Chapter 81
Mia Jasmin's POV.
"Bagay talaga kayo ni Doctor L, doc simula palang sinasabi na nang puso ko na kayo talaga para sa isa't isa!" napangiti naman ako tapos tumikhim nalang at chineck ang isang pasyente.
Habang chinicheck ko ang pasyente with Dr.Althea ay biglang sumulpot ang Bagong doctor na si Dr.Zai ngumiwi ako kaagad. "Hi Doctors." bati pa niya.
"Doctors your face." mahinang bulong ko, narinig ko naman ang tawa niya.
"Do you want me to kiss you again?" napamaang ako sa tanong niya dahilan para samaan ko siya nang tingin.
"Oh please Doctor, Be professional." naiinis kong sabi, ngunit ngumiti siya.
"Oh sure Doctor." napairap nalang ako tapos ginamot na namin ang pasyente.
Nang matapos ay muli kong inirapan si Dr.Zai tapos naglakad na upang hanapin si Luke ngunit hindi ko siya makita it's either nasa operating room. Huminga ako nang malalim.
***
Mamaya ay Tuesday na kaya naman naghanda na kami nang mas maaga habang nasa Emergency room dahil walang pasyente ngayon dito ay hawak hawak ko ang Clipboard.
Ngunit nang sandaling magtama nanaman ang mata namin ni Dr.Zai yung pinsan ni Luke ngumiti nanaman siya nang pagkaganda ganda kaya umirap ako.
"So while waiting for tuesday, tatanungin natin ang New doctor." nakangiting suggest ni Dr.Shane kaya naman nanood lang ako.
"So Dr.Zai, What's your Whole name?" panimula ni Dr.Shane.
"I'm Zai Garcia, Pinsan ko lang naman yung gwapong doctor na yon." itinuro pa niya si luke, napailing naman si luke at ngumiwi.
"Ilang taon ka na doc?" tanong pa nang iba.
"I just Turn 27 last month." nakangiting sagot nito.
"Ano naman yung mga tipo mong babae Doc?" tanong pa ni Dr.Monter.
"Walang tipo tipo yan, lahat gusto." asar ni Luke.
"Sira, Hindi ah. Yung tipo ko ay yung Sexy, Matalino, Maganda, mabait na may pagkamataray. Yun bang hindi natatakot na manapak nang lalake." napalunok ako nang nakatingin siya saakin dahilan para mag focus ako sa Clip Board.
"Ayy! Ay! Sino naman yan doc?!"
"Meron ba dito?!"
"Aminin na!"
"Sinong Type mo rito Doc?" tanong ni Dr.Shane.
"Well, That doctor." hindi ako tumingin sakanya at saka ako nag focus sa Clipboard binabasa ang mga dapat.
Ngunit agad akong natigilan nang bigla ay hilain niya ako kaya naman nagsalubong ang kilay ko. "Let go of me." mariing banta ko ngumiti naman siya.
"YIEEEEE!"
"SI DOC MIA PALA!"
"LAKAS NANG KAMANDAG!"
"Ya! Get lost." bulyaw ko pa sakanya.
"This is the girl i like, Pag naging Girlfriend ko siya—"
"That will never Happen, Zai." napatingin ako kay luke, Humakbang siya mula sa kinatataguan niya kanina habang nakangisi.
"Oh.. You're already taken My dear Cousin." asar pa ni Zai.
"Ommo! Taken na daw si Dr.L!"
"Sino kaya!?"
"You already have that Doctor." Tinuro pa ni Zai si Dr.Shane namula naman ang mukha ni Dr.Shane.
"Hala? Seryoso?!"
"Medyo shiniship ko rin sila noon kaya okay na!"
"Let's have a deal then, Pag nakuha ko itong si Miss Sungit You'll buy me a Car. And if you win, I'll buy you a Brand new car, name it." napalunok ako tapos Inalis ang pagkakaakbay saakin ni Dr.Zai.
"You already loss, Brother." nakangising sabi ni Luke at naglakad papalapit saamin.
Nagtilian ang lahat nang Bigla akong hawakan ni Luke sa Kamay at Hilain papalapit sakanya namula nang sobra ang mukha ko. "Ya, You already have a girlfriend Bro." nakangising sabi ni Zai.
"Yes, I already got a Girlfriend." sagot ni Luke.
"Right, Baby?" nanlaki ang mata ko nang sabihin yon ni luke at tignan ako.
"Oh my god What's happening?!" gulat na sabi ni Dr.Lucille.
"Wait what?" gulat na sabi ni Zai.
"You're mistaken Zai, This girl beside me is my Girlfriend." nakangiting sabi ni Luke.
"Ommo! Sabi na eh mas bagay talaga sila!"
"Shit! Dream come true!" rinig kong sabi ni Nurse Jill.
Napalunok ako tapos tinignan si Dr.Zai na nagtataka akong tinignan. "You're Mia?" nagbabakasakaling tanong ni Dr.Zai.
"She's Mia." nakangiting sagot ni Luke.
"Meet my Girlfriend, Zai." nakangising aniya ni Luke humigpit naman ang kapit ko sa kamay niya.
"You're joking, Wala namang confirmation niya." nakangising sabi ni Dr.Zai.
"Mm baby, Answer me.." nanlalambing na sabi ni Luke dahilan para kiligin ang iba at mapangiti si Nurse Roma at Dr.Romeo.
"She's not answe—"
"Yes, He's my boyfriend." nang sabihin ko yon ay bahagya pa akong nautal agad naman na nagsigawan ang mga kasama ngunit nag alala ako bigla kay Dr.Shane.
"Dammit, Ang daya naman brooo." nakangusong sabi ni Dr.Zai.
"Akala ko naman magkakagirlfriend na ako nang matino, bat di mo agad sinabi ha!" natatawang singhal pa ni Dr.Zai.
"You kept on Interrupting me, Sa totoo lang hindi na ako nakapag pigil eh. You keep on doing the things i hate, first You kissed my girlfriend." naninitang sabi ni Luke kaya naman namula ang mukha ko at hindi nakapagsalita.
"So a Lamborghini Veneno will do, Bro." nakangising sabi ni luke.
"Oh Doomed." sagot ni Dr.Zai.
"Oo na ahhahahaha taena, sorry bro. Ang cute kasi talaga nang girlfriend mo." aniya pa ni Zai kaya napairap ako.
"You're Twenty Seven but you act like a Teenager." nakangiwing sabi ko tapos pinalo ang kamay ni luke na nakahawak sa Bewang ko.
"Enough with the show okay? We'll talk later." seryosong sabi ko kay Luke pero nang ngumiti siya ay nakagat ko ang ibabang labi.
"Are you mad?" nakangusong tanong niya kaya naman ngumiti ako.
"I'll think about that." aniya ko.
"Shit bro, Protect your woman from me." nginiwian ko si Dr.Zai.
"Oh shut up Doctor, Hindi pa nga ako nakakasapak sayo." sininghalan ko pa siya tapos nag walk out na ngunit agad akong nilapitan ni Nurse Jill.
"OMG doc! As In Oh My Gosh!" ngumiti naman ako.
"I know right, Three months na kami." nakangiting sagot ko.
"Mind Reader ka Doc?!" ngumiti ako sa sinabi niya at umiling.
"Ikaw talaga, May 45 minutes pa tayo before Twelve." Aniya ko sakanya ngumiti ito tapos nang aasar akong tinignan kaya naman napangiti ako.
Ganda pala sa pakiramdam na Alam nang lahat na Girlfriend ka nang isang tao lalo na't si luke pa isang Luke Garcia.. "Hi baby.." Napalunok ako at nilingon si luke.
"Are you mad?" Malambing na tanong niya saakin.
"Of course not.." Mahinang sagot ko, ngumiti naman siya.
"Para hindi ka na rin gambalain pa nang pinsan kong ubod nang pasaway." Ngumiti naman ako.
"Ilayo layo mo rin saakin ang pinsan mo at baka hindi ako makapagpigil." Dismayadong sabi ko na ikinatawa ni Luke.
"Seriously, Galit na galit ka sa pinsan ko." Natatawang sabi ni luke kaya naman nagkrus ang braso ko.
"Aba'y sinong hinde? Kung hindi kita kilala tapos bigla kitang halikan--"
"Syempre matutuwa.." Nagsalubong ang kilay ko sa masigla niyang sagot.
"Ya.." Sita ko, napipikon na sakanya.
"Halikan ka ba naman nag isang Mia, tsk tsk.." Natawa nalang ako.
"Bahala ka sa buhay mo, punyemas." Loka lokang sagot ko sakanya.
"I still remember what you did earlier." nang aasar niyang sabi kaya naman namula ang mukha ko tapos nakagat ang ibabang labi.
'Nakakahiya..'
"It's because.. Wala just stay away from me or else i'll do that here." banta ko pero hindi man lang siya natakot bagkus natuwa pa.
"That would be grea—"
"Doctor L!." sita ko.
"Just kidding baby." aniya pa niya at kinindatan ako bago ako nilisan napamaang naman ako at napabuntong hininga.
Napakasutil na lalake. "I really don't understand doctor." bigla ay nailang ako sa presensya ni Dr.Shane kahit pa nakangiti siya.
"I'm sorry—"
"You don't have to explain Dr.Mia, Sige ha let's just do our work." nakangiting sabi pa niya tapos tinapik na ako sa balikat bumuntong hininga naman ako bigla ay nakaramdam ako nang guilt.
"I wonder, that doctor is inlove with my Cousin." agad ay nilingon ko si Dr.Zai ngunit hindi ko na siya pinansin tapos ay Sa iba nag focus.
"You think i'll stop from making a move?" inis kong nilingon si Dr.Zai.
"Excuse me? Are you talking to me?" sarkastika kong sabi.
"Ikaw lang naman yung nandit—"
"Well Dr.Zai, I really hate someone who loves to ruin a peaceful relationship." aniya ko sakanya.
"You can work here without bothering me." maayos na sabi ko.
"Woah, Calm down Miss Koreana." inirapan ko siya.
"Koreana your face, don ka na nga." inis na sabi ko pa.
"Trust me, I'm better than my Cousin. Hindi ko naman siya kinakalaban, uhm kinakalaban ko lang siya pagdating sa babae at dahil sayo yon." pagmamayabang pa niya.
"You're Unbelievable. I'm disgust." inis na sabi ko tapos Kinuha ang Ilalagay na Saline or Intravenous Sa bawat Bed para handa na.
"Ang sungit talaga." rinig kong singhal pa niya kaya hindi ko na siya pinansin.
Nang dumating ang Twelve ay as Usual maraming trauma patients at nasanay na rin ako hindi ko na ininda ang pagod..
Nagdaan ang mga oras at nag assist ako sa Tatlong Operations ni Luke, dalawang major kay Dr.Shane at apat na minor kay Dr.Yasmine doon ako nakaramdam nang pagod.
As in pagod na pagod na ang mata ko, ang kamay, at ang mga balikat gusto g gusto ko nang matulog nang sumapit ang alas osto nang umaga nakasurvive kami sa mga Emergency trauma patients.
Ngunit mas marami naman akong natutunan dagdag kaalam sa lahat pag nagtagal tagal pa ay kakayanin ko na ring maging Main Surgeon. Sa dami nang operation ni Dr.Romeo ay nagtataka akong sa edad niya hindi siya nagrereklamo.
Hindi ko nagawang mag assist sa operasyon niya ngayon dahil mas kinailangan ako nang iba. "You should rest Doctor Mia, Yung boyfriend mo sabog na rin." natatawang aniya ni Dr.Zai.
"Seriously Dr.Zai, i can't believe you didn't do anything." naiinis na sabi ko.
"Oh ang init nanaman nang ulo mo saakin." natatawang aniya pa niya.
'Ugali niyang magpapansin saakin na para bang wala nang bukas pa sige lang nang sige.'
"Lumayo layo ka saakin, baka parehas kayo ni Dr.Bars ang masapok ko." inis na sabi ko tapos kinuha na ang Gamit ko at umalis doon.
Nang makalabas ako nang Emergency room ay nakasalubong ko kaagad si luke at si Dr.Shane. "Let's go home, I'm already sleepy." aniya ni luke tapos lumapit saakin at inakbayan ako napalunok ako at agad kong inalis yon nang mapansin ang itsura ni dr.shane.
Hindi naman ako Insensitive na tao, She's nice and hurting her is not a good Idea. "Why?" tanong ni luke.
"Ah masakit kasi yung balikat ko, tara na?" pag iiba ko pa nang usapan tumango naman ito tapos nilingon si Dr.Shane.
"Dr.Shane, I'll see you later. Uuwi na muna kami." paalam ni luke rito tapos Tinapik pa sa likod nang mahinang paraan syempre.
"Bye doctor." paalam ko.
"Take care." aniya nito at pilit na ngumiti nang papalabas na kami ay agad akong napabuntong hininga at napansin yon ni luke.
"Are you sleepy too?" tanong niya.
"Mm, I'm already sleepy." nakanguso kong sabi but that's not the main reason, hurting Dr.Shane is not my intention..
Hindi siya tulad ni Dr.Yasmine na baliw, She's nice and she really cares about luke. Nang makasakay ay nagmaneho si Luke nang Li-low lang dahil siguro inaantok na rin talaga siya.
Nang makarating kami ay papasok palang nag aalis na ako nang Coat dinala ko na may pamalit naman ako rito para makapag laundry pa kami pag may oras.
Nang makapasok nang kwarto ay napabuntong hininga ako nang basta nalang mahiga si Luke at pumikit nakapwesto naman siya sa kama niya kaya naman naglakad ako papalapit sakanya at inalis ang suot niyang pantalampakan.
Nang maalis yon ay Nilapitan ko siya at saka tinitigan niya na nagawang alisin ang coat niya kaya naman lumapit ako sakanya at saka ko siya ginising. "Luke.." pag gising ko sakanya.
Awtomatiko ko namang nakita ang pagkabugnot sa mukha niya, halatang gustong gusto nang matulog higit na mas pagod siya saakin Main surgeon kasi siya kung madalas. Mga surgery pa nakung abutin ay Three hours.
'Pagod na pagod hays'
Nang maupo siya ay inalis ko ang Coat niya tapos ay Napangiti nalang nang ihilig niya ang ulo sa Legs ko kaya naman inilagay ko ang mga kamay sa ulo niya at Minasahe ko ang Scalp niya.
"Uhh.." tugon niya, mukhang narerelax siya sa Ginagawa ko.
"I didn't know that you have this talent baby.. But let's rest i know you're tired." malambing na sabi niya tapos Hinuli ang kamay ko at saka siya naupo.
Nang mahiga siya nang maayos ay hindi niya binitiwan ang kamay ko bagkus ay Dahan dahan niya akong hinila papahiga sa Tabi niya at niyakap kaya naman kinuha ko ang comforter at saka inayos ito.
Nang hindi na siya tumugon ay ipinikit ko na rin ang mga mata at saka ko isiniksik ang mukha sa katawan niya upang hindi makakita nang kahit ano mang liwanag na babagabag sa pag tulog ko.
Sa lakas nang buga nang aircon ay mas naramdaman ko ang init nang katawan ni luke na nakayakap saakin mukhang tulog na nga siya dahil mabigat na ang pag hinga at mabigat na rin ang pagkakayakap niya saakin.
Bibihira kami kung umuwi kaya naman bibihira lang rin mangyari ang ganito kasi madalas ay bagsak na kami sa Staff room katabi ko na si Dr.Althea o di kaya si Dr.Lucille.
Habang siya ay minsan katabi na niya si Dr.Monter at nurse chi kung minsan apat pa silang magkakatabi ni Dr.Kiro makatulog lang.
Mahirap maging doctor, Hindi madali ang maging mulat sa oras nang pagtulog, hindi madaling maging mulat kahit na ang diwa mo ay lutang na lutang na.
Kahit pagod ka na ay hindi ka pwedeng manghina, dahil maraming tao ang umaasa sayo maraming tao ang kumakapit sa pag asang mabigyan mo sila nang pangalawang buhay upang gawin ang dapat nilang gawin.
Doctor ang daan upang maging sagot nang dasal nila sa panginoon ay mangyari, kahit gutom ka na at kumakalam na ang tyan mo ay hindi ka pa makakakain dahil marami pang pasyente..
√√√
“Today's pain is enough for me to handle, get off.."
@/n: hmm any guess kung kaninong Line? again curious ako kung anong iniisip niyo 💓
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro