Chapter 65
Mia Jasmin's POV.
"Did you pay for all of this?" sa tanong ni luke ay napatingin ako sa Mom niya at nagsesenyas ito na Umoo ako huhu nakiusap kasi ang mom niya saakin eh.
•• FLASHBACK ••
nang makarating sa loob nang Hotel room ay nagulat ako nang hawakan ako nang Mom niya sa kamay. "Napakalaki nang naitulong mo saakin hija, pero sana hindi muna malaman ni luke na pera ko ang lahat nang ito." pakiusap niya.
"Po? Bakit naman po?" nagtatakang tanong ko.
"Balak ko siyang gawing Heir sa sariling business nang family ko secretly, sayo ko lang ito sasabihin hija. Sa oras na makausap ko ang lawyer ko sa oras na makilala na nila ako Ako ang mag mamay ari nang malaking business nang Biological parents ko." nagulat ako sa sinabi niya.
"May oras na nakatakda para doon kaya hindi pa ako pwedeng lumabas at humingi nang tulong basta basta mapapahamak ang magulang ko kaya hindi muna maari.." napalunok ako.
"Ang business na ito ay higit na tinatapatan ang laki nag business nang family mo Hija at sa oras na mangailangan kayo pagdating nang panahon, nandito lang kami pinapangako ko sayo sa oras na dumating ito hinding hindi ako tututol sainyo ni Luke." ngumiti ako.
"Sige po, salamat tita.."
"Alam kong gustong gusto ka ni luke bata ka palang hija, hindi na nagbago yon at mas lumala pa." natouch ako sa sinabi niya.
"Dapat nga ay hindi ako napatalsik dahil iyon ang plano ngunit sa ganito ako nag end up kaya mahirap ang proseso kaya nakikiusap ako Hija."
"gagawin ko tita, Para kay luke at sainyo." nakangiting sabi ko.
"salamat hija." nakangiting sabi nito at niyakap pa ako kaya naman napangiti ako, mahal na mahal niya ang anak niya pero may dinaanan syang proseso bago magtagumpay.
"Ipaalam mo sakanya na pera mo ang lahat nang ito, o pera nang magulang mo. Ako na ang bahala sa lahat." ngumiti akong muli sa sinabi niya hindi ko inaasahan na may isang napakalaking sikreto akong hinahawakan.
•• END OF FLASHBACK ••
"Yes, pero pagbabayad ko yon sa utang nang family ko sa Parents mo noon." nangunot ang noo ni luke.
"Utang?"
"Yup, wala ka sa City non kaya stop it. Nagbayad lang talaga ako." sagot ko pa parang nakahinga naman nang maluwag si luke.
"Bakit iniwan niyo ako sa ospital?" nakangusong tanong ni luke kaya naman pinalo ko siya sa Lower back.
"Para madala mo sasakyan mo hehe, Ipahiram mo muna car mo kay tita tapos ikaw gagamit sa car ko nang magamit naman." nakangiting sabi ko pa.
"Woah, Sure." sagot niya.
"Mom may pera pa ba kayo diyan—"
"Binayaran nga ako nang parents ni Mia, anak. Pag tumawag ang Daddy o lolo mo sayo wag mong sasagutin okay? Ayokong malaman nila ba nandito ako." nakangiting sabi ni tita masayang yumakap sa anak niya.
"Pasensya na ulit anak ha? Pagdating nang oras maiintindihan mo rin ang lahat." nakangiting sabi ng mommy ni luke.
"Tita Elizabeth, ako po namili lahat nang mga damit niyo hehehe." aniya ko pa.
"Wow, thank you hija." nakangiting sabi ni tita Elizabeth, agad kong naialis ang akbay ni luke saakin nang mahiya ako bigla bigla kasi niyang inakbayan.
"Ooh are you two dating?" napalunok ako.
"No tit—"
"Yes mom." nasiko ko si luke nang matawa si tita Elizabeth.
"Sinagot na ba kita?" tanong ko, habang nakanguso.
"Oo kaya." sagot ni luke dahilan para mamula ang mukha ko sa kahihiyan.
"Nako hija, wag ka nang mahiya saakin. Ako pa ba? Support ko naman na kayo noon palang." nakangiting sabi ni tita Elizabeth dahilan para mapangiti ako.
"Thanks mom, May girlfriend na rin ako for the first time." natawa ang mommy ni luke dahil sa sinabi niya.
"Yeah right, you're already 26 when you first got a girlfriend." asar pa ni tita kaya naman natawa kaming dalawa ni luke.
"Perks of dating a woman who is so strict." sagot ni luke dahilan para kurutin ko siya sa Tagiliran.
"Osya, anak baka kailanganin mo." nakangiti ko namang nilingon si luke na nagulat nang abutan siya nang pera nang Mom niya.
"Ang dami naman mom?" ngumiti si tita Elizabeth.
"Thanks to your girl anak, Nasabi niya sa parents niya na kasama niya ako at agaran nilang naalala yon." nakangiting sabi pa ni Tita Elizabeth tapos nginitian ako nang makahulugan.
"Kunin mo na, alam kong hirap ka sa pagkuha nang pera." ngumiti si luke tapos kinuha na yon at humalik pa sa pisngi nang mom niya.
"Thank you so much mom, Mukhang magiging baby nanaman ako neto hahaha may allowance na natatanggap." napangiti ako nang makitang masaya talaga si luke.
Mapalabi ako tapos nagpunas nang pisngi nang may tumulong luha at nahihiya akong nag iwas tingin nang nagtataka nila akong tignan. "What's wrong hija?"
"Anong nangyari mia?" tanong ni luke.
"W-wala po, masaya lang ako kasi nakita ko na masaya kayong dalawa." natawa si luke sa sagot ko pati ang Mom niya kaya naman lumambot ang puso ko nang Yakapin nila akong dalawa na para bang group hug.
"Congrats rin sainyong dalawa, Sa tinagal tagal." sagot ni tita Elizabeth kaya naman natawa ako.
"Pero maganda rin ang ginawa mo hija, sa totoo lang. Pinaghintay mo ang bugnutin kong anak nang matutong maghintay." natawa ako sa sinabi ni tita.
"Mom, Don't embarrass me in front of my girl." sa hindi malamang dahilan ay kinilig ako sa sinabi ni luke kaya naman nginitian ko sila.
"Sige na Mommy, i think you should rest. Here's my key." nakangiting sai ni luke kaya naman matapos naming mag paalam sa Mommy niya ay Lumabas na kami ni luke.
"That was fun." nakangiting sabi ko, medyo nailang ako nang akbayan niya ako pero napangiti nalang rin ako dahil ang sarap sa pakiramdam.
Sasabihin ko nalang sa family ko pag nagkita kita na kami. "hmm are you thinking something?" nagtatakang sabi ni luke habang pababa kami nang hotel.
"Iniisip ko lang kung papaano ko sasabihin sa parents ko." sagot ko sakanya.
"Ang alin? Na boyfriend mo na ako?" nakangisi niya pang sabi kaya naman naningkit ang mata ko.
"May boyfriend ba ako?" ngumiwi siya sa sinabi ko.
"Ginagalit mo ko, Rawr." natawa ako sa huli niyang sinabi kaya naman nang makasakay sa sasakyan ay pinagbuksan niya pa ako kaya naman ngumiti ako.
"Let's head back to the hospital." aniya ko sakanya, pero nang nilingon niya ako ay nangengwestyon ko siyang tinignan.
"Wala na tayong pasyente, Doctor Mia. Mamaya ay napagtanto nilang magkita kita tayo sa Bahay dahil may announcement si Dr.Monter." nang sabihin niya yon ay agad akobg napaisip.
'Aamin na kaya sila ni Dr.Lucille? May relasyon kaya sila? O dahil sa nangyari sakanila OMG'
"Sa Hospital muna tayo." aniya ko.
"Mm arasseo." sagot niya tapos nagmaneho na pero nangunot ang noo ko nang itigil niya sa Gilid ang sasakyan.
"May nakalimutan ka ba?" tanong ko, nagtataka pero nakita ko siyang nag alis nang seatbelt kaya naman napagtanto ko na may nakalimutan siguro siya.
"Anong nakalimutan mo Luke?" tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Ito." pinanood ko siya at nabigla ako nang Lumapit siya saakin para abutin ako at Halikan sa Noo.
"Thank you for being my girl." nakangiting sabi niya kaya naman namula ang mukha ko tapos napalunok.
"ah eh, pinagpapasalamat ba yon." mahinang sabi ko.
"Yup, Thank you. So let's go wala na akong nakalimutan." nang mag drive na siya at magseatbelt ay napangiti ako tapos huminga nang malalim.
Feels so Great. "Ah wag muna natin ipaalam sakanila ah." sinulyapan ako ni luke.
"If that's what you want." nakangiting sabi niya pa tapos Nagdrive na..
***
Nandito na kami sa Hospital ngayon, nagreready na umalis.. Inaantay ko si luke may kinuha kasi siya sa Locker niya hawak ko naman ang cellphone niya ewan ko ba Sinabi pa nga password saakin eh check ko lang daw kung gusto ko.
Hmm try ko kaya gallery? Pero baka nainvade ko yung privacy niya? Gallery lang swearrr.. Pumunta ako sa gallery at tinignan ang pictures.
Pero napalunok ako nang ito ang makita, teka check niyo rin ah.
'Bakit kailangan pang mag Picture nang ganito pag nag G-Gym, may pinagsesendan ba siya nito? Hmm siya nang sexy edi wow..'
"Hmm nakakapagtaka naman na tinititigan nang isang babae ang Gym Photo ko." halos mabitawan ko ang cellphone nang may bumulong sa tenga ko kaya naman napahawak ako sa dibdib.
"Makabulong ka naman walang pasintabe." naiinis kong sabi pero agad na namula ang mukha ko nang ngumiti siya saakin na para bang nang aasar kaya naman agad kong naback ang gallery tapos napalunok.
"Pagkaopen ko, nakita ko kaagad eh." pagdadahilan ko pa.
"Ah kaya napatitig ka." nag iwas tingin ako tapos mariing pumikit sa kahihiyan.
"Kung hindi kita girlfriend iisipin kong pinagnanasahan mo ko." agad na nanlaki ang mata ko nang ibulong niya yon dahilan para hampasin ko siya sa braso.
"May makarinig sayo ano ba." sita ko pero ngumiti lang siya.
"Saan ka ba tumitig diyan?" tukoy pa niya.
"Saan?" maangan ko.
"Sa picture ko." umirap ako sa sinabi niya.
"Sa Mukha." sagot ko pa, ngumiti naman siya na parang hindi Kumbinsido.
"Ya, what are you thinking huh?" napipikon kong tanong, ngunit agad ko siyang napalo sa kamay nang Pisilin niya ang pisngi ko.
"Ang cute mo." nag iwas tingin ako at nakagat ang labi, pero maya maya ay biglang lumabas ang mukha niya sa kung saan ako lumingon dahilan pata manlaki ang mata.
"Kinikilig ka?" napamaang ako sa sinabi niya at papaluin na sana siya nang saluhin niya ang kamay ko tapos ngumiti.
"Tara na nga sa bahay." aniya ko pa tapos nag iwas tingin nalang, hinaharot na ako nang lalakeng ito eh binobola pa ako.
"Sa bahay natin, tara." aniya pa niya tapos pinagbuksan na ako nang sasakyan.
Aandar palang sana kami nang may Kumatok dahilan para buksan muli ni luke ang Lock i mean iunlock ang sasakyan. "Pasabay kami Doc L." nakangiting sabi ni Nurse Chi at Dr.Althea.
"Get in." aniya ni luke tapos nagdrive na nang makasakay sila habang tinatahak namin ang daan ay nilingon ko si Dr.Althea at Nurse Chi.
"Nagkasama naman tayo doc, pero parang hindi tayo gaano nagkausap kamusta?" panimula ko ngumiti siya.
"Nacurious ako sa Announcement ni Dr.Monter, plus nag advance celebration pa tayo hindi na Thursday Wednesday night na para mahaba haba ang Pahinga bukas." sagot ni Dr.Althea.
"Hmm what about this Dr.Althea, gusto mo mag mall tayo?" aya ko napansin ko naman ang pag sulyap ni Luke sa gawi namin.
"Wala bang pasyente bukas?" tanong ni Nurse Chi.
"Sabi ni Dr.Romeo, magpahinga daw muna tayo kasi nga may balak daw siya sa New team kung sakaling may dumating pero tatawagan naman daw tayo pag urgent kaya No alcohol unless gabi na." sagot ni Dr.Althea.
"Correct." sagot ko pa.
"Kayong dalawa lang? Pano kami?" nilingon ko si Nurse Chi.
"Balita ko nurse chi hindi ka mahilig sa malls." pang aasar ko pa.
"Edi itry, makapag shopping naman." sagot nito kaya natawa ako.
"Sure, Si luke lang maiwan." aniya ko pa tapos nilingon si Luke.
"Ya, sasama rin ako." aniya pa ni luke.
"Diba ayaw mo sa Mall." asar ko rin.
"Gusto ko na, ngayon." sagot pa niya kaya naman palihim akong napangiti, nang makarating na ay bumaba na kami nang sasakyan napatingin kami sa bahay napakaliwanag.
"Woah, naririnig ko na sila." natatawang bulong saakin ni Dr.Althea
"lezzgo!" sambit pa namin tapos sabay kaming naglakad ni Dr.Althea nakalingkis pa siya sa Braso ko nang makapasok ay binati pa kami at inabutan nang Wine kaya naman tinanggap ko yon.
"Woah, iba ang vibe ngayon ah may pa Fairy lights pa kayo." natatawang sabi lo dahilan para matawa sila.
"May foods doon, kumain na kayo then start ko na announcement." nakangiting sabi ni Dr.monter dahilan para matuwa kami dumeretso kami sa mga Foods at nang makita ang Carbonara ay agad akong kumuha doon.
"This is greaaat!" mahina ngunit patili na sabi ni Dr.Althea.
"Aigoo pork chop here we go!" mahinang sabi namin at kumuha na nang makakuha ay naupo na kami sa Sofa habang sila ay nasa Carpet.
"Dr.Monter anong klaseng announcement ba yan?" tanong ni Nurse Chi kay Dr.Monter.
"Kumain na muna kayo, bago ko sasabihin." nakangiting sabi nito tapos kumain na rin habang kumakain ay pasimple kong sinusulyapan si Luke pero Kumakain lang ito kaya naman naupo ako sa tabi niya dahilan para lingunin niya ako.
"Are you full already?" nakangiting tanong niya Umiling naman ako bilang sagot.
"Wag kang iinom nang marami ah, baka may kung ano kang gawin eh." bulong ko nang marinig ko ang mahinang tawa niya ay inirapan ko siya.
"Matino naman ako pag lasing." sagot niya.
"Ikaw ang hindi." nang idagdag niya yon ay inirapan ko siya.
"Duh, wala nga akong maalala." sagot ko pa sakanya.
"That's better." ngumiwi ako tapos kumain nalang habang kumakain ay napansin ko ang drink niya kaya kinuha ko yon at nakiinom.
"Ya." sita niya.
"Wae? Tinikman ko lang yung wine niyong mga lalake. Ang light nang saamin eh." sagot ko.
"Kaya nga light lang sainyo para hindi kayo tamaan." aniya pa niya kaya naman ngumuso ako.
"Okay na yan, to naman." sagot ko pa tapos ibinaba ang plato nang mabusog, mahina naman akong nag Burp.
"Excuse me." aniya ko pa, ngumiti si luke tapos kumain na. Ang tagal niyang kumain, napakalinis walang oras na hindi siya nag hugas nang kamay at nag alcohol.
Pag doctor ka ganun talaga, natural na mabango ka na amoy hospital, amoy kemikal o di kaya amoy alcohol. Pero ang maganda don malinis ka parati tignan kahit na pagod at pawis ka.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro