Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 56

Mia Jasmin's POV.


Gabi na nang magdala akong muli nang food sa Second floor para kay Patient Zyon, alam ko naman na walang ibang gagawa nito sakanya kundi ako na doctor niya. Kumatok ako tapos binuksan na yon.

"You came back." nakangiting bati niya.

"I'm here to give this to you, plus yung iinumin mong gamot after mo kumain." aniya ko at pinunta nanaman sakanya ang Mesa at ang Food.

"Ang sasarap naman nang food na dinadala mo saakin, Doctor." aniya pa niya tapos Tinikman ang Ramen beef flavor.

"Sigurado akong mahal ito, hayaan mo babawi ako pagkalabas ko nang ospital." aniya pa niya tapos kumain na.

"Pupunta na ako sa Ibaba, May mga pasyente pa ako." aniya ko.

"Thank you ulit sa Food Doctor." tipid ko nalang siyang nginitian tapos lumabas na ako nang room niya, nang makabalik sa Emergency room ay agad akong nilapitan ni Luke.

"Kumain na ba?" si Luke ang bumili non para sakanya kasi sumadya sila kanina ni kent sa Ramen or noodle house.

"Oo, Salamat raw." sagot ko.

"Poor guy.." mahinang bulong niya at bumuntong Hininga.

"Nasaan na yung MRI result nang Bed 8?" tanong ko, Naglakad naman siya tapos ihinarap ako sa Computer at doon ko nakita na normal naman.

"Help!" napalingon kami kaagad ni luke sa Pinto nang emergency room tapos nilapitan ko ang lalakeng may akay akay na Isa pang lalake.

Tapos sunod non ay mga Batang walang malay kaya naman nang mailagay sa Bed ay agad kong chineck ang Bata. "I think the kids are in the influence of Drug Poisoning." awtomatikong nangunot ang noo ko.

"Drug Poisoning?" nangengwestyon kong sabi.

"Kapit bahay ko sila, Nagulat nalang ako nang mula sa 3rd floor nang apartment namin ay may tumalon at yon siya yung 40 year old patient." huminga ako nang malalim at chineck ang Breathing nang mga bata ganun rin ang iba.

"Give him a Warm Saline, IV on full drops.." utos ko sa Nurse tapos nilingon si Luke na nakatitig lang sa Lalakeng 40 years old.

"Doc L, What are you doing?!" malakas na tanong ko.

"Doctor L!" nakita ko namang nilapitan ni doctor romeo si Luke at saka Kinausap pero masama ang tingin ni luke sa lalakeng yon.

"He wants to die that's why he involved the kids, and you want to treat him?" napalunok ako sa sagot ni Luke kay doctor Romeo.

"He's a patient here!" sigaw ni Doctor Romeo kay luke.

Pinanood ko kung papaano lumapit si Luke sa 40 years old na lalake tapos itinas niya ang damit nito. "Does it Hurt here?" halos mapalapit ako sakanya nang Diinan niya ang pag press sa tyan nito.

"Be careful it hurts!" reklamo nang lalakeng 40 years old.

"Magpapakamatay ka nga tapos nagrereklamo ka kung masakit?!" agad kong inawat si Luke nang sumigaw siya.

"Dinamay mo yung mga inosenteng bata para sa kabayolentehan mo! Ngayon tignan mo kung anong ginawa mo sakanila!" natigilan ako nang alisin ni Luke ang harang at pinakita ang isang bata na walang malay.

"Doctor L!" sita ni Nurse chi at Inayos ang kurtina.

"If you want to die, Then die alone!"

"Doctor L!" sigaw ni Nurse roma.

"You want me to cure this man? He already decided to end his life why bother?" mariing sabi ni Luke kaya naman hindi ko siya makapaniwalang tinignan.

"I'm sorry, I can't treat him." desisyon ni luke at inalis ang pagkakahawak ko sakanya tapos Umalis nang emergency room.

"That Brat.." rinig kong bulong ni Doctor Romeo tapos Lumapit sa Pasyenteng pasimuno sa lahat, kaya naman bumuntong hininga ako at saka mabilis na sinundan si Luke.

Alam kong sa Doctor room lang siya pupunta kaya doon ako pumunta, Nang buksan ko ay Nakita ko kung papaano siya nagsalpak nang earphones at saka hindi ako pinansin.

"Ya." sita ko pero nilingon niya lang ako.

"Kailangan ka sa Emergency room." aniya ko.

"You should go there, treat that man who killed a kid." tama siya, may DOA na bata dead on arrival, dahil sa drug na sinaksak sakanya.

"Luke, You can't discriminate a Patient. Kahit ano pang krimen ang ginawa niya, Kahit pa pumatay siya nang isang daang tao." aniya ko sakanya.

"Then treat him yourself!" napamaang ako nang ipalo niya ang kamay sa Mesa.

"I can't treat him, Let him die! Just let him die!" huminga ako nang malalim.

"I can't believe you're this kind of person Luke, Here on hospital He's just a patient.. Not a killer, not a murderer he's only a patient." mahinang sabi ko tapos Umalis na ako sa Staff room.

Luke's POV.

inis at pabato kong inalis ang suot suot na earphone tapos galit na isinara ang Laptop. "What's wrong with that? Ginusto niya nang mamatay bakit hindi nalang siya magpakamatay mag isa!" galit kong sabi sa sarili.

Pinepage nila ako ngunit hindi ko sinagot yon at saka ko kinuha ang Susi nang sasakyan at saka ako umalis nang Ospital...

•••

"Ya.. Luke." hindi ako nagmulat nang mata dahil antok na antok pa ako.

"Luke!" kaya naman nagmulat na ako.

"Wae?" naiiritang sagot tapos tinignan ko ang Relos nalaman kong 3 A.M palang.

"Gwaenchanha?" tanong ni Mia kaya naman inabot ko ang kamay niya at hinila siya papahiga sa tabi ko hindi naman kami magkadikit..

"Ya!" naninita niyang sabi.

"Let's sleep, I'm tired." mahinang sabi ko at Pumikit.

"Papaano pa kaya ako Doctor L? Katatapos lang nang duty ko sa ospital." agad akong nagmulat sa sinabi niya.

"Then rest instead of waking me up, hindi ako magsosorry for not treating that patient." mariing sabi ko at tinalikuran si Mia sa pagkakahiga.

"Why can't you treat him?" tanong niya kaya naman bumuntong hininga ako.

"Sa lahat nang ayaw ko ay ang makakita nang batang walang buhay, kung magpapakamatay siya sana mag isa niya nalang." mahinang sagot ko.

"Narinig ko ang sinabi nang magulang nang mga bata, Hindi niya deserve mabuhay." mariing sabi ko.

"Dahil sa Crime na ginawa niya hindi niya na deserve nang second chances?" nilingon ko si Mia.

"Second chances? Kinukuha niya ang buhay na pinahiram sakanya at nandadamay pa siya, second chance?" halatang nagulat siya nang magbago ang tinig ko.

"Kahit n—"

"Enough mia, Stop bringing up that topic. It makes me sick." mariing sabi ko tapos bumalik na sa side kung saan hindi ko siya kita.

"Napakasungit." rinig kong bulong niya tapos mukhang tumayo na siya para bumalik sa kama niya.

~~ GRS hospital 🏥 ~~

Hindi ako pinapansin ni Mia ngayon, mga babae talaga minsan hindi ko maunawaan kung ano ang gusto. Katatapos ko lang sa isang operasyon ngayong araw naglalakad ako papuntang Staff Room pero bigla kong nakasalubong si Mia na mukhang papasok rin sa Loob.

Napamaang ako nang ngiwian ako nito tapos naunang pumasok sa Loob, magbibihis palang sana ako kaya ako bumalik sa Staff room nang maglakad na papasok ay hindi ko inaasahan na sa Locker room rin ang punta niya kaya naman halos mapaatras ako nang bigla siyang humarap.

"Why do you keep following me?" napalunok naman ako.

"I'm going to change.." mahinang sabi ko, hindi niya ako makapaniwalang tinignan kaya naman nagpigil ako nang ngiti dahil alam kong medyo napahiya siya.

"Aish!" nauna na siyang pumasok kaya naman napailing nalang ako, napakainit nang ulo niya.

Nang makapasok sa Locker room ay Nagbihis na kaagad ako tapos Huminga nang malalim at saka ko kumuha nang bagong Hospital Coat dahil naprovide na ito nang hospital kaya naman apat ang meron kaming hospital coat, pang scrub dalawa.

Lumabas na ako nang locker room at saka Dumeretso sa table tapos kinuha ang libro ko at nagbasa nalang. Nang bumukas ang Locker room ay sinulyapan ko si mia pero inirapan lang ako nito.


***


Narinig kong nag uusap si Mia at ang parents niya kasama si kent with Doctor Romeo and president Bartolome. Kumatok ako sandali tapos lumapit kay Tita Miyu.

"Good Afternoon President." bati ko pa at bahagyang yumuko.

"Doctor L." bati nito saakin.

"I'm just going to Inject some Antibiotics Before Discharging Doc." aniya ko kay Doctor Romeo tapos lumapit kay Tita miyu.

"Don't you want to come Luke?" agad akong napatingin kay tita miyu.

"Saan tita?" nagtataka kong sabi.

"Babalik kami nang City, with mia.." agad akong nagulat tapos nilingon si Mia.

"W-wae?" tanong ko.

"Hmm wala naman, Babalik rin naman siya." sagot ni tita miyu.

"Sure, but i can't tita. Hindi ko pwedeng iwan ang GRS hospital." sagot ko at tipid na ngumiti.

"I'll go ahead tita, take care." paalam ko sakanila tapos bahagyang yumuko at umatras na bago tumalikod nang makalabas ay napabuntong hininga ako.

'Why does it feel like losing someone? Babalik rin naman si Mia..'

Huminga ako nang malalim at saka nakagat ang ibabang labi. "Doctor L! Kailangan po kayo sa Emergency Room." agad kong tinanaw si Nuse chi na kumakaway kaya naman nagmadali nalang akong pumunta doon.

Nang makarating ay napatingin ako sa Lalakeng nakahiga sa Emergency room Bed agad kong chineck ang pasyente. "Doc We need to stop the bleeding right away.." aniya ni Nurse roma.

"Stab in Chest.." mahinang sabi ko.

"I need to Open him here.." aniya ko sakanila gulat naman nila akong tinignan.

"But doc.." bumuntong hininga ako.

"Call Doctor Mia for me, I need a General Surgeon." aniya ko tapos Inalis ang White coat ko at saka ako kumuha nang Hospital Gown.

"Close all the binds, Patawag si doctor mia. Nurse Jill ready the Staples and a lot of tap gauze." alam kong kinakabahan sila ngayon ganun rin ako.

"Ready a packs of RBC.." utos ko pa, After 5 minutes ay dumating na si Mia, Nagulat siya nang makita ang dibdib nang lalake.

"A-are you going to open him up?" gulat na tanong niya.

"Ye, I need to stop the bleeding first." mahinang sagot ko, Nang maibaba ang Binds ay nag ayos na ako para mabuksan na ang lalakeng ito.

Matapos bigyan yung lalake nang anesthesia ay Nag antay lang ako nang ilang minuto. "Are you sure you can do this?" tinignan ko si Mia.

"Just follow my lead." aniya ko pa tapos nang makasuot na ang Gloves ay inilahad ko na ang Kamay ko.

"Scapel." nang iabot saakin ay nilinyahan ko kaagad ang parte nang may saksak nang mabuksan siya ay agad na Inihanda ni Mia ang Tap Gauze.

"Bovie." nang mahawakan ang Bovie ay agad kong idinikit ito sa Hiniwa ko nang matapos ay huminga ako nang malalim. "Sternal Saw." napatitig silang lahat saakin

"Hand me the Sternal Saw." nang iabot ay dahan dahan kong ginamit ito sakanya.

"Sternal Retractor." nang nailagay ay binuksan ni Mia ito para saakin.

"Done Doc." sagot niya.

Huminga ako nang malalim at pumikit. "This will be Bloody, Watch on the Vital signs and update me. Get ready for Staples ang Tap Gauze." announce ko pa.

"Scissors." nang iabot ito saakin ay Huminga ako nang malalim at saka Ginupit ang unang Layer para makita ko kung nasaan mismo ang Pinakasugat.

Pagkagupit ko ay awtomatikong lumabas ang maraming dugo kaya naman nang Ipasok ni Mia ang Tap Gauze ay tinignan niya ako. "Did you find it already?" tanong niya.

"There's a lot of Blood, more tap gauze and squeezes the bags of blood." utos ko medyo nataranta na ako kung kaya't huminga ako nang malalim at nang makita ang dumudugo ay agad kong inabot ang Staples.

"I saw it already." nang Istaples ko ito ay nakahinga ako nang maluwag.

"It's a 1cm cut in right ventricle." mahinang sabi ko at saka nang malagyan lahat ay nakagat ko ang labi.

"Vital signs?" tanong ko.

"BP 90 over 40, pulse 100." sagot ni Nurse Jessa kaya tumango ako.

"I'll close him up." mahinang sabi ko at Staples lang ang ginamit para isarado ang Binuksan ko nang matapos ay nakahinga ako nang maluwag at pupunasan na sana ang Mukha gamit ang kamay nang pigilan ako ni Nurse Jessa.

"You should be careful doctor L." aiya niya at pinunasan ang noo ko.

"Thank you Nurse." sambit ko tapos tinignan si Mia na mukhang nakahinga nang maluwag.

"Doctor Mia, Be my first assistant. I'll meet you on the OR in 5 minutes." seryosong sabi ko tapos chineck ang pasyente.

"Ne, Doctor." sagot niya at bahagya pang yumuko tapos Umalis na.

"Nurse Jill, Nurse roma lets proceed to the OR." sagot ko pa at saka Inilagay sa mismong Kama at sa gilid nang kama nito ang nga nakakabit sakanya bago namin siya Itulak papalabas nang Hybrid room.



√√√

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro