil lang naman sa dare ng mga kaibigan niya sa unibersidad.

"Ako na magbubuhat ng bag mo, obligasyon ko 'yon bilang boyfriend," alok naman ni Lorenz bilang pagpapaka-gentleman boyfriend.

Muling itinirik ni Ramona ang mga mata at padabog na inabot ang bag niya kay Lorenz. Hangga't sa tumagal sila ng tatlong buwan at sa loob ng mga buwan na 'yon, palaging si Lorenz ang sumusuyo sa kanya. One sided man, tiniis pa rin ni Lorenz iyon dahil si Ramona lang ang first love niya. Pero hindi naman lingid sa kaalaman niya na may ibang nagugustuhan si Ramona — iyong kaibigan nito na guwapo at masipag na Dex ang pangalan. Medyo may kaya ito sa buhay kumpara sa kanya na parehong tranahador lamang sa hacienda ng pamilya ni Ramona. Laking pasasalamat din talaga ni Lorenz na hindi iyon nakapag-aral sa university na pinapasukan nila ng nobya dahil sa scholarship. Alam din niya na bukod sa nakukulitan na si Ramona sa panliligaw niya pero nanaig ang paniniwala niya na unti-unti ring mahuhulog sa kanya ang loob ng dalaga.

Isang araw, nang sunduin niya ang si Ramona, narinig niya isang araw ang girian sa mansyon nito.

"Hindi mo puwedeng magustuhan ang lalaking 'yon. Hindi ka bagay sa kanya," singhal ni Don Amadeo sa anak.

"Pa, oo nahirap lang si Lorenz pero hindi naman yata enough 'yon na dahilan para kagalitan siya. At saka, dare lang naman ang lahat kaya ko siya sinagot. Dare lang naming magkakaklase na sagutin ko siya at gawin ko siyang boyfriend na utusan sa loob ng limang buwan," paliwanag ni Ramona. Kahit naman hindi niya pa gano'n kamahal si Lorenz, nasasaktan siya kapag minamaliit ito ng kanyang ama.

"Anong alam mo tungkol sa pag-ibig? Ang bata mo pa! At ito ang napapansin ko sa'yo, bakit ang bait mo sa ibang tao? Hindi dapat gano'n! Ipakita mong iba ang antas mo sa kanila! Hindi ka puwedeng makisalamuha sa kanila!" singhal ng don. May kung anong kinuha ito sa drawer at itinapon sa harapan ng anak.

"Nakita ko 'yan sa kuwarto mo! Galing 'yan kay Lorenz, 'di ba? Mga walang kwentang sulat lang ang kaya niyang ibigay sa'yo pero hindi ka niya kayang bigyan ng magandang buhay!" singhal ni Don Amadeo. Isa-isang pinulot ni Ramona ang mga liham ni Lorenz ngunit maagap namang napulot ni Don Amadeo ang ibang piraso nito saka pinagpupunit.

"Ayan, wala na! sira na! Ang dapat dyan sa basurahan mapunta!" pang-uuyam ng don.

"Anong ginawa mo papa?" lalong tumindi ang pagluha ni Ramona habang pinapasadahan ng tingin ang mga sulat na parang pinunit ng aso.

"Pinunit ko! Tandaan mo rin pala hija, sa labas ka lang maging mabait, kapag nandito ka sa hacienda dapat ipakita mong katatakutan ka ng lahat!" giit ni Don Amadeo.

"Masaya ka ba, papa? Masaya ka bang kinatatakutan ka ng mga tao? Naging ganyan ka lang ba dahil namatay si Mama? Nasaan na ang dating ikaw? Nakokonsensya na rin ako sa pagiging masungit ko," pagkwestyon ni Ramona sa kanyang ama.

"Malapit na tayong maghirap pero ang taas pa rin ng ere mo!" pagpapatuloy niya.

Matapos ang tagpong iyon, nadurog nang lubusan ang puso ni Lorenz. Ipinagtanggol man siya ni Ramona, pero alam niyang dahil lang naawa ito sa kanya at hindi siya nito minahal. Mas lalong sumamá ang loob niya dahil sinagot lang pala siya ni Ramona dahil sa isang 'dare.'

Nakarating na rin kay Lorenz ang balita na malapit na raw malugi ang hacienda ni Don Amadeo mula sa kanyang mga magulang. Ipapadala na raw si Ramona sa Maynila para doon na mag-aral sa kolehiyo. At kinagabihan, nakipagkita naman sa kanya si Ramona para pormal na makipag-break sa kanya.

"Hindi na tayo magkikita. Sana huwag mo na akong hintayin. Malabo na rin kung panghahawakan mo pa ang pagmamahal mo sa'kin, Lorenz. Siguro maghihirap na rin kami. Kaya ano pang silbi na mahalin mo ako, hindi ba?" naluluhang sambit ni Ramona kay Lorenz.

Gusto niyang patahanin ang binata dahil lubos na siyang nahahabag sa ayos nito. She had been unfair to him, pero kahit papaano, gusto niyang magkaroon ng maayos na closure sa binatilyong nagmamahal sa kanya at ipagtapat na rin ang dahilan kung bakit niya ito sinagot.

"Sa tingin mo ba, kaya kita minahal eh dahil mayaman ka? Kahit ano pang katayuan mo sa buhay, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko, Ramona. Kaya kong talikuran ang pag-aaral para sa'yo. Bakit hindi na lang tayo magtanan?" humahagulhol na sambit ni Lorenz.

Umiiling na tinulak ni Ramona si Lorenz nang pag-igihan nitong lumapit sa kanya. "Please, huwag mo na akong hintayin. Saka sa simula pa lang, iba na ang gusto ko. Manhid ka ba? At talagang tatalikuran mo pa ang pag-aaral dahil sa'kin?"

Tumakbo nang matulin si Ramona palayo kay Lorenz. At kinabukasan, tuluyan nang nilisan ni Ramona ang kanilang probinsya. Hawak niya ang natitirang sulat ni Lorenz na pinunit-punit ng kanyang ama. Hindi niya alam kung kakayanin niya ang pagbabago, pero kailangan niyang kayanin dahil mukhang ito na ang unang hakbang ng kanyang ama na iabandona siya dahil sa sigalot ng negosyo nito.

Habang pinag-igihan naman ni Lorenz ang pag-aaral sa isang unibersidad sa kursong Communication Arts. Naging matagumpay siya nang makapagtapos siya sa pag-aaral ngunit pumanaw naman ang kanyang ina dahil sa malubhang sakit na dala ng sobrang pagtatrabaho sa hacienda ni Don Amadeo. Naging mitsa rin iyon para mas lalong mamuhi kay Ramona at sa ama nito. Hindi siya mabubuhay nang matiwasay kung hindi man lang niya maigaganti ang yumaong ina sa pang-aaping natamo nito. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro