Chapter 62
Mia Jasmin's POV.
Matapos kausapin si Doctor Romeo napagtanto kong nagpaconfine si Katrina rito, nagpakabusy nalang ako sa Emergency room kasama si Doctor Romeo, upang matutunan ko pa ang mga dapat matutunan.
Dahil sa nakikita ko Nangunguna si Doctor Romeo sa kagalingan, at pangalawa si luke. Magagaling rin ang mga Scrub nurses rito lalo na sila Nurse Roma. "May problema ba kayo ni Doctor L?" nilingon ko kaagad si althea tapos nginusuan.
"OMG, Dahil ba sa may fiancee siya?" tinitigan ko si Dr.Althea at inilingan.
"Eh ano?" tanong pa niya at isinabit ang kamay sa Braso ko.
"Something private, Kaya hindi ko pa pwedeng sabihin sayo eh." ngumiti si Dr.Althea at tinapik tapik ako sa Likod mahihina.
"Magiging okay rin yan Doc." nakangiting sabi niya kaya naman tipid lang rin akong ngumiti.
Papaanong hindi nila mapapansin? Ni Makasalubong ko nga ay hindi man lang namin nagawang tignan ang isa't isa, ni mag usap kahit about sa iisang patient Kusa rin siyang umiiwas.
Don't tell me pakakasalan niya talaga yung babaeng yon? Aish i hate this Over thinking. "Doctor Miaaa, kailangan ka sa Bed 2!" agad kong sinunod si Nurse jessa at pumunta ako don.
Pero nang makita ko kung sinong Doctor In charge rito ay napayuko ako kaagad. "Anong problema dito?" tanong ko dahil mukhang normal naman ang pasyente bukod sa namamaluktot siya.
"Kumain siya nang Fried Chicken, Noodles, Cheesy nachos, Ice cream, brownie, junk foods, Ripe Mango, banana, Dalandan." nangunot ang noo ko sa sagot ni Nurse chi.
"Huh?"
"Kinain niya yon nang sabay sabay sa loob nang dalawang oras at Uminom nang Maraming Softdrinks." napabuntong hininga ako.
"Suffering LBM?" tanong ko pa kay nurse chi tumango naman ito.
"Ma'am, Sa susunod po wag kumain na parang wala nang bukas ha." aniya ko pa sa pasyente.
"Bigyan mo siya nang IV warm saline, tapos Loperamide at Bismuth Subsalicylate." aniya ko kay Nurse Chi.
"Yes doc." aniya nito.
"Ma'am Try po nating agapan ngayong araw sa Gamot gamot lang, pag hindi pa rin po nawala ipapaadmit ko po muna kayo." aniya ko pa sa pasyente
"Yes Doc." hirap na sagot nito kaya naman tinapik ko si Nurse Chi.
"Magchecheck lang ako nang ibang patients." paalam ko pa tapos hindi na pinansin si luke na Busy sa Laboratory test nang babae, wag niya lang talaga akong pansinin.
"Doctor Mia, Can i have a second?" nilingon ko naman si Dr.Marky tapos nilapitan.
"Yes doc?" tanong ko.
"Pwede mo bang Icheck ang patient ko sa Room 213?" bumuntong hininga ako at tumango nalang.
"Sure Doc." naglakad na ako papaalis anng Emergency room at saka ako naghagdan papunta sa Second floor habang naglalakad ay huminga ako nang malalim at kumatok sa kwarto.
Pagkabukas ko ay agad kong nakita si Katrina kaya naman napamaang ako, What a jerk. "I'm going to check you, Ma'am." nakangiwing sabi ko at nilapitan na siya tapos Chineck ang IV lines niya.
"May iba po ba kayong nararamdamam?" maayos na sabi ko pero nakangisi ito at tila ba natatawa saakin.
"Kailan niyo naman po balak mag Check out? Hindi naman po kasi ito Hotel." nakangising sabi ko pa dahilan para mawala ang ngiti niya.
"What?"
Seryoso ko na siyang tinignan tapos pabagsak kong ibinaba ang Clipboard na hawak ko sa Mesa sa gilid nang kama niya. "Do you really want to mess with me?" sambit ko.
"Ohh i'm scared." nang aasar na sabi niya.
"Are you? Let me tell you one fact about me then." nakangiting sabi ko.
"I love sharp things, Like Scapel, knifes, and katanas." biglang nagbago ang ekspresyon niya nang sabihin ko ang huling kataga.
"Once upon a time, When i was sixteen..." tinitigan ko pa siya at saka ko inangat ang kamay ko at idinaan ito sa pisngi niya. "I mastered Fencing." mariing sabi ko at mukhang natakot siya kung kaya't hinawi niya ang kamay ko.
"Get out!" nginisian ko siya tapos naglakad na paatras at saka ko siya tinalikuran.
Naglakad na ako pabalik nang Emergency room pero natigilan ako at saka napatingin sa isang sasakyan na hindi ko alam kung kanino ngunit nasa harapan nang entrance.
Nasa tapat kasi ako nang pinto nang emergency room, at entrance tapos Exit na katapat rin nang hagdan. Lumingon ako nang bumukas ang Emergency room entrance.
"Mia—"
"Ah." agad akong natulala at saka tinignan ang lalakeng tumakbo papalayo papunta sa sasakyan.
Luke's POV.
nagtataka kong nasilip si Mia na nagmamasid mula sa tapat nang entrance kaya naman naglakad ako papalapit at pagbukas ko ay agad kong nakita ang lalakeng nasa likuran niya.
"Mia—"
"Ah.." napatulala siya kaya naman nanlaki ang mata ko at doon na nagkaroon nang tao, kinabahan ako nang mapahawak siya sa leeg niya.
"Doctor Mia.." sambit nang mga kasama nang magtama ang paningin namin ay napatingin ako sa leeg niya dahilan para Tumakbo ako papalapit sakanya at sinalo ko siya bago pa man matumba.
"Mia!"
"Mia! Stay with me!" nakatulala lang siya saakin tinakpan ko naman ang leeg niya.
"Kumuha kayo nang Stretcher!" sigaw ko.
"Mia!" malakas na pagtawag ko sakanya.
Nang dumating ang stretcher ay mabilis namin siyang ipinasok sa loob nang Emergency room at dineretso sa Hybrid room nang maihiga ay ginigising namin siya at hindi hinahayaang makatulog.
"Tap Gauze!" natatarantang sabi ko, tinulungan naman ako ni Doctor Monter sa pag pagpapatigil nang dugo sa Leeg niya.
Aalis na sana ako para kumuha nang ibang gamit nang hawakan niya ang pulsuan ko nilingon ko siya at nakatingin na siya saakin. "S-sorry.." napabuntong hininga ako at nag aalalang nilapitan siya.
"L-let's stop the bleeding first, and then i'm going to take a look at her neck." aniya ko tapos tumayo at chineck siya.
"Doctor L, Does she need some transfusion?" tinignan ko si Doctor Monter.
"Call, doctor romeo." utos ko sakanila.
"Doctor Mia, ayos ka lang ba?" hindi sumagot si Mia at nakatulala lang ito habang nakatitig saakin.
Pinansin ko naman ang Gauze wala nang lumagpas kung ganun ay tumigil na ang dugo. "I think the bleeding already stops." mahinang sabi ko tapos tinitigan lang si Mia.
Nang alisin ang pagkakatapal nang Gauze ay nakita ko ang sugat niya. "She's safe, hindi natamaan ang Main veins niya." mahinang sabi ko.
"Give me a Clean Gauze, Bigyan niyo siya nang Anesthesia. Tatahiin ko ang sugat niya." tumango sila at saka Ginawa ang inutos ko, nang matusukan ay nag hintay kami bago iangat ang Bed ni Mia upang para siyang nakaupo.
Naupo naman ako sa Tabi niya at nasa likod ko naman si Nurse Roma, nang mukhang wala nang maramdaman si Mia ay sinimulan ko nang isarado ang Sugat niya.
Nakamulat naman siya at nakatingin lang sa Kung saan, nang nasa pang apat na tahi na ako ay tinignan niya ako sa Mukha tapos nag iwas tingib ulit. "Papalitan na muna kita Nurse roma." narinig ko si Nurse Jill sa likod ko kaya naman huminga ako nang malalim.
"Are you sure you're doing well?" mahina akong natawa nang itanong niya yon saakin.
"I guess you're back to your senses." mahinang sabi ko, natawa naman siya dahilan para matawa nalang rin ako at saka Tinahi na ang sugat niya.
"Akala ko may malamig na dumikit sa leeg ko, nahiwa na pala." aniya niya kaya naman ngumiwi ako at saka nawala ang pagtawa.
"Papansinin mo rin pala ako, akala ko hindi na." nginitian ko siya.
"I will only marry you." nawala ako sa wisyo nang sabihin ko yon at doon na nagsimula ang asaran sa Hybrid room halatang lahat ay nag aalala kay mia at nakahinga sila nang maluwag nang makitang ayos ito.
"Where is Doctor Mia!?" napatingin ako sa kapapasok lang na si Doctor Romeo na halatang nag aalala dahil gulo gulo ang suot at buhok nito.
"What happened?" tanong niya nang makarating sa Hybrid room.
Nang matahi ko na nang pitong beses ito ay tumayo na ako. "Walang nadamage sa mga main veins niya Doc." sagot ko.
"I'm okay Doc, makakapagtrabaho naman ako at Galos lang ito." nakangiting sabi ni mia kaya seryoso ko siyang tinignan.
"Galos? Pero nakapitong tahi ako sayo." nginiwian niya ako sa sinabi.
"Hindi naman masakit doc. Ayos lang talaga ako, wag na kayong mag alala." nakangiting sabi ni Mia tapos umayos nang pagkakaupo.
"Sasakit yan, pag nawala na ang anesthesia, Doctor L, give her some Pain relievers." aniya ni Doctor Romeo kaya tumango ako.
"Mr.Big, Gusto kong makita yung CCTV footage para malaman kung sino ang gumawa nito sakanya." aniya ni Doctor Romeo at saka naglakad na para kausapin si Mr.Big.
"Get well soon, Doctor Mia. Nag aalala talaga kami akala namin napano ka na." ngumiti si Mia.
"Ayos lang ako Nurse Jill, ayos lang po ako." nakangiting sabi nito kaya naman napabuntong hininga ako.
She always pretend to be fine and okay, kahit na ang totoo nasasaktan na siya. "Doctor L, maging doctor ka muna niya bantayan mo ah!" ngumiti nalang ako at tumango.
•••
Nilapitan ko si Mia na kanina pa Busy sa mga pasyente kahit na may iniinda siyang sakit at sugat sa leeg, nalaman ko kay Dr.Romeo na kikirot daw yon pero eto siya ngayon.
Nang bubuhatin na sana niya ang mga Saline ay Kinuha ko yon kaagad. "Alam mong bawal ka magbuhat nang mabibigat dahil bubuka yang leeg mo." sermon ko tapos Inilagay sa dapat ang mga Saline.
"bubuka? Ano yon legs." napalunok ako sa naging sagot niya.
"Ya." sita ko.
"I was just telling doctor L." sagot niya at ngumuso.
"Get some Rest, Doctor Mia." sambit ko, Ngumiti siya at umiling.
"I have a lot of rest na, Kaya ko na to noh." sagot pa niya.
"Alam kong masakit yang sugat mo sa Leeg." sambit ko.
"Hmm but i'm really fine." sagot pa niya, pinaglalaban na malakas siya at hindi nasasaktan.
"You can be weak, with me." nang sabihin ko yon ay tinitigan niya ako tapos tipid siyang ngumiti.
"Can i?" tango ang isinagot ko sakanya.
"Before that, be weak with me too, Luke." napatitig ako sakanya nang sabihin niya yon.
"I'm trying my best to protect you from your family by making a deal.." mahinang sabi niya kaya naman bumuntong hininga ako.
"Coffee?" aya ko, tumango siya kaya naman naglakad kami papunta sa Vending machine.
Nang makakuha nang coffee ay naupo kami sa Bench sa tapat nito. "I don't understand why you became like this luke, hindi mo na ako kinakausap about your family. Never kang naging open saakin." napabuntong hininga ako nang sabihin niya yon.
"I just don't want to talk about this with you Mia.. Just please stop bringing this topic up." nang sabihin ko yon ay Tumayo siya sa harapan ko
"Wae? Don't you trust me? I can keep secrets, i can help you with anything why don't you let me!" tinitigan ko lang siya at hindi sinagot.
"Tell me papaano ako magiging Open sayo kung nauuna mo akong pinagsasaraduhan nang pinto." mariing sabi niya.
"I thought we're already good luke, but i'm mistaken." yumuko ako nang sabihin niya yon, tama siya sa lahat..
"You still can't trust me." mahinang sabi niya tapos Naglakad na papaalis sa harap ko kaya naman binitiwan ko ang kape sa bench tapos Napayuko at napahilamos nang mukha.
'It's just that I don't want to be weak in front of you, mia.. Kung mahina ako kanino ka kukuha nang lakas? Kung mahina ako papaano ako tatayo papapaano ako tatayo para sayo..'
'pagdating sa pamilya ko, mahina ako dahil hindi ko sila kayang kalabanin nang higit pa don kahit na pinabayaan nila ako..'
•••
Bumalik sa dati ang lahat, lumipas ang isang linggo at hindi niya man lang ako kinibo, tinignan o sinulyapan man lang naging seryoso rin siya at mailap sa lahat at ngayong araw ay hindi ko siya nakita sa Emergency room kung saan ako namalagi.
"Hays, nalulungkot talaga ako.." binasa ko nalang ang Mga information sa pasyente ko habang nakaupo sa gilid nang nurse Station.
"Ako rin Doctor Althea, kaibigan ko na kasi si Doctor Mia pero nakakalungkot na bigla na siyang babalik a City Hospital." natigilan ako nang marinig yon tapos nilingon sila.
"Aalis si Mia?" tanong ko, nagulat naman sila.
"Hindi niyo alam Doc?, kinukuha na siya nang professor niya pabalik sa City Hospital." napamaang ako at binitiwan ang Clip board.
'Really? Aalis siya? Nang hindi man lang sinabi saakin o kahit Pasabi lang naman o paalam baka naman kahit minsan isipin niya rin ako?'
Nang makita kong naglakad si Mia sa harapan ay agad kong hinawakan ang kamay niya dahilan para lingunin niya ako.
"Mia, Are you really Leaving?" tanong ko na ikinakunot nang noo niya.
"Yeah, I'm leaving tomorrow." sagot niya.
"Hindi ka na babalik?" tanong ko pa.
"H-hindi na." sagot niya kaya naman unti unti kong binitiwan ang kamay niya tapos tumango.
"Take Care." mahinang sabi ko tapos kinuha na ang Clipboard at saka ako tumungo sa Pinakadulong patient upang alisin ang lungkot sa buong pagkatao ko.
'Iiwan niya nga ako..'
√√√
@/n: Libre mag comment, comment lang kayo hehehehe para naman mainspire ako at mag update pa nang marami ahahaha char keep safe everyone sabi kasi nila bago ang ginhawa kailangan munang mahirapan 😉
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro