Chapter 8
Mia Jasmin's POV..
habang inaayos ang nakuha ko galing kay kuya elijah ay may bigla nanamang nagbukas nang kwarto ko at alam ko na kung sino to. "Oh." napalingon ako at nagulat ako nang iabot niya saakin ang dalawang malalaking chuckie.
Hindi naman siya tulad nang mga fresh milks nasa ref kasi ang malalaking gatas na pinili namin. "Saakin?" tanong ko ay kinuha yon.
"Ne, All yours." sagot niya ngumiti ako.
"Kamsamnida Ahjussi." napalunok siya at ngumiwi.
"Bye." sagot niya nalang at lumabas na nang kwarto ko, aish! Di talaga uso kumatok sa isang to ibig sabihin non hindi ako pepwedeng magbihis sa mismong kwarto ko pang closet lang talaga.
Nang una naman marunong kumatok ngayon hindi na psh kapal talaga nang mukhaaa! Napatitig ako sa Chuckie na inabot niya tapos Kinuha ko ang straw at ininom na yon.
Nang maubos ang isa ay ngumuso ako at muling tumulala sa tapat nang Pintuan ko. "Ang boring talaga." sambit ko at lumabas nalang nang kwarto.
"I'll be back." sambit ni mommy kaya naman mabilis akong humabol.
"Can i join?" tanong ko.
"Sa Cafe anak." sambit ni daddy.
"Sige na Mommy, daddy, I'm bored at last na ngayon kukuha na rin ako nang cake sa cafe." nakangiting sabi ko tumawa si Mommy at Inakbayan na ako.
~~ CAFE ~~
nang makarating ay sa Ref agad ako dumeretso sa malaking ref namin dito sa buong Cafe, mamaya kasi isasarado na ito ewan ko ba kung bakit tumungo rito si mommy baka yung advance pay nila.
Nang makakuha nang cake ay tinulungan ako ni daddy binuhat niya ang dalawa at hawak ko naman ang dalawa rin na magkakaiba ang flavors. Inilagay ni daddy ang boxes sa Mesa tapos naglabas nang pera at inabot sa Cashier.
"Hindi ka pwedeng basta basta nalang kumuha nang hindi nagbabayad okay? Kahit na pag mamay ari natin ang cafe." ngumiti ako at tumango tango.
Nang maibigay ni mommy ang mga envelop ay nagpaalam siya nakamask naman kami kaya okay lang. Nang makabalik sa sasakyan ay nilanghap ko ang bango mang mga cake then i suddenly smell bad.
"Who farted?!" malakas na tanong ko hanggang sa marinig ko na ang tawa ni daddy mabilis kaming nagtakip nang ilong ni mommy.
"You're disgusting daddy." sambit ko pa.
"Mas mabaho sa mommy mo." Asar pa ni daddy habang tumatawa.
"Hubby!" sita ni mommy kaya naman ngumiti ako.
"Uwi na po tayo, kadugyutan niyo po." mas malakas na tunawa si daddy aish kahit kailan talaga minsan parang teenager pero pag papagalitan kami daig pa niyang sobrang strikto na tatay.
Nang makauwi ay nakita ko silang nagtitipon sa Sala ipinalagay naman ni daddy sa Ref ang mga Cakes. "Anong meron?" tanong ko sakanila.
"Wanna join us? Who loses will choose Truth or consequence." napatango ako.
"Nevermind-ay!" halos hampasin ko si Luke nang hiklatin niya ako basta basta at Iupo sa Tapat ni Ate brianna sama naman nito.
"Bakit aapat lang tayo?" tanong ko pa.
"Well kids are out." Sagot ni ate brianna ngumuso ako.
"Bata pa k-"
"Duh as if naman elementary ka Mia." inirapan ko si Ate brianna at saka kumuha nalang nang card sa pag kakaalam ko kung sinong makakuha nang pinakamababa yun ang idedare o tatanungin eh as in playing cards siya.
Nakapabilog ang Cards kaya naman nang ako na Bubunut ay napangiti ako nang makakuha nang jack. Sunod ay si kuya elijah na king ang nakuha!
Then si ate brianna napanguso ako dahil nakakuha rin siya nang king at ayon tinignan namin si luke na siyang huling bubunot halos mapapalakpak ako nang five ang nakuha niya.
"Truth or Consequence?" tanong ni kuya elijah.
"Truth." sagot niya.
"Have you ever been brokenhearted?" tanong ni kuya elijah.
"Yes, A lot of time." tapos nginiwian ako ni luke kaya peke akong ngumiti sunod ay ang natalo si kuya elijah.
"Have you ever been inlove?" tanong ni luke kaya napatingin kami lahat kay kuya elijah.
"Yup." sagot niya walang alinlangan.
"Aba! Di ko alam yan kuya ah!" sita ko.
"Sus di mo na kailangang malaman." sagot naman ni kuya elijah.
Nang third round ay ako ang natalo. "Truth." sambit ko.
"Have you been kissed?" napalunok ako bigla tapos aish tong brianna na to!
"Yes, My mom said she was my first kiss second is dad." sagot ko, napanguso si brianna.
"Yeah right, blood related." sambit niya kaya natawa ako.
Sunod na natalo ay si luke ulet. "Truth." sagot niya.
"Did you kiss someone already?" natigilan si luke tapos tinignan ako kaya naman nag iwas tingin ako.
"I already did." sagot ni luke kaya naman ako ba yon? O iba? Ewan i don't think it's important.
"Luuuuuh sinoo?" ngumiti lang si luke kay kuya elijah.
The next round ay natalo si kuya elijah kaya naman nakaligtas nanaman si Brianna. "I pick truth." sagot niya pa.
"Ako magtatanong!" sambit ko.
"Oh ano yon?" tanong niya.
"Spill one of your secret." sambit ko.
"Oh is that a question or a consequence." ngumuso ako.
"Ano yung sikretong maibabahagi mo saamin?" tanong ko ngumisi siya.
"Nang tinuli ako umiyak ako sa kaba." natawa kami sa sagot ni Kuya elijah.
"Ito makatawa bakit di ka ba umiyak?" tanong niya kay luke tumawa si luke.
"There's nothing to be scared of, kaya hindi." nakangiting sagot pa ni luke, masakit ba talaga yon? Mas masakit nga ang mens.
Nang magsawa kami sa Cards ay panay consequence nalang yung gagawin namin kung sinong maturo nang bote. "First spin." sambit ni Ate brianna.
Tumuro ito saakin kaya napalunok ako. "Ang malas naman." bulong ko at ngumiwi.
"What should i do?" tanong ko.
"Text the person you always owe, hindi parents o si kent at lauren ah." napairap naman ako, tapos mabilis na kinuha ang cellphone ko at rumekta sa Number ni Luke.
"Anong sasabihin ko?" tanong ko sakanya.
"Say Hi." sambit ni ate brianna kaya naman tinype ko na yon with smile face pa na emoji.
Kaya naman nang isend yon ay ilang segundo lang tumunog na ang cellphone ni Luke napatingin sila sakanya tapos tinignan ako. "Him?" tanong ni kuya elijah
"Should i be jealous." sambit pa ni Kuya elijah kaya tumawa ako.
"How did she owe you? What did you?" ngumisi si luke at tinignan ako tapos maya maya tumunog ang cellphone ko.
Natawa ako nang mabasa ang thank you. "Ewan, why don't you ask her." sambit ni Luke.
"He always save my life." sambit ko pa.
Napatango sila at Inikot na ang bote tumama yon may ate Brianna pumalakpak naman si kuya elijah. "Hmm Umamin ka sa taong gusto mo, Through phone, personal any other way." sambit ni kuya elijah and without hesitation bahagya siyang lumapit kay Luke.
"I like you." tanging matapang lang na babae ang aamin sa lalakeng gusto niya at wala akong GUSTO!
"Woaaah that was fast." sambit ni Kuya elijah pero ngumiti lang si Luke at saka Inikot ang bote pero kamalas malasan saakin tumuro ito kaya ngumiwi ako.
"What should i do?" tanong ko.
"Kuha ka maiinom sa Ref." napamaang ako at Umirap tapos tumayo na.
"Kahit ano ah." sambit ko tapos nagmamadaling pumunta sa Kusina naabutan ko naman si manang dito.
"Manang excuse po." sambit ko dahil nakaharang siya sa Ref nang makakuha nang Banana milk ay bumalik na ako at tinuhog ko na rin nang straw ang Parang lagayan niya kasi is yakult pero mataba at masarap.
"Eto na po." sambit ko at naupo na sa tapat ni ate brianna parehas kasing nasa gilid si Kuya elijah at luke.
"Okay, Drink it." napamaang ako at saka lumunok.
"Seryoso?" tanong ko.
"Yup, Naglakad ka kaya baka napagod ka." seryoso niyang sabi kaya ininom ko na at hinawakan ang Bote tapos Pinaikot ito.
"Nice one, So kuya elijah gusto ko lang naman gawin mo Ichat mo yung taong gusto mo." ngumisi si kuya elijah at kinuha ang cellphone niya halos mapamaang kami ni ate brianna nang tumunog ang cellphone ni luke.
"Yah! Stop messing with me, tsk." sambit ni luke tawa naman nang tawa si Kuya elijah.
"I can't admit it to her, kaya ikaw nalang." napamaang si Luke tapos babatukan na sana si Kuya elijah nang narinig niya ang boses ni Daddy humagikgik ako.
"Madaya ka kuya, Masyadong play safe." sambit ko pa, kinindatan niya naman ako.
"Mahirap na eh." umirap ako nang paikutin na ni ate brianna ang bote ay tumama ito sa sarili niya.
"This is what i called self accident." natawa ako.
"Ako na mag uutos kay brianna." sambit ni Kuya elijah.
"Ano yon kuya?" tanong ni brianna.
"Hampasin mo si luke." ngumiwi agad si Luke at Ihinanda ang brasoo pero pagkahampas sakanya ay parang wala lang habang si ate brianna mukhang tuwang tuwa eh.
Pinaikot na ni ate brianna ulit ang bote at tumuro yon kay Luke kaya napamaang ako. "Kiss the most beautiful girl in this house, sa Cheeks o sa Noo." sambit ni ate brianna halos mailang ako nang tignan ako ni luke.
"Yon lang?" tanong ni luke, kinabahan ako nang sobra nang hindi niya alisin ang mga tingin saakin..
Pero tumayo siya bigla pinanood namin siya kung papaano niya nilapitan si mommy at nag paalam tapos Kiniss niya ito sa noo. "Wow most beautiful girl si tita miyu hahaha" tumawa rin si mommy tapos Pinalo pa si Luke.
"Bolero ka rin ah, alam ko namang anak ko ang maganda sa mata mo." ngumiti si Luke.
"I should not cross the line tita." natawa si mommy kaya naman namula ang mukha ko nang bumalik siya sa Kinauupuan niya.
Nang iikot ni brianna ay tumama saakin sinolo niya na punyeta di man lang napapansin nang mga kasama ko. Halos mapanguso ako nang saakin tumama.
"Kiss mo kung sino man ang mas pogi, Luke o kuya elijah." mabilis akong napatingin kay ate brianna tapis tumayo.
"Wala, Panget silang dalawa." sagot ko at mabilis na naglakad papaakyat.
"Hoy! Andaya ah!" ngumisi nalang ako at saka nagmamadaling umakyat sa kwarto duh? Duh? Duh? Duh? Bat ko gagawen yon!
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro