Chapter 69
@/n: Remember this Scene? 😂😂😂
Luke's POV
Pinipigilan kong huwag mangiti kada naalala ang usapan namin ni mia, ang maliit na pinagtatalunan namin. kasama namin ang iba sa bahay ngayon dahil pinagpahinga muna nila kami habang mamayang gabi ay babalik kami nang ospital.
"Doctor L, alam mo ba kung anong cure nang Insomnia?" agad kong nilingon si Dr.Lucille na nagtatanong kaya naman ngumisi ako.
"A lot of Sleep." sagot ko, napalunok niya akong tinignan parang mananapak.
"Aish ayaw ko nang magtanong! Best cure for insomnia is sleep sasabihin ko talaga yon sa pinsan ko." humalagapak nang tawa ang mga kasama kaya naman sinilip ko si mia sa kwarto ni Dr.Althea.
Hindi ko alam kung anong ginagawa nila pero sa napapansin ko parang pibapractice niya pag suture si Dr.Althea kaya naman kumatok ako.
"Come in." nang marinig yon ay tinulak ko na ang Pinto. "Mm nagpapractice kayo?" tanong ko, tumango naman si Mia bilang sagot.
"If you really can Tie and suture fast that would help an operation." aniya ko tapos lumapit kay mia pinanood ko naman kung papaano siya mag suture kung gaano kabilis ang kamay niya.
Ngunit nang magkakamali siya ay agad kong hinawakan ang dalawang kamay niya then habang ginaguide ang kamay niya ay mas ginawa ko pang mabilis. "oh wow.." gulat na sabi ni Dr.Althea.
"Ang bilis nonnn!" nabibilib na sabi niya, napaangat nang tingin si mia kaya binitiwan ko na ang kamay niya nginitian ko siya na halatang nagulat rin.
"Kung mabilis na si Dr.Mia, mas mabilis ka pa.." ngumiti ako.
"Practice makes perfect." sagot ko.
"Mia, come with me." aniya ko gulat niya naman akong tinignan.
"Saan?"
"Kay mom." tumango siya tapos nag paalam kay Dr.Althea kaya naman nang sumunod siya saakin ay pinaikot ikot ko muna ang susi sa daliri.
"Saan kayo doc?" tanong nila.
"Sa Parent ko lang Doc." paalam ko pa.
•••
Habang papaakyat kami nang Hotel room ni mom ay nakaramdam ako nang kakaibang kaba kaya naman minadali ko si Mia at tama nga ako pagkabukas na pagkabukas nang kwarto ay nakita ko ang pasa sa Pisngi nang mom ko.
"Tita Elizabeth!" nakita kong agad na lumapit si Mia sa mom ko kaya naman tinignan ko nang masama ang nasa loob.
"What the hell are you doing here, Old man?" walang ganang tanong ko.
"You finally showed up." nakangising sabi nito saakin dahilan para kumuyom ang kamao ko.
"So your son help you.." aniya pa nang dad ko kasama niya ngayon ang lolo ko.
"Oh little Sandoval wag kang makialam sa pamilya namin. Labas ka rito." ngumisi si Mia.
"Your family? Dadalawa lang naman kayong pamilya rito, ikaw at ang anak mo." sagot ni Mia.
"Itinakwil niyo sila hindi ba?" naglakad ako papalapit sakanila kay Mia at sa Mom ko.
"Get out of here." mariing tugon ko tapos masama silang tinignan.
"Bumalik na kayo, tatanggapin ko kayong dalawa kung papakasalan mo na si katrina dahil ang magaling na sandoval ay biglang hinila ang shares nila." gulat kong nilingon si Mia na nakangisi.
"Tulad nang isinambit ko Mister Garcia, Madali akong kausap." huminga ako nang malalim.
"Hindi na ako babalik, hindi na kami babalik. Kaya wala na kayong karapatan na hawakan ang sino man Saamin Ahjussi." ajussi means Mister maiintindihan nila yon panigurado.
"Hindi ko na kayo kinikilalang pamilya ko. Kung may pamilya man ako si Mom yon." sambit ko.
"Kaya makakaalis na kayo bago ko pa gamitin ang hindi dapat para sainyo, batid kong kilala niyo kung sino talaga ako at wag niyong antaying ako mismo ang makalaban niyo." nagbabanta kong sabi.
Ngunit tumawa si lolo, kahit tawanan niya ako batid kong kaba ang una niyang mararamdaman. "Alam mong labag sa batas na kalabanin mo ang sarili mong pamilya Apo." nakangising sabi niya.
"Ngunit hindi ko kayo kinikilalang pamilya kung kaya't kahit pa dumugo ang kamao ko tigilan niyo lang kami." ngumisi si Dad.
"Kung ganun babalik kami." nang sabihin nila yon ay huminga ako nang malalim.
"Sa oras na bumalik kayo rito, isa lang ang ibig sabihin non. Tinatanggap niyong kalabanin ako." mariing banta ko sakanila.
"You can't do that." nang sabihin nila yon ay huminga nalang ako nang malalim ay inantay sila na lumabas pero hindi sila nag paawat at inasar pa nila ako.
"Umalis na kayo bago pa ko tuluyang mawalan nang galang." mariing sabi ko ngunit ngumisi ito.
"Kung ganun ay Gigipitin ko kayo hanggang sa Sundin niyo ako. Lalo ka na luke, tignan natin kung sino ang hindi mag makaawa." kumuyom ang kamao ko at agad na Nilapitan siya dad.
Nang mahawakan ang kwelyo niya ay dahan dahan ko siyang inangat sa ere. "Luke!" rinig kong sita ni Mom.
"Are you trying me?" kalmadong tanong ko.
"Do you want to die?" mariing sabi ko tapos nilingon ang lolo ko.
"Are you sure you can handle me?" banta ko.
"Handa ka na bang makilala nang lahat? Gusto mo bang malaman ni mia kung gaano kasama ang lalakeng minahal niya?" nawala ang tapang ko tapos galit siyang tinignan.
"Kaya mong gawin yon sa kaisa isa mong anak?" tanong ko.
"Kung kakalabanin mo na rin ako, handa akong masira ka. Kayo nang mommy mo." sa galit ay hiniklat ko siya at hinagis sa kung saan.
"Luke! Tama na!" hindi ko pinansin si Mia tapos pinuntahan ko kaagad si Lolo at saka ko siya itinulak upang maisarado ko ang pinto.
"Gusto niyong tapusin ko to ngayon?" galit kong tanong.
"Bakit hindi mo gawin luke! Saktan mo ang ama mo!" sigaw niya saakin.
"Wala ka nang ibang ginawa kundi pahirapan kami ni mom! Wala ka nang ibang alam gawin kundi pabayaan kami!" sigaw ko sakanya tapos sinugod ko siya at sasapakin na sana nang malakas na may tumulak saakin sa dibdib upang mapaupo sa Sahig.
Gulat kong tinignan si Mia. "Pull yourself together Luke, Enough." nakagat ko ang ibabang labi.
"Makakaalis na kayo." aniya ni mia tapos itinayo si dad at saka dumeretso sa pinto upang buksan ito.
"Labas." aniya ni mia kaya naman naikuyom ko ang kamao mula sa sahig na pinagbagsakan ko.
"Kung hinahamon niyo siyang kalabanin kayo, pag nangyari yon asahan mong hindi lang siya ang makalaban niyo kundi buong Underground nang pamilya ko." nawala ang nakakaasar na ngiti ni lolo nang sabihin yon ni mia.
"Underground na alam niyong pag nagsama sama tignan natin kung saan kayo pupulutin." agad na lumabas ang dalawa kaya naman nakahinga ako nang maluwag.
"Kung sisirain mo ang kamay mo isipin mo muna yung mga taong umaasa na gagaling sila dahil sayo." sermon ni mia.
"Sorry." sambit ko.
"Tita, May Med kit ba kayo rito?" tanong ni mia..
Mia Jasmin's POV.
Matapos gamutin si Tita Elizabeth ay nanatiling tahimik si luke sa kinauupuan at umiinom lamang nang kape hindi na siya nagsalita pa kaya naman bumuntong hininga ako.
"Tita, wag na wag na po kayo basta bastang magbubukas nang pinto okay po ba yun? Kami lang po ang pwede niyong papasukin rito at ang mga kilala niyong mapagkakatiwalaan." bilin ko tumango ito saakin.
"Iuwi mo na si luke hija.." ngumiti ako at tumango.
"Sige po tita.. Mukhang kailangan niya rin mag isip isip." ngumiti ito tapos ngumiti kaya naman nilapitan ko na si luke.
"Gaja." aya ko pa sakanya tumayo nalang ito basta basta at hindi na nag paalam pa sa mom niya kaya huminga ako nang malalim tapos sinabayan nalang si luke na maglakad.
Habang naglalakad ay agad na napaangat ang tingin ko kay luke nang hawakan niya ako sa kamay kaya naman tipid akong ngumiti ay saka naglakad na.
"I'll drive." aniya ko sakanya.
"I can do it." nakangiting sagot niya.
"I'm sorry if i pushed you hard." aniya ko.
"That's fine." sagot niya.
"You should rest." nakangiting sabi ko, pinagbuksan niya naman ako nang sasakyan tapos sumakay na.
"Let's rest then, Dalawang oras lang tayo nawala. Madilim na kaagad." aniya ni Luke tapos Pinaandar na ang sasakyan.
Nang makarating sa Bahay ay nalaman namin na Bumalik na sa ospital ang ibang kasama kaya naman kumuha nalang ako nang Tubig at dinala sa loob dahil doon siya dumeretso.
"Uminom ka muna." aniya ko sakanya nang makapasok sa kwarto.
"Mm, thanks." aniya niya kaya naman ngumiti ako tapos naupo sa tabi nang kama niya na alam kong ikinagugulat niya hindi kasi ako kusang nauupo rito lalo na kung hindi niya sinasabi.
Nang makainom siya ay iginilid ko na ang baso tapos kinuha ang kamay niya pinanood niya lang ako dahil nakasandal siya sa Headboard. "Magpahinga ka muna, I'll massage your hand." aniya ko ngumiti siya at pumikit.
Kaya naman minasahe ko na muna ang kamay niya at sa nakikita ko ay nagugustuhan naman niya. "This is relaxing." napangiti ako sa sinabi niya tapos patuloy lang.
Nang mga ilang minuto na ay sinunod ko ang kabilang kamay niya hanggang sa nakakaten minutes palang ako mukhang nakatulog na siya sa ginawa ko. Huminga ako nang malalim at dahan dahan na Ibinaba ang kamay niya tapos ay kinumutan ko siya.
Nang makumutan ay naisipan ko munang lumabas nang kwarto pero nakita ko si Nurse Chi at Dr.Althea. "Si Doctor L? Doc." aniya ni Nurse chi.
"Natutulog.. Saan punta niyo?" tanong ko pa.
"Mauupo lang doc sa sala, sama kayo?" ngumiti ako at tumango.
"Kwentuhan niyo naman ako about kay Luke." nakangiting aniya ko pa.
"Sure doc, about saan ba?" tanong ni Nurse chi.
"Magtanong ka nalang doc tapos sasagutin namin." ngumiti naman ako.
"Kamusta naman si luke nang makarating siya sa GRS hospital?" tanong ko sakanila.
"Nang una kong makilala si Doctor L, tahimik talaga siya kumbaga hindi siya magsasalita lalo na pag hindi mo kakausapin pero mabait naman siya." nakangiting sabi ni Dr.Althea.
"Nang unang dating namin dito alam na namin ni Dr.Lucille na may mali, at aware kami don pero it really takes time bago namin naconfirm sakanya na naglayas nga siya at lumayo." napatango naman ako.
"Nang mga panahon bang nagtatrabaho kayo may iba pa siyang nakaclose?" tanong ko.
Parehas naman silang nagkatingin kaya nagtaka ako hindi nila alam kung ano ang isasagot. "Kung sa lalake naman doc, pag sa babae naman may isa akong naalala na nakasundo niya. Sa totoo lang nang una hindi naman niya kinikibo yon.." napalunok ako sino naman yon?
"Sino?" tanong ko.
"Si Dr.Shane." napatango ako bilang sagot
"Gaano naman sila Kaclose?" tanong ko.
"Parang kayo lang ni Lawyer Gray doc, pero walang kiss kiss sa pisngi. Dahil nalaman namin na hindi mo naman pala talaga siya boyfriend." napalunok ako at muling tumango si nurse chi ang lahat na sumasagot.
"Pwede mo pa ba akong kwentuhan agad sakanya?" tanong ko.
"Magkaibigan lang naman sila Doc, madalas kasi silang mag combine operation. Same Room rin sila noon." doon ay natigilan ako, mali naman ang iniisip ko.
"Friendly kasi talaga si Dr.Shane pero umalis siya a year ago nagmigrate kasi ang family niya sa America.." sagot ni Nurse Chi.
"Mabait si Dr.Shane, magaling rin siya sa langarang ito. Sila kasi ang magkakumpetensya ni Dr.L pero sadyang talent na ata ni Dr.L ang bagay na to wala na siyang nagawa." aniya pa ni Dr.Althea kaya napatango ako.
"Sabay nalang kayo pabalik saamin sa Ospital Nurse Chi, Magpapahinga rin muna siguro ako." paalam ko sakanila tapos ngumiti na.
Pagkapasok sa kwarto ay sandali akong nahiga sa kama at nag isip, Si Dr.shane gaano naman yung close na yon? Iisa sila nag kwarto? Kung ganun sakanya ang kamang ito noon?
Bigla ay nalungkot ako sa katotohanan na wala namang mali pero sa isip ko ay meron, kung magkasama sila sa kwarto hindi kaya aksidenteng nagbibihis man lang ay— ugh mali mali mali.
Tumayo ako at saka pumunta sa Drawer upang ilagay sana ang bago kong libro sa kung saan wala pang laman nang buksan ko yon ay nagtataka kong kinuha ang isang papel na nakatupi sa dalawa.
Naupo muna ako sa Gilid nang kama at tinignan ang sulat.. Doon ko lang napagtanto na ang sulat na ito ay para kay luke dapat napabuntong hininga ako at saka binasa ang nasa papel.
'I know that we already get along, and i'm sorry for leaving you.. I like you luke.. Sa oras na bumalik ako ikaw kaagad ang unang gusto kong makita dahil sayo ay nagawa ko ang mga bagay na gusto ko. Goodbye my Sexy roommate.'
Bumuntong hininga ako at ibinalik ang sulat doon tapos ay inilansan nalamang ang libro ko doon, masyadong walang kwenta ang mga pumapasok sa isip ko.
√√√
@/n: Dahil walang kuryente napakainit, mapapaaga update ko hahaha nabitin ba kayo? For sure may triggered ulit dahil sa Family ni Luke 😂 mwehehe keep safe 💓
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro