Chapter 95
Mia Jasmin's POV
"H-hi kent." nang batiin ni lauren si kent ay natigilan ako at natuon sakanila ang atensyon, tinignan ni kent si Lauren.
"Long time no see, Noona." napalunok ako nang seryoso yun na sabihin ni kent, ngumiti naman si Lauren.
"Mas lumaki ka na." aniya pa ni lauren.
"Malabo namang lumiit ako, gayung tumatanda ako.. Noona." sarkasmo ang narinig ko nang sagutin niya yon pero ngumiti lang si Lauren tapos tinapik si Kent sa braso.
"Hello po.." bati ni Lauren kila Shane, Bon, at Zai.
"Hi." bati nalang nila in return.
"So, Go and fix your clothes Mia. Aalis na tayo mamaya para masuot mo na ang Gown." napalunok ako.
"Seriously Mommy? Gown?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Yes, So stop complaining." ngumuso ako.
"You know how much i hate gowns mommy, the last time i wore gown nasira lang dahil may Intruder." naiinis kong sabi ngunit agad akong nahiya nang marinig ang tawa ni Zai at Bon.
"I'll go ahead." mabilis kong paalam tapos nagmamadaling umalis doon.
"May ibang gamit ka sa Kwarto mo noon, luke." hindi ko na sila pinakinggan at umakyat nalang ako dala ang itim kong bag.
Nang makarating sa Kwarto ah napahawak ako sa Dibdib nang maalala ang tingin ni luke dapat nga ay natutuwa ako pero pinakakaba niya lang ako lalo!
Nang makakuha nang mga pamalit dahil nararamdaman kong sa kakaibang hotel kami mag iistay sino ba naman kasi diba 3 days daw for anniversary? 3 days celebration?
Nang makapag ayos nang gamit ay tumalon ako sa kama ko dahil namiss ko ito. "I miss you so much! Huhuhu ang tagal nating hindi nagkasama Kama kooo!" niyakap yakap ko pa ang mga unan.
Mamaya pa naman kami aalis kaya naman nagbihis muna ako nang pambahay at saka ako pumuslit sa practice room para subuking aralin ang mga turo ni Masked Man.
Nakakamiss rin pala ang kasungitan nang isang yon, pala asar rin pakiramdam ko tuloy ay kaibigan ko siya tulad nila Gray.
Nang makapasok sa Practice Room ay itinali ko ang mga Buhok tapos nagsuot rin ako mang Gloves at saka ako humugot nang mga Practice swords doon tapos ay pinuntahan ko ang pwesto ko parati kada nagpapractice.
Iisipin ko nalang na si Dr.Shane ang kalaban ko hehehehe nang pumwesto na ay maririnig nalang sa Buong kwarto ay ang Yah! Ya! Ya! Bwelo ko kada malalakas na Binabato ang mga tinuro ni Masked Man.
Nang magsawa sa Swords ay kinuha ko ang Gloves for Punching, nang masuot yon ay lumapit ako sa Punching Bag, Nang makapwesto ay derederetso akong sumuntok.
Sumipa at Sinabayan ang ikot nang Punching bag dahil sa pwersa na nabibigay ko rito, nang maalala ang usapan namin ni luke ay Sumeryoso ang mukha ko at saka ko malakas na pinagsusuntok ang Punching Bag.
"Aissibal!" sigaw ko tapos Sinipa ang Punching Bag.
"I swear to fucking cut your hands once you touched him again! Ah! Ssibal! Ssibal!" sigaw ko tapos nang mapagod ay napaupo ako at napayuko.
'Damang dama ko sa Buong katawan ang galit, gigil, at kagustuhang manakit..'
Galit kong inalis ang Gloves tapos basta basta nalang itong tinapon sa kung saan. "I wonder what makes you mad.." natigilan ako tapos agad na napalingon sa Pinto.
Napatitig ako kay Zai, na kasama si Luke nakasuot sila nang Shorts at Simpleng t'shirt. Tumayo ako maagad tapos ay napalunok. "Kanina pa kayo?" gulat na tanong ko at nahihiya na rin.
"Mm, pinanonood ka namin. Kaaway mo ang hangin, at ang punching bag na yan." seryoso ko lang tinignan si Zai.
"Bakit hindi kayo pumasok at simulan ang gusto niyong simulan kesa panoorin ako?" masungit na sabi ko.
"Well I'm amazed." napailing nalang ako sa sagot ni Zai nang pumasok sila.
'shit nawitness ni Luke..'
"Wanna play?" aya ko kay Zai.
"Sure, What kind of game? Bahay bahayan ikaw nanay at ako ang tata—"
"Not even in your dreams, asshole." nagulat siya ngunit natawa Hinagis ko sakanya ang espada ngunit hindi niya nasalo iyon at ang lalakeng nasa likod niya ang sumalo.
Sandali akong napatitig sakanya, dahil madali niya lang itong sinalo. Napalunok ako nang iabot niya yon kay Zai, hindi naman siya nag aral nang fencing only Experts can do that..
"Let's start, Fencing pala ang gusto mo ah." tinignan ko si Zai tapos Kumuha ako nang sariling espada at saka ako Pumwesto, nang sumugod siya ay Agad akong dumepensa rinig ang talansing nang mga espada namin.
"Ah! Ya!" sita niya nang itutok ko sa leeg niya ang tulis nito kaya naman ngumisi ako.
"Not that fast, pakiramdam ko ay hindi ako napapagod Zai." dismayadong sabi ko ngunit nang aasar.
"Ang lakas mo eh." reklamo niya.
"Arasseo, what do you want to play?" tanong ko sakanya at Ibinalik sa lagayan ang espada.
"Hide and seek." umirap ako.
"Ano nga?"
"Wala, Lugi rin naman ako." inirapan ko siya sa Sinagot.
"Asa Zai, Baka nakakalimutan mo kung papaano ganun kabilis nasasangga ang mga atake ko? Wag ka ngang feeling mahina." ngumisi naman si Zai.
"Hindi na nga Mia." sagot niya kaya naman tumango ako, ngunit agad na natigilan nang may magsalita.
"Can i join?" tinitigan ko si Dr.Shane na nakashorts dahilan para madismaya ako.
"Siguraduhin mong hindi ka masisilipan sa Suot mo Doc." aniya ko.
"Ah yes, may suot pa ako sa Loob." tumango ako.
"Tara Dr.Shane." aya ni Zai.
"Ayoko, Kay Mia nalang dahil babae rin siya same strength lang kami." nang sabihin niya yon ay tumawa ako, no, natawa ako hindi ko agad napigil yon.
"Same Strength?" nakagat ko ang ibabang labi.
"Naku Dr.Shane wag na, ako nalang." aniya ni Zai, halatang inaawat ni Zai si Dr.Shane sa nais mangyari.
"Si Mia ang gusto ko makalaban eh, kase alam niyo na Girls to girls." aniya pa niya kaya nakangiti akong napapailing.
"Luke, Will you fight me? Baka sakaling mabago ko ang isip ni Dr.Shane." nakangiting sabi ko, tinitigan naman ako ni Luke sa mukha at hindi sa Mata.
"Mm." tugon niya tapos Lumapit saakin kaya naman sinenyasan ko silang Gumilid.
"Sure ka si Luke?" tanong ni Dr.Shane.
"Let's do this." aniya ko kay Luke tapos ay inalis ang Gloves ko at inabutan siya nang Espada hindi rin siya nag Gloves nang pumwesto ako ay Pineke ko ang pag hataw dahila para sanggain niya yon ngunit hangin ang nasangga niya.
Mahina akong tumikhim, bigla ah hiniling kong sumapi saakin ang lakas ni Masked Man. "Parating ako ang Susugod, ikaw naman." parehas sila nang ugali ni Masked man.
Nagmamalaki na kaagad tsk, Nang ihataw niya yon ay mabilis kong sinangga, hanggang sa paulit ulit na nag sangga ang mga espada namin at Umikot ako sabay yuko tapos Malakas na pinagtama ang espada namin.
"Ah!" daing niya dahilan para matigilan ako, napalakas ata dahilan para masaktan ang kamay niya, ibinaba ko ang espada at agad na inalis ang hawak niyang espada tapos hinawakan ang kamay niya.
Nag aalala.. "I'm sorry, Shit.." mahinang sabi ko ngunit agad na natauhan nang bawiin niya ang kamay tapos Tumikhim.
"Ayos lang." sagot niya tapos ay Iwinisik lang ang mga kamay, huminga ako mang malalim tapos nilingon si Dr.Shane.
"Game?" agad siyang tumigil, ngunit mukhang ayaw niyang natatalo ay tumango siya.
'Mataas ang Pride..'
"Alam mo ba humawak nito?" tanoong ko.
"Of course, sinubukan ko rin mag aral nang fencing noon." ngumiti pa siya.
'Sana ay natuto siya, dahil ayoko sa Lampang kalaban. Walang thrill.'
"Okay." sagot ko.
"First Rule, wag mong ididikit sa balat ang tulis." aniya ko pa.
Isang kamay ang pinanghawak ko sa Espada at saka prenteng hinarap siya, inaantay ang pagsugod niya. "Yah!" sinangga ko yon.
"Simsimanhae." napahikab pa ako nang tumagal kami nang tatlong minuto. Sinabi ko lang naman na I'm bored.
"Gosh, enough." inis na sabi ko at inis na binato ang espada sa Gilid tapos huminga nang malalim.
Pansin ko ang gulat na tingin ni Dr.Shane at ang tingin ni Zai at ni luke. "Enough doc." angil ko.
'daming at at at..'
"Just call me Shane, wala naman tayo sa ospital."
"Okay." sagot ko.
"Maliligo na ako." paalam ko pa tapos Inalis ang pagkakaipit nang buhok ko at Iniladlad yon tapos lumabas na ako.
"What's wrong anak?" napalunok ako nang makasalubong si Mommy.
"Wala mo—"
"Nag away kayo ni luke?" tanong ni Mommy.
"Yes and it's my fault mommy." sagot ko nalang.
"Mm i knew it." aniya ni Mommy.
"Nakikita mo yung pinsan niyang si Zai? I let that man kiss me because of Pity mom." natatawang sagot ko gulat akong tinignan ni Mommy.
"What?" ngumiti ako, malungkot.
"I made mistake mommy, I deserve this please don't worry about me mommy." sagot ko.
"Alam mo na bang si Zai ang unang luke na nakilala natin anak?" tinitigan ko si Mommy.
"Yun ba ang napulot ni kent sa misyon ko Mom?" tumango si Mommy bilang sagot.
"How do you feel? Do you still love lu—"
"Mommy, Si luke ang mahal ko. Hindi man siya ang lalakeng nagsabi na papakasalan ako nang nasa sinapupunan mo palang ako—"
"You're wrong." napatitig ako kay mom sa sinabi niya.
"Si Zai ang lahat nang nakasama mo hanggang korea." napatitig ako kay Mommy sa sinabi.
"What?"
"Nagpalit sila nang mukha anak." agad akong napaatras.
'Papaano?'
"Mom." naninita kong sabi at bigla parang gusto kong maluha nang sobra sa sakit na nararamdaman.
"Sinasabi mo bang yung luke na nobyo ko ay si Luke talaga at ang zai na yon ang mas matagal kong nakasama? Simula pagkabata? Yung nakakasama ko rito sa bahay? Si Zai?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Mom." tumulo ang luha ko nang hindi sumagot si Mommy.
"Mom!" naghihintay ako nang sagot.
"Mom please answer!" gulong gulo kong sabi, napayuko si Mommy.
Nang lumabas sa Practice Room ang tatlo ay pinunasan ko ang Luha. "You're kidding me." malamig na sabi ko tapos ay bumaba na para pumunta sa kwarto ko.
'Prank ampota..'
Nang makapasok ay agad akong yumuko sa mga Tuhod ko, What the hell is wrong with them!
Si Zai yung lalakeng nakasama ko sa Camp? Yung lalakeng gusto ko? Yung lalakeng nagligtas saakin nang maraming beses? Ang nakasama ko sa Bowling? Sa korea?
'Fuck! Fuck! Fuck!'
Pero bakit ganun ang naramdaman ko kay luke? Nalilito ako kung sino na sakanila ang matagal kong nakasama. Yung to the rescue kada nalulungkot ako yung lalakeng unang humalik saakin sino?
Si Zai? si zai ba ang nakasama ko nang matagal? Ang nag suffer sa pananakit ko? Ang sumapak kay Bon? Sino?
Pumikit ako at pinakiramdaman ang nararamdaman ngayong nalaman ko na ang hindi ko kayang paniwalaan sino ba talaga sakanila?
Sino ba sakanila ang minahal ko? Bakit alam lahat ni Luke ang lahat nang saamin noon kung si Zai siya?
Pero hindi naman niya na nabanggit ang nakaraan saakin? Kumuha ako nang gamit at dumeretso sa banyo ko.
Nang makaligo ay pakiramdam ko lutang na lutang ang buong isip ko, hindi na alam kung ano ang mararamdaman. "W-what's wrong with me now?" mahinang sabi ko.
Minahal ko ba ang mukha na yon kasi siya ang nakasama ko nang matagal? O dahil ang mukha na yon ang nakasama ko nang matagal? O dahil yon ang kilala ko? Hindi ko alam..
Dala ang Bag ay Lumabas ako nang kwarto nakabihis, ngunit agad na nagtama ang mata namin ni kent. "Noona." tawag niya.
"What's happening kent? What the hell is happening?!" kumuyom ang kamao ko nang sabihin yon.
"Noona.." tila hindi alam ni kent ang isasagot.
"Bakit ako lang ang hindi nakakaalam kung tunay man ang sinabi ni mommy? Si zai ba yung nakasama ko noon? Si Zai ba?" paglilinaw ko umaasang sasagot siya nang hindi.
"N-noona.."
"Please kent, Answer me.." nag mamakaawa kong sabi at napaluhod nalang sa sahig at doon umiyak nag umiyak hindi na inisip kung ano man ang sasabihin nila o sino man ang makakita.
"Noona please get up.." umiling ako at saka Yumuko lang sa Sahig na parang bata.
"Pinagkaisahan niyo ako." mariing sabi ko.
"No noona, Hindi.. Misyon ko talaga ang alamin ang tunay na katauhan ni Zai Garcia, pero hindi ko inaasahan.." umiling iling ako.
"No kent! Stop tricking me! Stop joking around! I swear i'll forgive you if this is just a prank.. Please say it's just a prank Dongsaeng.." nag mamakaawang sabi ko.
"Dongsaeng please.. I-i'm begging you.. P-pleasee.." tanging hagulgol ko nalang ang naririnig..
Patuloy na lumuluha nang makita si Daddy ay lumapit ako sakanya, Umiiyak. "Daddy please, tell me.." nag mamakaawa kong sabi sakanya ngunit niyakap niya lang ako at Pinapatahan.
Nang manghina ay nilingon ko si Zai, at Luke na magkatabi. "T-tell me, please?" tumutulo ang luha kong sinabi.
"Luke? Who's the real luke?" pinunasan ko ang luha matapos tanungin yon.
"Mia Enough." sita ni Dad.
"I can't believe this, i think i've been played." mariing sabi ko tapos Pinulot ang bag ko at saka ko sila nilampasan dumeretso ako sa First Floor nang bahay tapos Inantay nalang sila.
I tried calming myself, But right now? I want masked man to train me.. Pag siya ang trainor ko agad na nababawasan ang bigat nang nararamdaman ko.
Na para bang may mahika siyang ginagamit saakin. Nakagat ko ang ibabang labi at saka tahimik na yumuko sa mga Palad ko.
Wag mong sirain ang Anniversary nang Parents mo mia, Problemahin mo to after the party, ayusin mo to after everything..
√√√
@/n: Sounds weird? Mm abangan niyo pa ang mga susunod na Chapter 💓 Lovelots!
FbPage: Maecel_DC
Facebook: Maecel Gandia Dela Cruz
Twitter: @luxmei123
IG: @luxmei143
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro