Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 63

@/n: watch the video on the Multimedia 💓


Third Person's POV


"Oh jinja?! Hahayaan niya lang ako? Hindi niya man lang ba ako pipigilang umalis?!" inis na sabi ni mia sa loob nang locker room matapos niyang magpalit nang pang alis na.

"What a coward." bulong pa niya at inis na suminghal.

"Doctor Mia." nang sabihin ito ni Dr.Althea ay agad na lumingon si Mia sakanya.

"Hindi ako makapaniwala Doc, Ganun ganun nalang? Ingat!?" aniya pa ni Mia na ikinabuntong hininga ni Dr.Althea.

"Hay nako Doctor Mia, kalma ang klase si Doctor L ay hindi yan ganun kashowy pero nag aalala yan kanina nga nagulat pa siya." kwento pa ni Dr.Althea.

"Kahit pigilan niya lang naman sana ako, pero sabagay hindi niya gagawin yon.." aniya pa ni Mia at saka sinabi sa isip ang gustong ituloy.

'Iniwan niya nga ako nang wala man lang Goodbye..'

Habang si Luke naman ay nasa loob nang Office ni Dr.Kiro palakad lakad. "Aalis siya? Tapos ngayon ko lang nalaman? Aish." nagrereklamong sabi pa ni Luke.

"Tapos ganun ganun nalang? I can't believe her." mariing sabi pa ni luke.

"Oh bakit ganyan ka makaasta, Kayo ba?" sa tanong ni Dr.Kiro ay sinamaan siya ni luke nang tingin. "Hindi." sagot ni luke.

"Eh kaya hindi talaga mag papaalam yon sayo lalo na't nalaman pa niyang may Fiancee ka, kahit pa gusto ka niya masasaktan yon Doctor L." lumunok naman si Luke sa narinig.

"Anyway, I still can't stop her, Mas maganda ang future niya sa hospital na yon at mukhang masaya siya doon kaya hindi ko siya pipigilan." mahinang sabi ni luke at bumuntong hininga, He always want the best for Mia..


Luke's POV.


dumaan na ang araw at tumambay nalang ako sa Staff room, nagbabasa nang libro ngunit habang nagbabasa ay biglang may lumabas sa Locker room kaya naman tinignan ko siya natigilan rin siya at tinignan ako. "Are you leaving already?" tanong ko at itinigil ang ginagawa tapos ay tumayo.

"Yes, i'm leaving already." nang sabihin niya yon ay napatango ako.

"Take Care." mahinang sabi ko at saka nag pilit na ibinalik ang atensyon sa ibang bagay. "Actually.." napalingon akong muli sakanya dahil bahagya rin siyang lumapit.

"I have a Question.." tinitigan ko naman siya dahio napatingin pa siya sa ibaba.

"Mm?" tugon ko pa.

"W-why don't you stop me?" natigilan ako nang sabihin niya yon kaya naman huminga ako nang malalim.

"You always wanted to go back, who am i to stop you?" mahinang sagot ko.

"Do you even care a little? Or you don't need me here?" tinitigan ko siya, malungkot siya, naguguluhan at nalilito.

"I don't want to feed my greediness Mia, I'm afraid i might lose you. I don't want to make the mistake my family did.. I questioned myself what if you regret?" nakita ko namang napalunok siya sa sinabi.

"I already crossed the line making you want to stop me, Sorry.. But if i regret there is another option." nagtataka ko siyang tinignan.

"W-what option?" lumunok ako dahil seryosong seryoso siya kaya naman napatanong ako.

"Restart.. Reboot.. Reset.." napatitig ako sakanya nang sabihin niya yon pero mas natigilan ako nag lumapit siya saakin at Abutin ang labi ko.

Nang humiwalay siya ay malumalay ko siyang tinitigan sa mata. "S-sorry, I-i j-just—" hindi ko na siya pinatapos at agaran kong hinawakan ang likod nang ulo niya kasama ang panga at saka hinalikan sa labi.

Pumikit ako nang pumikit siya napahakbang siya paatras kaya naman humakbang ako paabante hindi ko siya binitiwan at siniil lamang ang ibabang labi niya.

Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa likuran ko, habang marahan ko siyang hinahalikan ay pinagdasal kong sana walang pumasok sa Loob nang staff room.

Inilipat ko ang mukha niya at saka siniil ang ibabang labi niya, nang matapos ay Dahan dahan akong nagmulat at nagtama ang mga mata namin. "Don't leave me." mahinang sabi ko.

"Don't go without my consent.." nang sabihin ko yon ay pinagdikit ko ang mga noo namin.

Tinitigan namin ang mata nang isa't isa.. "Then stop me.. Tell me to stay luke, I hate that you just let me leave like that." pumikit ako at saka Huling beses na pinagdampi ang labi namin.

"Be mine, baby.." mahinang sabi ko.

"Should I?" mahinang tanong niya.

"Hindi kita mamadaliin, kung gusto mong kunin muna ang Resid—"

"Matatagalan pa.." napangiti ako sa naging sagot niya.

"Then I'll make you mine next week." mahinang sabi ko, nangunot ang noo niya ngunit agad kaming napahiwalay dalawa nang biglang bumukas ang staff room deretso naman ako sa Sofa nakaupo tapos lumunok.

"Oh Doctor Mia, Mahuhuli ka na sa flight mo." nang marinig si Dr.Lucille ay napangiwi ako, Bitin ka eh, tch.

"Doctor Mia, wag ka na kasi umalis. Mawawalan na kami nang magandang doctor rito." nang marinig si Dr.Monter ay napangiti ako.

"Oh nandito pala si Doctor L, diba Doc? Wag nalang dapat siya umalis." aniya pa ni Dr.Monter at tinabihan ako.

"Hmm magbabago lang ang isip ko kung kakain tayo nang fried chicken—"

"Oorder na ako!" napatingin ako kaagad sa pumasok at napagtanto kong si Dr.Kiro ito nagmamadaling nag dial tapos sunod na pumasok si Dr.Althea.

"Sasamahan pa namin nang Ice cream." dagdag niya tapos pumasok si Nurse Jill at Nurse Chi.

"I'll stay then." nagsigawan ang lahat nang sabihin yon ni Mia kaya naman napangiti ako pero nang tignan niya ako ay agad kong binawi ang ngiti tapos napa pito nalang.

"Ibabalita ko to kay Nurse Roma, Doctor Romeo, Doctor Medina at syempre may Mr.Big at Mr.Jumbo!" nakangiting sabi pa ni Nurse Jessa.

"Ay hindi na, Nandito na kaming dalawa ni Jumbo, may pagkain daw eh." natawa kami nang biglang pumasok si Mr.Big at Mr.Jumbo.

"Mabuti naman at mag iistay ka na Doctor Mia, alam mo na may dapat ka pang walisin." natawa si Mia sa sinabi ni Mr.Jumbo.

"Big, Wag kang maupo diyan! Magigiba!" natawa ako nang sitahin siya nang kapatid mauupo na sana sa Mono block at dahil malaki siya at mabigat talagang bibigay ang upuan.

"Idedeliever na daw!" sigaw pa ni Dr.Kiro.

"Woooo! Parteh parteeh!" aniya ni Dr.Lucille kaya naman napangiti ako, kung gaano sila kasaya, mas higit na masaya ako ngayon.

Lumipas lang ang 15 minutes ay dinaldal nila si Mia at dumating na rin ang Chicken kaya naman tinabihan ko si Mia at saka Kukuha na sana nang Chicken nang biglang tumunog ang Telepono dahilan para magkatinginan kaming lahat.

"Mukhang mamaya pa tayo mapapasubo.." mahinang sabi ni Dr.Kiro tapos lumunok at sabay sabay na tumunog ang cellphone namin dahilan para magmadaling tumayo.

"Let's go, Emergency room na teh!" aniya ni Dr.Lucille kaya naman napapailing at natatawa akong tumayo upang pumunta na kaming lahat sa Emergency room.

"We'll talk later." nakangiting sabi ko kay mia, nakangiti naman siyang tumango at nang makarating sa Emergency room ay agad kaming tinipon.

Nang makarating doon ay nandoon na si Dr.Romeo nagulat rin siya nang makita si Mia. "Malelate ka na Dr.Mia." aniya nito pero ngumiti si Mia.

"I'll stay here forever doctor." napangiti sila sa sagot ni Mia.

"That's Good." nakangiting sabi ni Dr.Romeo natutuwa.

"Where is the new Team?" tanong ni nurse roma.

"We're here." napatingin kami nang kumpleto nga silang dumating.

"Okay, May twenty patients tayo na naaksidente dahil sa Isang truck at lahat sila ay naka Bike. In ten minutes nandito na sila kaya gusto kong maghanda kayong lahat." nagtanguan ang lahat.

"Ang Pito sakanila ay may Whiplash, ang tatlo ay may Knee trauma, ang sampo ay Scrapes and cuts at hindi pa tayo sure doon kaya naman isabak niyo sila sa Tests, lalong lalo na ang Xray, MRI, Ct-Scan aasahan ko kayong lahat. That's all." aniya ni Dr.Romeo

"Yes Doc!" sagot nang lahat bukod sa New team.

"Nurse Jill, Nurse Chi, Nurse Jessa sa bawat pagdating nang nga pasyente lagyan niyo sila lahat nang IV lines." aniya ko sakanila.

"Nurse Roma, Always ready the Operating Room. Iready na rin natin ang mga Operation team just in case." tumango kami sa sinabi ni Dr.Romeo.

Maya maya ay Nauna ang tatlong may Knee Injury kaya naman nilagay namin sila sa Hybrid room, nang mailagay ay Nakita ko kung papaanong parang pumutok ang tuhod nila.

"Dr.L kami nang bahala rito." aniya ni Dr.Romeo kaya tumango ako at dumeretso sa nga Pasyenteng may whiplash kaya naman nang makasabay si Mia ay tinanguan ko siya.

"Vital signs?" tanong ko.

"Not normal Doc." sagot nang Paramedic kaya naman Itinaas ko ang damit nito at nakita ko ang pamamasa o Bruises sa dibdib niya.

Tinignan ko rin ang pag hinga niya, parang hindi pantay ang Pagtaas nang dibdib niya kaya naman Hinawakan ko ito.. "Dr.Mia, Intubate." utos ko tapos huminga ako nang malalim.

"Nurse Jill, Bigyan mo ako nang 10cc needle, at chest tube. Padala na rin nang Mechanical Ventilation." utos ko mabilis naman itong sumunod kaya naman matapos Iintubate ni mia ay tinignan ako nito.

"It looks like Flail Chest Doc." aniya pa ni Mia saakin.

"It is.." sagot ko, nang dumating ang Needle ay Mabilis kong nilagyan nang Betadine ang parte nang may pasa at saka ako huminga nang malalim at sinakto ang pagtusok.

Nahihirapan na kasing makahinga ang pasyente, ang flail chest ay dahil sa Broken Ribs niya na nadetached sa lahat nang Chest Wall niya. "Chest tube." utos ko pa tapos Nang iabot ito saakin ay Isinalpak ko sa mismong Tinusukan ko.

"Full Pressure." nang maifull ay nagtataka akong tinignan ni Mia

"Sure ka diyan?" tumango ako bilang sagot at ilang segundo lang ay bumalik sa normal ang paghinga niya.

"I'll operate on him, Mia maiwan ka sa Emergency room at icheck ang mga pasyente." bilin ko kay mia, tumango naman ito saakin.

"Yes Doc." tapos tumungo na siya sa Ibang pasyente.

Mia Jasmin's POV.

inasikaso ko naman ang isang pasyente na 45 years old, siya yung driver nang truck. "Vital Signs?" maayos na sabi sa Paramedic na nagdala sakanya

"Pr 54, Bp 90/74." napailing ako.

"Sir! How do you feel sir?!" tanong ko at tinitignan ang mata niya pero dumadaing lang ito.

"Sumasakit daw yung dibdib niya, parang ngalay daw po ang balikat niya, braso, likod at ang Panga niya." nang sabihin yun nang paramedic ay nagkatinginan kami ni Doctor althea.

"I think it's Myocardial infarction—"

Agad kaming natigilan nang bumaba ang BP nito at ang heart beat niya ay mawala. "I'm about to perform CPR." malakas na sabi ko ay saka ako pumatong sa Gilid nang kama at nagsimulang mag CPR

"I'll intubate." aniya ni Dr.Monter na kadarating lang.

Derederetso akong nag CPR. "Checking Heartbeat." aniya ko tapos Bumaba at pinakiramdaman ang pulso niya ngunit wala.

"Still nothing." mahinang sabi ko tapos patuloy na nag CPR.

Derederetso lang akong nag CPR hanggang sa makarami ay Chineck ulit namin. "Wala pa rin, doc." napailing ako at saka Press lang nang press.. One two three four five six seven eight nine ten eleven twelve thirteen fourteen fifteen.

"Check heart Rhythm." aniya ko tapos bumuga nang hangin.

"ROSC.." mahinang sabi ko.

"So its Cardiac arrest? Not Myocardial infarction?" tumango ako bilang sagot.

(ROSC-Return of Spontaneous Circulation.)

"We'll keep him Track, doctor althea bantayan niyo ang Vital signs niya at tawagin niyo ako pag nagbago ito." hinihingal ko pang sabi kaya naman napahawak ako sa dalawang Bewang.

Sunod ay inasikaso ko ang may malaking sugat na babae, nakahiga ito at ang legs niya ay may malaking sugat. "Did you stop the bleeding already?" tanong ko.

"Yes doc, kailangan nalang pong tahiin." aniya nang Nurse saakin kaya tumango ako.

"I'll clean the wound, ready the suture." sambit ko tapos iniready ang kamay ko, nag gloves at saka ako naupo sa harap nang sugat nang babae.

"Ma'am this will be painful." aniya ko pa hindi naman siya tumugon at nagtakip nang mukha.

"Doc, eto na po." aniya nang nurse kaya naman kinuha ko yon at niready ang kamay ko dati hindi ko kayang buksan ang Needle holder pero ngayon keri na.

"cut." aniya ko.

Nang magupit ay nagsimula ako ulit sa isa. "You're good and fast at stitching huh.." hindi ko pinansin si Dr.Aira na nakapamulsa pa.

"Compliment me without insecurities Doc." mahinang sabi ko at saka Nagsimula ulit sa panibago.

"Masyado atang mataas ang tingin mo sa sarili dahil kaya mong ihandle ang mga trauma patients dito." nang matapos ay Nilingon ko siya tapos Kinuha ko ang Bandage at saka Sinealed ang tahi.

"Napansin mo palang kaya kong Ihandle ang trauma patients doc?" nakangiting sabi ko.

"Tsk wala ka pa nga sa kinatatayuan ko." nginitian ko siya nang sabihin yon.

"Doc, ang pagiging doctor kasi wala lang sa Title o sa aral na tinapos mo. Nasa Pag galaw mo yon sa pag ligtas nang mga pasyente wala sa pag model model nang Uniform mo." aniya ko pa.

"What? Did you insu—"

"Are you insulted? Why? Mmm was it because i tell the truth?" hindi niya ako makapaniwalang tinignan kaya naman tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Ang daming emergency patients pero naka skirt ka." aniya ko pa.

"Wala na ba ang Seniority sayo Doctor Mia? Nawala ka lang sa City hospit—"

"Sadyang hindi ko lang napansin dahil malaki ang Main Hospital at hindi tayo madalas magkita. I'll go ahead marami pa akong gagamutin doc." aniya ko tapos Nilagpasan na siya pero nang makapunta sa isang patient nakita ko si Dr.Yasmine.

"Bakit hindi ka pa tuluyang umalis Intern? Haharang harang ka lang naman sa Daan namin." nginitian ko si Dr.Yasmine.

"Bago mo sitahin ang paharang harang ko sa daan doc, tumabi tabi ka muna sa daraanan ko." nakangiting sabi ko tapos hinawakan siya sa balikat at bahagyang iginilid.

√√√

@/n: Sa mga nakakaalam po nang Name nang mga characters ko, pakitago nalang po sa sarili at huwag nang Icomment kung maari lang po salamat Keep safe and thank you for always supporting me see you on next update!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro