Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 94

Mia Jasmin's POV.

May dala dala akong Dinner para kay Luke, kaya naman hinanap ko na muna siya napangiti ako nang mag isa niya lang sa staff room kaya naman mabilis akong lumapit sakanya. "Hi luke!" masayang bati ko.

"Oh, Mia hello." bati niya at ngumiti rin.

"Dinner." aniya ko tapos Nilagay sa harapan niya.

"Thanks, Did you have your dinner already?" tanong niya ngunit hindi nakatingin sa mga mata ko.

"Ah yes, kanina pa nang nasa OR ka." sagot ko tapos Naupo sa harap niya, nang mapatingin sa labi niya ay iniiwas ko ang tingin doon.

Gusto ko siyang mayakap.. "Okay, that's nice." nakangiting aniya pa niya, ngunit nalungkot ako dahil hindi na tulad nang dati.

"Luke, I'm ready for tomorrow. Help me choose what to wear okay?" napalunok ako tapos nilingon si Dr.Shane na kalalabas nang Locker room, natigilan rin siya nang makita ako.

"Hi Dr.shane, i think i can help you with that." nakangiting sabi ko.

"Ah hindi na, Magreready ka rin kasi for the party." ngumiti ako.

"Mm sabagay, I still need to find what to wear pa pala." aniya ko, kingina dapat ay maging mabait bait muna ako.

"I'm sure i can help you with that." nakangiting sabi rin ni Luke kay Dr.Shane kaya naman hinarap ko na siya ulit.

"Maaga daw tayo bukas, Sabay ka na ba umuwi saakin Dr.Shane?" aya ko para hindi na siya sumakay kay Luke.

"Mag Taxi nalang tayong apat, Mas safe ang cars natin dito." aniya ni luke kaya naman napatango ako, mas mabuti pa nga.

Nang uuwi na kami ay pinauna ko si Dr.Shane sumakay para ako ang makatabi ni Luke tapos si Zai sa harap nang maupo sa tabi ko si luke ay napangiti ako nang magtama ang mga braso namin.

'para paraan dapat..'

Masikip kaya naman magandang timing hehehehe hiniling kong sana matagal ang byahe, binuksan ko ang cellphone ko habang nasa Lap dahil hindi ako gaano makagalaw ngunit agad akong namula at napatay ang cellphone.

Nakaopen sa Gallery.. Hindi ko naback kanina shit nakakahiya, narinig ko pa ang pag tikhim ni luke.

Kingina tinitigan ko lang naman kanina kasi namimiss ko na siya bakit antanga ko, Tumikhim ako at Itinaob ang Cellphone tapos tumingin sa ibang direksyon.

Nang makababa na ay naunang bumaba si luke ngunit nagmamadali akong makaalis doon sa pagkahiya sa nangyari kanina. Nang makapasok nang kwarto ay agad akong napatalon sa kama at doon ay yumuko.

"Andwaeeeeeeee..." naiinis kong bulong tapos ay gumulong gulong sa kama ko para lamang makalimot ngunit natigilan ako nang bumukas ang pinto.

Nahihiya akong umayos nang Upo tapos tumikhim, pumasok kasi bigla si luke just imagine ha ngayon lang ulit. Tumikhim siyang muli at dumeretso sa kama niya pero agad akong nahiya nang malaman na magulo ang kama niya doon kasi ako natutulog.

Para lang makatulog.. "Did you use my bed?" napalunok ako sa tanong niya.

"I did.. Sorry." aniya ko tapos tumayo at saka bahagyang yumuko.

"I'll fix it, papalitan ko nala—"

"No problem." sambit niya at saka nahiga doon tinitigan ko naman siya ngunit takot ang nararamdaman ko nang naisin ko siyang lapitan kaya naman umatras na ako.

"Hawak naman na nila Kent si Jaejae." panimula ko.

"Mm." tugon niya.

"Luke.." tawag ko.

"Mm?" tanong niya.

"I miss you.." mahinang sabi ko, Hindi naman siya tumugon sa sinabi ko kaya nakaramdam ako nang panlul—

"I miss you.. too.." natigilan ako at napatitig sakanya kahit nakahiga siya sa kama ay nakita ko ang pag kibot nang mga labi niya kahit pa nakapikit siya.

"Luke.. C-can we start over again?" nauutal kong sabi, kinakabahan Umaasang Oo ang isasagot niya.

"I don't think so Mia.." tumayo ako at naupo rin sa kama niya ngunit malayo sakanya.

"Why not? Hindi mo na ba ako mahal? Hindi mo na ba ako mapapatawad luke?" derederetsong sabi ko.

"Please Mia, Let's not talk about it. Ganito na muna tayo.." napapikit ako.

"But i want you back.." napayuko ako kasabay nang pagtulo nang luha.

"I want you back luke.. I miss you so much.. Habang mas tumatagal mas nababaliw ako, pakiramdam ko ay hindi mo na ako mahal.." nakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang pag hikbi.

"I'm so sorry.." nang sabihin niya yon ay sobrang nalungkot ako.

"Pero kada nakikita kita, naalala ko kung papaano mo siya hinayaang halikan ka." gumuhit ang sakit sa mukha niya nang sabihin yon, ngunit ang ginawa ko lang ay titigan siya.

"Naiintindihan kong nakainom ka, nakainom kayong dalawa.. Pero hindi ko pa rin alam kung bakit ang sakit sakit pa rin kada tinitignan kita." nang makita ko ang pagtulo nang luha niya ay natakot ako..

"I'll do everything to erase that luke.." nang umangat si luke at sumandal sa headboard ay nakatingin siya saakin ngunit sa mukha ko lang at hindi sa mga mata.

"I don't know mia.." nanlumo ako sa sagot niya.

"Hindi ko alam kung papaano ko maiaalis sa isip ang mga nakita, parati kong hinihiling na sana ay narinig ko nalang galing sa bibig mo kesa makita. Ang sakit sakit.. Pakiramdam ko ay niloko niyo ako." napatango ako, nauunawaan siya.

"Nauunawaan ko.."

"Nauunawaan ko luke, I swear.. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo." mariing sabi ko at umiyak nalang.

"Let's take a break first Mia, Let us be in peace.." napapikit ako at derederetsong pinunasan ang mga mata.

"I love you, but i can't accept you.." nakagat ko ang ibabang labi nang magsimula akong sinukin.

"Mm." napaangat ang tingin ko kay luke nang iabot niya ang Tumbler niya saakin, nagdalawang isip ako kung tatanggapin ko yun ngunit tinanggap ko.

Binuksan ko yon at Uminom. "Take care." aniya pa niya kaya naman napatitig ako sakanya pero ayaw niya talaga akong tignan sa mata kaya naman nang aalis na siya ay Tumayo ako at ibinaba ang tumbler tapos dumeretso sa mga dibdib niya.

"Don't leave me please, Luke.. Don't.." umiiyak kong sabi habang mahigpit na nakayakap sakanya.

Narinig ko ang pag singhap niya na tila ba ako ang Nagpapahirap sa buhay niya, na para bang pabigat ako.. "Please, baby.." nanghihina kong sabi.

"Let's rest for a while.. I'm sorry.."

"But please mia, i really can't do this, i can't even hate you for doing that.." mahina at malumanay niyang sabi, ramdam ko ang bawat sakit na nararamdaman niya.

"I can laugh with you, I can smile with you, I can t-talk to you it's b-because i'm tired of e-everything.. I'm tired, even your p-presence makes me tired, hindi kita kayang itaboy." pumikit ako at dahan dahan na inalis ang pagkakayakap ko sakanya.

Tumango tango ako tapos ay dumeretso sa kama ko. "Wag ka nang umalis, Hindi na muna ako magsasalita about us, kahit huwag mo kong tignan luke." masama ang loob kong sabi.

"Pero wag mo kong pagbawalan na makita ka, Makasama ka kahit na para sayo ay hangin lang ako. K-kase naiintindihan ko yung nararamdaman mo, Naiintindihan ko rin lahat nang katangahang ginawa ko." mariing sabi ko tapos ay Humiga at saka nagtakip nang kumot hanggang Ulo.

'Ang sakit sakit.. Pakiramdam ko ay iiwan niya akong muli, iiwan niya ako at mawawalan ako nang balita sakanya..'

Hindi ko na kaya pang maulit ang nangyari noon, na kung kailan na huli ang lahat saka ako hahabol, ayoko na..

Nagising ako nang mga 5 A.M kaya naman napabuntong hininga ako at nilingon ang kasama, nakaupo na si Luke sa kama niya at nagbabasa nakabihis na rin siya ngunit hindi na ako nagsalita.

Kumuha ako nang masusuot sa damitan at nang makakita ay dinampot ko na ito tapos kinuha ang twalya ko at dumeretso sa Banyo.

Sa CR na rin ako mag aayos para hindi naman nakakahiya, na makita niya akong nag aayos diba tsk.

'Nakakahiya, bigla ay ikinahiya ko ang sarili..'

Nang matapos ay lumabas ako ngunit nakita ko rin silang nasa labas, nagkaharap si Dr.Shane at Luke mukhang nag uusap habang si Zai naman ay nagkakape kaya napalunok ako nang tignan nila akong lahat.

"W-wae?" tanong ko.

"Hindi pa naman party agad diba? Parang momodel ka na e." napalunok ako sa sinabi ni Zai.

"Ha? Eh ang simple simple na kaya nang suot ko." aniya ko pa.

Nang mapansin na may liwanag na ay hindi ko na pinansin ang mga tingin nila tulad nang sinabi ko kay luke, Kung ito lang ang magagawa ko para makatulong gagawin ko.

Dala dala ko ang isang Bag, naupo muna ako sa Bench pero biglang dumating sila Bon at Kent. Ngumiti naman sila kaagad. "Diyan ka lang, Noona. I'll take a picture." napalunok ako sa sinabi ni kent kaya naman Pumwesto nalang ako.

'Supportive brother'

"Aba stolen pa gusto." asar ni Bon kaya napairap ako nang matapos.

"Send it to me, later. Tawagin ko lang ang mga kasama." aniya ko pa, tapos tumayo ngunit nakita ko silang lahat nasa pinto at nakatingin saakin habang si luke naman ay nag iwas tingin.

Napatingin ako kay Dr.Shane.. Natigilan ako nang ngumiti siya at humawak sa braso ni luke dahilan para lumunok ako at tipid na ngumiti.

Tapos ibinaling ko ang tingin kay Zai ngunit dismayado itong nakatingin sa pagkakahawak ni Dr.Shane kay Luke.

"Let's Go, Noona." natigilan ako nang kunin ni Kent ang Bag ko at Akbayan ako.

"When you know that it will hurt you, stop staring noona. I'm irritated." napalunok ako tapos bumuntong hininga.

"Where's your sword?" tanong ni Kent.

"Tinago ko sa kung saan hindi ko maihahataw sa isang tao." aniya ko.

"I have Guns, i can hand you one." pinalo ko naman siya.

'Supportive talaga sobra..'

"Stupid, do you really want your sister to be a killer?" natatawang tanong ko.

"If that will make you feel better, i'm willing to be your Ally." ngumiwi ako.

"I won't do that, i won't disappoint mom and dad." aniya ko pa.

"Then start looking away." ngumisi nalang ako.

•••

Nasa airport kami at inaantay si kent na galing sa Banyo, Mukhang kanina pa nagpipigil ihi yon e.


Habang nag hihintay ay napalunok ako nang makita siyang papalapit nang una ay parang naghahanap pa nang Signal ngunit mukhang nainis at saka naglakad papalapit.

"Hindi ko inaasahan na magiging ganyan ka kapatay na patay noona, samantalang noon di ka na nahiya." siniko ko si kent at iniwas ang tingin kay luke.

"Are you done? Let's go." aniya ni kent, tila bigla ay naging magkasing taon lang sila ni luke sa asta niya hinawakan ako nito sa kamay at nauna iniiwasan niya sigurong makita ko si luke.

7:30 na nang makarating kami kaya naman nang makalabas nang airport ay dumeretso na kami sa Bahay, si tita Elizabeth pala ay lumipad nang ibang bansa inamin niya saakin inaasikaso niya na ang dapat.

Nang makarating ay yumakap agad ako kay Mom and dad. "I miss both of you." nakangiting sabi ko hinalikan naman ako ni Dad sa Noo dahil nakaakbay siya kay Mom.

"W-what's wrong anak?" nginitian ko si Mommy tapos umiling.

"Alam niyo na Mom, Doctor kulang sa Tulog parati but don't worry i didn't stop on training." nakangiting sabi ko.

"Is that so, get ready na okay? Mamaya pupunta na tayo sa Hotel to start the party." ngumiti ako.

"Happy Anniversary mommy, daddy." aniya ko, ngumiti sila at nagpasalamat sunod na lumapit ay si Luke Yumakap ito sa parents ko.

"Happy Anniversary tita, tito." aniya pa nito tapos sunod na lumapit ay si Zai.

"Ang laki mo na ah." nakangiting sabi nila nito, alam na ba nila?

"Yes naman, Tito." nakangiting sabi ni Zai tapos sinulyapan ako.

"Hi Shane, It's nice to finally meet you." aniya ni Mommy at bumeso kaya naman awtomatiko akong napangiwi.

"Hi bon, mabuti naman at nandito ka." bati ni daddy kay Bon yumakap lang si Bon.

"Ofcourse Tito." aniya ni Bon.

"Wala kang Girlfriend na kasama?" tanong ni mommy rito.

"Well tita, Wala." natawa naman sila kaya naman tipid akong ngumiti tapos tumikhim.

"Hey Lauren, I'm glad you came." agad akong napalingon nang nakangiti yon na sabihin ni Daddy.

Nagtama ang mga mata namin ni Lauren dahilan para maestatwa ako, ang laki niya na talaga. Napansin ko naman na nag iwas tingin si kent tapos tumingin sa Cellphone niya.

"Ate.." tawag niya saakin, agad ko siyang nginitian nang sabihin niya yon tapos ibinuka ko ang mga braso natuwa ako nang lumapit siya saakin at yumakap.

"I miss you." sambit ko.

"I miss you more ate.. Sobra." ngumiti naman ako.

"Oh Hi kuya luke!" aniya ni Lauren nang humiwalay siya saakin, napangiti ako nang yumakap siya sa Kuya niya.

"Ang tagal mong nawala ah! Iniwan mo si ate dati kung alam mo lang kung papaano siya Umiiyak dahil say—"

"Lauren." naninita at nahihiya kong sabi, nang tignan ko si luke ay mabilis na kumabog ang dibdib ko nang sa unang beses ay nagtama ang mga paningin namin.

Napalunok ako, hindi agad na naputol ang mga titig na yon hanggang sa ako na ang mag iwas tingin dahil pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso kahit na hindi naman.

'Nakakabigla siya..'

√√√

@/n: Malapit na ang Revelations.

FbPage: Maecel_DC
Facebook: Maecel Gandia Dela Cruz
Twitter: @luxmei123
IG: @luxmei143

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro