Chapter 51
@/n: Sana ol mahaba legs 😆 Luke on the multimedia..
Mia Jasmin's POV.
Napamulat ako nang maramdaman ang araw na nagmumula sa Bintana, napainat naman ako tapos ay mas mahigpit na niyakap ang unan ko. Ala sais na siguro, damang dama na ang araw eh.
Kumurap ako nang kumurap dahil inaantok pa ang mga mata ko, dahil nasisilaw sa araw ay Humarap ako sa likod ko pero agad na nanlaki ang mata ko nang makita nakatingin saakin si luke..
"Gising na." nang sabihin niya yon ay napaupo ako at naalala na antok na antok na ako kagabi habang kausap siya, nakatulog ba ako habang kausap siya?
Agad akong lumipat sa Kama ko. "B-bakit hindi mo ko ginising para palipatin?" nauutal kong tanong sakanya.
"Tinulugan nga ako nang kausap ko kagabi, sa dinami dami nang sinabi ko huhulaan ko wala kang maalala." napalunok ako at saka nag iwas tingin dahil basa ang buhok niya at bago na ang damit niya.
Kaya pala kakaiba yung amoy nang kama pagkagising ko. "S-sorry.. Malikot ba ako matulog?" nakangiti siyang umiling saakin.
"Uunahan na kita, wala akong ibang ginawa, ikaw nga lang ang nagkumot." nakahinga naman ako nang maluwag.
"Maliligo na ako." aniya ko.
"Mabuti pa nga habang tulog pa ang iba." napatango ako tapos lumapit sa Cabinet ko at kumuha nang susuotin para ngayong araw tapos inabot ang towel ko at saka dumeretso na sa labas nang Kwarto.
Pagkalabas nang kwarto ay nakasalubong ko si Doctor Kiro ngumiti ito. "Maliligo ka na ba?" tumango naman ako bilang sagot.
"Good Morning doc." bati ko.
"Good morning." bati niya pabalik.
"Maliligo ka na diba, Kung ganun mauna ka na, Susunod ako." kaya naman ngumiti ako.
"thank you doc." ngumiti siya tapos bumalik sa Loob kaya naman dumeretso ako sa banyo, 20 minutes lang akong naligo at saka sa loob na nang Banyo nag ayos.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Luke na nagkakape at saka nakaupo sa Sofa, hawak niya lang ang Cellphone niya. "Doctor Kiro, Tapos na ako." aniya ko sakanya ngumiti siya tapos tumango kaya naman dumeretso ako kay Luke.
"Isabay mo na ako pabalik ah." tinignan ako nito tapos tumango lang at tumingin nanaman sa Cellphone niya.
Pumasok ako nang Kwarto at saka inayos ang gamit ko at saka ko dumeretso sa Cabinet ko at kumuha nang Exta T-shirt na ilalagay ko sa Locker sa Ospital.
Nang makakuha ay lumabas na ako pero lumapit saakin si Luke na may dala dalang tasa. "Coffee with milk." inabot ko naman yun dahil binigay niya saakin.
"Thank you Doc." sagot ko, nangunot ang noo nito pero tumango lang at saka bumalik sa Sofa at prenteng napaupo habang nakadekwatro pa.
Sa sobrang tangkad niya ay parang hindi niya mapagkasya ang sarili sa Sofa namin sa sala, habang nag iisip ay hindi ko napansin na nakatitig pala ako sakanya kaya naman agad akong napainom nang Kape at nag iwas tingin nang tignan niya ako.
After ko maubos ang Coffee ay nag paalam kami na mauuna na sa Ospital kung kaya't nang makarating ay sa Emergency room na ako dumeretso.
"Good Morning Doc." bati ko kay Doctor Romeo.
Tinanguan lang ako nito, kaya naman mauupo na sana ako sa isang Hospital Bed nang may biglang pumasok na pasyente sa Emergency room.. "Ano pong nangyari ma'am?" tanong ko habang inaakay namin ang pasyente papunta sa pinakamalapit na Bed.
"Nahulog kasi siya mula sa pinakamataas na hagdan, bigla nalang siyang nawalan nang malay at pagkagisng niya sumasakit na ang tyan niya." explain nito kaya naman agad kong chineck ang Paghinga niya at ang Consiousness niya.
Itinaas ko ang damit niya at saka binigyan nang bigat ang kamay ko sa Tyan niya at doon ko napagtanto na may Internal Bleeding ito dahil may Pasa ito at pamamaga nang tyan.
Para masigurado ay Gumamit ako nang Machine pero halos mabitawan ko ito nang biglang may Tumulak saakin nagtataka kong tinignan si Doctor Yasmine na pumalit saakin.
"D-doc." aniya ko.
"Leave, ako nang bahala sa pasyente na to." napalunok ako, Grabe pwede naman niyang sabihin na Itetake over niya bakit kailangan pa niyang manulak nang malakas.
Napapailing akong umalis doon at saka Napipikon na inalis ang Suot kong Gloves at tinapon sa Basurahan. "Ang aga aga galit ka na?" sinamaan ko nang tingin si Luke sa paninimula niya.
"Tulungan mo nalang si Doctor yasmine don, mukhang ayaw niyang nalalamangan." inis na asik ko at umalis na nang Emergency Room.
"W-wait, is that patient urgent?" nilingon ko siya matapos akong habulin.
"There's a Spleen damage that causes hemorrhage, agapan mo." maayos na sabi ko at umalis na doon, pagkalabas na pagkalabas mang ER ay napatingin agad ako sa Babaeng may Hawak na bata.
"Doc! Doc! Tulungan niyo po ang anak ko!" nag aalala ko siyang nilapitan at tinulungan dalhin sa emergency room ang bata.
"Ilang taon na po ang bata?" tanong ko at mabilis na Pinahiga ito sa Bed tapos gamit ang flash light na maliit ay tinignan ko ang mata nito.
"10 years old po!" nag aalalang sagot nang nanay nito.
"Maari niyo ho bang sabihin ang nangyari." maayos na sabi ko at Chineck ang Airway nang bata pati na ang paghinga niya.
"Nag Cr lang po kasi ako sandali pero pagkabalik ko po bigla nalang po siyang naging ganyan.." nakagat ko ag labi.
"Nurse Roma." siya man ang Head nang nurses ay lumapit siya saakin.
Pinakiramdaman ko ang Tibok nang puso nang bata. Tinignan ko ang Kuko niya.. "Ganito po ba ang Kuko niya?" tanong ko, para itong nag bublue na violet.
"May Congenital Heart Disease po siya.." nakagat ko ang labi, Shit..
"Nurse Roma, will you call Doctor L?" aniya ko sakanya, tumango ito at mabilis na umalis.
"Ma'am Step aside." pakiusap ko tapos Binuksan ang damit niya.
Pinakinggan ko ang tibok nang puso nang bata, bumabalik na sa Normal may arrhythmia ba siya? O cause ito nang Congenital Heart disease niya or CHD.
"What's the problem?" tanong kaagad ni Luke.
"CHD patient, He's 10 years old.. His heart just suddenly return to normal." aniya ko kay luke tinitigan niya ako.
"From Bradycardia to Tachycardia then to Fibrillation to Normal.." tumango siya.
"It is one of the symptoms of CHD." aniya ni luke.
(CHD means Congenital heart disease, while arrhythmia is Irregular heartbeat. Tachycardia is part of Arrhythmia that means the Heart, beats to fast.)
(Bradycardia means the heart, beats too slowly. Fibrillation ito yung Irregular, nag iiskip, minsan sandaling tumitigil at babalik)
"Ma'am do you want to do an operation? Or heart transplant?" napatitig ako sa pagiging derekta ni Luke.
"Ya.." tinignan niya ako at tumingin sa Nanay nang pasyente.
"W-walang puso na maaring ilagay sa anak ko, sabi nang ibang ospital." aniya nang nanay.
"Hahanap po kami." aniya ni Luke.
"Kung meron po sige, Gagawin ko ang lahat para mailigtas ang anak ko." tumango si Luke.
"We'll be do some Test to your kid ma'am, i hope you cooperate and do your best as a parent." hindi nakasagot ang nanay nang bata kaya naman napabuntong hininga ako.
Napapailing kong tinignan si luke, that's rude.. Do your best as a parent? Mukha bang hindi ginagawa nang parent na to ang best niya para sa anak niya?
Nang tignan ako ni luke ay tumingin nalang ako sa Bata at saka inilagay ang Pulse Oximeter at saka Sinindi ang Machine na nakadikit sa Dibdib niya, maya maya ay nagkamalay na ito. "Mommy.." nang tawagin niya ang nanay ay Gumilid ako.
Pagkatabi ko ay dumeretso alis na ako pero nakaharap ko si Doctor Yasmine. "Wag na wag mo nang papakialaman ang boyfriend ko naiintindihan mo?" tinitigan ko siya.
"Boyfriend mo?" sarkastika kong sabi, ngunit nakagat ko ang labi nang duruin at itulak niya ang noo ko.
"Stop being sarcastic with me, Intern." napatango ako sa sinabi niya.
"Should i be rude then?" seryosong sabi ko at nauubusan nang pasensya.
"What?!" nginisian ko siya tapos tinitigan sa mukha.
"So what if i'm an intern? Does that bother you a lot?" sumbat ko, Nakita ko naman si Nurse Roma na lumapit saamin.
"Doctor Mia, Doctor Yasmine enough." naninita nitong sabi, kung may isa pa man akong kakatakutan bukod kay Doctor romeo si Nurse Roma yon.
"Bother me a lot? Ganun ba kataas ang tingin mo sa sarili mo?" nang iinsultong sabi ni Doctor Yasmine.
"Hindi, pero ganun ang tingin mo saakin. Kaya hindi mo ako pinaghahawak nang pasyente, kaya kahit tama ang ginagawa ko ginagawa mong mali hindi ba?" seryosong sabi ko.
"Doctor Mia, enough." napatango ako.
"Pag sinabi kong mali ka, mali ka. Kailan pa ba ako natalo nang intern?" nang aasar na sabi ni Doctor Yasmine.
"Ngayon?" seryosong sabi ko pa.
"Ang kapal naman nang mukha mo, anong patunay mo na natalo mo ako?" sumbat niya.
"Nang mapansin ko ang Bile Duct Injury at binalewala mo kasi pakiramdam mo naapakan ko ang pride mo diba?" napapikit ako nang sampalin niya ako, mahina akong tumawa.
"Doctor Yasmine!" sita ni Nurse Roma.
"I pity you Doc, You can't just win easily because you're my senior. I don't care about Seniority if you have that kind of attitude." aniya ko tapos tinignan siya sa mata.
"Ha! Ang yabang mo rin talaga ano!?" sigaw ni Doctor Yasmine.
"Enough!" sigaw ni Nurse roma.
"Shut up!" napamaang ako kung papaano niya sinigawan si Nurse Roma, nagulat si nurse roma dahil sa ginawa niya.
"You're not just suffering PTSD, doc.. You have mental illness." aniya ko pero sa sinabi ko ay Hinablot niya ang Uniform ko kaya naman tinignan ko lang siya.
"M-mia— doctor Yasmine, let go." aniya ni Luke kaya naman nilingon ko siya.
"Step aside, this is Girl Fight." seryosong sabi ko.
"I can't disrespect you but you didn't respect our Senior." nakangising sabi ko.
"Who do you Think you are Doctor Yasmine? Stop competing with me. If i don't bother you why bother me?" seryosong sabi ko tapos Hinawakan ang kamay niya at inalis ang pagkakahawak nito sa Uniform ko.
"Mia." aniya ni Luke.
"Don't butt in Luke." mahinang sabi ko.
"I'm an intern Doctor Yasmine, You are already a Gs Surgeon. Why bother competing with me when i'm not into a competition?" nawala ang ngisi ko.
"I'm not a killer, I was just saving a patient." mahinang sabi ko.
"I never let anyone do this thing on me, ikaw lang ang kaisa isa. Natatawa akong panoorin na bothered ka saakin. I'm an intern." aniya ko.
"Wag kong gamutin ang Boyfriend mo? Wag kong pakialaman? Papayag naman ako Doctor Yasmine, kung ititigil mo ang ginagawa titigil rin akong saksakan siya nang Insulin." mariing sabi ko.
"Sa susunod na dumapo ang palad mo saakin hindi ako magkakamaling sipain ka sa mukha, dahil hinding hindi ko hahayaan na masira ang kamay ko sa isang tulad mo." nang iinsulto kong sabi at saka ako naglakad papaalis doon.
Nang makalabas ay dumeretso ako sa Staff room or Doctors room nang makapasok doon ay hinabol ko ang pag hinga dahil sa kagustuhang gumanti sa pagsampal niya saakin.
Mariin kong kinagat ang labi at saka sinipa ang pader. "Aish! That woman! How dare she slap me?!" inis na sabi ko pa.
"Mia." nilingon ko si Luke tapos nginusuan siya.
"Gwaenchanha?" iniiwas ko ang tingin sakanya nang tanungin niya kung ayos lang ba ako.
"How? How to be okay Luke, That woman is getting into my nerves." naiinis na sabi ko at saka Pabagsak na naupo sa Sofa.
"Relax, Akala ko nga ay mapuputol na ang pasensya mo." sininghalan ko si luke.
"Sa oras na maputol yon patay ako kay Mommy, ang tagal kong pinaghirapan ang pasensyang ito mauubos lang sakanya." inis na asik ko.
"Chill, mas lalong mapuputol ang pasensya mo niyan." nilingon ko si luke para sana bulyawan pero napakaganda nang ngiti niya saakin.
"Oh, biglang gumanda yung mood mo noh?" napairap nalang ako sa sinabi niya..
"She likes you." mahinang sabi ko.
"Ikaw rin naman ah." agad ko siyang nilingon tapos dinampot ko ang Crocs na Sapin pang paa at saka Binato sakanya.
"Gusto mo masaktan?" tanong ko.
Tumawa naman siya tapos naupo sa tabi ko hindi ba to natatakot saakin? Galit na ako ngumingiti pa? Aish! Nakakapikon. "Ilang beses pa ba Mia?" natigilan ako at nawala ang galit ko dahil sa tanong niya.
"Hmm mga ilang beses mo pa ba ako gustong saktan?" kinabahan ako nang unti unting mawala ang ngiti niya.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro