Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Mia Jasmin's POV.


Nang maayos ko ang foods ay lumapit ako sa Pinto at Binuksan na iyon nang malakabas ay nag stretch muna ako bago maglakad. "Woah, are you serious?" napatingin ako kay Ate brianna.

"Kanina ka pa?" tanong ko.

"Yup, I was busy watching you. You're funny." arteng sabi nito aish! Bat ba nandito tong kuripat na to.

"B-bakit ka nga pala nandito? Don't you have a family?" tanong ko sakanya, napamaang siya kaya ngumiti ako.

"Just kidding, enjoy your stay Ate Brianna." matamis ko siyang nginitian at mabilis rin tinalikuran peste mukhang makakasama ko amg kuripat na to nang matagal tagal.

"Yow, Mia." napatingin ako kay kuya Elijah kaya nginitian ko siya.

"Maayos ba yung old room ko?" nasa tapat kasi kami nang dati niyang tinutulugan sa pagitan nang kwarto namin ni kent na ngayon ay nandoon si luke.

Magsasalita na sana ako pero bumukas na ito. Nakita ko ang reaksyon sa mukha ni luke, dismayadong napipikon pero ngumiti siya aba Tinde ren nito ah.

"Mag iistay ka rito? Sorry nauna ako e. Hanap ka nalang ibang available guest room." naiwang nakaawang ang bibig namin.

"Ah luke, Would you like to join me? Let's draw." nakangiting sabi ni Brianna kaya naman hindi ko na tinignan si luke tapos nginitian ko nalang si kuya Elijah.

"He's right kuya, Ate brianna is using that room kase kaya ang available is yung sa gilid ni Kent." sambit ko.

"Ah, i'll take that then." sambit ni kuya Elijah at dinala ang gamit niya doon kaya naman naglakad na ako papunta sa kwarto ni kent at walang katok katok ko iyong binuksan.

Pero ang reaksyon niya ay hindi nagbago. "Psh noona you want food again?" sambit niya kaya ngumiti ako at naupo sa dulo nang kama niya he's busy on his book.

"Maybe? What can you offer?" tanong ko, mabait si kent as in he's sweet and masungit at the same time.

"Minsan talaga naisip ko noona kung aso ba kita na dapat bigyan nang treat." napamaang ako.

"W-woi!"

"Cute kasi ang aso diba." kaya naman napamaang akong muli at ngumiwi saka tumayo na at umalis sa kwarto niya.

Kaya naman naisipan kong bumaba nalang pero napangiwi lang ako nang makita si luke at ate brianna na nagdodrawing edi sila nang magkavibe diba as if naman may pake ako.

"Anak, gusto mo ba sumali sakanila magsketch?" napatingin ako kay daddy na inaya lang naman ako kaya naman napukaw ang atensyon nang dalawa na busy saakin.

"I'd love to, but dad i'm not in the mood. Parang tinatakwil na ko nang nga kapatid ko mga busy." nakanguso kong sabi natawa si daddy at saka ngumiti.

"Mana ka sa mommy mo, matampuhin." ngumiti ako.

"Nakapagsalita po ang hindi matampuhin daddy, sus." natawa si daddy lalo at inabot saakin ang sketch pad at ang maraming lapis na may iba't ibang numero.

"Mag sketch ka pag naisipan mo." sambit ni daddy at Hinaplos ako sa ulo kaya nginitian ko siya naglakad naman na ako papunta sa Pool area ano bang magandang gawin.

Halatang bago pa ang sketch pad at gamit ni daddy, sa room kasi nila mommy maraming ganito si daddy may dream journal pa nga siya na memory journal pala talaga.

Huminga ako nang malalim at saka ko naisipang maglublob nang paa sa Pool at buksan ang sketch pad. Gusto ko maging doctor someday pero kung iisipin kailan lang inisip kong kriminal ako psh.

Kaya naman napangiti ako at saka binuksan ang pencil case at ang sketch pad sinimulan kong iguhit ang sarili na nakacoat nang pang doctor.

I know that it takes time but it's just a sketch, hindi naman ako ganun kagaling pero kanino pa ba ako magmamana? Sa ibaba nang sketch ay inilagay ko ang Nais kong ilagay doon.

‘Dr.Mia Jasmin Sandoval’

Nang matapos yon ay napatitig ako sa sariling drawing kaya naman kinuha ko ang ibang lapis at sinubukang pagandahin ang iginuhit. "I didn't know you're better at this." agad kong naisara ang Sketch pad at saka Nilingon ang nasa gilid it was luke.

"Hindi ka na nga marunong kumatok, para ka pang kabute na bulaga nang bulaga." naiinis kong sabi tapos inayos ang Pencil case naisipan ko nang tumayo.

"Gwapo ko namang Kabute." napamaang ako.

"Ewan ko sayo." sagot ko at saka naglakad na upang lampasan siya pagkalampas ko sakanya ay nakita ko naman si ate brianna na nakatitig saakin.

"Enjoy your stay." sambit ko at tipid na ngumiti tapos naglakad na.

"Mia!" tumigil ako at nilingon ang tumawag saakin na si Luke, tinaasan ko siya mag kilay nakakunot kasi ang noo niya malay ko ba diba?

"Mwol?" tinanong ko siya.

"hwanass-eo?" napatitig ako sakanya, isang taon lang naman siya sa korea pero natuto ren siya ah tsk tinatanong niya kung galit daw ba ako

"Aniyo, hwanael iyuga issseubnikka?" sagot ko derekta sinasabi na hindi, may rason ba para magalit?

"amugeosdo anieyo.." ngumiti ako, sabi niya wala daw, naisip niya lang

"Ano ba? Are you alien talking something like that?" maarteng sabi ni Ate brianna.

"It's none of your business." sagot ko at tinalikuran na sila.

"Woah did you just two fight?" ngumuso ako kay kuya elijah tumawa naman ito at inakbayan ako.

"Di ko ba alam kay ate brianna, maybe she just hate me and i hate her also." tumawa lalo si Kuya elijah.

"May makakatalo pa ba sa katarayan mo?" tanong ni kuya elijah.

"Si mommy." natawa siya.

"Sabagay, kakaiba rin talaga si tita miyu, pati mommy ko titiklop." ngumisi nalang ako nandito kami ngayon sa Terrace malapit sa Mga kwarto namin nasa second floor palang kasi kami pero mataas na ang ceiling.

"I have something to tell you." napalingon ako kay kuya elijah at pinagkunutan siya nang noo.

"Alam mo ba kung ilang taon na ako?" tanong niya.

"Sa totoo lang kuya i'm not sure hahaha." ngumiti siya.

"If you guess it right bibigyan kita nang Prize." ngumiwi ako.

"Aba, sure yan ah teka lemme think of it." sambit ko pa.

"19 years old?!" mabilis na sagot ko natawa si kuya elijah at tumango tango.

"ah so 3 years pala ang gap natin kuya. Tch ang aga mo ginawa andaya." sambit ko nang tignan si kuya elijah ay nangunot ang noo ko nang mamula ang tenga niya.

"Kinagat ba yung tenga mo kuya? Namumula kaya." ngumiti siya.

"How dare you bring that topic hahahahaha ang bata mo pa, tigilan mo yan ah." natawa ako at hinampas si kuya elijah.

"Porket may Girlfriend ka na ah." asar ko tumawa si kuya elijah.

"Wala nga eh, Wala kasi akong makilala na matino at hindi ako nagugustuhan agad ganun ba." ngumiwi ako.

"Sa sobrang arte mo sa babae hindi ka na magkakagirlfriend." asar ko pa ngumiti naman siya at inakbayan ako ulit close talaga kami ni kuya elijah mas close ko siya kesa kay zane na masungit.

"Okay lang, nandyan ka pa naman. May karamay pa ko di ka magboboyfriend kasi tomboy ka." napamaang ako at siniko siya.

"Aba! Pag ako nagkaboyfriend!" tumawa si kuya elijah at saka Pinisil ang ilong ko kaya naman pinalo ko ang kamay niya.

"Aish minsan talaga naiisip ko kung anong problema nang mga pinsan ko mga toyoin!"

"Nakapagsalita ang hindi tinotopak ah, sabagay minuminuto ka na palang inaatake non kaya normal na." naiwang nakaawang ang bibig ko.

"Ang sama sama mo kuya elijah, pero ikaw lang yung hindi ako hinahayaang mag isa." sambit ko pa.

"Sus, binola pa ako nang maganda kong pinsan." napangiti ako.

"Naman kuya." sambit ko pa.

"Oh ano ngang prize ko?" tanong ko sakanya.

"Tara." sinenyasan niya akong sumunod nakita ko naman siyang derederetso sa kwarto niya kaya mabilis ako na sumunod pero bago pa man makapasok may humawak na sa pulsuan ko.

"oh." gulat na sabi ko, it was luke.

"Anong gagawin mo sa loob?" tanong niya kaya natawa ako.

"Kukunin ko lang yung prize ko for guessing his age right, sige ha mamaya nalang." nakangiti kong sabi  at binawi ang kamay ko pero sumunod siya sa loob.

"I want to guess your age too, will you give me a prize?" nagulat si kuya elijah sa pagpasok ni luke sa loob.

"What the heck? Are you serious?" tanong ni kuya elijah at tumawa pa.

"Why not, i want to try it too." sambit ni Luke.

"Then this will be the deal, of you guessed it wrong lubayan mo na si mia and if you guessed it right i'll give you a prize." napamaang si Luke.

"B-bat ako nadamay?" gulat na tanong ko.

"It's because he likes you, let's see" nakangising sabi ni kuya elijah.

"Deal." napalunok ako at hinampas si luke pero ngumiti siya.

"You we're three when i was five soo i'm 21 and you are 19!" napatitig ako kay luke is he genius to remember that when he was five?

O talagang hehe ewan bahala na atleast he guessed it right. "You're wrong." napatingin ako kay kuya elijah kaya naman napalunok ako.

"I can't be wrong Elijah, Lemme see your PSA then?" tumawa si kuya elijah.

"Fine, You won." napatingin ako kay Kuya elijah halos mapalunok ako nang abutan niya nang anim na In can beer si Luke.

"Ano ba bat ala—"

"Pampatulog lang yan." sambit ni kuya Elijah.

"Mabaho ang beer, wala nang iba?" tanong ni luke kaya naman pinanood ko sila.

"What do you want?" tanong ni kuya elijah at pinakita ang food stocks niya aba meron na sa ref meron pa dito kakaiba talaga mga tao.

Naglakad si luke papalapit sa Stocks ni kuya elijah kaya pinanood ko siya. "This one." napalunok ako nang piliin niya ang Dalawang chuckie as in dinampot niya nalang.

"Can i have this?" napamaang si kuya elijah hindi makapaniwala sa Choice niya.

"Don't tell me you came for that?" natatawang tanong ni kuya elijah.

"I came for this." sagot ni luke.

"Okay, Wala na? Sure ka?" tanong ni kuya elijah.

"Ikaw Mia?" tanong ni kuya elijah saakin kaya mabilis akong lumapit at kinuna ang Isang Doritos cheese flavor tapos kinuha rin ang isang malaking softdrinks niya as in 1.5 liters.

Malaki kasi yung doritos. "Grabe, kakaiba ang choices niyo." sambit ni Kuya elijah kaya ngumiti ako.

"Kamsamnidaa." tapos nagmamadali akong umalis para maiwan sila sa kwarto ni kuya elijah parang hindi ako makahinga sa Loob nang kwarto niya kingina hindi naman mabaho hindi rin sobrang bango pero parang lagi silang nag aaway sa mga tingin nila.



√√√

@/n; Inupdate ko na to dahil masakit ang mata ko hehehe enjoy 😊 keep safe sainyo Enjoy reading stay healthy at laging maghugas nang kamayy dahil sa ngayon Importante yon 😋

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro